KABANATA 12

111K 1.4K 49
                                    

Samantha's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali Karl. Ang gusto n'ya, magpakasal na raw kami agad-agad. Wala raw s'yang pakialam kung sa huwes o sa simbahan, basta't  ang gusto n'ya makasal na raw kami sa susunod na linggo.

"Senyorito...may bisita po kayo sa labas." Sabi ng isa sa mga katulong. Magkakasalo kaming naghahapunan.

"Sino raw?" Malamig na sabi ni Karl.

"Ah, eh." Sabay sulyap sa akin ng katulong at pagkatapos ay tumungin ulit kay Karl. "Ang pakilala n'ya po'y si Danica. Nobya n'yo raw po s'ya."

Nobya? May nobya siya?

Agad bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Karl. Namumutla ito;  napasulyap sa akin at sa kanyang Papa. Umiwas ako ng tingin; yumuko ako at nilaro-laro ang mga kubyertos.

Hindi pa ako nakaka-recover sa mga kaganapan, natanaw ko na ang isang napakandang babaeng papalpit sa hapag-kainan. Niyakap nito si Karl mula sa likuran. Hindi naman makagalaw si lalaki.

"Hun? What's taking you so long here? Akala ko ba isang buwan ka lang dito sa Pilipinas. Namimiss na kita eh umh." Hinalikan s'ya nito sa pisngi.

Hindi ba dapat tumatanggi na si Karl, o di kaya nama'y kumakalas na sa mga yakap nung babae? Pero...hindi gano'n nangyari. Nakaupo lang ito ro'n na tila walang balak gawin na kahit ano.

Napasulyap ako sa mga braso ng babaeng nakapulupot sa kanyang leeg. Napansin ko rin ang  kaliwang kamay nitong may nakasuot na engagement ring.

"H-ha? K-kailangan kasi ako ng Papa rito."Nakapako ang tingin ng walanghiya sa 'kin habang sinasabi n'ya 'yun. 

"Ah..." Sabay kalas no'ng Danica sa kanya, tumunghay, lumakad nang kaunti papalapit sa kanyang Papa at saka inilahad ang kanyang kanang kamay, "Hello po, kayo po pala ang Papa ni Karl, ako nga po pala si Danica...Fiance niya."

What?!

Tahimik na sumulyap muna sa akin ang Papa ni Karl, bago nito inabot ang kamay ni Danica.

"Mabuti naman at napadalaw ka, hija." Sabi ng matanda.

"Naku opo, ito naman po kasing si Karl, araw-araw ba naman akong tinatawagan para sabihin lang na mae-extend muna s'ya ang stay rito, ang kaso, miss na miss ko na talaga siya kaya...heto ako. Ako na ang umuwi." Nakabungisngis ito.

Araw-araw? Talaga lang ha?

Tiningnan ko nang matalim si Karl; agad namang umiwas ito ng tingin.

What the fuck is this all about? Inalok niya ako ng kasal at iniuwi rito, pero 'yung Danica na 'yun ang may sing-sing at ipinangangakandakan pa na engaged na sila? At ang masaklap pa, hindi man lang s'ya nagprotesta?

Eh tarantado pala 'tong lalakeng 'to eh. Pinaglalaruan ba n'ya ako? Whatever this is...hindi ako makapapayag na ako ang magmukhang tanga.

"A-and she is?" Tanong ni Danica kay Karl. Itinuturo ako nito.

Hah! Mukha namang nataranta ang putang inang lalake!

"I'm Sam!" Ako na ang umepal. Tumayo pa ako sa kinauupuan ko. Inilahad ko ang kamay ko, "I'm his...sister!"

"Oh," kinamayan ako nito, "ikaw pala si Samantha. I heard so much about you. Nice to meet you, Sam." Nakabungisngis pa ang bruha.

Forbidden LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt