KABANATA 17

99.5K 1.2K 127
                                    

Samantha's P.O.V.

Iba pala talaga kapag may pera ka. Mas marami kang options. Mas marami kang kayang gawin, at mas may mangyayari sa lahat ng gusto mong mangyari. Mas madali mong maiisasakatuparan ang kahit ano mang naiisin mo. Ang bayaran ang kabutihan ng mga taong no'ng mga panahon ng kawalan mo'y naging mabuti sa 'yo. Pati na rin ang gantihan ang lahat ng tumarantado sa 'yo.

It's payback time. Sa lahat ng taong naging mabuti, pati na rin sa lahat ng mga nanakit sa akin.

Inuna kong paimbestigahan ang mga nagbabanta ng panganib sa amin ni Fidel. Ang mga walanghiyang tunay na pumatay sa aking tunay na ina. Tama ang hinala namin ni Fidel, at ngayon nga'y may mga ebidensya at nagsilabasang saksi na kami...na ang taong nakilala namin sa pangalang, Director Edgar Toralba--isa sa mga Board of Directors ng kumpanya ni Fidel, na dating naging karelasyon naman ng aking tunay na ina, ang tunay na may pakana ng lahat. Kinumisyon nito ang mayordoma sa bahay, pati na rin ang hardinero at ilang mga katulong, upang maisagawa ang lahat kanyang mga plano.

Ayon sa mga dating kasambahay ng aking tunay na ina, nasaksihan daw nilang si Director Toralba mismo ang lumunod sa pool sa aking Mama. S'ya rin ang nagpa-kidnap at pumatay sa pangalawang asawa ni Fidel. Akala ko'y 'yun na ang pinakakagulat sa lahat ng ginawa niya. Mas nakakagulat pa pala ang nalaman kong... siya rin pala ang gumamit kay Clara para patayin ang aking Papa, upang tuluyan na nila akong mailayo sa aking tunay na ina

Ang dahilan?

Pera. Kayamanan. Salapi.

Gusto n'yang makuha ang lahat ng kayamanan ng tunay kong ina. Ayon sa mga saksi at dating katiwala ng tunay kong ina, siya rin pala ang nagtulak sa Papa ko para tuluyang layuan ang aking ina noon. At dahil sa takot ng Papa na pagtangkaan nito ang buhay ko, binitbit n'ya ako upang magpakalayo-layo, isang araw matapos akong maipanganak.

Hindi pa nakuntento ro'n si Director Toralba. Ipinahanap nito ang aking Papa at ginamit si Clara para akitin ito. At upang tuluyan nang mabaon ang sikreto ng aking pagkatao, unti-unti naman nitong nilason si Papa hanggang sa tuluyan na itong mamatay.

Mga hayup sila. 

Mas malala pa sila sa mga demonyo. 

Nararapat lamang sa kanila ang dalhin sa pinakamalalim na parte ng impiyerno. Silang dalawa ang may kagagawan kung bakit ako naulila. Pagbabayaran nila ang lahat ng mga paghihirap ko.

Sa awa ng Diyos, hindi naman nagtagal ang kaso. Sa dami ng naglakas loob na tumestigo laban sa kanila, hindi na sila nakalaban pa. Kapwa na sila ngayong mabubulok na sa bilangguan. Nakakatawa ngang si Clara, na nasa kulungan na dahil kasong isinampa ni Karl laban sa kanya'y panghabangbuhay nang mananatili sa bilibid.

Mabuti nga sa kanya.

Kulang pa nga 'yun eh. 

Kung ako ang masusunod, kung ano ang inutang niya, 'yun din dapat ang pagbayaran n'ya. Pinatay n'ya ang Papa, hindi ba't mas fair kung hindi na rin s'ya humihinga?

***

"Hindi mo pa rin ba kakausapin si..." ani Fidel. Inginunguso nito si Karl na naging dakilang stalker ko na simula nang malaman nitong napawalang bisa na ang kasal ko kay Fidel. Nakaabang ito ngayon sa labasan ng korte. Parati itong naro'n kahit hindi ko naman ito pinapansin o kinakausap. Ilang beses ko na rin itong itinaboy pero...bumabalik-balik pa rin ito.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now