CHAPTER 1:

6.6K 98 0
                                    

"THINKING of someone's special?" bungad-tanong ni Spencer kay Jasmine.

Kaagad na pinahid ni Jasmine ang pisngi na kanina pa nababasa ng mga luha. Magkahalong kaba at saya ang kanyang naramdaman nang mapagsino ang bagong dating.

Mula sa pagkakayuko ay bahagya niyang inangat ang ulo. Buhat sa malamlam na paligid na nasisinagan ng ilaw sa villa na sumisilip lamang sa mga dahon ng halaman sa hardin ay hindi na gaanong naaaninag ang anyo ng binatang nakatayo ngayon sa harapan niya. Pero hindi iyon mahalaga atleast alam niyang naroroon si Spencer.

Sa halip na sagutin niya ito ay nagtanong siya pabalik. "Bakit hindi mo kasama si Georgia?"

"Come on Jas, sagutin mo ang tanong ko." Iwas sagot ni Spencer. Humakbang ito patungo sa bakanteng espasyo ng bench sa tabi ni Jasmine.

"Alright!" sukong tugon niya dito. "Because of the crowd." Maikli niyang pagkakaila. "Ikaw, bakit ka nandito?" kunwa'y nagtataka din niyang tanong kahit ang totoong dahilan niya at ang rason ng palihim niyang pag-iyak kanina ay dahil sa labis na selos niya sa girlfriend ni Spencer. Nakadagdag pa doon nang makita niyang magkalapat ang mga labi ng dalawa pero hanggang tingin lamang siya sa mga ito, hanggang panonood lamang ang kaya niyang gawin dahil wala naman siyang karapatan na umangal o manibugho man lang, pero iyon ang eksaktong nararamdaman niya. Nasasaktan siya- sakit na hindi niya mahagilap ang kakarampot man lamang na lunas upang mabawasan iyon sa dibdib niya.

Tumawa ito nang mahina. "I'm looking for you."

Maang na nilingon ni Jasmine si Spencer. Nagbibiro ba ito? Sinabayan niya rin ito sa pagtawa upang hindi nito mahalata na nagsisimula na ang paglukob ng nerbiyos sa kanya. "Mas malakas pa ang pangamoy mo sa aso, ano?"

He nodded slowly. "Oo na, kaya stop crying beautiful lady, pumapangit ka kapag malungkot." Hinaplos nito ang likod niya na hindi niya inaasahang gagawin ni Spencer. Normal na haplos ng isang nag-aalalang palad pero hindi iyon ordinaryo para kay Jasmine. Naghatid ang palad na iyon ng kakaibang init na tumatagos sa suot niyang silky na cocktail dress. Pero nagugustuhan niya ang ginagawa nitong pang-aalo sa kanya. Hinayaan niyang dumaloy ang init sa kanyang kabuuan. Walang masama kung pagsamantalahan niya ang pagkakataon na iyon na masolo ang lalaking matagal na niyang pinangarap. No! Hindi lang pangarap. Tutol ng isip niya. Matagal na niyang minamahal. Dugtong nito.

Umiling siya. "Hindi ako umiiyak." Nilinga niya ito. Nakangiti sa kanya si Spencer. Ngiting mas nagpahatid ng mas nakalilito pang damdamin sa puso niya. Batid niyang hindi tama ang pag-ibig niya para dito. Unang-una ay ikakasal na si Spencer at pangalawa, nasa mga mata ng lahat na magpinsan silang dalawa.

Hindi makapaniwalang umiling ito. "Oh! What a lie? Nakita kitang umalis sa birthday party ni grandpa na umiiyak, dahil ba iyon kay grandpa?" anito na bahagyang dumikit kay Jasmine.

Hindi siya kaagad sumagot. Mas lalong hindi niya kayang aminin dito na ito mismo ang dahilan ng pag-iyak niya. Gusto niyang murahin ang sarili sa kahibangan niyang iyon, pero masisisi ba niya ang sarili niyang puso o pigilin ito sa pagtibok?

Marahas siyang napalunok nang halos idikit na rin ni Spencer ang mukha nito sa kanya. "Come on, tell me. Makikinig ako o baka nga makatulong pa ako sa problema ninyong dalawa."
"Wala akong problema. Ayoko lang na umalis sa villa but lolo convinced me to manage his property in Mindanao." Katuwiran niya. Humugot siya ng malalim na hininga. At dahil ayaw kong malayo sa'yo. Tahimik niyang dugtong.

Bahagyang natawa si Spencer buhat sa sinabi niya. Kunot-noo na sinulyapan niya ito.

"Chill! Iyon lang ba ang iniiyakan mo o may iba pang dahilan?"

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now