Chapter 12 *Give it a Try

433 7 2
                                    

"He likes you, pero meron siyang ibang mahal!"

Halos madurog ang puso ko nang marinig ko yon.

Ano ba yon?

Gusto niya ko pero may mahal siyang iba? So rebound ako ganon, panakip butas?

"Ang sabi ni kuya Mac, nakokonsensya siya kasi after raw niyang magparamdam sayo ay bigla ka na lang niyang iniwasan. Ang bait mo raw kaya hindi niya kinaya na gamitin ka... Pero ang sabi ni kuya kung nauna-una ka lang daw siguradong sayo siya mai-in love."

Kung kayo ang makakarinig ng ganon, anong mararamdaman nyo?

Ako kasi hindi ko mailarawan ang feelings ko.

Oo masaya ako kasi kahit papano nagustuhan ako ni Mac, pero..... may puwang sa puso ko na nagsasabi na sobrang bad ng kapalaran sa akin...

Bakit ba all the time na lang ginagawa akong rebound?

Nung panahon ni Ken, naging rebound na ko... Tapos ngayon, rebound na naman?

Namalayan ko na lang na may mga luha nang tumutulo sa mata ko.

 It's true... nasasaktan ako.

Ganito pala ang feeling ng mainlove, sobrang komplikado...

Kung alam ko lang na ganito ang dadanasin ko, eh di sana forever na lang akong nag focus sa mga cute na anime characters.

 

*Beep...*

Nagtext sakin si Lawrence.

"Aia, nagreply yung tinext mo, Marco daw name niya."

"Marco?"

Napatingin ako sa cellphone ko, sa number ni Mac to be specific.

So ano na, ano nang gagawin ko... ite-text ko ba siya o hinde?

 Nag-isip ako, pero sa huli nangibabaw ang desire ko.

Masisisi nyo ba ko? Sobrang na-miss ko na kasi siya.

Yung time na dinalan niya ko ng siomai, yung time na sabay namin pinapakinggan yung Aitakute at higit sa lahat yung time na isinayaw niya ko...

Yun yung mga time na naramdaman ko na special ako.

Wala pang lalaking nakapagparamdam sakin non, kahit si Ken, hindi ko yon naramdaman nung kami pa—si Mac lang ang nakagawa na iparamdam sa akin na isa kong prinsesa. Kaya naman, no doubt na ko...

He's my prince.

Kung ikaw ang princess, matitiis mo bang hindi itext or kausapin ang prince mo?

Tinext ko siya. "Hello Mac, how are you?"

Nagreply naman siya.

He never said sorry, actually hindi namin napag-usapan yung mga nangyari, basta nagkamustahan lang kami, nagkwentuhan...

Katulad ng dati.

Aaminin ko, ine-expect ko na magiging more than friends kami pero mukhang malabo...

I guess hindi pa siya ready na pumasok ngayon sa isang relasyon.

I understand that, Pero hindi ako susuko...

I'll wait for him.

Romeo's First Love  (RFL #1)Where stories live. Discover now