CHAPTER 11:

2K 51 1
                                    

ANG huling naaalala ni Jasmine ay noong tinawagan siya ni Georgia, pero sumagi din sa isip niya ang biglang pagdaloy ng dugo sa mga hita niya. Na nagpawala ng kanyang malay dahil sa haemophobia niya.

Maagap siyang dumilat mula sa pagkakapikit, napahawak sa tiyan. Mas nanlaki pa ang mga mata niya nang wala siyang makapa.

She was almost frozen. Mula sa pagtatalo ng kuryusidad at kapanatagan ay nabaling sa kabubukas lamang na pinto ang atensiyon ni Jasmine. Mabilis na nakalapit sa kanya si lolo Fortun. Kasunod nito sina Hyacinth at Eros.

Naalarma na siya nang labis sa sitwasyon. "Lolo, nasa hospital ba ako? B-bakit ako nandito?" nahihintakutang usisa ni Jasmine na inilibot ang tingin, wala siyang ibang nakikita maliban sa maluwang na espasyo ng silid at ang naka-hang na dextrose sa ulunan niya.

Muli niyang kinapa ang patag niyang tiyan. Nakatitiyak siya na wala na doon ang ipibagbubuntis niya. Nanganak ba siya ng kulang sa buwan?

"A-ang anak ko, nasaan na ang anak ko?" nagsisimula na siyang manginig.

"Huminahon ka," si Hyacinth ang unang nagsalita, nasa paanan niya ang matanda at nasa tagiliran niya ang mag-asawa.

"Oo, nandito ka sa ospital. At ligtas na ang anak mo. Walang nangyaring masama sa kanya." She explained.

Hindi pa rin makapaniwalang ngumiti siya kay Hyacinth. "Nanganak na ako?" puno ng kuryusidad niyang tanong.

"Babae ba ang anak ko o lalaki?" mangiyak-ngiyak na aniya.

Marahang tumango si Hyacinth. "Lalaki ang baby mo caz,"

"Pwede ko ba siyang makita? Kung pwede, dalhin ni'yo naman siya sa akin,"

"Caz, hindi pwede ngayon." Tanggi nito. Nakita niya ang pag-angat ng mukha ni Hyacinth sa asawa nito.

Nagsalita si Jasmine, dismayado. "Premature baby siya kaya nasa loob ng incubator, tama ba ako?" Inisa-isa niyang pinadaanan ng tingin ang mga ito.

Nakamasid sa kanya ang matanda, tahimik lang ito. Pinaghila naman ni Hyacinth ng bangko ang asawa.

Nang makaupo ito ay nakangiting kinuha nito ang palad ni Jasmine, itinukod ni Eros ang magkadaop nilang palad sa baba nito.

"Tama ka Jas, nasa NICU ang sanggol. Nailuwal mo siya nang kulang sa buwan kaya nasa loob siya ngayon ng baby's incubator. Nasa one pound and twenty five ounces kasi ang timbang niya, pero maayos naman ang kalagayan niya, so far." Mahabang pahayag ni Eros.

"So far? Ibig mo bang sabihin sa'kin kuya na fifty-fifty ang pag-asa na makakapiling natin siya?" worried na siya. Lalo na ng hindi kaagad sumagot si Eros.

Marahan siyang napailing. Dalawa lang naman ang pagpipilian kung ganoon, kamatayan o kaligtasan? Paano na siya kung pati anak niya mawawala na rin sa kanya?

"Nasa kamay ng diyos ang himala," hinawakan ni Eros nang mahigpit ang kamay niya. "Magdasal tayong lahat. Nandito lang kami para sa'yo at sa anak mo."

Namalayan niya ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata niya. Pero nakuha niya pa ring magtanong at ipakita ang lakas ng loob sa mga taong nakapaligid sa kanya, sa kabila ng takot na bumubuwal ngayon sa pagtitiwala niya. "Makaka-survive siya hindi ba?" emosyonal niyang sabi.

Nag-aalalang humalili kay Eros si lolo Fortun. "Tama na apo. Makikita at makakasama natin ang anak mo. Ang dapat mong gawin ay huwag mag-isip ng anumang makasasama sa loob mo. Ayaw ka naming mabinat kaya makinig ka para mabilis kang gumaling."

"Lolo, natatakot ako. Matatanggap ko naman na tuluyan akong ipagtabuyan at kamuhian ni Spencer, pero ang mawala ang anak ko-" napahagulhol siya.

"H-hindi ko kaya. Baka ikamatay ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa anak ko."

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon