Orion's Belt

By sisabasilya

3.3K 163 8

Parang "Once upon a time" 'Di ka sure sa katagang "You are mine" Walang sinabing "Happily Ever After" Walang... More

Once upon a time
HELLO
Magic Pen
Ending
CART
MND
CODE
ELEHIYA
HEAVEN
ROLE PLAY
You are mine (Orion's Belt 1)
STARts
Isa kang Bituin
We'll be the stars
She will be loved
To be continued...
Someone's Dreamland...
Thank You, Friend...
I will find you . . .
Welcome to New York
Journal
T A T TOO

FIX YOU

77 1 0
By sisabasilya

"Nakakaasar yung dahilan niya, ang babaw." said Ted.

Benj was still crying, remembering their last talk with Rence.

Napanaginipan kita, sa panaginip ko... Benj... Papatayin kita, natatakot ako.

Tumawa ng mapakla si Benj habang inaalala ang dahilan ni Rence kung bakit ito nakipaghiwalay.

"Sa panaginip niya, pinatay niya ako. Ano bang pinagkaiba ng panaginip sa totoong buhay? Kung pati dito, pinatay niya rin naman ako sa sakit."
Benj said then took a quaff of his beer. Walang umimik.

Nyoy was not able to come because of ailments. While Jugs, too busy eating nachos, cocktails and canapés. Benj, with his head tilt then shrugged.

Everyone's trying to at least enlighten the atmosphere by jesting and kidding.

Gumulong-gulong na nga si Karla sa lamesang inokupahan ng alak na kapag ginagawa nito ay tuwang-tuwa si Benj, ngunit ngayon ay ngumiti lamang ito.

Kinantahan na rin siya ngunit mas umiyak lang ito ng kinantahan siya ng Mahal ko o Mahal Ako?

Nagsplit na rin si Jugs pero wala pa din itong epekto. Tawang-tawa ang lahat at pagod na nagsilampak na naman sa pabilog na sofa.

"Salamat," Benj sincerely said as it's sound of appreciation, sound of sadness.

Agad namang binuka ni Karla ang dalawa niyang braso at sumigaw ng "Aww, group huuug!". Tumayo ang lahat at nagyakapan.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ted na mauuna na siya dahil sa paglilihi raw ni Jaz sa suman, "Saan kaya ako maghahanap 'nun ngayong madaling araw pa lang." ang sabi pa nga niya. Sumabay na rin sa kaniya si Karla at Yeng.

Nagpresinta sina Jugs at Brozy na sasamahan muna nila si Benj hanggang sa makauwi ito. Napag-alaman ni Brozy sa isang waiter na kahapon pa daw ang binata sa Bar. She pays the bills. Habang si Jugs ay nagkukumahog na nagbanyo, sasagutin lang daw ang tawag ng kalikasan.

Bumalik ulit ang atensyon niya kay Benj. Nag-aalala na si Broz para sa kaibigan,  nakatungo lang kasi ito at umiiyak. Tutunghay para tumawa, tutungo at muling tutunghay para umiyak. Tumayo pa ito at kumanta. "Where do *hik broken hearts *hik go? *hik Can they *hik they find *hik their way *hik home *hik. *Hik," at muli na namang umiyak. Nilapitan siya ng maluha-luha na ring si Broz at niyakap. "Tama na," she tries to convince him.

Tumungo itong muli, nang mahimasmasan ay tulala nitong itinunghay ang ulo at hinilamos ang mukha.

"*hik Sampalin mo nga *hik ako," ani Benj.

Walang pakundangan namang ginawa ito ni Brozy. Isang malutong na sampal ang ginawa niya na siyang nagpabingi kay Benj.

"Aaaaaaaaa!!" ngunit ang mas nakakabinging tili ng mga baklang agad na sinunggaban si Benj. Niyakap at panay ang alon ng kamay sa harap ng binata.

"Baklaa! Kamusta na? Long time no see a." agad na sinabi ng isang kulot at may mahabang buhok na bakla, malaki ang katawan at maitim.

"Yees, otokung-otoku datingan ah?" masayang banggit naman ng maliit, may mukhang malubak ang daan at isa ring bakla.

"At hoy, sinetch itez merlat dya dyumampal sa'yo tsina. Padyiya ka dyaan." pabulong na sabi ng isang kalbong bakla.

"Oo nga," ang sagot ng isang barako din ang katawan pero maputi.

Si Benj, mistulang binuhusan ng literal na malamig na tubig at tila nakakita ng mga multo. Gulat ang mababanaag na ekspresyon at gising na gising ito ngayon.

"Ano na girl!? Pangit mo gumanap." reklamo ng lahat dahil hindi nila inaasahan ang ganitong reaksyon ni Benj.

"Uting-uting ka na naman, Sylvia lang ang peg. Oh, tignan mo next script niyan. 'Sino kayo?' Hahaha!" tawang-tawang sinabi ng kalbong bakla at nakipag-apir sa lahat ng mga bakla. 

Nagulat sila ng mapapikit at tumungo si Benj habang pinipigilan nito ang pag-iyak.

"Sorry," sabi niya at nagmamadaling lumabas ng Bar.

"Pasensya na mga Beks. Broken hearted si Wakla." paumanhin ni Broz.

Saktong naman ang pagdating ni Jugs ay papalabas pa lang rin si Brozy kaya sumabay na lang rin siya.

Hinatid ni Jugs si Broz at huli ay si Benj. Buong biyahe ay tahimik lang ito at umiiyak. Ang alam nilang dahilan ay dahil pa din ito sa hiwalayan nila ni Rence pero hindi.






















Pagkauwi ni Benj ay naabutan niya ang sigawan at bangayan ng Tatay at Kuya Rona niya, Ronaldo sa sertipiko.  Dire-diretso lang siya sa pagpasok, ignoring them.

'Pag ba huminto ako at pinigilan sila. May pake na ba sila sa'kin? Malalaman na kaya nila yung nararamdaman kong sakit na tinatanggap ko lang mag-isa? Mararamdaman na kaya nila na pagod na 'kong mamuhay sa mundong 'May pamilya pa, pero parang wala naman.'

He smirked, obstructing to cry. Isang kalahating ngiti na simbolo ng pagkubli niyang ipakita ang kahinaang mahina pa rin niyang ibinabaon.

"O ayan na pala yung magaling niyong anak! Na walang ibang ginawa kundi ang mamorwisyo ng iba, maging pabigat at maging problema!" sigaw ng Kuya niya.

He stops when he heard it.

"O, tignan niyo nga! Wala ka na ngang natutulong, nakuha mo pang mag-inom? Maglayas at hindi umuwi ng dalawang araw. Alam mo, kahit kailan problema ka talaga e! Huh?" nanggagalaiti sa galit ang Kuya niya.

"Ronaldo, magtigil ka!" saway ng Tatay nilang hawak pa din ang pangtukod nito.

Habang siya, na-istatwa at hindi alam kung anong mararamdaman. Na nananaginip ba siya? Totoo bang pinagalitan ng Tatay niya ang Kuya niya upang hindi na siya makarinig pa ng masasamang salita? Para siyang baliw na tinatanong ang sarili kung... 'Dapat ba masaya ako dahil pinansin nila ako?'.

He ceases his thoughts when he saw his sister Aliz nursing his wounded brother at the dining area. They look at him, Aliz stares apologetically pero hindi siya pinansin ng Kuya Carlos niya.

"Nakita mo 'to huh? Ang Tatay na pilit kang pinapahanap sa'min,"

Bakit? Totoo bang hinahanap nila ako? Tatay, napatawad mo na ba ako? Ilang taon na ba? Ilang taon na akong nangungulila sa isang ama? Gustong-gusto ko nang marinig na tawagin mo ulit akong... anak.

"Ayan! Yung kapatid ko, naaksidente ng dahil na naman sa'yo! Hindi namin alam kung saan ka hahagilapin. Gago ka, dahil na naman sa'yo o? Uubusin mo ba kami?" sabi ng Kuya niya habang papunta sa kusina upang ipakita kay Benj ang sinapit ng kapatid nito.

Tila nabingi si Benj at walang ibang ingay na naririnig maliban sa tunog ng nakaraan. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

Kasalanan ko. Kailan niyo ba ako mapapatawad? Ilang beses niyo na bang itinatak sa utak ko na wala akong kwenta, bobo ako at tanga, malas ako... sana hindi na lang ako nabuhay at ang pinakamasakit na tanong... Bakit ikaw pa ang naging anak ko? Na sa dinami-dami ng pwedeng mamatay, ba't hindi na lang daw ako... Ayoko na! Ang sakit, ang sakit-sakit. Hindi niyo alam kung gaano ako nagdasal na sana nga, ako na lang yung namatay... ako na lang yung nawala. Yung hapdi na parang akong pinapaso ng naglalagablab na apoy at ibinabaon sa puso, balat, isip at buong ako... ng mga salitang sinasabi niyo lang pero bakit parang pinapatay ako.

"Kuya, ano ba? Can you please stop it?" pagtatanggol ni Aliz at pinunasan na lang ang gilid ng labi ng Kuya Carlos niya, Carla sa gabi at tumayo na din upang daluhan si Benj ngunit huli na dahil isang maka-basag pangang suntok ang galit na ibinato ng Kuya Ronaldo nila kay Benj. Tumakbo si Aliz papunta kay Benj at agad itong pinatayo.

"Benj, are you okay!?" nag-aalalang tanong ni Aliz.

"Ayan! Isa ka pang babae ka, kaya ganyan 'yan e. Kinukunsinte mo kasi,"

"Kuya, ano ba!? Tama na nga di'ba--"

They are shocked when Benj knelt down the floor begging, pleading, crying and saying sorry again and again. "Sorry. Kasalanan ko. Sorry,"

"Benj! Stop it, it's not your fault." pag-aalo sa kanya ng Ate niya.

"Kailan niyo ba ako mapapatawad!? Ano pa bang gusto niyong gawin ko? Kapag ba namatay na ako, magiging okay na kayo?!" basag ang boses ni Benj na isinigaw ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya, sasabog siya. Nagsisisi siya at nasasaktan.

"Benj, don't say that."

"Benjamin! Ano bang sinasabi mo?--" ani Tatay niya.

"Oo!... Oo Benj! Sana nga ikaw na lang yung nawala!" sigaw ng Kuya niya.

Agad siyang tumayo at nagtatakbo na pumasok sa kanyang kuwarto. Sinarhan ang pinto kasabay ng paghina ng buo niyang katawan, sumandal, napaupo at tumungo... muling humagulgol. Nagsabay-sabay ang tila pagpaso sa kanya, sakit ng pangangatawan, sakit ng kaluluwa, sakit ng puso na sinugatan ng nakaraan.

Bumalik na naman lahat. Tang-ina, tantanan niyo ako. Sa kung paano nag-umpisa ang lahat. Paano nagsimula ang pangyayaring hindi lamang bumago sa buhay niya, kundi ang sumira sa kanya.

















***

      Flashback...


Buong hapon ay umiiyak lang ako. Ang dami dami kasi naming problema. Si Nanay, hanggang ngayon ay nasa hospital. Walang ibayad sina Tatay pero dumating ang mayaman kong Lola na nagpresintang bayaran ang lahat ng bills sa hospital.

Pero hindi ko alam kung magpapasalamat ako, dahil ang kapalit nito ay ang pagkuha niya kay Ate Aliz. Ang bestfriend at Ate ko. Ayoko, pero wala akong magagawa. Kulang na kulang kami ngayon sa pera. Umiyak ako ng umiyak dahil paggising ko, ang sabi ni Tatay ay nakaalis na raw si Ate.

Si Nanay naman ay nasa bahay na ulit, pero ang hirap ng pinagdadaanan niya. Ang daming bawal, bawal nerbyosin, bawal magutom, bawal mapagod. Hindi normal, pero nagpapasalamat ako kasi nakakasama ko pa siya. Si Kuya Ronald, tumigil muna sa pag-aaral at nagtrabaho para makatulong sa'min. Hindi pa rin kasi humuhupa ang mga utang namin. Si Alen naman, ang kapatid kong may down syndrome ay kailangan ng espesyal na pakikisama. Doble ang pasensya na inilalaan sa kanya.

Nakagraduate ako ng High School. Ang saya ko pero natakot ako na baka hindi ako makatapos dahil ang kinikita ni Tatay ay para sa bahay lang. Si Kuya naman ang tumutulong sa gamot ni Nanay at Alen. Siya din ang tumutulong kay Kuya Carl na ilang buwan na lang ay magtatapos na ng college.

Hanggang sa natuto akong maging independent. Patago akong sumasali sa Gay Pageant para magkapera at makatulong sa bahay. Umaaktong lalaki kahit ang puso ay babae. Na-realize ko, ang hirap at ang lungkot ng buhay ko. Pero nakadepende ito sa'yo kung papansinin mo pa ang problema.

Ang saya ko nang tanungin ako ni Tatay kung anong gusto kong kurso sa kolehiyo, gusto kong maging Lawyer. Pero alam ko namang kapos kami, kaya sinabi kong Education ang gusto kong kunin. 

Habang nag-aaral ako, ang gusto ko ay atensyon. Mas naging masaya ako nang makilala ko ang mga kaibigan kong bakla.

Gala doon, gimik dito pero ang saya. Pakiramdam ko, nakahanap ako ng pamilya. Hanggang sa dumating sa kalagitnaan at inaatake na naman ulit ang Nanay ko.

Ayaw pa ngang ipaalam ni Tatay na hindi na kami ulit stable financially. I suggest na tumigil na ako pero ayaw nila. Humingi ako ng pera for tuition fee pero sinabi niyang sa katapusan na raw. Hanggang isang araw, my friends suggest to me to join Gay Pageant again.

Pumayag ako, kahit na alam kong magagalit si Tatay once na nalaman niya ang tungkol dito. Pero kapag iniisip ko ang mapapanalunang pera, bakit hindi di'ba? Isang linggo kaming naghanda para dito. But the downside, we're not able to attend school because of this.

"Ngayon lang naman tayo aabsent e, tsaka sayang. Pera rin 'to," ang lagi kong sinasabi.


Lahat ng hirap, all was worth it.

"First Runner Up goes to...

Candidate number 14, Jamina Viceral!" sigaw ng Emcee.


Nanalo ako pero sayang kasi hindi pa nasagad, sayang ang 20kyaw.






"Hindi na bakla, 'wag na. Iyo na 'yan, tulong na namin." sabi ng kaibigan ko. Ang swerte ko naman sa mga 'to.

"Salamat bekies a, hindi ko alam kung paano ko kayo masusuklian. Ang dami niyong tulong sa akin." niyakap ko silang lahat habang umiiyak. Ang swerte ko dahil may mga taong nandiyan sa tabi mo at naiintindihan ka.

Pag-uwi ko ay sumalubong sa akin si Alen at agad akong niyakap. Pumasok na siya sa kwarto niya at ako ay papunta sa salas. Nakita ko si Tatay, akmang magmamano ako pero agad siyang tumayo.

"Bakit hindi ka pumapasok!? Kailan ka pa natutong magloko?" galit na bulyaw sa akin ni Tatay.


Patay! Paano niya nalaman? Naku Benj, ang dami na nga nilang problema. Dadagdag ka pa!

"Tatay," ang tangi kong nasabi.

"Akala mo ba?! Hindi ko alam na sumasali ka punyetang pageant pageant na 'yan?!" sigaw nito.

"Tay, gusto ko lang namang makatulong--"

"Makatulong? Tanga! Bakit, ano bang kaya mo para makatulong? Wala ka pang nagagawang maganda, ang hinihiling ko lang sa inyo. Mag-aral kayo ng mabuti, hindi 'yung kung ano-anong inuuna mo? Sa tingin mo ba, masaya ang Nanay mo kapag nalaman niyang hindi ka pumapasok." wika ng Tatay ko. Sanay na ako sa salita niya, naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit.

"Pasensya na po," sabi ko. Ibinigay ko ang perang napanalunan ko pero hindi niya tinanggap.

"Simula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay! Eskwelahan at bahay lang ang mundo mo ngayon. Bantayan mo ang kapatid mo, ayan sa ngayon ang maitutulong mo. Naiintindihan mo ba?" ani Tatay.

Naiintindihan ko po, gustong-gusto kong sabihin 'yon.

Na naiintindihan ko lahat, naiintindihan ko na mahirap. Sana, sana maintindihan mo rin 'Tay na nandito lang rin kami. Na hindi mo naman kailangang solohin lahat ng problema, nandito kami. Umiyak lang ako ng umiyak.

Ang lapit naman sa isa't-isa literally, pero pakiramdam ko. Ang layo nila.

Ate, miss na kita.

Palabas ako ng kwarto nang makarinig ako ng hikbi. Sabi nila, ang mga babae ang pinakamagaling magtago ng nararamdaman. Pero iba si Tatay: sa likod ng matapang, palasigaw, madisiplina at striktong ama. Umiiyak rin pala siya, hindi ko namalayan ang luha kong tumulo na lang rin.

Isang hapon, kumakain kami ni Alen ng lunch. Nandito lang kami sa bahay dahil wala kaming pasok hanggang bukas. Nakatanggap ako ng text mula kay Kiray. May Gay Pageant raw silang alam at 30K daw ang panalo.

Pero umayaw ako dahil magagalit si Tatay 'pag nalaman niya. Pero miss ko na sila, miss ko ng maging ako. Isang araw lang naman e, magpapakatotoo lang ulit ako. Tumanggi ako pero nagtext sina Kuya na bukas pa raw sila makakauwi ay nagdiwang ako.

...

Kasama ko si Alen at papunta kami ngayon sa lugar na tinext sa akin ng mga bakla. Pinaki-usap ko muna kina Mc si Alen.

Dali-dali kaming naghanda, binihisan ako at inayusan. Itinuro na nila ang magiging talent ko at introduksyon.  Habang naghihintay kami sa likod ay naalala ko si Alen. Kinabahan ako bigla, 'Baka dahil ngayon lang ulit ako sasali sa Pageant na gan'to.

"Bakla, si Alen?" tanong ko.

"Kasama ni Negi," sagot nito.

"Huh? Umalis si Negra a, hihiram ng isa pang gown." sabi naman ni Kiray habang nirere-touch ako.

"Nasaan si Lassy?" tanong ko habang kinakabahan na.

"Baka kasama ni Al--"

"Ay, ang fresh!" sabi sa akin ni Lassy na kakarating lang, mag-isa lang ito. Putsa, si Alen? Hindi na ako mapakali kaya kinabahan ako at napatayo.

"Si Alen?!" sigaw ko.

"Hindi ko alam, wala ba dito--"

"Nyeta naman o!" dali-dali akong lumabas at tumakbo para libutin ang lugar.





***

Hindi alintana ang takong, mahabang gown at bihis babae nito. Nakasunod sa kanya ang mga baklang kinakabahan na rin.

Nakatingin na din ang ilan sa mga tao na nandodoon. Pawisan na siyang naglilibot, puro mura na nga ang lumalabas sa bibig niya dahil kanina pa ay wala pa din ito. Bakit niyo naman kasi iniwan? naiinis na sabi ni Benj sa mga kaibigan.

"Kasalanan pa namin!? Ano ba 'yan Benj?" sigaw ni Mc. Magtatalo pa sila pero hinayaan na niya ito. Umiiyak na siya, agad na humingi ng saklolo si Benj sa Brgy. Patrol na naroon at ipinahanap na din ang kapatid.










Nang may maaninag siya mula sa kabilang kalsada, nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kapatid na kumakaway sa kanya at nakangiti.

Napangiti siya habang binigkas ang pangalan ng kapatid niya. Sinuklian ng mapagmahal na ngiti ang inosenteng isa. "Alen!" tawag niya mula sa dulo ng kalsada.























When you try your best
But you don't succeed





















Ngunit tila ang masaya, panunumbalik ng tuwa ay nauwi sa mabagal na senaryo.

Senaryo ng isang inosenteng batang si Alen na masayang tumatawid at isang liwanag mula sa humaharurot na kotseng tuloy-tuloy na tumatakbo.











"Baaagg!!"



"Susmaryoseep! Ang bata,"


"Diyos ko! Ano itong
nangyayari??"


"Tumawag kayo ng
ambulansiya!"



'Yung driver,
baka tumakas 'yan!




"Kawawa naman yung bata,
abnormal pa ata!"




















Benjamin...











When you get what you want
But not what you need.







Sari-sari ang naririnig ko, magulo, nagkakagulo. Mga sigawan, mga natatakot, kumpulan at nagtatakbuhan. Isang pulang kotse na binahiran ng tumalamsik na dugo. Hindi ko alam ang gagawin ko, sana hindi totoo. Ang alam ko lang, umiiyak ako. Namanhid ang buo kong katawan. Alen...

"Benj! Ano ba, si Alen. Dalhin natin sa hospital!" sabay hablot sa akin ni Kiray. Nakatulala lang ako habang umiiyak.

Bakit ang bagal ng lahat? Kasabay nito ang paglabo rin ng paligid. Tinignan ko ang kotseng nakabangga sa kapatid ko. Gusto kong sumigaw, magalit, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Ang alam ko na lang ay nasa loob na ako ng ambulansya kaharap ang kapatid kong nag-aagaw buhay. Hindi makahinga, hirap na hirap, ang mukha ng sakit. Sugatan, duguan, nagdasal ako at tumungo. Umiyak ako at napapikit kasabay ng paghawak ko sa kamay niyang ramdam kong lumalaban.












Lumaban ka, nandito lang si Kuya. Ang paulit-ulit na binibigkas ng bibig ni Benj. Patawad, nakatungo siya sa kapatid at tinitigan ang lunod sa kirot na mga mata ni Alen. Ang titig nito sa kanya na may pakawari ng pasasalamat at... paalam. Ang titig ni Benj na tila may pakiusap na kumapit at walang bibitaw.

Sa likod ng lahat, ang ngiti ni Alen sa mga minutong iyon ay siya na pa lang pinakahuli na nasuklian niya.

Sa isang tahimik na parihabang maliwanag na pasilidad, sa mga nakahilerang upuang walang umuokupa, sa labas at sa harap ng pintuang sa likod ay ang pilit na pagpapahilom at pagtigil sa danak ng dugo. Nakaupo si Benj suot pa din ang kolereteng dinumihan ng luhang walang humpay ang tulo, at bestidang pinahiran ng dugo. Ang tuhod na pinagtunguhan ng ulo habang nakapikit na nagdadasal at umiiyak.

Narinig niya ang boses na sumisigaw, ang paang pinapadyak sa pagtakbo, ang hingal na hiningang ramdam ang dagundong, lahat ay pamilyar.

Tumunghay siya at nakita ang Tatay niya kasama ang dalawa niyang Kuya na umiiyak. Tumayo siya ngunit agad ring napadapa ng dumapo sa kanya ang suntok ng Tatay niya.

Sumisigaw, basag na boses, galit, takot, nag-aalala hanggang sa mahina. Napaluhod lahat sa panlalambot, iisa ang hiling sa Maykapal. Huwag mo muna siyang kunin.

Umiiyak si Benj habang sapo ang panga at labi niyang maga. Ang sakit sa lahat, pisikal, emosyonal, utak.

"Sorry po, Tatay."

Hindi alam ni Benj kung anong gagawin niya, gustong-gusto niyang mawala.

Pero...

Nawalan na siya.

Sana ako na lang yung nasagasaan. Sana ako na lang yung namatay, sana ako na lang yung nahihirapan, patawarin niyo ako.

Sabay-sabay na sakit at problema ang pinasan niya. Nawala ang kapatid niya at... sumunod ang Nanay niya. Hindi nito nakayanan ang pagkawala ng anak niya.

Hindi niya kinaya ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Dito nagsimulang magbago lahat, na yung pakiramdam mong mag-isa ka lang pero masakit pa rin kapag nawala sila. Ranas na niya ang presensiya ng hangin. Hangin na walang papansin sa kaniya, walang tingin ang titingin sa mga tamang nagawa niya. Dahil nakaukit sa kanila ang pagkakamali mo. Saulado na niya kung paano ang maging tila dumi at putik na pilit na nilalayuan na parang may nakakahawang sakit. Kung paano niya sinikap na sa bawat umaga na gigising siya. Maghahanda at pilit na ngingiti — pilit na nagpapakapositibo.



Tang-ina mo, nakuha mo pang ngumiti. Sana ikaw na lang yung namatay e.

Bakit ba ikaw pa yung naging anak ko?!



Sa huli, hinayaan na niyang maramdaman ang buhay sa pamamagitan ng sakit. Pinilit niyang iwasan ang umiyak pero hindi niya kaya.




















When you feel so tired
But you can't sleep















Ayaw na niya, walang gabing hindi siya pinatulog ng konsensya. Na sa kahit anong pagliko ng atensyon, ng oras para mapagod. Hindi siya makatulog, hindi pinatutulog ng lungkot, ng depresyon, ng bulyaw at ng mga salitang paulit-ulit na niyang naririnig. Sana ikaw na lang yung namatay, napaka-walang kwenta mo, bakit ikaw pa yung anak 'ko?

Bakit nga ba? Sana nga ako na lang.

Kung may kapangyarihan lang siyang bumuhay ng tao, gagawin niya. Wala naman akong kasalanan e, pilit niyang kinukumbinsi ang sarili. Gusto niyang tumakas, sinubukan niya pero kahit saang sulok ng kahit saan ay nananatili ang kirot. Bakit niyo ako iniwan, hindi ko kaya. Tila bata siyang sumasaklolo na sana may magligtas sa kaniya.

























***















Stuck in reverse














Nagising si Ama na nakahiga sa sahig at pinahiran ang luhang kahit tulog siya ay tumutulo. Sabi nila, matulog para hindi muna maramdaman ang sakit. It's same,














And the tears come streaming down your face
'Cause you lose something
you can't replace.







Sanay na siyang mag-isang umiyak, walang nagtatanong kung okay ka lang ba? Ang hirap maging matapang, ang hirap lumaban. Lahat nawala, ang Nanay niya, kapatid niya, si Rence.

Hanggang sa pati ang sarili niya ay nawala na rin.

I was once lost, no. I'm still lost.

















When you love someone
but it goes to waste

Could it be worse?
























Hindi niya alam kung sino pa ba siya? Na kahit minsan ba? Nakilala ko ba yung sarili ko? Dahil baka sa umpisa pa lang, naghahanap ako na makita ko na yung ako pero wala pala talaga.

















Lights will guide you home...

And ignite your bones

I will try to fix you














Liwanag. Nakakasilaw na liwanag mula sa bintanang tila may tapik na nagpagising sa nakatulalang si Benj. Kanina pa ito mulat pero lutang ito.

'Pag labas niya, nakita niya ang Tatay niyang katatapos lang sa pagdidilig na halaman. Tinignan siya nito at nginitian, halos tumalon ang puso niya nang dahil dito.

"Mag-almusal na tayo," ang sabi nito sa kanya. Napako siya sa kinatatayuan niya kaya tumango na lang siya. Sila na lang dalawa sa bahay.

Tahimik silang kumakain, sa kabisera ang Tatay niya at siya naman sa kanang unahan.

"Kamusta ka na?" unang sabi nito. Pilit na pinapakalma ni Benj ang sarili dahil sa kaba.

"Ayos lang po," tugon ni Benj bago lumunok.

"Maputla ka ata, nilalagnat ka ba?" sagot ng Tatay niya pagkatapos ay hinipo ang noo at leeg niya. Agad namang pinagpawisan si Benj, kinakabahan siya. Gusto niyang yakapin ang Tatay niya pero hindi niya magawa.

"Huwag ka na munang pumasok? Mukhang masama ang pakiramdam mo e. Sa nangyari kagabi, pasensya ka na a." sabi ng Tatay nito.

Nakatitig lang si Benj sa Tatay niya, nainis siya nang magtraydor ang mata niyang umiiyak na pala.

"Tatay, sorry po." sabi niya habang humahagulgol. Napatungo siya at napatakip ng mukha. Naiyak na din ang Tatay niya at hinawakan ang balikat niya para aluhin ito.

"Pasensya ka na Anak a. Wala si Tatay para sa'yo, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, pagkukulang ko bilang Tatay mo. Kung wala ako sa tabi mo sa mga panahong alam ko na umiiyak ka, na hindi mo na kaya. Kahit alam ko na nasasaktan ka, pinipilit mong maging masaya para sa'min. Patawad anak, natakot si Tatay e. Natakot ako..." sabi ng Tatay niya habang umiiyak. Walang ibang nagawa si Benj kundi ang tumayo at yakapin ang ama. Yakap na punong-puno ng pangungulila.














Tears stream, down your face

When you lose something

You cannot replace

Tears stream, down your face

I promise you I will learn

from my mistakes
















Simula ng senaryong iyon ay muling nanumbalik ang saya ni Benj. Hindi man buo, pero nakakahinga. Siguro.

Anak, proud si Tatay sa'yo. Naalala ni Benj ang Tatay niya habang bumibili siya ng manok at hawak ang isang bilaong pansit at cake.

"Happy Birthday 'Tay!" bati ni Benj pagkarating sa bahay.
















































Lights will guide you home

And ignite your bones























"I will try to fix you..." kanta ni Karylle habang nakapikit at hawak ang gitara.



























Hanggang sa muli, Friend.

Continue Reading

You'll Also Like

201K 19.3K 24
"๐™๐™ค๐™ช๐™˜๐™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ก๐™›, ๐™œ๐™ž๐™ง๐™ก. ๐™„ ๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™š๐™š ๐™ž๐™ฉ" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
1.1M 38.3K 63
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...
285K 18.2K 22
"you might not be my lover, but you still belong to me" "crazy, you don't even love me but you want to claim me as yours? have you lost your mind jeo...
470K 31.7K 47
โ™ฎIdol au โ™ฎ"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...