Chapter 8 *New Life

474 9 2
                                    

Tapos na ang event sa film fest, ibig sabihin tapos na ang paghihirap namin para sa activity na yon. Masaya dahil nasuklian ang mga pagod namin pero malungkot dahil hindi ko na uli makikita ang mga kasama ko roon, kabilang na si Mac.

Gusto ko na siya at aaminin ko, miss ko na rin siya.

***

PASUKAN na, kaya naman magiging busy na kami, lalo pa ngayon 4th year na kami kaya start na ng OJT namin.

Naisip ko na lang na since magiging busy na kami baka sakaling makalimutan ko si Mac. Mula kasi nang tumigil siya sa pagt-text sa akin na feel ko na hindi na niya ko gusto kaya tama lang siguro na wag na kong umasa... Mabuting kalimutan ko na lang siya, mahirap din kasi ang masaktan.

 Ang importante rito ay yung fact ng tuluyan kong pagkalimot kay Ken.

Speaking of Ken.

Nalaman ko na nagpasa pala ng application ang girlfriend niya na si Mary para mag-serve ng full-time Mission.  Katulad nang nabanggit ko sa film namin ang pages-serve as full-time missionary ay isa sa mga bagay na ginagawa sa org namin. Voluntary yon. Mga single asges 19-25 ang kadalasan na inaasahang magvoluntaryo. Kapag naayos mo na ang application mo matatanggap mo ang iyong Mission call. Doon nakasulat kung saan ka ma-aasign. Pwede kang ma-assign kahit saang lugar sa Plipina. Pwede ka rin ma-assign sa ibang bansa.  Yung mga babae na gaya ni Mary 18 months ang span ng pag-se-serve. Yung namang mga lalaki, two years.

Balak din ni Ken na mag-serve pero dahil naunang mag-asikaso ng papers si Mary, mauuna siya.,

Pero wala na naman akong pakialam sa kanila kaya erase na sila.

Nag focus na lang ako sa pag-aaral.

Pauwi na kaming magkakaklase nang mamataan ko si Emman (Schoolmate kami)

"Ui, Aia!!!" tawag niya.

"Emman!" sagot ko.

Malaki rin talaga ang nagawa sa amin nung film fest kasi naging close kami ni Emman. Kwentuhan about editing and other things about film ang madalas namin pag-usapan.

"Aba, mukhang close na kayo non ah," puna ng classmate ko na si Shane.

"Ah oo, parehas kasi kami ng likes," sagot ko.

"Hehe, kala ko naman like nyo na ang isa't isa!" pang-aasar niya.

Napasimangot ako. "Ikaw talaga Shane, halika na nga uwi na tayo."

"Sige, pero teka...yung sugat mo sa mukha bakit parang nabalik, akala ko ba magaling na yan?"

Napahawak ako sa pisngi ko, natigilan na lang ako nang makapa ko na parang may bukol doon.

Syempre pinatingnan agad namin yon sa doctor , sad to say hindi raw yon madaling mawala, unt- unti raw iyong lalaki kaya need operahan.

Halos maiyak ako nang marinig ko yon. Bukol na pala itong tumutubo sa pisngi ko...

Magagamot pa naman daw ito kapag naoperahan pero pagkatapos non ano nang mangyayari sa mukha ko? At tsaka kakayanin ba naming bayaran ang gastusin sa operasyon?

Natapos nga ang problema ko sa pag-ibig nagkaron naman ako ng panibagong problema sa kalusugan.

ANG MALAS KO NAMAN!

*Beep... beep...

May nagtext.

Nang tingnan ko nalaman ko na si Jamille yon. Si Jamille ang younger sister ni Mac.

 Napangiti ako kasi lately nafi-feel ko na ang bait ng pakikitungo sa akin ni Jamille. May bigla tuloy nag-flash back sa akin na isang senaryo..

Sa shooting, nung nagawa pa kami ng film.

May eksena sina Ken at Jamiile.

Syempre sumama si Mary para mapanood ang eksenang iyon.

 

"Hello!" sabi sa akin ni Jamille, hinawakan niya pa ang kamay ko. "Kumusta naman ang broken hearted?"

"Ano?" sagot ko agad.

"Hehe, sabi ni kuya!"  dagdag niya.

Napatingin ako kay Mac. That time nasa unahan namin sila—naglalakad kami papunta sa shooting place, nahuhuli kami ni Jamille.

 

"Sinabi sayo yon ng kuya mo?"

"Okey lang, hindi naman kita aasarin, I'm here to comfort you alam ko rin kasi ang pakiramdam ng pagiging broken hearted. Pero wag kang masyadong malungkot dyan kasi mas maganda ka dun sa girl na ipinalit sayo ng ex mo... hindi ka nawalan, siya ang nawalan!"

Napangiti ako. Hindi sa idea ng pagiging maganda, kundi dahil nagkaron nanaman ako ng bagong kaibigan.

 

Kahit na broken hearted ako at kahit na may sugat ako sa mukha masaya pa rin! — dahil marami akong mga kaibigan.

"Paalis na ko-"text sa akin ni Mary a week before siyang pumunta sa Mission. Sa Baguio siya ma-aasign.

"Good luck ha, masaya ko para sayo," reply ko. "Siya nga pala, may nahanap na kong bagong pag-ibig ngayon."

"Talaga? Maganda yan! Masaya ko para sayo!" sagot niya.

Napangiti ako, mabait rin naman kasi talaga itong si Mary.

Sayang... kung hindi siguro siya naging girlfriend ni Ken baka sa kaling naging mas mabuti kaming magkaibigan.

Romeo's First Love  (RFL #1)Where stories live. Discover now