The Pile | Vicerylle One Shot...

By aladdin1432

105K 3.3K 425

Compilation of Vicerylle One Shot Stories More

Authors Chuchu
I. Infinity (2)
II. Amnesia
III. Like We Used To
IV. Ever Enough
V. Bays IG
VI. Thinking Out Loud
VII. Moments
VIII. Friends
IX. You and I
X. Fool's Gold
XI. Emoji Challenge
XII. Shape of You (1)
XII. Shape of You (2)
XII. Shape of You (3)
XIII. All of the Stars
XIV. Random
XV. Dive
XVI. Perfect
XVII. Galway Girl (1)
XVII. Galway Girl (2)
XVIII. Happier
XVIV. The Myth (1)
XVIV. The Myth (2)
XX. Spring Day
XXI. GGV
XVIV. The Myth (3)
XVIV. The Myth (4)
XVIV. The Myth (5)
XXII. New Man
XVIV. The Myth (6)
XXIII. Hearts Don't Break Around Here
XXIV. She's Not Afraid
XXV. Don't
XXVI. Vicerylle Scenarios
XXVII. Vicerylle Scenarios (2)
XXVIII. Vicerylle Scenarios (3)
XXIX. Vicerylle Scenarios (4)
XXX. Language Challenge
Author's Chuchu Again
XXXI. Supermarket Flower
XXXII. Something I Need
XXXII. Something I Need (2)
XXXIII. Something I Need (3)
XXXII. Something I Need (4)
XXXII. Something I Need(5)
XXXIII. XO
Hi!
XXXIV. Slow Hands
XXXV. Vicerylle Scenarios (5)
XXXIV. Slow Hands (2)
XXXIV. Slow Hands (3)
About Slow Hands
XXXV. Safe and Sound
XXXVI. Nancy Mulligan (1)
XXXVII. One

I. Infinity

3.9K 92 12
By aladdin1432

Inspired by the movie Hotarubi no Mori e

VICE

I'm staying here on a top of a tree. The tallest tree in the forest to be specific. Watching this every bird passing by, those green leaves scattered in this forest and feeling these refreshing air I am inhaling.

I'm Vice by the way.

I'm one of the caretaker of this forest where I'm staying right now. I was raised by the god of the forest, named Pan. I have this human body, but then I'm not allowed to go with these humans. Why? For they could kill me. I'm not saying that they're killers, but if they touch me, or if I touch them, it would kill me. But after all, I still want to touch a human.

"Tumatambay ka na naman pare ah!" and that was Vhong. One of my spirit friends. Sa lahat ng nabubuhay sa kagubatang ito, ako ang natatanging may katawang tao. Lahat sila'y mga espirito lang, and others are animals. Vhong is actually, incharge with those water-creatures dito sa kagubatan.

"Wala kasi akong magawa. Wala namang utos sa akin si Pan eh." sagot ko rito at tumalon pababa sa mataas na puno. Sumunod naman sa akin si Vhong.

"Asus. Peyborit ka talaga ni Pan, eh." ayan na naman siya sa panunukso niya. At tinusok tusok ang mata ng maskara ko. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihing may maskara ako upang hindi ako makilala ng mga tao kung sakaling may makakita man sa akin.

"Ano ba, Vhong. Lahat tayo favourite ni Pan noh." tugon ko at naglakad patungo sa gitna ng kagubatan.

"Yan ang gusto ko sayo eh! Mapagkumbaba! Kaya ka peyb---"

"Shuuuuush!" pinatigil ko siya sa pagsasalita. Meron kasi akong narinig na kakaiba.

"Hoy! Eto naman, nagbibiro lang yung tao. Ay hindi pala ako tao, ang tang---"

"Ano ba Vhong! Tumigil ka muna at magtago! May kakaibang tunog akong naririnig." I hissed pero agad naman niyang sinunod ang utos ko at nagtago sa isang puno.

Agad ko namang hinanap ang tunog na ito. Habang papalakas at papalapit ako sa tunog na ito ay napagtanto kong isa itong paghikbi.

Paghikbi ng isang batang babaeng nakaupo sa lupa't nakabaon ang kanyang tuhod na kanya mukha, at pang itong niyayapos.

Papaanong may napuntang tao rito? Narinig kong tanong ni Vhong gamit ang kanyang isip.

Aba'y malay ko! Sagot ko naman rito kasabay ng pagtago ko sa isang puno.

Pero wrong move ata eh. May nasagi akong kung anong bagay dahilan upang lumikha ito ng ingay. Kaya't napaangat ang mukha ng batang babae. Agad itong tumayo at tumakbo patungo sa akin with her hands widely spread. Gusto niya ata akong yakapin, kaya umiwas ako rito dahilan para siya ay madapa. Tatlong beses niya pa itong ginawa ngunit palagi siyang nadadapa dahil sa ayaw kong magpayakap. Hindi ito pwede.

"Batit ayaw mo sa akin, po?" umiiyak nitong tanong sa akin.

"Kasi hindi pwede."

"Ih, yakap lang naman guto ko!" sabi pa nito at nameywang pa. Napangiti ako sa likod ng aking maskara.

"Ano ba ang iyong pangalan?" tanong ko rito.

"Ana Kawylle Taklonghawi." and she grinned widely.

Baliw ba ang batang 'to? Kanina'y pagkalakas lakas ng iyak, ngayo'y nakangiti.

"But yow can call me K po!" dugtong pa nito.

"At paano ka naman napunta rito?" tanong ko rito at lumuhod sa harapan niya.

"Kasi po! Nitutuwog ako sa bahay, tapos nun, nikain ako, tapos niyayaro kami nina Anning tapos Biwwy. Tapos nun, nipunta kami ng schooy, kasi nihatid kami ni moma. Tapos po, uhhm, ang mernda kami, tapos nitapos na ang schooy, tapos nisakay ako ng schooy bus, pewo may iba na ung dwayber. Tapos, nibaba nila ako sa porst, tapos naglakad ako sa porst, pewo waya si Moma, kaya niiiyak si Kawylle." litanya nito at umiyak na naman.

Ang daldal naman ng batang yan! Komento naman ni Vhong kaya't natawa nalang ako.

"Bakit ka po nitatawa?" napalakas ata ang tawa ko, na dapat ay nasa utak ko lamang.

"Wala naman. Saan ka ba nang-galing, Karylle?" tanong ko uli rito ngunit yumuko lamang siya at muling humikbi.

Urghh! Gusto ko siyang yakapin para mapagaan ang kalooban niya, pero hindi pwede eh.

"Wala akong maisip na ibang paraan, kundi ang ipaalaga ka sa mga kaibigan ko. Pero para ngumiti ka na, ipapasyal kita rito sa kagubatan."

Brad! Anong ipapaalaga sa mga kaibigan mo? Si Vhong na naman.

Hindi ko naman kasi alam kung saan siya nagmula. Kaya dito lang muna siya, hanggang sa maalala, at maikwento na niya ang kailangan nating malaman. Sagot ko kay Vhong.

"Teka lang, Karylle." paalam ko sa bata. "Wag kang aalis riyan. Maliwanag?" paalala ko rito.

"Opo." matamlay nitong sagot.

Naghanap ako ng tela sa kalapit na lugar. Meron naman akong nakitang, nagc-camping kaya napagisipan kong kumuha ng panyo sa isa sa mga bag ng mga campers. Matapos nun ay agad akong umalis.

"Itatali ko ito sa may bandang kamay ko pati rin sa akin, para hindi ka mawala. Okay? Hahanapin pa natin moma mo eh." agad kong sabi nang makabalik kay Karylle sabay tali sa kamay niya. Sinigurado ko ma hindi ko siya mahahawakan, o di kaya ay matatapik.

"Oh. Ayan na! Pasyal na tayo!" masigla kong sabi kaya naman siya ay napangiti. "Yehey!"

END OF POV

GENERAL POV

Ipinasyal ni Vice si Karylle sa gubat, pinakita ang mga magagandamg tanawin rito. Kasabay din nito ang pagtatanong ng binata sa bata kung saan ito nang-galing. Kaya makalipas ang ilang oras nilang paguusap ay ihinatid na ni Vice si Karylle patungo sa bahay nito. Tanging si Karylle lamang ang nakakakita kay Vice sapagkat iyon ang hiniling ni Vice mula kay Pan. At sa pagdating sa bahay ni Karylle ay pinakiusapan niya ang bata na wag ipagsabi ang tungkol sa kanya, kapalit sa gusto ni Karylle na bumisita sa gubat at kay Vice mismo sa mga susunod pang araw.

At yun nga ang nangyari sa sumunod na araw ay bumusitang muli si Karylle sa gubat kahit na hindi niya pa ito gaanong kilala. Dahilang upang mawala na naman siya at muling umiyak at umupo sa damuhan sa gitna ng naglalakihang puno.

"Nasan ka na Bays?" paulit-ulit na sambit ng bata habang umiiyak.

"Nandito lang ako sa iyong likuran."

Napalingon naman ang bata patungo sa kanyang likuran at nakita ang lalaking kanyang hinahanap, ang naka-puting maskarang lalaki, na may suot na pulang sandong panloob, puting polo, board shorts at tanging tsinelas.

"Bays." bulong ng bata at agad na tumayo. Akma niyang yayakapin ang binata ngunit agad itong naagapan ni Vice sa pamamagitan ng pagpalo sa noo ng bata gamit ang patpat na hawak niya.

"Away!" angal ng bata sabay hawak sa noo at muling umiyak. Napatingin uli si Karylle sa mukha ni Vice na natatabunan ng puting maskara. Hindi mapagtanto ng bata kung galit ba ito sa kanya, o naawa o kung ano pa man dahil sa natatabunan ang mukha nito, pati ang mismong mata nito. At sa di malamang dahilan, ay bigla na lamang tumigil sa pag-iyak si Karylle at tumayo.

"Stwong ako!" sigaw nito at ngumiti.

Baliw ata talaga 'to. Sa isip ni Vice.

"Ano naman ang gagawin mo rito? Bakit gustong gusto mong bumalik?" tanong ni Vice sa bata at naglakad palayo rito, agad namang sumunod si Karylle sa binata upang hindi siya muling maligaw.

"Kasi gusto kong makasama si Bays!" magiliw na sagot ni Karylle at muling akmang hahawakan ang kamay ni Vice kaya't muli siyang nakatanggap ng palo ng patpat.

"Mashakit!" sigaw ni Karylle na nagpipigil ng iyak.

"Hindi mo akong pwedeng hawakan, kundi mawawala ako." seryosong sabi ni Vice at tinitigan ang umiiyak na Karylle.

"Ayaw kong mawala si Bays!" sagot naman ni Karylle na siyang nagpangiti sa binat sa likod ng maskara.

"Kaya't wag mo akong hawakan." sabat ni Vice at nagpatuloy sa paglalakad kaya't muling tumayo si Karylle at sumunod muli kay Vice.

"Ipasyal niyo po ulit ako." nakangiting sambit ng bata at nagtatakbo pauna kay Vice.

Kaya't muli silang naglakbay at namasyal sa gubat hanggang sa pagpatak ng takdang oras ng pag-alis ni Karylle.

Ng sumunod araw ay muling bumalik si Karylle. At paulit ulit nila itong ginawa. Sa likod ng maraming limitasyon ay naging magkaibigan parin ang dalawa. Napapasaya naman ni Karylle si Vice, ganun din naman kay Karylle. Ito ang kanyang pinakagustong kaibigan sa lahat, na siyang inamin ni Karylle kay Vice. Hanggang sa dumating ang panahong kailangan nang bumalik ni
Karylle sa talagang tirahan nila. Pabalik sa siyudad ng lugar, na malayo sa gubat kung saan sila nagkikita ni Vice.

Kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa damuhan sa harap ng sapa, dahil sa pagod na si Karyle sa kapapalipad sa saranggolang ginawa ni Vice.

"Aayis na kami bukas, Bays." sabi ni Karylle at nalungkot naman si Vice sa narinig. Mawawalan na siya ng taong kaibigan.

"Babalik ka diba?"

"Siwwy! Opkoys! Duwing summew!" sagot ni Karylle na kala mo ay matanda kung sumagot.

"Okay, hihintayin kita ah." sambit ni Vice at pinalo ng marahan ang ulo ni Karylle gamit ang isang patpat.

"Away!" nakangiwing usal ng bata at hinawakan ang sumakit nitong ulo.

"Mamimiss ni Bays ang kakulitan ni Kawylle, diba?" tanong naman ni Karylle kay Vice tumingala sa mataas na binata.

"Oo naman." at napangiti naman si Vice sa likod ng maskara, dahil sa naalala niya ang mga kakulitan at kawirduhan ng bata.

"Tayaga?" the little girl grinned.

"Oo nga. Ang kulit ah." natatawang sagot ni Vice at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Mimimiss din ikaw ni Kawylle, po." nakangiting sambit ni Karylle at tumayo rin mula sa pagkakaupo.

Kanilang tiningnan ang napakagandang palubog na araw. Perfect View ika nga.

"Tsaka, sayo nalang pala yan saranggola. Ginawa ko talaga yan para sayo." muling pagsasalit ni Vice.

"Tayaga? Kay Kawylle nayang 'tong sa-sayaa-yanggo-gu-ya, sayangguya?" nakangiting tanong ni Karylle sabay hawak ng mahigpit sa saranggola.

"Opo. Para hindi mo ako makalimutan!" sagot naman Vice kaya't mas lalong lumaki ang ngiti ni Karylle kasabay ng pagyakap niya sa saranggola.

"Sayamat, Bays!" sabi pa nito at nagtatalon habang iwina-wagayway ang saranggola.

"Tara na, ihahatid na kita. Lumulubog na ang araw baka abutin ka pa ng pagdilim, marami pa naman ang mga multo rito." may halong pang-aasar sa boses ng binata.

"Bays..." ngayo'y nakapameywang na si Karylle na tila hindi gusto ang ginawang pananakot sa kanya ni Vice.

"Binibiro lang kita." bawi niya at ngumiti. "Tara na." muling sambit ni Vice at inilahad ang patpat kung saan hahawak si Karylle upang hindi ito mawala. Ito na ang nakagawian nila, ang maglakad na ang tanging nag-uugnay sa kanila ay isang patpat.

"Babalik ka ah!"

"Oo nga ih!"

"Hihintayin kitang bata ka!"

"'Tiy we meet again!" muling sambit naman ni Karylle kasabay ng flying kiss at muling naglakad pabalik sa bahay nila hanggang sa hindi na ito makita ni Vice.

"Uy! Nagdadram siya oh!"

"Wag ka nga, Vhong!" inis na saway ni Vice sa kaibigang si Vhong na nanunukso na naman.

"Oh edi sorry!" sagot ni Vhong at mahinang tumawa.
---

Araw-araw ay hinintay parin ni Vice si Karylle na bumalik sa gubat. Naghihintay siya sa may tuktok ng puno, o di kaya sa entreda mismo ng gubat. Sa sapa kung saan sila nagpapahinga, at sa lugar kung saan sila unang nagkita. Hindi na namalayan ng binata ang paglipas ng mga taon sa kanyang paghihintay.

"Tambay again pare ah. Napapadalas na yan! Porket peybori---"

"Tumahimik ka nga, Vhong!"

"Luh siya oh. Porket hindi na nagpakita si Karylle eh." pabulong na panunukso ni Vhong ngunit sapat parin ito para marinig siya ni Vice.

"Kung nandito ka lang para asarin ako, umalis ka nalang." sagot naman ni Vice at yumuko.

"Siya lang kasi ang taong naging kaibigan ko. Alam mong matagal ko na yang hiling, Vhong." halata ang lungkot sa boses ni Vice.

"Alam ko yan, Vice. Pero naman kasi, halos labing-tatlong taon mo na siyang hinihintay. Hindi ka ba napapagod? O di kaya'y nagsasawa? Sa ating mga tam--- Ay! Iba pala yun! But kidding aside, pare ah. Iba na yan. Wag kang ano dyan, bata yun." ani Vhong at tinapik ng marahan ang balikat ni Vice.

"Porket naghintay lang ng matagal na panahon. Binigyan mo agad ng malisya." depensa naman ni Vice giving Vhong a "I'm-not-like-that" look.

"Oh edi hindi. Masyado kang defensive, napaghahalataan ka ah." muling panunukso ni Vhong sa kaibigan.

"Tumigil ka nga!" asar na sagot naman ni Vice.

"Eto na nga titigil na." tugon nito at muling tumawa.

---
Ano nga ba ang nangyari at bakit 13 taon nang hindi bumabalik si Karylle sa gubat?
---
KARYLLE

"Nasan ka ba kasi, Ana Karylle?"

"May binibili lang ako ma! Hintayin niyo lang ako ah!"

"Sige na! Sige na! Bilisan mo lang, at baka iwan ka talaga namin."

"Grabe ka naman ma!"

"Sige! Ingat ka!"

"Bye ma! Love you! Hintayin niyo po ako!"

Call ended

And now, this is already me. I'm now at the age of 19, fourth year college na next school year. Naaksidente ako nung 6 palang ako. A car accident to be specific. I wasn't able to move out of my bed or just to move kasi nasa kritikal akong kondiyon. Halos isang taon ang hinintay para makarecover ako mula sa accident. And after that, nawalan na ako ng chance na makabalik kayna tito kasi, nagpunta naman sila ng States, at wala akong makakasama dun sa bahay na pinagbabaksyonan namin sa probinsya. But I can still remember the guy I met 13 years ago.

That tall guy, wearing a plain white mask, with this gray hair, in red sando, and a white polo above. Having this board shorts and a slippers. That guy named Vice. Naging playmates kami nun noh, for almost a month kaya bakit ko naman siya makakalimtan. Lalo na ang creepy side niya na hindi ko man lang kinatakutan.

Pinangakuan ko siya, at hindi ko yun makakalimutan. I promised him that I'll be back. That I'll visit him again, every summer. But it wasn't granted immediately.

Pero ngayon, babalik na kami kena tito after 13 years. Kaya makikita ko na siya uli. At the great thing is, doon na ako mag-aaral para sa next na school year, kaya we can have a greater and longer time with each other.

"Ano ba miss? Sasakay ka ba?"

Hala! Galit na si manong.

"Eh, hindi po. May bibilhin pa ako, tsaka may kotse po ako." sagot ko rito sabay kamot ng aking ulo.

"Tapos pinara mo kami? Ano ba yan?!" singhal nito sabay paharurot sa jeep.

Luh? Inaano ko siya? Nagpara ba talaga ako? O sadyang bulag lang yun?

"Uy K! Ano na? Akala ko ba may bibilhin pa tayo?" nakalimutan ko atang kasama ko pala si Anne. Hihi.

"S-sorry! Tara na! Baka iwan pa ako nila mama!" sagot ko sabay takbo papasok sa mall.
---

"Maaaaa! I'm home!" sigaw ko at agad na kumaripas ng takbo papunta ng kwarto.

"Magpalit ka na ng damit at aalis na tayo! Wag ka ng mag-alala sa mga gamit mong dadalhin dahil nakaempake na lahat nun. Bilisan mo na!" sagot ni mama sa kabilang kwarto.

"Thanks ma! Kaya love kita eh!" natatawang sambit ko at daling hinubad ang aking suot, sabay pasok sa CR.

Halos 15 minutes din akong nasa loob ng CR kasi naligo ulit ako. Kaya eto, nagmamadali na talaga ako. At ang tanging nasuot ko lang ay puting t-shirt at pedal tapos black converse shoes.

"Tara na, Ma!" sigaw ko at bumaba na patungong sala dala ang aking bag at ang saranggola na bigay ni Vice sa akin dati.

"Isasama mo talaga yan, ate?" Tanong ni Zia na itinuturo pa ang hawak kong saranggola.

"Oo naman. Nakitang m9ng hawak ko diba?" pamimilosopo ko at tumawa sa huli.

"Ewan ko sayo! Tara na nga!" ani Zia at umangkla sa braso ko. At tinahak na namin ang daan patungo sa garahe ng bahay.

"Landtrip lang tayo, ah! Para mas mahaba ang biyahe! Hihi!" agad na sabi ni Zia sabay patakbong pumasok sa loob ng crosswind.

"Oo na nga eh!" sagot naman ni Papa habang ipinapasok ko ang aking gamit sa trunk ng kotse. "Oh? Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong naman ni Papa at tinulungan na ako sa pag-aayos ng gamit.

"Wala na." nakangiting sagot ko at hinawakang mahigpit ang saranggola.

"Si Mama! Nakalimutan natin si Mama!" narinig ko namang sagot ni Zia sabay tawa ng malakas.

"Loko ka Zia!" saway ko rito at tumabi na sa kanya sa backseat.

"Ayan na pala Mama niyo eh. Maghanda na kayo, dahil magt-take off na tayo!" sabi naman ni Papa at umupo na sa may driver's seat at inistart ang makina mg kotse.

"Ang corny niyo po!" sigaw ni Zia at tumawa.

"Okiedokie! Tara na!" halata ang excitement sa boses ni Mama nang makapasok siya ng kotse.

"OMG! Excited na ako!"

"Uy! Coco nandyan ka pala!" ani Papa at pinaandar na ang kotse.

"Grabe siya oh. Naglalaro lang kasi ako." sagot nito at ngumiti.

"Ok ok ok." sabi naman ni Zia at umayos na ng upo pati din ako.

After 13 years of waiting! Makikita ko na siya ulit! Ano na kaya hitsura niya? Baka matanda na yun? Ewan! But! Vicey here I come!

---
Halos dalawang oras na ang biyahe nilang pamilya kaya't medyo pagod na sila habang nakikinig ng ilang kanta sa radyo. Sa totoo lang, ay tulog na ang iba at tanging si Karylle at ang kanyang ama ang gising pa.

"Nasaan po ba ung Firefly Forest, Pa?" tanong ni Karylle sa kanyang Ama.

"Sa susunod pa na bayan, nak. Bakit?" sagot nito at nilingon pa ang dalaga.

"Ibaba niyo po ako dun." diretsomg sagot ni Karylle, at hinigpitan ang hawak sa saranggolang hawak niya.

"Aba'y bakit naman?" tanong uli ng kanyang ama.

"Matagal na tayong hindi nakabalik rito kaya bibisitahin ko lang sana ulit." nakayukong paliwanag nito.

"Oh tapos?"

"Eeeeh! Papa naman eh!"

"Eh ano naman kung may bibisitahin ka? Bakit mo ba naitanong ung tungkol sa Firefly Forest?"

"Err, gusto ko po kasi sanang pumunta roon." sagot ng dalaga. "Pwede po ba?" kagat-labing tanong ng dalaga.

Her father gave her a tern look which made her frown, but after a few seconds she found her dad smiling through the rare-view mirror.

"Ofcourse. Magiingat ka lang, alam ko kasing sabik na sabik ka na sa gubat na yon eh." sabi ng kanyang ama kaya't mas lumaki ang kanyang ngiti. "Ano bang meron dun?" dugtong na tanong naman ng matanda.

"Aah, eh... Mga alitaptap?"

"Oh ayan na pala oh!" sigaw ng kanyang ama sabay turo sa isang mapunong lugar. Dahilan upang magising ang ginang na katabi ng kanyang ama, ang kanyang Mama.

"Ano ba Modesto!? Bakit ka ba sumisigaw diyan?" tanong naman ni Zsa Zsa at pinalo pa ang braso ng asawa.

"Aray naman? Bababa kasi itong panganay natin kaya napasigaw ako." sagot ng lalaki at ihininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Bakit daw?" tanong naman ng ginang.

"May kikitain daw---"

"May kikitain ka diyan! Bibigla-bigla ka nalang diyan Zia ah." putol ni Karylle sa kapatid na kagigising lang.

"May pupuntahan daw siya sa loob. Hindi naman delikado diyan, kaya pinayagan ko na." paliwanag ng ama at ngumiti.

"Ingat ka, anak. Umuwi ka ng maaga!" ani Zsa Zsa habang isinusuot ni Karylle ang kanyang bag kung saan nasa loob nito ang mga pinamili niya kanina.

"Luh si Mama, parang ang layo ng lalakarin ko ah. Eh, nandiyan lang naman yung bahay!" sagot ni Karylle sabay turo sa bahay na malapit nga lang talaga sa gubat.

"Ah, basta. Ingat!" ani Zsa Zsa at bumeso sa anak.

"Yep yep! Love you ma! Pa, hihi... Salamat! Pakisabi nalang kena Tito na pumunta muna ako rito!"

"Daming hanash! Paandarin mo na yan pa!" inip na sabat ni Coco habang pababa ng kotse si Karylle.

"Sige na! Bye!" paalam ni Karylle at agad na tumakbo patungo sa loob ng gubat.

---
Kasalukuyang nasa tuktok na naman ng pinakamataas na puno si Vice kasama si Vhong.

"Nandito na naman tayo brad ah."

"Hindi ko naman kasi sinabi sayo na sumama ka." walang ganang sagot ni Vice sa kaibigan.

"Hinihintay mo na naman siya?" tanong naman ni Vhong. Ngunit hindi sumagot si Vice.

"Hinihintay mo parin. Naku Vice, nakalimu---"

"Tumigil ka na nga, Vhong! Huwag mo akong sasamahan sa susunod kung puro panunukso lang naman ang gagawin mo." halata na ang inis sa boses ng binata ay nakakunot na ang noo nito habang nakatingin kay, Vhong.

"Hindi ako nagbibiro, nagsasabi lang ako ng mga maaring nangyari kaya't hindi na nakabalik yang Karylle mo." seryosong sagot ni Vhong.

"Bahala ka nga diyan!" ani Vice at tumalon mula sa puno.

Pinipigilan na lamang ni Vice ang kanyang mga nagbabadyang luha kanina pa.

Hindi ako nakalimtan ni Karylle. Sa isip ng binata.

Naglakad lakad lang muna ang binata sa gubat tulad ng kanyang ginagawa kapag wala siyang magawa. Bumali siya ng isang maliit na tangkay ng puno at kanya itong pinaglaruan sa kanyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang minuto pa ay tila may narinig siyang kakaibang ingay.

Ito'y paghikbi.

Agad na hinanap ni Vice kung saan nanggagaling ang paghikbing ito, hanggang sa makita niya ang isang dalagang may hawak na saranggola at may dala-dalang bag, na naka puting t-shirt, pedal at itim na pares ng sapatos.

Yun yung saranggolang ibinigay ko kay Karylle bago siya umalis. Sa isip ng binata at nagtago sa likod ng isang minuto at pinagmasdan ang babaeng nakayuko.

H-hindi maaring si Karylle ito sapagkat isang maliit na bata si Karylle! pagiisip muli ng binata.

Tanga! Mga tao yan kaya't mag-iiba talaga ang kanilang hitsura!

Napaigtad naman ang binata dahil sa may sumagot sa kanya.

"Vhong?" usal ni Vice nang makita si Vhong sa kanyang likuran na nakangiti. Oo, napalakas ang kanyang boses dahilan upang marinig ito ng dalagang humihikbi at siya ring dahilan upang mapaangat ang mukha nito at hanapin kung saan nagmula ang boses na yaon.

"Vice?"

At ang nakikipagbunuan na si Vice ay napalingon sa narinig. Kanyang naalala ang pagtawag sa kanya ni Karylle dati.

"Bays."

Hindi man parehas ang boses ay parang kilala niya ang tumawag sa kanya.

"K-Karylle?" at siya'y lumabas mula sa pagkakatago sa likuran ng puno.

"V-vice..." at tumayo na ang dalaga sa pagkakaupo sa lupa. Lumapit siya kay Vice at akma niya na naman itong yayakapin nang...

"ARAY!" nakangiwing sigaw ng dalaga habang hinahawakan ang ulong napalo na naman ni Vice gamit ang tangkay ng punong hawak ng binata.

"Ikaw nga si Karylle." at ngayo'y nakangiti na si Vice sa likod ng maskara, ngunit sa pagkakasalita niya ay wala siyang emosyon na siya namang ikinabahala ng dalaga.

"G-galit ka ba? Dahil ba sa hindi kita agad binalikan?" muli ay naluha si Karylle, ngunit wala paring sagot ang binata.

"Vice naman, oh. Magsalita ka naman." muling sambit ng dalaga ngunit imbes na magsalita ay tumalikod lamang ito at naglakad patungo sa lugar kung saan siya nakaharap.

"Vice naman." at akmang hahawakan na naman ni Karylle ang kamay ni Vice ngunit at naagapan naman agad ito ni Vice sa pagpalo sa kamay ni Karylle.

"Aray! Pangalawa na yan ah!" sigaw ni Karylle habang hinihimas ang kanyang kamay na pinalo ni Vice gamit ang tangkay na kanina'y kinuha nito.

Ngunit ay hindi parin sumagot ang binata ngunit sa likod talaga ng maskara ay nakangiti ito. Kaya naman ay sumunod nalang siya sa binata kung saan man ito papunta.

Hanggang sa napadpad sila sa sapa. Ang sapa kung saan huli silang nag-usap ng masinsinan. Napangiti naman ang dalawa sa naalala.

"Naalala mo ba 'to?" ngayon ay nagsalita na si Vice na siyang ikinasiya ni Karylle.

"O-Oo naman! Ano ka ba!" natatawang sambit ng dalaga. At umupo sa madamong lapag nito., habang si Vice at tumingala lamang sa kalangitan.

At muling natahimik ang dalawa na tanging ang mga huni ng ibon at ang ihip ng hangin lamang ang iyong naririnig.

"K-Kamusta ka na, Vice?" pagbasag ni Karylle sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Napagod din ako sa kahihintay. Kahit hindi ko alam na may dapat pa ba akong hintayin. Pero, buti nalang at bumalik ang hinihintay ko." sagot ni Vice at umupo sa tabi ni Karylle, which made the lady feel guilty. "Ikaw? Kamusta ka na?" at ngayon ay tumingin na si Vice kay Karylle, ngunit hindi parin talaga mabasa ni Karylle ang binata dahil sa nakamaskara ito at pati ang mata nito ay natatakpan.

"O-Ok lang naman ako." nakayukong sagot ni Karylle. "Pasensya na ah. Hindi agad ako nakabalik." pilit ngiting dugtong ng dalaga at tumingin muli kay Vice.

"Ano nga ba ang nangyari't hindi ka nakabalik agad?" tanong naman ni Vice at tumingala muli sa kalangitan.

"Pumunta kasi sina Tito sa States kaya walang tao sa bahay na tinirhan ko dati nung narito pa ako. Wala akong makakasama kaya yun. Tsaka nag-aaral na din ako nun." paliwanag naman ng dalaga.

"Masaya ako't bumalik ka." out of the topic na sabi ni Vice. Na siyang nakapagpatigil kay Karylle at mapatingin sa binata.

"M-masaya rin ako kasi nagkita na tulit tayo." sagot naman ni Karylle na nakangiti.

"Talaga?" at hinawakan ni Vice ang kanyang maskara at muling tumingala sa kalangitan.

"Oo naman." agad na sagot ni Karylle kasabay ng pag-angat ni Vice ng kanyang maskara, kaya't nakita ni Karylle ang kalahati ng mukha ng binata. Ang chinito nitong mata, mapupulang labi, ang magandang ilong nito. Ika nga ay perfect ang features ng mukha nito, inshort gwapo. Maya-maya pa ay may lumabas na tatlong paru-paro mula sa bibig ng maskara, na ibinalik na ng binata sa kanyamg mukha. Little Pink-butterflies. Na ngayon ay lumilipad na palibot kay Karylle.

Inangat naman ni Karylle ang kanyang isang kamay at bahagyang intinaasang kanyang hintuturo upang padapuin ang paru-paro rito, na ginawa din naman ng paru-paro kaya't mas lalong namangha at mapangiti. Ang isa naman ay dumapo sa kanyang tenga kaya't siya ay napatawa dahil sa nakiliti siya dahilan rin upang mangiti si Vice sa nakita. At muling pinagmasdan ng dalaga ang mga paru-parong lumilipad.

"Ang ganda." manghang sambit ni Karylle habang nakangiting nakatitig sa mga lumilipad na nilalang.

Parang ikaw.

Sambit ni Vice sa kanyang isip at napangiti sa likod ng maskara.

To be continued...

Vote!

Spread!

Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 799 28
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
2.9K 366 23
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
1.6K 77 29
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
1.2M 24.3K 56
just for fun