CHAPTER 9:

1.9K 45 1
                                    

KINAPA ni Jasmine ang kabilang bahagi ng kama, walang tao. "Spencer-" pabulong na tawag niya sa pangalan ng lalaki. Dahan-dahan siyang dumilat nang walang sumasagot.

Bumulaga lamang sa paningin niya ang tahimik na silid kung saan siya nag-iisa.

Nagdedeliryo na siya bunga na rin sa mga pangyayaring biglaan. Masikip na naman ang dibdib niya. Kinuha niya ang isa pang unan at mahigpit na niyakap. "Iniwan mo na nga pala ako." Matamlay niyang sabi. Ang buong akala niya ay magkakasama pa sila nang matagal ngunit sa isang iglap, parang bulalakaw na naglaho ang lahat.

Ibinaling niya ang atensiyon sa tiyan niya, kinausap ang sanggol na hayun na naman at napakalakas magparamdam ng pagdamay sa kanya.

"Pasensiya ka na anak," she mumbled, her tears started falling. "Pasensiya ka na kung masisilayan mo ang mundo nang walang ama. Huwag kang mag-alala kasi nandito naman ako, hindi kita iiwan." She then smiled bitterly. "Pangako, bubusugin kita ng pagmamahal ko."

Hinayaan niya ang pagdaloy ng sunud-sunod na luha sa gilid ng kanyang mata, hanggang sa unti-unti na rin na nababasa ang unan.

"Dalawang buwan na lang at makikita na kita. Sana makita ka rin ng ama mo kahit na may ibang pamilya na siya kung sakali." Nanghihina niyang sabi, wari bang nakauunawa ang may buhay sa sinapupunan niya at naglililikot itong muli sa loob ng kanyang tiyan.

"Mabubuhay naman tayo kahit wala ang ama mo, pero iba pa rin iyong naaalagaan ka rin niya ' di ba?" she inhaled deeply, pakiramdam niya'y nasa tabi-tabi lang ang binata, kapiling at nakamasid sa kanya. Pero alam niyang isa lamang iyon sa mga imahinasyon niya na malabong mangyari, napaka-imposibleng ilusyon. Naisip niyang may iba nga talaga sigurong plano ang diyos para sa kanila.

Mula sa pagpapanatag ng sarili ay natuon ang pandinig ni Jasmine sa mahina at magkakasunod na katok sa pinto.

Si Hyacinth ang nasa labas. Mula sa pagkakahiga ay maingat siyang bumangon.

Narinig niya itong nagsalita. "Caz, lumabas ka muna rito." Wika nito.

Inayos ni Jasmine ang nagusot na bestida at ipinusod muli ang nagulo niyang buhok. Ang mga mata niya lamang ngayon ang hindi makakaiwas mula sa pamamamaga nito.

Pinihit niya ang seradura at bumungad sa kanya ang larawan ng isang buong pamilya na mas lalong nagpadagdag sa sakit na nararamdaman niya sa dibdib.

Naiinggit siya.

Napansin kaagad ni Eros ang anyo niya. "Namumugto na naman ang mga mata mo. Will you please stop crying?" nakapamaywang na sermon nito.

Sandali niyang niyuko ang paanan pagkatapos ay inangat din ang ulo sa mag-asawa. "H-hindi ko mapigilan. May kailangan ba kayo? Gusto ko muna kasi mapag-isa."

"Hindi ka pa kumakain simula kagabi. Alam mo na makakasama sa'yo ang walang resistensiya sa katawan, higit sa lahat na hindi ka na mag-isa ngayon. May buhay sa sinapupunan mo na kailangan mong pangalagaan." Concern na pahayag muli ni Eros.

Sumang-ayon na rin si Hyacinth. "Tama ang kuya mo kaya halika na sa komedor nang makapag-lunch ka na," segunda ni Hyacinth.

Maagap siyang tumanggi. "Hindi ako nagugutom."

"Jas, kung magmumukmok ka sa kwarto na 'yan, sa tingin mo ba may mapapala ka? May magbabago ba? Wala," he shook his head. "Walang mangyayaring bago,"

She nodded slowly. "Siguro nga tama ka, pero kahit ano pa man ang gawin ko hindi na rin mababago pa ang katotohanan na wala akong kwentang tao. Isa akong manggagamit at-"

"Enough!" mariing pigil ni Eros sa sasabihin niya, halata na sa boses ng kapatid ang pagkairita. "Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa mga negatibong bagay."

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now