KABANATA 19

88.7K 1.5K 480
                                    

Samantha's P.O.V

Hindi ko na namalayan na napa-idlip na pala ako sa tabi Karl.  Tumingin ako sa relo, alas otso na pala.  Naku, kailangan na n'yang mag-dinner.  Tiningnan ko s'ya, mukha namang tulog na tulog pa s'ya. Kaya lumabas na lang muna ako para ako na mismo ang mag-prepare ng hapunan n'ya.

"Si Karl? Gising na ba?"  Tanong sa akin ni Tita Aurora. Dala-dala ko ang food tray—pabalik na ulit ako sa kuwarto para pakainin s'ya.

"Tulog pa po s'ya nang iniwan ko s'ya kanina, pero gigisingin ko na po para makakain na s'ya."

Tumango si Tita Aurora. Sinundan ako  nito sa pagpasok ko sa silid.

"Karl, it's dinner time." Malambing kong paggising sa kanya.  Tinapik ko nang bahagya ang kanyang pisngi, pero hindi ito gumalaw. Mukhang malalim ang pagtulog.

"Karl, anak, gising na."  Si Tita naman ang tumapik sa kan'ya sa kabilang pisngi, pero hindi pa rin ito gumagalaw.

Nagkatinginan kami ni Tita.

"Karl, gising na."  Mas nilakasan ko ang pagtapik sa kanyang pisngi, at inalog ang kanyang dibdib.

Hindi pa rin ito gumagalaw.

"Karl!"  Pag-alog naman sa kanya ni Tita na may halong panic na. 

Hindi pa rin ito gumagalaw.

Shit anong nangyayari?!

"Karl?!"  Yug-yug ko ulit. Hindi talaga ito magising.  Tiningnan ko ang mukha n'ya? Sobrang putla.  Kinapa ko ang pulsuhan n'ya, wala akong maramdaman.  Pinakinggan ko ang dibdib niya, wala akong marinig na tibok!

Shit! Is he dead?!

Grabe ang kabog ng dibdib ko.  Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lakas pag-tibok ng puso ko.

Anong nangyayari? Patay na ba s'ya?

"Karl, anak ko!"  Nagsimula ng umiyak ang Tita Aurora.

"Karl!" Sigaw ko at niyuyugyog ito nang paulit-ulit. Nagsimula na akong humagulhol.

Humagibis si Tita palabas.

"Tumawag kayo ng Ambulansya, bilis!"  Sigaw n'ya sa kung sino sa labas ng k'warto. At pagkatapos noo'y lumupagi na ito sa pag-iyak; tintawag ang pangalan ni Karl.

Waiting for the ambulance to arrive was the longest wait I ever had in my life, though ang totoo, wala pang ten minutes nang dumating ito.  Sumama kami ni Tita sa ambulansya, habang si Tito, Onin, Nenita at driver na si Mang Ted ay sumunod na lang sa amin gamit ang Van.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"I'm so sorry Mr. Montalban," umiiling na sabi ng doctor kay Tito Juan.

He's declared D.O.A.—Dead on Arrival.

Napahiyaw ang Tita Aurora na tila walang ibang tao ro'n. Gumulong na ito sa sahig sa pagwawala. Hinahawakan ito nina Nenita at Onin para itayo. Ako nama'y heto, nakatulala. Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now