CHAPTER 12:

2.3K 38 2
                                    

"WHAT are you doing hon?" nakapamaywang na tanong ni Georgia kay Spencer kinabukasan.

"Nag-iimpake!" mabilis na sagot niyang nasa ginagawa pa rin ang focus.

"P-pero bakit? Saan ka pupunta?"

Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakayukod sa kaharap na maleta, lumapit si Spencer sa nobya. "Hon, umuwi na tayo ng Pilipinas."

Kumontra ito kaagad. "Hon, no!"

Sinadyang hawakan Spencer ang baywang ng nobya saka dinampian ng pinong halik ang labi ni Georgia, pagkatapos ay mabilis ding pinakawalan. "Come on hon, mag-impake ka na." Demand niya saka niya binalikan ang ginagawa.

"S-sandali," pinigilan nito ang kamay niya sa aktong pagsisilid niya ng iba pa niyang damit.

"This is not right hon. Wala kang balidong dahilan para umuwi nang maaga. Hindi ka pa totally magaling." Rason ni Georgia. Saglit nitong ikinawit ang kamay sa tagiliran ni Spencer. "Listen to me hon, bakit hindi na lang natin planuhin na magka-baby na bago tayo ikasal?" suhestiyon nito. Nilinga ito ni Spencer. Pagkatapos ay ipinilig nang bahagya ang ulo. "H-hindi pa panahon sa bagay na iyan hon." Tanggi niya, pero ang totoo'y ayaw niya sa ideyang iyon. Bakit mukha ni Jasmine ang nakikita niya, mukha nito habang ipingbubuntis ang anak nila?

"Kung ayaw mo pang magkaanak tayo, huwag na muna tayong umuwi. Magpagaling ka na dito."

Nagpakawala siya ng hangin. Gusto niyang bumalik na sa normal ang lahat kaya uuwi siya. Hindi nakakatulong ang gamot at iba pang therapies. "Look Georgia," hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Magaling na ako. Lahat naaalala ko na. There's nothing to worry about me."

"Lahat naaalala mo na?" tumaas ang isang kilay ni Georgia. "So pati ang malanding Jasmine na iyon pumasok na rin sa utak mo. Hindi kaya siya ang dahilan mo kaya gusto mo nang bumalik sa Pilipinas?"

Exactly! He said silently. Pero iba ngayon ang lumitaw sa labi niya. "You're wrong." Maikling tugon niya, kasabay niyon ang marahas na pag-iling.

"I am right. At kahit hindi mo aminin, may nararamdaman ka na sa kanya, aren't you?"

"Will you please stop talking about her?" hindi niya napigil ang pagtaas ng boses. "At tigilan mo na ang katatawag sa kanya ng malandi."

"Ipinagtatanggol mo na siya ngayon?" maluha-luha na si Georgia sa labis na galit.

"She don't deserve that damn word." Depensa ni Spencer.

"At ano ang nababagay sa kanya, na mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend?"

"Wala siyang inagaw. Hindi niya ako inagaw sa'yo Georgia." Malumanay niyang pahayag.

"Well, you are right. Hindi ka lang naman kasi niya inagaw kundi nagpabuntis pa siya sa'yo para tuluyan ka niyang makuha mula sa'kin. Pero hindi ako makapapayag. Nunca! Luluha si Jasmine at hindi ka mapapasakanya. I swear." She exclaimed. Pinandilatan siya nito ng mata.

"Stop it Georgia. Wala ka pa ring karapatan na humusga ng kapwa."

Hindi niya matukoy kung kailan, pero naging mahalaga sa kanykapag naririnig niya ang pangalan nito ay tila gusto na niyang lumipad para makita ang babae.

Batid niyang masasaktan si Georgia sa gagawin niyang desisyon, pero ito lamang ang alam niyang paraan- ang itama ang dapat na itama.

Hindi ito nagpaawat. "Ako pa ngayon ang lumalabas na masama at mapanghusga? At dahil totoo ang sinasabi ko kaya mo siya kinakampihan?" nakapamaywang itong muli sa harap niya. "Spencer, ikakasal na tayo baka nakakalimutan mo iyon?" pagpapaalala nito.

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now