Sa lugar na tinatawag na fantasia. Makikita sa mukha ng lahat ang galak dahil sa oras na Ito, isisilang ang kanilang bagong tagpagmana. Ang kanilang tagapagligtas.
Sa silid ng Reyna
"Ahhhhhhhhhhh!!!!"maririnig mo ang sigaw ng reyna.
"Nakikita KO na po ang ulo mahal na reyna. Kunting tiis na lang po"sabi ng komadrona
"Ahhhhhhhhhhh!!!!"huling hiyaw ng reyna at narinig ng lahat ang kanilang pinakahihintay.
"Uwahhhhhh!!!!uwahhhhh!!!" Rinig ng lahat ang iyak ng isang bata.
Labis ang kanilang tuwa ng marinig ang munting iyak na iyon. May iba na naiiyak na sa saya.
Samantalang ang kanilang hari ay mabilis na dinaluhan ang reyna na mahimbing na natutulog.
Lumapit ang komadrona sa hari at ibinigay ang bata.
"Mahal na hari *bow* Ito na po ang inyong munting prinsesa"sabi ng komadrona sa hari at saka ibinigay ang bata sa hari.
Tinanggap Ito ng hari at tinanong ang kalagayan ng reyna.
"Kumusta ang reyna?"tanong ng hari na bakas ang pag alala sa mukha.
"Okay lang po sya mahal na hari, nakatulog lamang po siya."sabi ng komadrona
"Maraming salamat" saad ng hari
=============================================
Pagkagising ng reyna ay nadatnan niya ang hari na hinihili ang kanilang anak. Napangiti ang reyna dahil sa kalambingan ng asawa nito sa anak.
Naramdaman ng hari na nagising ang reyna kaya ay nilingon nya ito at nakita niya itong nakangiti.
Nginitian niya Ito pabalik at nilapitan.
"Mahal KO, kumusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ng hari
"Okay lang naman ako mahal ko"saad ng reyna
"Ano ang ipapangalan natin sakanya?"tanong ng hari sa reyna
"Gusto ko Sana siyang pangalanan ng EDELLE"SABI NG Reyna sa hari
"Ako mahal, gusto ko sanang may Nicole ang pangalan niya."sabi ng hari
Ngumiti ang reyna sa hari .
"Her name will be Edelle Nicole" reyna
"Princess Edelle Nicole Legein"may ngiting saad ng hari.
===========================================
KINABUKASAN
Lahat ay abala dahil ngayong araw ipakikilala ang kanilang prinsesa. Lahat ay masaya at nananabik. Nagtulungan ang mga mamamayan ng MAGICUE KINGDOM sa paggawa ng bulwagan.
Sa kabilang banda naman, ay masayang tinatanaw ng hari at reyna ang kanilang kapaligiran dahil sa pagtutulungan ng mga fantasian sa kanilang lugar . Batid nila na lahat ay nananabik na makita ang kanilang munting prinsesa.
=========================================
Kinagabihan
Ngayong gabing Ito na ipapakilala ang munting prinsesa. Lahat ay masaya at excited na makita Ito. Halos lahat ay hindi na makapaghintay.
Pumasok ang isang tao na pinagkakatiwalaan ng hari upang maging tagapag ulat.
"Magandang gabi mga fantasian. Alam ko na lahat ay nananabik na makita ang ating sunod na tagapagmana. Kayat hindi ko na ito patatagalin.
Magbigay Pugay sa mahal na haring Edgar Legein at mahal na reynang Eliza Legein ng Magicue Kingdom"masayang bati ng taga ulat.
Lumabas ang hari at reyna kasama ang bitbit nitong sanggol.
Nagsalita muna ang hari bago nila ipanakilala ang kanilang munting prinsesa.
"Magandang gabi sa inyo mga mamamayan ng Magicue Kingdom. Masaya ako dahil narito kayong lahat upang masaksihan ang aming munting anak. Alam ko na nagtataka kayo kung bakit hindi nakadalo ang ibang hari at reyna ng ibat ibang kaharian ngunit batid ko na alam niyo na kakapanganak pa lamang ng mga bagong reyna at kasalukuyan itong binabantayan ng hari kayat hindi sila nakadalo dito.
Hindi ko na patatagalin ito, ipinakikilala ko sainyo ang aming munting prinsesa.
Princess Edelle Nicole Legein" anunsyo ng hari..
Itinaas ng reyna ang sanggol at iniharap sa lahat. Kasabay nun ang pagbow Ng mga fantasian.
Nagsalita ang reyna....
"Simulan na natin ang kasiyahan at salamat muli sa inyong pagpunta ngayong gabi" saad ng reyna
Nagpalakpakan ang lahat maTapos sabihin ng reyna iyon.
Ngunit natigil ang kanilang pagsasaya ng makadinig sila ng malakas na pagsabog..
Booommm!!!
Nagkagulo ang lahat, may nagtatakbuhan at nagsisigawan.
Nakarinig sila ng malakas ng pagtawa.
"Hahahahahahahaha" isang malademonyong tawa ang kanilang narinig
"Bakit hindi niyo ako inimbitahan sa inyong kasiyahan mahal na kapatid?" Nagulat ang lahat ng tumambad sakanila ang kambal na kapatid ni haring Edgar.
"Ano ang iyong kailangan Edward?" Tanong ni haring edgar
"Narito lang ako upang makita ang aking mahal na pamangkin. Ang siyang papatay DAW saakin." Saad ni Edward
"Umalis ka na dito edward. Please lang, kahit na ngayon lang ay bigyan mo kami ng katahimikan. Kahit para lang sa prinsesa namin" nakikiusap na saad ng reyna
"Ano ako tanga? Hahayaan ko na lang na mabuhay ang inyong prinsesa na siyang tatapos sa akin, sa kadiliman. Hindi! Hindi ako papayag na mabuhay ang batang iyan. Kaya humanda na kayo. Mga kawal, sugurin sila!!!!!!!" Sigaw ni King Edward
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥