SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2...

By HeartRomances

45.2K 899 12

"Sana bukas paggising mo, mahal mo na ako." Nag-crash ang eroplanong kinalululanan ni Jasmine nang patungo it... More

CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
FINALE:

CHAPTER 9:

2K 45 1
By HeartRomances

KINAPA ni Jasmine ang kabilang bahagi ng kama, walang tao. "Spencer-" pabulong na tawag niya sa pangalan ng lalaki. Dahan-dahan siyang dumilat nang walang sumasagot.

Bumulaga lamang sa paningin niya ang tahimik na silid kung saan siya nag-iisa.

Nagdedeliryo na siya bunga na rin sa mga pangyayaring biglaan. Masikip na naman ang dibdib niya. Kinuha niya ang isa pang unan at mahigpit na niyakap. "Iniwan mo na nga pala ako." Matamlay niyang sabi. Ang buong akala niya ay magkakasama pa sila nang matagal ngunit sa isang iglap, parang bulalakaw na naglaho ang lahat.

Ibinaling niya ang atensiyon sa tiyan niya, kinausap ang sanggol na hayun na naman at napakalakas magparamdam ng pagdamay sa kanya.

"Pasensiya ka na anak," she mumbled, her tears started falling. "Pasensiya ka na kung masisilayan mo ang mundo nang walang ama. Huwag kang mag-alala kasi nandito naman ako, hindi kita iiwan." She then smiled bitterly. "Pangako, bubusugin kita ng pagmamahal ko."

Hinayaan niya ang pagdaloy ng sunud-sunod na luha sa gilid ng kanyang mata, hanggang sa unti-unti na rin na nababasa ang unan.

"Dalawang buwan na lang at makikita na kita. Sana makita ka rin ng ama mo kahit na may ibang pamilya na siya kung sakali." Nanghihina niyang sabi, wari bang nakauunawa ang may buhay sa sinapupunan niya at naglililikot itong muli sa loob ng kanyang tiyan.

"Mabubuhay naman tayo kahit wala ang ama mo, pero iba pa rin iyong naaalagaan ka rin niya ' di ba?" she inhaled deeply, pakiramdam niya'y nasa tabi-tabi lang ang binata, kapiling at nakamasid sa kanya. Pero alam niyang isa lamang iyon sa mga imahinasyon niya na malabong mangyari, napaka-imposibleng ilusyon. Naisip niyang may iba nga talaga sigurong plano ang diyos para sa kanila.

Mula sa pagpapanatag ng sarili ay natuon ang pandinig ni Jasmine sa mahina at magkakasunod na katok sa pinto.

Si Hyacinth ang nasa labas. Mula sa pagkakahiga ay maingat siyang bumangon.

Narinig niya itong nagsalita. "Caz, lumabas ka muna rito." Wika nito.

Inayos ni Jasmine ang nagusot na bestida at ipinusod muli ang nagulo niyang buhok. Ang mga mata niya lamang ngayon ang hindi makakaiwas mula sa pamamamaga nito.

Pinihit niya ang seradura at bumungad sa kanya ang larawan ng isang buong pamilya na mas lalong nagpadagdag sa sakit na nararamdaman niya sa dibdib.

Naiinggit siya.

Napansin kaagad ni Eros ang anyo niya. "Namumugto na naman ang mga mata mo. Will you please stop crying?" nakapamaywang na sermon nito.

Sandali niyang niyuko ang paanan pagkatapos ay inangat din ang ulo sa mag-asawa. "H-hindi ko mapigilan. May kailangan ba kayo? Gusto ko muna kasi mapag-isa."

"Hindi ka pa kumakain simula kagabi. Alam mo na makakasama sa'yo ang walang resistensiya sa katawan, higit sa lahat na hindi ka na mag-isa ngayon. May buhay sa sinapupunan mo na kailangan mong pangalagaan." Concern na pahayag muli ni Eros.

Sumang-ayon na rin si Hyacinth. "Tama ang kuya mo kaya halika na sa komedor nang makapag-lunch ka na," segunda ni Hyacinth.

Maagap siyang tumanggi. "Hindi ako nagugutom."

"Jas, kung magmumukmok ka sa kwarto na 'yan, sa tingin mo ba may mapapala ka? May magbabago ba? Wala," he shook his head. "Walang mangyayaring bago,"

She nodded slowly. "Siguro nga tama ka, pero kahit ano pa man ang gawin ko hindi na rin mababago pa ang katotohanan na wala akong kwentang tao. Isa akong manggagamit at-"

"Enough!" mariing pigil ni Eros sa sasabihin niya, halata na sa boses ng kapatid ang pagkairita. "Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa mga negatibong bagay."

"Naguguluhan lang si kuya." Dugtong ni Hyacinth.

"W-wala kayong alam. Wala kayong ideya sa tunay kong nararamdaman. Kahit saan ako tumingin siya lang ang nakikita ko. Tulad ngayon, marinig ko lang ang pangalan niya para akong pinapatay nang paunti-unti. Ang sakit...ang sakit kuya." Umatras siya, hanggang sa marating niya ang dulo ng kama. Pinagdaop niya ang mga palad sa mukha nang makaupo na siya.

Sinenyasan ni Eros ang asawa na kausapin si Jasmine, kinuha nito ang bata mula sa babae na kaagad ding tumalima.

Naupo ito sa tabi ni Jasmine at kinuha ang kamay nito, dinala sa kandungan. "Naiintindihan ko ang kalagayan mo. Pinagdaanan ko rin ang pinagdadaanan mo bago naging kami ng kuya mo. Labis kitang pinagseselosan noon dahil ang akala ko karibal kita sa puso ni Eros." Panimula nito.

Nagtaka si Jasmine sa pag-amin na iyon ni Hyacinth. Kaya ba ito lumayas noon ay dahil siya ang dahilan? Dahil sa pinagselosan siya nito?

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng ulo, tumingin siya nang derestso kay Hyacinth.

Nagpatuloy lang ito sa pagkukwento. "The last time that we made love, pangalan mo ang nabanggit niya. Wala nang mas sasakit pa doon, na marinig mo ang pangalan ng ibang babae pagkatapos mong ipaubaya ang sarili mo sa lalaking mahal mo." She paused. Nakangiti siya nitong sinulyapan, na para bang pinalalakas nito ang kalooban niya.

"After then, I've decided to find myself. I went far away and live a normal life without him, pero hindi pala ganoon lamang kadali ang lahat, hindi ganoon kadaling mabuhay ng normal," huminto muli si Hyacinth at hinagod ng tingin si Jasmine.

"I found myself empty kahit pa man dinadala ko ang anak niya, kulang na kulang pa rin dahil wala siya, pero natuto akong magtiis at tanggapin na may katapusan at tamang panahon ang lahat ng bagay."

"Sinasabi mo ba na posibleng may tamang panahon para sa akin at sa kuya mo?"

"Exactly."Mabilis nitong sang-ayon.

"Eh kayo ni kuya p-paano naging successful ang lovelife ninyong dalawa?" takang tanong niya.

"He seduces me again."

Kumunot ang noo ni Jasmine. "Siyempre nagbibiro lang," tumatawang bawi ni Hyacinth sa sinabi. Inakbayan nito si Jasmine at humilig sa balikat niya.

Nagpatuloy ito. "Sumunod siya sa Canada. Nakipagkuntsaba siya sa parents ko at sa mga boys kaya niya ako natunton. I was very surprised when I saw him," she smiled. "Akala ko imagination ko lang. Pagkatapos niyaya niya ako ng kasal na hindi ko naman tinanggihan."

Jasmine exhaled, changing the subject. "Kailan niya nasabi sa'yo na magkapatid kami?"

Humina ang pagsasalita ni Hyacinth. "Noong ipagtabuyan ko siya dahil nabulag ako ng panibugho, pero dahil naging tapat siya, doon ko napatunayan sa sarili ko na mahal niya ako. Kaya niyang isakripisyo lahat alang-alang sa akin at sa anak namin."Umayos ito ng upo.

"Bakit mo 'to sinasabi ngayon sa'kin?"

Huminga si Hyacinth nang malalim, tumingala sa kawalan saka muling bumuntong-hininga. "Simple lang," sinulyapan siya nito. "Para maging matapang mong harapin ang mga pagsubok na kinakaharap mo ngayon. And to make you understand what life really is." Tinitigan niya ang katabi. Ngumiti si Hyacinth nang bahagya pagkatapos. "That was grandpa taught me."

Umiling-iling si Jasmine tanda ng hindi maintindihang damdamin. Labis pa rin siyang naguguluhan. "I don't know what the right thing to do." Tumayo siya at huminto sa pintuan. Nakasunod naman sa kanya si Hyacinth, hanggang sa inalalayana na siya nito papunta sa komedor.

~~~~

ARAW ng Lunes, katulad ng nakasanayan niya, maagang gumising si Jasmine. Kagabi ay hindi siya pinatulog ng sanggol sa sinapupunan niya.

"Ganyan talaga kapag buntis, may mga panahon na nagiging sobrang likot iyong bata sa sinapupunan mo lalo na dalawang buwan na lang at iluluwal mo na 'yan," wika ni Hyacinth nang mabanggit nito ang tungkol doon.

"Nakakatuwa nga. Minsan nahuhuli ko iyong paa niya sa tagiliran ko, bumubukol." Masayang kwento niya.

"At hindi lang iyon subukan mong kausapin at talagang maglililikot."

"Oo nga,"

Tama naman ito. Minsan na kasi nilang ginawa iyon ni Spencer noong huling araw na makapiling nila ang isa't-isa. Sandali siyang natigil sa pagbabalik alaala. Ipinilig niya nang marahan ang ulo. Nanunumbalik na naman ang alaala nila sa Punta Isla.

"Oh, malungkot na naman ang hitsura mo. Something wrong?"

Umiling siya. Naipahalata na naman niya ang lungkot. "Wala, may naisip lang ako bigla."

Nakauunawang tumango si Hyacibth. "Pigilan man kita na huwag maisip si kuya Spencer mahirap gawin iyon, pero sa ngayon focus ka sa baby mo at sa future ninyo. Don't worry caz, we'll be here for you."

"Salamat," maikli niyang tugon.

Nagpasalamat siya ng palihim nang hindi na muling nagsalita si Hyacinth at hindi na siya muling inusisa pa nito.

KAPWA sila napalingon sa malakas na pagsara ng pinto.

Nakangiting mukha ni lolo Fortun ang bumungad sa kanila. "Kumusta na ang naggagandahan kong mga apo?"

Nag-aalangan na tumayo si Jasmine. "Grandpa-" si Hyacinth ang unang lumapit dito, maagap na niyakap ang kanyang grandpa.

"H-hindi ka na sana nagpunta dito. Dadalawin ka naman namin sa villa."

"Aba! Iyong mga halaman ko na lamang ang kapiling ko sa villa. Ayaw ko naman na masiraan ng ulo sa pakikipag-usap sa kanila." Tumatawa nitong wika. Nakisabay na rin ng tawa si Hyacinth at bumulong sa matanda na iiwanan muna niya ito upang makausap si Jasmine.

"Sige na apo at ako na ang bahala."

"Ok grandpa, I'll go ahead." Nilinga nito si Jasmine. "Caz, pupuntahan ko lang si baby sa kwarto." Tinapik nito ang balikat ng matanda at hindi na rin hinintay ang sagot ni Jasmine.

Nakikiramdam si Jasmine, dalawa na lamang sila ng matanda at kabadong-kabado siya.

"J-jasmine, hindi mo ba na-miss si lolo?" malumanay ngunit hindi iyon pinansin ni Jasmine. Nahihiya siyang humarap sa matanda lalo pa at hindi niya nagampanan ang tungkuling pinagagawa nito sa kanya.

"Apo?" muli nitong untag sa kanya.

Pumikit muna si Jasmine bago humarap. Nasisiguro niyang banaag sa anyo niya ang kawalan ng tulog at pahinga, pero pinilit niyang magmukhang kampante at walang pinapasang problema, ang hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap na ok siya.

"H-hindi ka galit sa akin?" kinakabahan niyang tanong habang papalapit sa kinaroroonan ng matanda.

"H-hindi mo man lang ba muna ako yayakapin?"

Napangiti si Jasmine at mahigpit na niyapos ang kanyang lolo.

"Wala akong dahilan para magalit," sabi nito, hinahagod ang likod niya. "Masaya ako dahil sinunod mo iyong payo ko sa'yo minsan. Do you still remember?" he added.

Mas lumapad ang ngiti ng dalaga. Kung kani-kanina'y masikip ang dibdib niya at gusto na naman niyang umiyak, ngayon may dahilan siya para ngumiti at dahil iyon sa lolo nila.

"Oo naman lolo." Kusa siyang bumitiw sa pagkakayakap dito.

Ginagap ng matanda ang kanyang palad. "Sasama ka sa akin. Doon ka muna sa villa." Sabi nito.

"S-sigurado ka ba lolo?"

"Oo, huwag kang mag-alala ikukuha kita ng nurse na magbabantay."

Babalik siya muli sa villa kung saan umusbong ang bata niyang damdamin kay Spencer na hanggang sa pagtanda niya'y ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Baka mas labis lamang niya na madama ang kahungkagan at pag-iisa.

Tiningan niya nang deretso ang matanda. Naguguluhan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...