Chapter 6 * Overnight

574 15 3
                                    

Bago matulog naaalala ko yung mga eksena nina Ken at Mary para sa film na kinukuhanan ko. Unti-unti ko na namang natatanggap na hindi talaga kami ang para sa isa't isa ni Ken pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin yung sakit.

Nakikita ko na lang tuloy ang sarili ko na umiiyak.

Minsan tuloy naisip ko na wag na bumalik sa shooting, puwede kong sabihing busy na ko dahil mag O-OJT na ko, pero hindi ko naman nagawa... ang totoo kasi masaya ako na makita siya. Kahit na may kasama siyang iba alam kong hinahangad pa rin ng puso ko ang presence niya...

"Yes, tapos na  rin!!!" naisigaw ni Angel. Si Angel ang binatilyong kasama ko sa pag kuha and at the same time ay partner ni Jannah as representative.

Natapos na namin ang shooting, editing na lang at tapos na ang movie.

This time i-aasa na lang namin kay Emman ang lahat, pero somehow parang gusto ko pa rin makisali. Hilig ko kasi talaga ang mag edit.

"Ah... Emman..." tawag ko.

Abala si Emman sa harap ng computer.

"Emman!" Tawag ko ulit.

"Ano ba yan hindi ko makita yung kanta ni Spongebob," sabi niya.

Napakunot ako ng noo. "Spongebob?"

"Uy nandyan ka pala" sabi niya, noon niya lang pala ako napansin.

"Oo, kanina pa ko rito..." sagot ko.

"Hinahanap ko yung kanta ni Spongebob yung may lyrics na down the well... alam mo ba yon?"

Ngumiti ako sabay iling.

"Sayang naman," sabi niya.

"Ah Emman, kailan ka pala mag e-edit, baka kailangan mo ng tulong?" tanong ko, gusto ko kasi talaga makisali.

Tumingin sa akin si Emman.

Napalunok ako, nakakatakot kasi yung pagtingin niya.

"Kung hindi naman puwede okey lang," sabi ko.

Ngumiti siya. "Kailangan ko talaga ng tulong kaya kung marunong ka I'll be glad kung sasamahan mo ko."

Napangiti ako don. Ibig sabihin nito kaming dalawa ang magiging editor.

Kasabay noon ang pagdating ng iba pa naming kasama kabilang na si Direk V.

"Ano, kailan mag-e-edit?" tanong ni Direk.

"Direk puwede bang overnignt na lang tayo para mabilis naming matapos?" suhesyon ni Emman.

Pumayag naman ang lahat.

Kahit ako wala na rin naging choice.

Kaya nga nang sumond na araw, ako kasama si Emman at ang dalawang reperesentative namin na sina Angel at Jananah ay nag-overnignt.

"Kamusta ang pag e-edit natin dyan..." biglang tanong ni Mac. Nagulat na lang kami nang dumating siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Emman.

"Dito rin ako matutulog," sagot niya.

Napatingin lang sa kanya si Emman.

Romeo's First Love  (RFL #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang