Ang Babae sa Kabilang Classro...

By juanmandaraya

19.5K 325 65

Heto na ang prequel ni Juan ng "Ang Babae sa Kabilang Pinto" Tunghayan ulit ang love story ni Juan na hindi m... More

Ang Babae sa Kabilang Classroom
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter

Chapter 2

914 11 2
By juanmandaraya

Hindi ko alam ang pakiramdam ngayon. Naghahalo ang kaba at excitement. Panay ang lingon ko sa pinto. Napapatigil ako sa pag-gitara tuwing may papasok. Tapos kanina nawalan ako ng gana kumain. Parang walang lasa yung burger. Naubos ko naman pero parang walang kwenta. Nasabayan pa ng maambong panahon kaya lalo akong nanlamig. Tuliro ako. Hindi makapakali.

Ano bang problema ko?

4:07 na, pero wala pa rin nagpapalista para mag-audition. May mga estudyanteng nakikiusyoso sa kwarto, pero hanggang dun lang. Actually naka-setup na lahat. Yung mga mag-o-audition na lang ang kulang. Sinabi naman ni Alesi kanina na marami naman daw ang nagpalista para mag-audition, baka may klase lang. Sabagay, hanggang alas-singko naman kami dito. Si King naman, kanina pa testing ng testing sa mga gamit, lalo na sa mic. Ako naman, kanina pa kalabit ng kalabit sa gitara ng kahit ano. Warmup. Pero parang nanlalamig pa rin ang mga daliri ko.

Kanina pa gumugulo sa isip ko si Lyla. Putsa talaga, paano nga kung sumali siya?

Siguro magiging exciting tuwing band rehearsal. Gaganahin ako lagi, for sure. Tapos…ahm…tangina, baka hindi ako makapag-gitara ng maayos? Baka mapahiya ako? Baka masira ang club dahil sa’ken?

Baka tanggalin ako sa club!

Shit talaga! Kung ano-ano na naiisip ko. Tangina Juan, si Lyla lang yun. Schoolmate lang kayo, wag kang tanga! Hind ka pa nga sigurado kung sasali nga talaga siya!

“Oy pare!” bati sa’ken ni Ada, bestfriend ko since first year. Fullname? Adelaida Marie Guinto. Pangalan pa lang, girl n girl na, kahit hindi naman talaga. Bukod sa batchmate, sa glee club lang din kami nagkakilala. Naging close kami ng dahil sa usaping banda kaya simula nun, ka-buddy ko na siya sa club. Naastigan ako sa kanya nung first time siya mag-audition bilang bass player kaya ayun, naging interesado ako sa kanya. Cool at  astig siya, tapos medyo cowboy ang dating. In short, boyish. Yung aura niya mala-Avril Lavigne. Maganda naman siya kung medyo mag-aayos ng konti. Hindi naman siya mukhang tomboy. Mahaba at straight na itim na buhok na abot hanggang balakang. Tapos…ahmm…yun lang. Tsaka napagkamalan na mag-on kami. Pero wala, bestfriend lang talaga. Bigo ang mga malisyoso’t malisyosa.

“Tagal mo naman?”

“Sensya naman, ang bigat nitong dala ko e.” saka niya isinandal ang bitbit na bass at humihingal na umupo sa tabi ko. Mabilis nyang kinawayan si King na tango lang ang tugon. Nakaharang na naman ang mahabang buhok niya sa mukha.

“Magtali ka nga, para kang bruha!”

“Teka lang ha? Hinihingal pa po e,” saka naghanap ng panali sa bag. “Start na ba? Nauuhaw na ko. Bibili lang ako ng tubig.”

Inabot ko sa kanya ang tira kong mineral water. Mabuti at halos kalahati pa. “O, sa’yo na yan…”

“Uy salamat!” at mabilis niyang nilagok ang tubig matapos makapagtali ng buhok. Bottoms up, halatang tuyot ang lalamunan.

“Nakatono na ba yan?”

“Siguro. Pero itono ko na lang din para sure.” Inabot ko sa kanya yung tuner. “Ba’t parang walang mag-o-audition?”

“Ewan ko, kanina pa nga kami dito e.”

“Ready na?” tanong ni Alesi na kakapasok lang, kasunod ang dalawang babae at isang lalake. Mukhang mag-o-audition.

“Madam kanina pa po kami ready…” medyo inis na sagot ni King. Hindi naman yun pansin ni Alesi. “Testing na naten ‘yan!” medyo pasigaw na utos nito kay Ada.

“Mainit ulo?” sabi ni Ada na humakbang na rin sa pwesto ng mga amplifier. Sumunod na rin ako para isaksak ang jack ng electric guitar.

“Palit kayo ng pwesto. Mas malaki yung ampli dito kaya dapat dito yung bass.” Utos ulit ni King. Sumunod naman kami ni Ada matapos bumuntong-hininga. Sa ganitong pagkakataon e mas maganda ng manahimik. Wala akong pakelam sa drama niya ngayon. Nag-ngitian na lang kaming dalawa.

Pumwesto na si Alesi sa teacher’s table na nakaharap ngayon sa mga instrumento. Nanatili namang nakatayo yung mga kasama niya na parang takot na takot, saka inabutan ng maliit na papel. “Sulat po yung whole name, course, year and section, tapos yung position po.” Kanya-kanya namang hanap ng pwesto para magsulat.

“Okey ka lang?” tanong ni Ada sa’ken habang pareho kaming nagtitimpla ng volume.

“Oo, baket?” sagot ko na nakakunot ang noo.

“Sure?”

“Oo nga. Bakit ba?”

“Wala naman…” nangingiti siya. “Tahimik mo kasi.”

“Okey lang ako…” hininaan ko na yung volume saka inilapag ang gitara. Bumalik na ko sa upuan. Sumunod na rin si Ada.

“Okey na?” hindi ko alam kung kanino yung tanong ni King kaya sabay na lang kami tumango ni Ada.

May pumasok ulit, dalawang lalake. Parehong freshmen. Parang pinapakiramdaman muna kung tama yung pinasok na kwarto. Kinabahan na naman ako.

“Audition po?” tanong nung naunang lalake.

“Pasok po, wag na mahiya.” Nakangiting sagot naman ni Alesi. Nang makalapit, inabutan niya ng papel at inulit ang kaninang instruction. Umupo na rin sa tabi nito si King. Ilang segundo lang ang lumipas, may dalawang lalake na naman ang pumasok.

“Pasok po kung mag-o-audition.” Salubong sa kanila ni King. Mabilis namang lumapit ang dalawa.

“Puro freshmen pare…” sabi ni Ada.

“Yaan mo na. Malay mo mas talented pa sa’ten.” Sagot ko.

“Sabagay…”

Hindi ko talaga maintindihan pakiramdam ko. Kanina pa ko may inaabangang tao. Hindi ako interesado sa mga mag-o-audition. Iisang tao lang talaga ang inaantay ko para matapos na yung tuliro ko.

Ano ba, mag-o-audition ba talaga si Lyla?

“Ang korni ng theme ng acquaintance ngayon. Hawaiian. Parang ayoko um-attend tuloy.” Sabi ni Ada.

“Pwede namang hindi mag-hawaiian, tutal banda tayo. Malamang magmukha tayong eng-eng sa stage nun.”

“Kaya nga e.”

Tinanong ko si King. “Pare pwede bang hindi naka-hawaiian yung buong banda?”

“Pwede naman daw. Pati nga ata dance club ayaw din mag-hawaiian.”

“Yun naman pala e.” Sagot ko.

Ngumiti na rin si Ada. “Buti naman. Di talaga ako a-attend pag mandatory ang Hawaiian.”

Matapos maipasa ang mga papel, isa-isa ng tinawag ni Alesi yung mga mag-o-audition. Nagsimula muna sa drummer.

Dalawang lalake ang nag-try. Yung una medyo malamya pumalo pero malinis. Yung pangalawa naman, mabigat ang kamay. Ramdam na ramdam mo ang bigat ng palo kasi parang tutumba yung stand nung cymbals. Matapos ang ilang minutong pagpapasikat, pinaupo na sila ni King.

Sumunod na yung para sa guitarist. Yung nahuling dalawang lalake ang sumalang. Kanya-kanya ng tugtog. Yung nauna, okey naman. May angas. Puro oldschool ang binanatan. Yung pangalawa, bumanat ng kung ano-anong lead. Hindi ko alam kung saan kanta, basta feel na feel niya yung pagli-lead. Tinanong sila ni Alesi at King kung kaya ba nila tumugtog ng mga variety. Pareho namang tumango. Pinatugtog sila ng pang-variety na kanta. Yung nauna, medyo sumablay. Yung pangalawa, ayos naman. Bago maupo, sinabihan sila ni King na rhythm guitar na lang ang kelangan kasi may lead guitar na, sabay turo sa’ken. Tinanguan ko naman yung dalawang nag-audition.

Naalala ko tuloy yung panahong ako yung nag-audition. Triple na kaba ang pakiramdam ko noon kumpara ngayon. Bilang baguhan at freshmen, hindi ko alam kung may ibubuga ba ang talento ko (kung meron man). Mabuti at tatlo lang kami nun. Yung nauna, bumigay yung string habang tumutugtog. One men down agad. Tapos ako na yung kasunod. Noong una para akong natatae na ewan. Hindi ko alam ang tutugtugin. Muntik pang masira ang gitara ko nung bumigay yung strap. Nung sinimulan ko na, ayun, sinaniban na ko ng kung ano-anong ispiritu. Ganun talaga ako, sa una lang nahihiya. Pag uminit na, rakrakan na! Tapos yung pangatlo, ayos din naman. Siya yung nakuhang rhythm, ako yung ginawang lead. Tuwang-tuwa ako nun.

Hindi ko alam ang pakiramdam nung nauna sa’ken nung hindi siya nakuha. Sabagay ilang araw muna yung lumipas bago nai-post yung mga bagong member ng club. Hindi naman siya resulta ng bar exam, pero walang kasing-saya ang pakiramdam ko nun. Ano kayang pakiramdam ng na-reject?

Minsan napanuod ko sa isang talent shows ng Amerika ang behind the scenes ng mga nag-o-audition sa kanila. Ewan lang, pero inisip ko noon kung bakit kelangang halughugin pa ang pinakamadramang parte ng buhay ng isang contestant, na wala namang kinalaman sa salitang ‘talent’. Kasama kaya yun sa mga qualifications para maging contestant?

Hindi biro ang mapabilang na contestant sa mga talent shows. Sabi nga nila, ‘a step to fame’ kaya para ka na rin nanalo sa lotto kahit hindi jackpot. Bukod kasi sa tsansang manalo ng pera at kung ano-ano pa, may posibilidad din na maging instant celebrity. Pero dahil nga sa instant, instant din ang pagkalaos.

Madami ng celebrity ang madaling nakalimutan ng tao ilang buwan lang ang lumipas. Maswerte kung laging trending. Alam naman natin na ang showbiz industry ay parang politika: walang permanente. Sikat ka ngayon, baka ilang tulog lang ang lumipas, hindi ka na kilala.

Dati, walang segment ng dramahan ang mga talent shows. Ngayon, parang mas magandang palitan yung caption na talent shows na ‘drama-talent-series’. Minsan may mga guest judges pa na ewan kung ano ba talaga ang term nila pagdating sa salitang ‘talent’.

Isinunod na rin nila Alesi at King ang mga vocalist matapos ang ilang minutong bulungan at paglalagay ng komento sa kani-kaniyang papel. Bale dalawang babae at isang lalake. Pinauna na yung lalake. Okey naman, malaki na husky yung boses. Bumanat ng “Wherever you will go” na acapella. Parang praktisado sa videoke. Hindi naman pinatapos yung kanta.

Sa kalagitnaan ng kanta nung pangalawang babae, may kumatok. Hindi namin gaano pinansin, baka nanti-trip lang. Tapos kumatok ulit, pero hindi pa rin nagbubukas ng pinto. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Tumayo na si Ada para silipin kung sino.

“Hi…mag-o-audition po?” tanong ni Ada sa kausap. Hindi ko narinig kung sumagot man dahil sa taas ng boses nung kasalukuyang nag-o-audition. Punyeta sa boses! Mahihiya si Celine Dion at Mariah Carey sa tining ng boses. Parang sinasakal na sanggol sa madaling-araw. Ang tagal bago pumasok yung kausap ni Ada. Ilang segundo muna ata lumipas bago nakapasok.

Na-starstruck ako sa bagong pasok na babae. Literal na parang nag-slow motion ang paligid. Hindi ito guni-guni. Wala ako sa panaginip.

Tangina, si Lyla!

Sinabayan siya ni Ada papunta sa pwesto nila Alesi. Ako naman, hindi naaalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na napansing tapos na palang kumanta yung pangalawang nag-audition. At kahit yung pangatlong babae, parang hindi ko na rin naririnig ang boses habang kumakanta.

Seryoso ba siya?

“Hoy!” gulantang sa’ken ni Ada kasabay ng suntok sa balikat. “Tulala ka na naman.”

“H-ha…?”

“Sabi ko tulala ka na naman. Ano ba nangyayari sa’yo? Naka-drugs ka ba?”

Natawa lang ako habang umiiling. Hindi pa rin naaalis ang tingin ko kay Lyla.

Sinuntok ulit ako sa balikat saka pabulong na nagsalita. “Crush mo ‘no?”

“Sino?”

“Wooo...kunwari ka pa. Kanina ka pa nakatingin sa kanya.”

“Kanino?” painosente tanong.

“Kanino daw, e obvious naman. Sus…”

Hindi na ko nakakibo. Inalis ko na rin ang tingin ko sa kanya ng magkatinginan kami. Hindi siya ngumiti. Dali-dali siyang umupo malapit sa pwesto ko saka nagsulat.

Natutuyuan ako ng lalamunan!

Binago ko na ang usapan. “O-okey naman pala e, may mga papalit na. Magagaling naman pala…”

“Atlis hindi na tayo mahihirapan. Baka next week may rehearsal na.” sabi ni Ada.

“Next week na agad?”.

“Oo kaya. Three weeks na lang, acquaintance na.”

“P’re, jamming muna kayo. Tingnan natin kung sino yung okey.” Sabi ni King. Tumayo na kaming dalawa ni Ada saka pumunta sa harap.

“Testing lang naman, tingnan natin kung magkakasundo kayo sa tugtog.” Sabi ni Alesi.

Napahinto ako saka nagtanong, “Si ate, ano io-audition niya?” sabay turo kay Lyla.

“Keyboards. Kaso hindi niya daw dala. Ngayon lang daw kasi niya nalaman na may audition. Sa rehearsal na lang daw.” Sagot ni Alesi.

Keyboard! Pusang gala! Ayos!

“Meaning, pasok na siya?” tanong ni Ada.

“Kung wala ng ibang mag-o-audition. Pero titingnan pa natin sa rehearsal kung okey sa inyo. Kayo naman ang magbibigay ng kanta sa kanya para ma-practice niya ‘til next week.” Sagot ni King.

Para akong nakaramdam ng holy spirit. Guminhawa ang pakiramdam ko. Parang ang saya-sayang naging member ako ng glee club!

Matapos ang ilang minutong usapan sa tutugtugin, sinimulan na rin ang jamming. Medyo patigil-tigil lang dahil sa kapaan. Pero nung tumagal, medyo naging okey na. Palitan ng pwesto yung mga bagong nag-audition. Oo lang kami ng oo ni Ada. Mabuti at medyo nagkasundo sa tugtog. Panay naman ang tingin ko kay Lyla na nakikinig lang sa’min. Seryoso ang mukha. Pero hindi naman mukhang suplada.

Ilang minuto din ang tinagal ng jamming. Ligpitan na rin agad para sa susunod na gagamit ng kwarto. Sinabihan na lang nila Alesi at Kris yung mga nag-audition na ipo-post ang mga pangalan ng mga makukuha hanggang next week. Matapos ang ilang minuto, isa-isa na ring silang naglabasan. Naiwan naman si Lyla, kausap si King. Medyo mahina yung boses kaya hindi ko rin maintindihan.

Sinusutsutan naman ako ni Ada. “Problema mo?”

“Crush mo ‘no?” nakakalokong ngiti.

“Crush ka dyan…”

“Wooo…obvious naman e. Kanina ka pa tingin ng tingin.”

“Pano mo naman nalaman? Tingin ka rin ata ng tingin sa’ken ‘no? Wooo…”

“Wooo…wag mo ibahin usapan.”

“Bahala ka…”

Pamaya-maya pa’y lumapit sa’ken si Lyla. “Kunin ko na sana yung list ng kanta, kung okey lang.”

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makakibo. Ngiti-ngiti lang. Papalit-palit ang lingon ko kila Ada, Alesi at King. Ngingiti-ngiti naman si Ada. “Hoy, kinakausap ka!”

“S-sige…pagtapos namin magligpit. Okey lang ba?”

Tumango lang siya saka bumalik sa kinauupuan.

Continue Reading

You'll Also Like

27.4M 698K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...