KABANATA 14

108K 1.4K 65
                                    

Karl's P.O.V.

Isang buwan ko na rin s'yang sinusundan;  tinitingnan ko ito sa malayo sa bagong pinagtatrabahuhan n'ya o di kaya'y sa apartment n'ya. Kung minsan, sinusuwerte akong makita s'ya, pero mas madalas ang hindi.

Ano na naman kaya ito?

Natanaw ko kasi ngayon na nakaakbay na sa kanya ang putang inang matandang parati nitong kasama. Napag-alaman kong 'yun si Fidel Jimenez, singkwenta'y singko anyos, Presidente at CEO ng pinagtatrabahuhang kumpanya ni Samantha bilang isang sekretarya.

Kung hindi nito hinahawakan ngayon si Samantha, wala sanang problema. Pero lintek! Akin si Samantha kaya h'wag s'yang mang-agaw ng hindi kanya.

"Karl, ano ba?"

Hinila ko ang braso ni Samantha bago pa ito nakasakay sa kotse ng matandang 'yun.

"Teka, sino ka ba?!" Maangas na tanong ng matanda.

"Ako ang Fiancé niya, ikaw? Sino ka?!" Buong yabang kong banat sa kanya. Mag-iingat s'ya, dahil kahit magkasing tangkad lang kami, mas bata at mas malakas ako sa kanya. Kayang-kaya ko s'yang patumbahin!

"Is that true, Samantha?"

"Hell no!" Sigaw ni Samantha sabay bawi sa braso n'ya. "He's only my step-brother!"

"S'ya ba?" Nakangising tinignan ako ng matanda mula ulo hanggang paa--at pabalik.

"Ako ba ang ano?!" Naiirita kong tanong kay Fidel Jimenez.

"Ikaw ang walanghiyang nangmolestya sa kanya noong dose anyos pa lang s'ya? Ang puno't dulo ng pagkasira ang buhay n'ya?!"

Natigilan ako. Gano'n na ba sila ka close ng lalaking ito para malaman ang ganoong kasensitibong impormasyon? Tiningnan ko si Samantha, nagbabaga ang mga mata nito.

"Pabayaan mo na ako 'kuya' Karl. Hindi na ako babalik sa 'yo!"

Heto na naman. Tinawag na naman n'ya akong Kuya!

"At kanino ka sasama? Sa gurang na 'to?" Dinuro ko si Fidel.

"Oo!" Buong tapang n'yang ipinamukha sa akin.

Hindi ko 'yun matanggap. Puta! Parang tinapakan na rin n'ya ang pagkalalaki ko ah. Namoo ang poot sa dibdib ko. Kay tagal ko s'yang hinanap. Kung ano-anong aberya ang pinagdaanan ko para makasama ko s'yang muli, tapos ganito?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Bakit Samantha? Mas marami ba s'yang pera?" Intensyon kong galitin ito. "Mas magaling ba s'ya sa kama?" Intensyon kong insultuhin din ang matanda.

Nakita ko ang pagsulyap nito kay Fidel.

"Hindi ko kailangan ang pera n'ya, kagaya ng hindi ko kinailangan ang pera mo noon. Kung meron man akong kinuha sa 'yo, alam na alam mong pinagtrabahuhan ko ang mga 'yon!" Kalmado naman ang pagkakasabi n'ya "Gusto mong malaman ang totoo? Oo, mas magaling s'ya sa iyo...mas sobrang mas magaling s'ya sa iyo sa kama." Sabay ngiti kay Fidel--na nginitian din s'ya pabalik. "Mas magaling s'ya sa iyo sa lahat ng bagay. Kaya kung may awa ka pa sa sarili mo, 'wag na 'wag kang makikipagkumpitensya sa kanya. Mas may edad nga siguro s'ya sa 'yo, pero walang-wala ka pa sa kalingkingan n'ya!"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon