CHAPTER 13:

2.4K 56 2
                                    

MAGKATABI silang nakatunghay sa natutulog na sanggol. Panaka-naka rin ang pagnanakaw ni Spencer ng mumunting halik sa punong tainga ni Jasmine.

"Masaya ka ba?" usisa ni Jasmine na hindi ito tinitingnan.

Itinukod ni Spencer ang baba nito sa balikat ni Jasmine at ipinulupot ang mga kamay sa baywang ng babae. Hinaplos naman ni Jasmine ang ulo ni Spencer.

"Walang kasing-saya. Ako na siguro ang pinaka-masuwerteng ama sa balat ng lupa." Sagot nito.

Ama lang? Paano siya? Ano ang magiging papel niya ngayon? Hindi sapat para sa kanya na maging ina lang ng anak nila. Pero nagtanong ba siya kung masaya nga ba ito na makakasama sila? Hindi naman iyon ang tanong niya kaya hindi siya dapat nagrereklamo.

Labag sa loob na sumang-ayon na rin si Jasmine. "Masaya rin ako." Wika niya. "Una, dahil magaling ka na. At pangalawa dahil dinugtungan pa rin ng diyos ang buhay ng anak natin."

Bumitiw si Spencer sa pagkakayakap sa kanya, pero mula sa likuran ay pumuwesto lang ito sa tagiliran niya. Sinadya nitong idikit ang katawan nito sa katawan niya bago magsalita.
"Mahal na mahal kita Jas. Sana ganito na lang tayo lagi. Masaya. Kumpleto. At magkasama." Sinsero nitong sabi. Gusto niyang maging emosyonal na naman, pero hindi niya iyon ipinahalata.

Bahagya siyang lumayo pagkatapos ay humarap dito. "Drama mo," bahagya niya itong sinundot sa tagiliran upang maiba ang mood niya.

Hinuli ni Spencer ang magkabilang kamay ni Jasmine saka nito kusang ipinulupot sa batok nito nang mahawakan na siya nito.

Matagal silang nagtitigan sa ganoong ayos. Hayun na naman ang kiliting iyon na humahagod sa kabuuan ng puso ni Jasmine- tila siya prinsesang nakikipagsayaw sa kanyang prinsipe. Cloud-9 ang feeling!

Aaminin niyang sobra-sobrang saya ang hatid ng pagkikita nilang iyon muli. At hindi niya pinagsisihan na ibinigay ang lahat ng mayroon siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon, including her unconditional love.

~~~

NANG makalabas sa ospital ang mag-ina ay pinili ni Spencer na bumukod muna sila pansamantala habang wala pang malaking bahay para sa kanila kaya dinala niya ang mga ito sa kanyang flat.

"Bakit mo pa kailangan ng mas malaki dito?" inikot ni Jasmine ang paningin sa buong paligid. Maluwang ito at hindi niya maikakaila ang kagandahan sa loob.

Panlalaki man ang kulay ng mga couches at iba pang gamit sa maliit na sala ay naka-eengganyo naman ito sa paningin. May mangilan-ngilan din na paintings na nakasabit sa dingding.

"Sa tingin ko kasya nga ang dalawang pamilya sa space mo na 'to." Komento niya.

Inakbayan siya ni Spencer. Nabigla siya sa ginawa nito kaya bigla din siyang napalingon sa lalaki. Nagsalita ito. "Kasi gagawa tayo ng malaking pamilya. Ayaw mo ba niyon?"

Tumatawang siniko niya ito sa tagiliran. "Tsee! Nagiging bastos ka na ha."

"Aba misis, kailan pa naging bastos 'tong gwapo mong mister?"

Umiling siya. Kasabay niyon ay ang pag-iwas niya ng tingin. Komportable naman siya sa arrangement nilang dalawa, pero hindi niya pa rin maiwasan ang huwag makadama ng awkwardness.

"Ikaw na nga muna ang humawak kay baby." Iniabot nito sa lalaki ang sanggol.

Nakangiting inabot ni Spencer ang anak mula kay Jasmine. Ninakawan pa siya ng halik sa pisngi nang pareho nilang niyuko ang sanggol.

Nakangiting inilayo ni Jasmine ang mukha. Ang totoo'y kinikilig na naman siya.

"Halika muna baby at may red flag yata si mommy. Wala sa mood oh!" kinakausap nito ang kalong na sanggol.

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now