A Mannequin's Tale

Por JTMLover

103K 1.3K 38

Si Melania ay isang bata na nangangarap maging kasing ganda ng isang mannequin at ito ay unti unting natutupa... Más

Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 15

Chapter 5

3.1K 100 2
Por JTMLover

Ay kanyang napansin na pumuputi ang kaniyang mga balat at nagiging slim ang kanyang katawan at tumangos ang kanyang ilong.                    

"Ate Iris, wala ka bang napapansin sa akin?"

Tumingin sa kanya si Iris na abala sa pag susulat ng kanyang assignment.

"Ano yon?"  

"Pagmasdan mo ako."

"Aba pumapayat ka na at pumuputi ka pa, mabuti naman at nag didiet ka na, ano nga pala ang ginagawa mong pampapayat at pampaputi?" sabi ni Iris at pinagpatuloy nito ang kanyang pagsusulat.

"Hindi ako nag di diet at di rin ako nag papaputi eh."

"Ibig sabihin natural lang yan, aba ok ah!" Sabi ni Iris at binuksan naman nya ang kanyang laptop.

Lumipas pa ang mga araw at mga buwan ay dumadami na ang pera ni Valeria, nakapag patayo na rin siya ng bago niyang malaking patahian at umunlad ito ng husto, at nagpapagawa na ito ng malaking bahay.

"Mga anak, malapit na tayong umalis dito at lilipat na tayo ng malaking bahay!"

"Talaga po?" masayang sabi ni Melania.

"Papagawaan ko kayo ng magandang kuwarto."

"Ang gusto ko nay yung silid na pang prinsesa?" ani Iris.

"Kayo ang masusunod kung kahit ano ang gusto ninyo , at nagpagawa na din ako ng basement para kay Melania, para doon siya gumawa ng mga mannequin."

"Melania tutulungan kita gumawa ng Mannequin para di ka nag iisa." sabi ni Iris.

"Huwag na ate Iris, ako na ang bahala, madali lang naman yun, ang importante makatapos ka, basta ako masaya na ako sa gagawin ko kaya ayoko na mag aral."

Napatingin si Valeria kay Melania at napansin niyang unti unting nagbabago ang anyo nito, pumuti, tumangkad at pumayat.

"Gumaganda ka lalo Melania, ano ginagawa mo? "

"Wala po."

"Ang daya nga ni Melania eh, ayaw niya sabihin sekreto niya."

"O siya sumama kayo sa akin ngayon at mag shopping tayo."

Lumabas sila at nag shopping sila sa isang mall..

Pagdating nila sa mall ay nakita nilang ang kanilang mga Mannequin ang mga naka display sa mga department store at mga boutique, lagi itong pinag titinginan ng mga tao sa kakaibang ganda at ning ning nito.

Masaya sila ng kanila itong nakita.

"Sikat na ang mga mannequin natin nay, kahit saan sila ang mga naka display." Sabi ni Iris.

"Aba oo naman, kahit sa iba't ibang bansa ay marami na ding na eexport ang Adeline corp. Sa susunod aabot na hanggang America."

"Wow!"

Masayang sambit ni Iris.

"At hindi lang yan, pati sa Europe ay nakakapag deliver na ang Adeline corp."

Habang sila ay namimili ay biglang nag ring ang cellphone ni Valeria.

Sinagot nya ito at may good news na naman syang natanggap.

"Ok ma'am thank you, see you later!"

Matapos nya makipag usap ay binalita nya agad kina Iris.

"Sunud sunod ang swerte natin, ang daming nagpapatahi sa atin, at ngayon naman yung mga sikat na artista, sa atin magpapatahi ng gown na pangkasal at mga gown ng mga abay at flower girls, kukulangin ang mga mananahi ko, kailangan kong mapabalik sila Flor at Rose kaya lang nasa probinsya pa sila."

"Talaga po nay wow!" Sabi ni Iris.

"Mauuna na muna ako sa inyo, marami akong aasikasuhin!" sabi ni Valeria at kumuha ng pera sa kanyang bag.

"O eto, kumain kayo ng gusto nyong kainin at mag shopping kayo, sa bahay na tayo magkita."

"Thank you po nay." sabay na sabi ni Iris at Melania.

"Huwag kayo magpapakagabi ha."

"Opo."

Nang nakaalis si Valeria ay nagpatuloy mag shopping ang dalawa ng nakasalubong naman ni Iris ang kanyang mga kaklase, niyaya sya nitong manood ng sine.

"Melania sumama ka manood tayo ng sine." sabi ni Iris.

"Ate Iris ayoko manood ng sine, may bibilhin pa ako."

"Ganon ba, ok kung gusto mo, manonood na muna ako ng sine at sa bahay na tayo magkita."

"Ok ate ako na bahala umuwi."

At umalis na si Iris kasama ng tatlong kaibigan.

Naglakad lakad si Melania mag isa at gusto nyang bumili ng sapatos.

Nagpunta sya sa isang area ng bilihan ng mga sapatos sa loob ng department store.

Habang sya ay namimili ay may nakabanggan sya na isang matipuno at guwapong lalaki, isang crew sya sa department store na iyon.

"Ayyy!" nabiglang sabi ni Melania.

"Naku sorry po ma'am!" sabi ng crew na si Brando.

Nahulog sa sahig ang hawak na sapatos ni Melania at pinulot ito ni Brando at binigay sa kanya.

"Pasensya na po." sabi ni Brando at napatitig sya kay Melania.

"Ok lang." sabi ni Melania at nakita nyang may suot ito na I.D. at nabasa nya ang pangalan nito, 'Brando Moran-Promodizer'.

"May size 7 ba kayo nito?" sabi ni Melania habang hawak nya ang napili nyang pair ng sapatos.

"Sandali lang po at kukuha ako." masayang sabi ni Brando.

Sinundan ng tingin ni Melania si Brando ng ito ay pumasok sa stock room.

At di maalis alis ang kanyang pagtingin hangga't hindi ito lumalabas pabalik sa kanya.

At ng nakita nyang lumabas na ng stock room si Brando ay bigla nyang binaling ang tingin nya sa iba.

Naupo si Melania.

"Eto na po ang size 7." sabi ni Brando at sya mismo ang nagsuot nito sa mga paa ni Melania.

"Bagay po sa inyo, ang ganda!" Masayang sabi ni Brando at tumitig kay Melania.

"Hmn magaling ka mag sales talk ha, pero I'm so sorry parang ayoko na nito, maghahanap ulit ako ng iba." sabi ni Melania.

"Ok lang yon ma'am, marami pang magandang sapatos dito na sigurado akong magugustuhan nyo." masiglang sabi ni Brando.

Natawa si Melania kay Brando.

"O sige na bibilhin ko na ito." sabi ni Melania.

Matapos nyang magbayad sa counter ay nakita nya si Brando na kinausap ng manager na babae at sila ay umakyat ng escalator.

Napansin ni Melania na parang kinikilig ang manager na babae na kasama ni Brando.

At naisipan ng umuwi ni Melania.

Pagdating nya ng kanilang bahay ay kinuha nya ang sapatos na kanyang nabili at naalala nya nung isinusuot ito ni Brando sa kanyang mga paa, naaalala nya ang matatamis na ngiti nito.

"Brando Moran, sana makita ko sya ulit." sabi ni Melania sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay naisipan muli ni Melania na pumunta sa Department store na iyon, gusto nya ulit makita si Brando, ngunit hindi nya ito nakita.

Sumunod na araw ay dinalasan nya ang pagpunta doon, nagbabakasakaling makita nya itong muli ngunit hindi na nya ito nakita pa.

Lumipas pa ang mga araw at buwan ay nakalipat na sila sa bago nilang bahay, excited silang tinitingnan ang malaking bahay na may swimming pool, pinakita sa kanila ang kanilang mga kuwarto at natuwa si Iris at Melania.

"Salamat po nanay Valeria napakaganda ng ating bahay at ng aking silid."

"Ako ang dapat mag pasalamat sayo Melania."

Masayang masaya sila ni Iris.

Maya maya ay nagdatingan na ang mga katiwala, tatlong katulong na babae, at isang lalaking hardinero at taga linis ng pool. Habang pinapakilala ni Valeria ang mga bagong katiwala ay abala naman si Melania sa paglalaro sa hawak nyang iphone.

"Sila nga pala ang ating mga katiwala dito, nakuha ko sila sa agency, ano na nga ba ang mga pangalan ninyo ?"

Nag pakilala sila isa isa, unang nagpakilala ang isang kasambahay na si Minda, maganda sya at kayumanggi, bagong salta lamang ng Maynila, mukhang inosente at may maamong mukha, ngunit sa itsura lamang ito, dahil ang totoo ay hindi ito inosente at may masamang pag uugali.

"Ako po si Minda."

Seguir leyendo

También te gustarán

188K 4K 63
Walong taon (8 years) ng naghihintay si Alexies, hindi n'ya alam kung bakit pakiramdam n'ya ay kailangan n'yang maghintay, nararamdaman n'ya na may d...
42.6K 2.4K 46
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeral...
1.4M 2.2K 2
a love between an assassin and a gangster? Uh, war na ito!
14.6K 540 31
6 years. Sa loob ng anim na taon, masyado ng maraming nagbago, maraming mga bagay na hindi inaasahan. Maraming nagtaka kung bakit hanggang ngayon hi...