Final- My Romeo

221 6 0
                                    

Bago si Juliet, may Rosaline muna sa buhay ni Romeo.

In connection, bago si Mary, ako muna ang girlfriend ni Ken.

Right after makabalik ni Mary from mission, nabalitaan namin na ikakasal na siya.

Pero paano si Ken? Well, yung tungkol sa kanila, ibang story na....

"Sabi ko na nga ba, kayo talaga ni Ken ang para sa isa't isa!" Kabilaan ang narinig kong nagsabi noon.

Pero....

Talaga?

Kami?

Hindi ko talaga alam ang sagot.

Sa mahigit isang taong lumipas, alam ko na hindi ko na gusto si Mac. Although I love him for being kind, naka-move on na ako sa kanya. Isa pa may asawa na siya ngayon.

About naman kay Ken, ang alam ko matagal na kong naka-move on sa kanya. Pero hindi ko maikakaila na sa tuwing binabanggit siya ng mga tao sa paligid ko, naiisip ko na baka nga kami ang talagang para sa isa't-isa. Katulad ng sinabi noon ni Vina.

Pero ayoko na munang isipin ang tungkol sa pagbabalik niya. May mas mahalaga akong pinag-iisipan ngayon. At iyon ay ang tungkol sa kinabukasan ko.

Ano bang plano ko sa buhay?

Ano bang gusto ko?

Okey na ba ako sa trabaho ko?

To be honest, I feel drain. I feel empty. Hanggang sa makausap ko ang kaibigan kong si Emman.

"Aia, desidido na ko, magse-serve na rin ako ng mission!"

"Eh?" Nagulat talaga ako sa rebelasyon ni Emman. Sabi niya kasi hate niya ang idea ng pagpunta sa mission baka daw mamayat siya, pero ano itong sinasabi niya ngayon?

Actually hindi talaga mabilis mag-serve ng mission. Bukod sa medical, dental at interview na kailangan mong maipasa may certain amount ka rin na kailangan bayaran. At ang magiging gawain mo doon ay ang magturo ng gospel ni Jesus Christ sa mga taong hindi mo kilala (dahil nga sa ibang lugar ka ma-aasign.) Bukod doon kapag nag-mission ka malalayo ka sa family mo, marami ring bawal including gadgets at having a relationship.

Hinawakan ko ang noo ni Emman. "May sakit ka ba?"

"Wala akong sakit, talaga lang naisip ko na para ako sa pagmi-mission!"

"Okey, sabi mo eh!"

"Uy Emman! Totoo, mag-mi-mission ka?" biglang singit ni Jannah at ng iba pa naming friendship.

"Aba, alam nyo na pala? Ako na lang pala ang hindi nakakaalam ah!" sabi ko.

"Goodluck sayo Emman, kaya mo yon!" payo ng iba pa naming kaibigan.

"Eh Emman, aalis ka...wala ka bang GF na maiiwan?" tanong uli ni Jannah.

"Wala, wala naman akong GF," nailing na sagot ni Emman

"Hindi ka ba nagka GF dito sa org?" tanong ko.

"Hinde," sagot niya.

"Weh, di nga... yung totoo!" pamimilit ko.

"Sinabi ko na diba, hindi ako nagkaron ng GF dito sa org!"

"Hindi ako naniniwala sayo!" giit ko.

"Hay naku... kung pinatos kita Aia, eh di nagkaron ako ng girlfriend, pero wala eh... di kita type!" pagyayabang niya.

Nagtaas ako ng kilay. "Pinatos pala ha, eh kung sapatusin kaya kita dyan!"

Romeo's First Love  (RFL #1)Where stories live. Discover now