Romeo's First Love (RFL #1)

By sayuriMa

12K 231 40

Sa bawat kuwento mayroong leading man, leading lady, kontabida at mga extra. Paano kung sa simula leading lad... More

*PROLOGUE*
Chapter 1 *Dance Socials*
Chapter 2 *Letter to my Prince*
Chapter 3 *Seven Things*
Chapter 4 *Stronger*
Chapter 5 *Encounter
Chapter 6 * Overnight
Chapter 7 * Film Fest
Chapter 8 *New Life
Chapter 9 *Question
Chapter 10 *Quit
Chapter 11 *Real Feelings
Chapter 13 *My Prince
Chapter 14 *Broken Heart
Final- My Romeo
Book 2: Inside the Shell (Coming Soon)
Book 3: Cinderella's Midnight (Coming Soon)
Book 4: The Boy Who Said I Like You

Chapter 12 *Give it a Try

433 7 2
By sayuriMa

"He likes you, pero meron siyang ibang mahal!"

Halos madurog ang puso ko nang marinig ko yon.

Ano ba yon?

Gusto niya ko pero may mahal siyang iba? So rebound ako ganon, panakip butas?

"Ang sabi ni kuya Mac, nakokonsensya siya kasi after raw niyang magparamdam sayo ay bigla ka na lang niyang iniwasan. Ang bait mo raw kaya hindi niya kinaya na gamitin ka... Pero ang sabi ni kuya kung nauna-una ka lang daw siguradong sayo siya mai-in love."

Kung kayo ang makakarinig ng ganon, anong mararamdaman nyo?

Ako kasi hindi ko mailarawan ang feelings ko.

Oo masaya ako kasi kahit papano nagustuhan ako ni Mac, pero..... may puwang sa puso ko na nagsasabi na sobrang bad ng kapalaran sa akin...

Bakit ba all the time na lang ginagawa akong rebound?

Nung panahon ni Ken, naging rebound na ko... Tapos ngayon, rebound na naman?

Namalayan ko na lang na may mga luha nang tumutulo sa mata ko.

 It's true... nasasaktan ako.

Ganito pala ang feeling ng mainlove, sobrang komplikado...

Kung alam ko lang na ganito ang dadanasin ko, eh di sana forever na lang akong nag focus sa mga cute na anime characters.

 

*Beep...*

Nagtext sakin si Lawrence.

"Aia, nagreply yung tinext mo, Marco daw name niya."

"Marco?"

Napatingin ako sa cellphone ko, sa number ni Mac to be specific.

So ano na, ano nang gagawin ko... ite-text ko ba siya o hinde?

 Nag-isip ako, pero sa huli nangibabaw ang desire ko.

Masisisi nyo ba ko? Sobrang na-miss ko na kasi siya.

Yung time na dinalan niya ko ng siomai, yung time na sabay namin pinapakinggan yung Aitakute at higit sa lahat yung time na isinayaw niya ko...

Yun yung mga time na naramdaman ko na special ako.

Wala pang lalaking nakapagparamdam sakin non, kahit si Ken, hindi ko yon naramdaman nung kami pa—si Mac lang ang nakagawa na iparamdam sa akin na isa kong prinsesa. Kaya naman, no doubt na ko...

He's my prince.

Kung ikaw ang princess, matitiis mo bang hindi itext or kausapin ang prince mo?

Tinext ko siya. "Hello Mac, how are you?"

Nagreply naman siya.

He never said sorry, actually hindi namin napag-usapan yung mga nangyari, basta nagkamustahan lang kami, nagkwentuhan...

Katulad ng dati.

Aaminin ko, ine-expect ko na magiging more than friends kami pero mukhang malabo...

I guess hindi pa siya ready na pumasok ngayon sa isang relasyon.

I understand that, Pero hindi ako susuko...

I'll wait for him.

***

Pero gaano katagal ako maghihintay?

Mamahalin pa rin kaya ako ni Mac?

Bakit sa mga telenovela yung ganitong sitwasyon nauuwi sa happy ending, bakit kami ni Mac parang alanganin?

Haaaaaayyyy....

"Bakit close na uli kayo ni Mac?" tanong ni Luigi. Nalaman niya kasi na nagkaka-text kami at nagkakatawagan.

Alam ko nagtatampo na si Luigi, hindi niya gusto si Mac. Oo, magkaibigan sila, pero nagkailangan sila simula nang magustuhan ni Mac yung ex girlfriend niya. Sabihin na nating ang babaeng gusto ni Mac ay yung babeng gusto rin ni Luigi, sad to say parehas silang hindi gusto nung girl.

Pero hindi ko naman pinakinggan si Luigi, kahit nga yung iba kong kaibigan gaya ni Lance, at tsaka ni Emman hindi ko na rin napapansin kasi ang gusto ko lang makasama ay si Mac.

I like him, at habang patuloy kaming nagkakatext at nagkikita, I guess lalo na kong napapamahal sa kanya.

Kaya nga madalas kong sabihin sa sarili ko na hindi ako susuko. Hihintayin ko talaga siya...

Hihintayin ko ang aking prinsipe.

Pero mapapanindigan ko ba yon?

Makakaya ko nga ba siyang hintayin kung puro disappointment ang ibinibigay niya sa akin?

 

 

FIRST DISAPPOINTMENT

"Pupunta ko sa inyo..." sabi ni Mac.

Bigla naman dumagundong ang puso ko.

"Pupunta ko sa inyo with Emman, may ipapa-edit akong video sa inyo."

Ay naku... talagang kailangan with Emman pa? Kaya ko namang mag-edit ng mga vids even without him, Pero sige okey lang, medyo na-mimiss ko na rin naman si Emman, kahit na nakikita ko siya sa school.

Pero dahil nga pupunta sila, syempre nag-prepare ako. Naglinis ako ng bahay at nagpaluto pa kay mama ng pansit.

*BEEP*

"Aia, sorry, hindi ako makakapunta," text ni Emman.

"Hindi pala pupunta si Emman, hindi na rin ako pupunta," sabi ni Mac.

Yung feeling na nagprepare ka, pero nabalewala...

Haaay... sobra talaga akong nagtampo, okey lang na hindi makapunta si bestfriend Emman, pero si Mac... I really want to see him.

SECOND DISAPPOINTMENT

Nung birthday ni Mac,

According sa sister niya na si Jamille, meron siyang favorite na chocolate, yung Goya na may almond.

Since wala akong pera, iyon na lang ang naisip kong bilhin. I think nasa 50-60 pesos lang ang price non. Usually nabibili yon sa Mercury Drug.

Hindi pa rin humuhupa ang baha sa bayan dahil sa nakarang bagyo kaya close ang  pinaka malapit na mercury Drug— kaya nga dun ako sa isang branch ng mercury nagpunta, dun yon sa malapit sa Kapitolyo. Actually may kalayuan yon, kailangan pang magsakay ng tricycle.

Pero dahil pinaglihi ako sa pagtitipid, naglakad lang ako.

Hinanap ko agad yung chocolate.

GOTTCHA!

Ang saya-saya ko nung mabili ko yon.

Ano kayang sasabihin ni Mac kapag binigyan ko siya nito?

Alam nyo ba kung anong naging reaksyon niya?

Well, hindi niya lang naman tinaggap yung chocolate.

"Mas gusto ko na ako ang nagbibigay, ayoko ng ako ang binibigyan" –sabi niya.

LAST DISSPAPOINTMENT:

Nung sinabi ko sa kanya na I think he's my prince.

"Im you're... what?"

"You're my prince," sabi ko via text, kasi tinulungan niya ko na makalimutan si Ken. Actually alam na niya na gusto ko siya. Kaya wala nang reason para ideny ko pa.

Naging vocal na ko tutal alam ko naman na crush niya rin ako.

"Hoy, Mac, di ka na nagreply dyan!"

"I'm not your prince! Ayokong tinatawag ako ng ganon, nasusuya ako."

Once again, naiyak na naman ako.

Sinasabi ko na gusto ko siyang maging prinsipe ko, pero ayaw naman pala niya.

Ang sakit non sakin, pero wala naman akong magagawa. Kahit siguro lumuha ako ng dugo, kung ayaw niya sakin ayaw niya talaga.

Siguro I need to give up.

Tama, dapat sumuko na ko.

Kailangan ko nang isuko si Mac.

He's not my prince!

Sabi niya nga diba, nasusuya siya sa idea ng pagiging prince.

Si Ken, Knight ko.

Ngayon si Mac naman—siguro siya ay isang wrong prince.

Gusto kong ipasok sa kokote ko na wag na si Mac, I need to forget him, pero hindi madali.

Maya maya lang nakikita ko na ang sarili ko na itinetext siya.

Para mabawas-bawasn ang sama ko ng loob, nanonood na lang ako ng TV.

One liter of Tears ang paborito kong panoorin.

Yung bidang babae don, may sakit kaya naisip niya na kung makakakabalik siya sa nakaraan, mas magiging okey ang buhay niya...

 "Gusto kong bumalik sa nakaraan, gusto kong gumawa ng time machine at bumalik sa nakaraan!"        —-line niya.

Naiyak ako don.

Ako rin... gusto ko rin yon.

Gusto kong bumalik sa time na magkaibigan pa lang kami ni Mac. Tapos hindi na ko maiinlove sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 78.8K 37
This story will become free on JUNE 26, 2024 A well-known doctor, Celestine Snow Montenegro, doesn't believe in love anymore. But, Military Captain...
4.1M 104K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
4.8M 76K 77
(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalang puno ng sakit. Kailan ka nga ba makaka...
1.9M 47.5K 54
The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng...