Chapter 10 *Quit

423 8 1
                                    

Pinaghandaan ko ang activity namin na "Amazing Race." Isa yung team building activity na ginanap sa isang resort.  Half day kami doon.

*DOki Doki! Doki Doki!*

Ang lakas ng tibok ng puso ko, lalo na nang mamataan ko si Mac. Parating na sila...

Nandiyan na siya...

"Hi Aia!" bati ni Jamille, yung kapatid ni Mac.

"Hi!" sagot ko. Binati na rin ako ng iba pang mga naandon.

"Oh, bakit wala kang kasama?" tanong sakin ni Angel (organizer ng activity.)

 "Sinabihan ko yung mga ka-branch ko ang kaso busy ata silang lahat," pagdadahilan ko.

Sinabi talaga sa akin ng mga ka -branch ko na pupunta sila pero ngayon nga wala ni isang nakapunta kaya medyo nalungkot ako.

Hindi rin nakasama si Emman dahil may pasok.

Pero si Jannah naandon, at tsaka si Mac.

Si Mac naman talaga ang isa sa reason kung bakit ginusto kong sumama sa activity. Sobra ko na kasi syang namiss. Actually gusto kung itanong kung bakit hindi na siya nagt-text... bakit nga kaya?

"Mac?" tawag ko.

Nginitian niya ko, pero sandali lang, umalis na siya agad

"A-Anong nangyari, bakit?"

Iyon ang tanong ko, hindi ko kasi inasahan na iiwasan ako ni Mac.

Gusto kong kausapin niya ko uli tulad ng dati pero hindi nangyari. Hanggang sa matapos ang activity hindi niya ko pinansin.

Bigla ko tuloy naalala ang isang lalaki nung grade 6 ako. Gaya ni Mac, Marco rin ang real name niya. Best friend ko siya. As in super close kami—hanggang sa isang araw nahulog ang loob ko sa kanya.

Nung malaman niya yon iniwasan niya na ko, hindi na niya ko pinansin ulit. Mula noon sinabi ko sa sarili ko na hindi na uli ako magka-ka crush.

 Kinaya ko yon... hanggang sa mag-college.

First year College ako nung makita ko uli siya. Nakakainis nga dahil  naramdaman ko na gusto ko pa rin siya pero... kahit meron kaming pinagsamahan hindi niya pa rin ako pinansin. Literal ang naging pag-iwas niya sa akin, kaya ang pakiramdam ko walang kayang magmahal sa akin.

Pagdating talaga sa pag-ibig, malas ako.

Pati kay Mac dahil bigla niya akong iniwasan.

***

"Ate Aia!" tawag ni Luigi.

"Kumusta ang Amazing race, pasensya ka na ha, hindi ako nakasama!" sabi niya. Kasunod noon ang sunod-sunod na pagkukwento niya sa akin.

Ngumiti ako, tumawa at pinakinggan ang bawat kuwento niya.  Naisip ko na sa ganoong paraan makakalimutan ko si Mac.  Oo, gusto ko na siyang kalimutan. Kapag kasi naiisip ko na iniiwasan niya ko, nasasaktan lang ako. Idagdag mo pa sa sakit ang nangyari sa pisngi ko. Nilagyan na ito ng bandage dahil sa bukol na tumutubo.

Hay naku... Minsan na i-stress na ako. Mabuti na lang enjoy ang OJT namin sa Radio at TV station. Kahit papano nakaklimutan ko ang problema. Nakakalimutan ko si Mac.

***

 "Aia, may tao sa labas!" sabi ni mama. Nasa bahay ako noon at sobrang lakas ang ulan. Nang tingnan ko kung sino, nakita ko si Mac.

Agad akong lumabas dala ang payong. "Mac, anong ginagawa mo dyan?" tanong ko. Pinayungan ko siya. "Bakit ka ba nagpapakabasa?"

"Aia..." sabi niya habang nakatitig sa akin.

Napatitig na rin ako sa kanya.

"M-Mac... bakit ba... hindi mo na ko pinapansin?"

"Aia, gusto kita!" bigla niyang sabi.

Ang mga kataga niyang iyon ang nagpagaan ng loob ko at sa wakas ay bumuo sa nadurog kong puso...

*KRIIIING....

Tunog ng alarm clock.

Hala! Panaginip lang pala yon.

Pero parang totoo.... Yung mga tingin ni Mac, yung suot niya, yung mga sinabi niya... para talagang totoo.

Pero kahit panaginip lang yon, nabuhayan ako ng loob. Nararamdaman ko na magkakatotoo ang panaginip na yon.

***

Pasakay na ko ng MRT nang makatanggap ako ng text mula sa dati kong ka-clan sa cellphone, Titanic ang nickname niya.

"Talaga bang ayaw mo sakin?" tanong niya. Actually minsan niya kong niligawan. (Hindi ko na siya pinansin dahil balita na lahat ng girls na taga amin nililigawan niya.)

"Sinabi ko na naman diba, may iba na'kong gusto," reply ko.

"Sino, si Mac... nakausap ko na siya, tinanong ko rin ang feelings niya para sayo, pero... sabi niya hindi ka raw niya gusto!"

*PAK!

Para akong sinampal ng text message na yon.

Hindi ako gusto ni Mac?

Kung hindi niya ko gusto bakit naramdaman ko na gusto niya ko?

Anong ibig sabihin nung mga ipinakita niya sa'kin?

Para tuloy gusto kong maiyak.

"I heard that if you give up things too easily to a man he will get bored with you

A girl says that he will never be fooled again but she will fall in love again...

You should have tell me you didn't like me anymore

But I couldn't see that and you just rushed me

I had been blind."

At kasabay ng katotohanang iyon ay ang operation sa pisngi ko.

Sobrang sama ng loob ko... malas na nga ako sa pag-ibig, may sugat pa ko sa mukha.

Romeo's First Love  (RFL #1)Where stories live. Discover now