High School Zero

By Alesana_Marie

5.9M 193K 48.5K

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood f... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 3.5
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Extra #1
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Extra #2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Character List
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Author's Note

Chapter Eleven

107K 3.3K 815
By Alesana_Marie

Chapter Eleven


"I figured it out," sabi ni Helga sa kausap. "Alam ko na kung ano ang ibig mong sabihin."

"Well done. Hindi ka naman pala kasing stupid ng inaakala ko," sagot ni Hanna Song. "So, ano ang nalaman mo tungkol sa kanya?"

"Bago ko sabihin sa'yo, sagutin mo muna ang itatanong ko."

"Oh, God. Fine. Whatever. Ano ba 'yon?"

"How did you know her secret?"

"And here I thought importante ang itatanong mo," humalukipkip si Hanna at tumingin nang diretso kay Helga. "Noong una kaming nagkita alam kong may kakaiba sa kanya."

"Ano 'yon?"

"I couldn't move the first time I saw her. There was something in her eyes." Napayakap si Hanna sa kanyang sarili na tila nilalamig. "Something... monstrous."

"Are you serious?" hindi naniniwalang tanong ni Helga. "So ano 'yon, isa siya gorgon?"

Tumalas ang tingin ni Hanna kay Helga.

"I don't care kung paniniwalaan mo ako. Pero totoo ang sinasabi ko. She let her self slip and that's how I knew! Alam kong may itinatago siya. She's one hell of a scary girl. She's not normal!"

Tumingin si Helga sa mga libro na nakapaligid sa kanila ni Hanna. Nasa library sila, sa pwesto kung saan sila nagkita dati.

"Now tell me. Ano ba ang nalaman mo tungkol sa kanya?" naiinip na tanong ni Hanna.

"How well do you know the Alpha of class 2-A?"

"Si Reo? Why?" naguguluhang tanong ni Hanna.

"I think... makakatulong siya sa plano natin."

***

"Tapos i-multiply mo rito at makukuha mo na ang tamang sagot," sabi ni Tammy habang isinusulat ang sagot sa notebook. "Sundin ninyo lang ang formula na ibinigay ng teacher. Makukuha ninyo rin ang sagot."

Namamangha ang mga kaklase niyang nakikinig sa kanyang paliwanag. May pinaghahandaan silang quiz pagkatapos ng lunch break kaya naman naisipan nilang mag-review.

"Woah! Ganon lang pala 'yon. Shit."

"Ang galing mo naman Pendleton!"

"Mas naiintindihan ko kaysa sa turo ng teacher."

"Lucky! Napunta ako sa section na ito!"

"Ang galing mo magturo Tammy!"

Nakangiting pinanood ni Tammy ang kanyang mga kaklase. May kani-kanilang hawak na notebooks ang mga ito.

"Tammy, you're so perfect," komento ni Fatima.

"Maganda na, matalino pa!" sabi ni Cami.

"Ugh. Idagdag mo na rin na mayaman ang pamilya niya," sabi ni Lizel.

Ngumiti lang si Tammy sa kanila.

"Kailangan ko munang lumabas," paalam ni Tammy saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Cami.

"Sa washroom."

Lumabas si Tammy sa classroom at naglakad papunta sa washroom. Limang minuto nalang at matatapos na ang lunch break nila. Nang makapasok siya sa loob, agad siyang tumapat sa salamin. Minasahe niya ang kanyang magkabilang pisngi. Napapagod na siya sa pag-ngiti niya. Hanggang kailan niya ba ito kailangan gawin?

Pero ayaw niyang mangyari ang nangyari dati sa huling school niya. Napapikit siya nang mariin. Hindi iyon dapat na mangyari ulit.

"A little bird told me I'd find you here."

Mabilis na napatingin si Tammy sa repleksyon ng lalaki sa salamin.

"Nix, ano'ng ginagawa mo rito?"

"I need to talk to you, Princess."

"Stop calling me that," pagod niyang sabi. "Ano'ng kailangan mo sa'kin?"

"Oho! Wala akong kailangan sa'yo," nakangiti nitong sabi. "Ikaw ang may kailangan sa akin."

Lumingon siya at tinignan niyang mabuti si Nix. "What is it?"

"Hm. Nakita ko sina Helga at Hanna na nag-uusap sa library."

"You're spying on them?"

"Spying is my job. That's the reason why I'm here in the first place. And besides, I used to spy for your—"

Binigyan ni Tammy ng matalas na tingin si Nix. "Stop."

"Sorry." Tumikhim si Nix at sumeryoso. "Mukhang napapadalas ang pag-uusap nila."

"And?"

Inilagay ni Nix ang dalawang kamay sa loob ng bulsan ng itim nitong pantalon. "Nothing. I just want you to be careful. Lalo na at hindi mo sila kilala."

Bumuntong hininga si Tammy. "Is that all?"

"Man, Tammy dapat talaga gumawa ka na ng account mo online. Para mabasa mo ang mga posts ng mga kaklase mo."

"Bakit, ano ba ang sinasabi nila?"

"Nothing important. But Hanna Song's posts on her social media account..."

"Hanna Song?"

"Yes. She's quite jealous of you. By the way, alam mo ba kung ano ang rason kung bakit nandito si Helga Ramirez?" tanong ni Nix.

"Hindi ko alam. Sasabihin mo ba sa'kin?"

"School records. I took an oath... signed a contract. My lips are sealed," sabi ni Nix saka isinara ang bibig na parang zipper.

"How much do you want?" tanong ni Tammy.

Tumawa nang malakas si Nix. "You're not cute at all. Gusto ko lang naman na marinig kang mag-sabi ng 'please' at 'thank you'."

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang lunch hour. Huminga nang malalim ang binata.

"Take this," sabi ni Nix at inabot kay Tammy ang isang piraso ng papel.

Pumihit na paalis ang lalaki.

"Nix... thank you."

"Anytime, Princess," anito saka tuluyan nang umalis.

Tinignan ni Tammy ang nakasulat sa papel. Nakasulat iyon sa code na palaging ginagamit ni Nix noon.

***

Pagkatapos ng klase, sumaglit si Tammy sa computer lab ng school nila. Nagpasalamat siya at free hour. Walang nagka-klase roon at pwede silang mag-surf sa net.

Umupo siya sa tapat ng isang computer at binuksan ang search engine. She typed the words Nix wrote on the paper.

Almira Girls High School Stabbing Incident

Ang school ay nasa kabilang distrito. Lumitaw ang homepage ng school pero walang records tungkol sa naturang insidente.

Kahit saan niya hanapin, hindi niya matagpuan ang article tungkol doon. Nang ma-isa-isa na niya ang mga links at wala parin siyang nahanap, nagpasya na siyang mag-out.

Kung galing sa mayamang pamilya si Helga, malamang ay nagbayad ang mga ito para burahin ang nangyari.

'Stabbing Incident.'

Naalala ni Tammy ang unang araw niya sa school. Muntik na rin siyang masaksak ni Helga ng ballpen. May sinaktan ba ito sa dati nitong school? Iyon ba ang dahilan kung bakit nalipat si Helga sa Pendleton High?

***

Hanggang pag-uwi, patuloy parin si Tammy sa pag-iisip kung paano malalaman ang gustong sabihin ni Nix. Natigil lang ang pag-iisip niya nang makita ang mga sapatos sa may pintuan ng bahay niya.

"Hmm?"

Narinig ni Tammy ang mga boses sa sala. Pumunta siya roon at nakita ang kapatid niyang si Timmy na kasama ang dalawang kaklase nito. Nakapaligid sila sa mesa at may pinag-uusapan.

"No! Ayoko ng topic na 'yan! Mas maganda yung naisip ko," sabi ng babaeng may bangs at naka-twin tails na buhok.

Namukhaan ni Tammy ang batang babae. Anak ito ng Ninang nila, si Viktoria D'Arrez. Vee ang tawag nila rito. Palagi itong nakikipag-away sa kapatid niya sa hindi malamang dahilan.

"Vee, your topic is just too simple," ang sagot ni Timmy sa babae. Patuloy lang ito sa pag-type sa laptop at hindi nag-aksaya ng oras na tignan ang kausap.

"Ano'ng sinabi mo?! Sinasabi mo bang simple ako mag-isip, ha?! At bakit ba ikaw ang nasusunod dito?!"

"Ah-ah! T-tama na," ang awat ng batang lalaki na may salamin.

At dahil hindi kilala ni Tammy ang pangatlong bata, she named him Nobita.

"Teddy, ano ang mas gusto mo? Yung idea ko o idea ni Timmy?" inis na tanong ni Vee.

"Uh...uhmm... mukhang maganda naman p-pareho..."

"Hello! Gumagawa ba kayo ng project?" tanong ni Tammy sa tatlo. Napatingin sa kanya ang tatlong bata. "I'm home, Timmy. Si Mama?"

"Nasa office," sagot ni Timmy.

May sariling office ang kanilang Mama sa loob ng bahay nila. Doon ito minsan nagt-trabaho.

"Ate Tammy, pagsabihan mo ang kapatid mo. Lumalaking mayabang," nakasimangot na sabi ni Vee.

Bumuntong hininga lang si Timmy saka umiling. Nagpatuloy ito sa pag-type. Mas lalo iyong ikinainis ng batang babae.

Lumapit si Tammy sa tatlong bata at tinignan ang mga papel sa mesa. Binasa ni Tammy ang proposal ni Vee, ang topic ay tungkol sa paano masusukat ang heigh at distance gamit ang camera. Tinignan naman niya ang papel ni Nobita at nabasa na tungkol sa Cacao Genome ang topic nito.

Lumipat siya sa likod ni Timmy at binasa ang tina-type nito sa laptop.

"Oh," sambit ni Tammy nang mabasa ang ginagawa ng kapatid. "Turn plants into biofuel with the power of enzymes. That's a good one, Timmy."

"Thank you, ate."


"Ch!" Humalukipkip si Vee. "Mga teachers lang ang magugustuhan yan. Siguradong maiinip ang mga kaklase natin. Hindi sila makikinig. What's the point of the presentation kung hindi naman maiintindihan ng mga makikinig kung ano ang sinasabi natin?"

Naiintindihan ni Tammy ang point ni Vee. Masyadong advance ang topic na pinili ni Timmy. Kung pagbabasehan sa edad nila, hindi pa ito ang oras para makuha ng topic ni Timmy ang interes ng mga kaklase nila.

Pero...

"I disagree. Hindi ganoon kahirap intindihin ang topic na ito. At ang isa pa, kasama ang mga parents sa Science fair. Open ang school para sa mga bisita," sagot ni Timmy na tumingin kay Vee. "Hindi ko ibababa ang level ng presentation natin para sa mga taong hindi interesadong makinig. Alam kong mahirap makuha ng topic natin ang atensyon ng mga kaklase natin pero hindi ko ito papalitan dahil lang doon. Alam kong may mga taong interesado rin dito."

Ngumiti si Tammy sa sinabi ng kapatid. Bumalik na si Timmy sa pag-gawa ng proposal.

"Pero hindi ko rin sila sinusukuan, kailangan lang nating galingan sa pag-gawa ng presentation para makuha ang atensyon nila."

Tinaas ni Nobita ang isang kamay. "Presentation, p-pwede bang ako ang gumawa?"

Tumango si Timmy.

"At ako? Ano'ng gagawin ko?" nakanguso ang labi na tanong ni Vee.

"Mascot," sagot ni Timmy.

"HUH?!"

"Ikaw ang magp-present."

"B-b-bakit ako?!"

"Because you're cute. They'll like it more if it's you," ang diretsong sagot ni Timmy.

"C-c-c-c-...ute...?" Namula nang tuluyan ang mukha ni Vee.

Iniwan na ni Tammy ang tatlo sa sala. Pumunta na siya sa kwarto niya para magpahinga.

***

"Timmy," tawag ni Tammy sa labas ng kwarto ng kapatid.

"Bakit, Ate?" tanong ni Timmy nang buksan ang pinto.

"Pwede mo bang hanapin 'to?" Inabot ni Tammy ang papel na nakuha niya kay Nix sa kapatid. "Hindi ko siya mahanap sa internet."

Pumasok si Tammy sa loob ng kwarto at umupo sa kama ni Timmy. Pinanood niyang mag-tipa ito sa laptop.

"Nahanap ko na," ang sabi ni Timmy makalipas ang wala pang limang minuto.

"Paano?"

"Hwag mong sasabihin kay Mama."

Tumango si Tammy.

"Tinuruan ako ni kuya Nix mag-hack."

"Ah." He's dead. "Ikaw ba ang nagtanong kung paano?"

Umiling si Timmy. "Ipinakita niya sa'kin kung paano. Subukan ko lang daw dahil masaya."

"Oh." He's so dead.

Kinuha ni Tammy ang laptop mula kay Timmy. Binasa niya ang article tungkol sa insidente last year. Ayon sa nakasulat, isang teacher ang nag-resign sa school na 'yon dahil sa trauma. Nabulag ang isang mata nito. Isang mechanical pencil ang ginamit ng isang estudyante sa pananaksak sa kaliwang mata ng music teacher. Hindi sinabi kung sino ang estudyante na iyon. Ang sinasabing dahilan ay dahil sa mababang grades na nakuha ng estudyante sa music kaya nito nasaksak ang guro.

Ngayon ay alam na niya kung bakit siya pinag-iingat ni Nix. Helga is the real deal. Hindi katulad ng ibang mga estudyanteng napunta sa Pendleton High, hindi lang theft or bullying ang kayang gawin nito. Kaya nitong gumawa ng krimen kung nanaisin.

***

Inis na itinago ni Reo ang kanyang cellphone sa bulsa. Dalawang oras na siyang naka-upo sa cafe na pag-kikitaan nila ni Julian. Hindi nito sinasagot ang tawag at texts niya.

'Hurry up. Hurry up. I want to see you.'

Tumingin siya sa kanyang relo. Mag-aalas siete na ng gabi. Bumuntong hininga siya at tumayo na. Kung hindi niya ito ma-contact, pupuntahan nalang niya ito sa apartment nito.

Lumapit siya sa mga naka-display na cakes. Umorder siya ng tatlong slice ng magkaka-ibang flavors. Kung pupuntahan niya sa apartment ang boyfriend niya, mas maganda kung may dala siyang pagkain para siguradong makakapasok siya sa loob.

"Reo!" tawag sa kanya ng isang babae.

Nakita niya ang school idol na si Hanna. Pulang pula ang labi nito ganoon din ang suot nitong sapatos. Nagtataka parin siya kung bakit tino-tolerate ng school ang ganoong ayos ng babae.

"May kailangan ka?"

Ngumiti ito sa kanya. "Can we talk?"

Nalipat ang tingin niya sa babaeng kasama nito. Isang first year. Namukhaan niya ito, palagi itong kasama ni Tammy.

Umupo silang tatlo.

"Ito ang unang beses na mag-uusap tayo, Alpha," sabi ni Hanna.

"I don't have much time. Sabihin mo na kung ano kailangan mo, Hanna."

Lumapad ang ngiti nito. "Kilala mo ako!"

Hindi na pinansin ni Reo ang tuwa ni Hanna. Hindi niya sinasadya ang pag-sabi sa pangalan nito. Mukhang tumaas na naman ang tingin nito sa sarili. Aaminin niyang maganda nga ito. Kung hindi lang niya nakilala si Julian, malamang ay isa na siya sa mga pumila kay Hanna. Pero masaya siya dahil hindi iyon nangyari.

"What an unusual pair," sambit ni Reo habang nakatingin sa dalawang babae.

"Oh, this girl? Do you know her?" tanong ni Hanna sa katabi.

"One of Pendleton's friends."

"Friends," tawa ni Hanna. "Lackey is more like it."

Tumikhim ang katabi nito. "I'm Helga and I'm not her lackey."

"Sure." Hanna rolled her eyes. "May iaalok kami sa'yo Reo."

"Let's hear it."

"We want to expose Tammy to everyone. Gusto naming makita ng lahat kung ano'ng klase siya ng babae. That she's not as nice as they think she is. She's a liar and manipulative. And we need your help to do this."

Ngumiti si Reo. "Bakit ako?"

"Dahil alam namin na hindi mo rin siya gusto."

"Is that so?" nakangisi niyang tanong.

"Narinig ko ang usapan ninyo kahapon," ang sabi ni Helga. "You were fighting, yes?"

Tumalas ang tingin ni Reo kay Helga.

"Chill, hindi kami ang kaaway mo Reo. It's Tammy. We'll get rid of her, but we need your help."

Tinignan niya ang dalawang babae at nag-isip siya.

"Sir, your order," sabi ng babaeng server saka ipinatong sa mesa ang paperbag na may laman ng order niya.

"Thank you." Tumayo si Reo at kinuha ang brown paperbag.

"So, are you with us?" tanong ni Hanna.

Ngumiti si Reo sa dalawang babae saka umalis.

"Reo?" tawag sa kanya ni Hanna.

"I'll think about it!" sagot niya bago tuluyang makalabas ng cafe.

Girls are really scary. They are beautiful and bold. Napangiti siya at napa-iling. It's going to be amusing from now on.

"R-Reo...!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Julian na tumatakbo papunta sa kanya. Habol ang hininga na tumigil ito sa tabi niya.

"I'm s-sorry," anito saka napa-ubo. "Na-lowbat ang cellphone ko at hindi ko namalayan ang oras."

"That's all right. Let's go."

"S-saan tayo pupunta?"

Inakbayan niya ito. "Your place."



***AN

Sino ang pupunta sa YOI Convention sa 26? :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 162 10
Binasted ni Danica si Cielo nang mag-proposed ito sa kanya. Pero nang ma-realized niyang gusto rin pala niya ito, siya naman ang nagtapat. Laking gul...
940K 23.7K 43
Sino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?
233K 6.1K 24
WARNING: Based on a true horror story "WAG KANG HIHIRAM!" Highest Rank #3 in Horror ♡ HIRAM Trilogy Book 1: Hiram: Ang Simula Book 2: Hiram: Ang Pagb...
4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?