Love Story Of A Wattpad Author

Por ImMissJessy

92.3K 1.7K 274

Masaya man isipin na may mga tagahanga ka, Hindi mo rin maiiwasan na madismaya sa kanila, Nakalilimutan ata n... Más

Love Story Of A Wattpad Author
First Chapter
Second Chapter
Third Chapter
Fourth Chapter
Fifth Chapter
Sixth Chapter
Seventh Chapter
Ninth Chapter
Tenth Chapter
Eleventh Chapter
Twelfth Chapter
Thirteenth Chapter
Fourteenth Chapter
Fifteenth Chapter
Sixteenth Chapter
Seventeenth Chapter
Eighteenth Chapter (Ending of LSOAWA's First Half)
ANNOUNCEMENT
Nineteenth Chapter
Twentieth Chapter
Twenty-First Chapter
Twenty-Second Chapter (Ending of LSOAWA's Second Half)
ANNOUNCEMENT [2]
Twenty-Third Chapter
Twenty-Fourth Chapter
Twenty-Fifth Chapter
Twenty-Sixth Chapter
Twenty-Seventh Chapter
Twenty-Eighth Chapter
Twenty-Ninth Chapter
Thirtieth Chapter
Thirty-First Chapter
Thirty-Second Chapter
Facts About LSOAWA!
LSOAWA Special Chapters: [1] Life After Marriage
LSOAWA Special Chapters: [2] Silence Means Wrong
LSOAWA Special Chapters: [3]Baby on the Way
Epilogue [Public]
LSOAWA Special Chapters: [4] Preggy Belly

Eighth Chapter

2.2K 45 10
Por ImMissJessy

Dapat ngayon ang first date namin ni MJ kaso nga hindi pa rin nawawala ang lagnat ko at nadagdagan pa ito ng sakit ng katawan at sinabayan pa ng asthma, saklap ng buhay!

Buong araw ay nasa kwarto lang ako, bumababa lang kapag kakain na. Si daddy ay nagsabi sa secretary niya na maga-absent daw siya ngayon para lamang alagaan ako. I feel so loved. Hindi naman kasi problema kay dad ang mag-absent dahil self-employed siya, architecture ang natapos ni dad kaya nagtayo siya ng sariling architecture firm. Si mommy ay dating CPA o Certified Public Account pero simula noong mag-asawa ay tumigil na sa pagtatrabaho pero okay lang naman daw kay daddy kung gusto niyang bumalik pero mas ginusto ni mommy na maging hands-on siya sa pagpapalaki sa amin.

“Kaye kakain na, masama pa rin ba pakiramdam mo?” Sabi sa akin ni daddy, sinalat niya ‘yung noo ko mainit pa rin ako. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa couch at pumunta ng dining room. Crab and corn soup lang ang kinain ko dahil wala pa rin akong panlasa, masasayang ko lang ‘yung pagkain kapag hindi ko naubos.

“May bisita ka anak.” Sabi ni mom sa akin, galing siya sa labas nag-gardening habang ako naman ay nakahiga nanaman sa couch, “Sino mom?” tanong ko habang nakahiga pa rin, nahihilo ako!

“Si MJ dinalaw ka, alam niyang masama pakiramdam mo kaya dito nalang daw kayo magdate.” Sabi ni mommy sa akin, kahit pa kinabahan ako na andito si MJ ay hindi pa rin ito halata dahil sobrang tamlay ko. “Honey my loves! Magdate rin tayo!” Narinig ko pang sabi ni mommy kay dad na nasa kusina, “Sure babe, saan mo gusto? Sa Enchanted Kingdom?” Sagot naman ni dad, napailing nalang ako at tumayo na ng couch, nagpunta ako ng banyo para maghilamos at magsuklay ng buhok. Mukha akong sinapian!

Hinanap ko kung nasaan si MJ dahil hindi sinabi ni mom kung saan niya dinala si MJ. Tiningnan ko sa deck kung andoon pero wala, umakyat ako sa hagdanan sa may labas na nagco-connect sa deck at balcony sa taas. Wala rin doon, asan na ba iyon? Nahihilo na ako! Naalala ko bigla na galing nga pala sa garden si mom, baka andoon siya.

Bumaba ulit ako ng hagdan at naglakad papunta sa kabilang side ng bahay, andoon nga si MJ na nakaupo sa table set may dalang pagkain!

“Hi!” Sabi ko sa kaniya, napatayo naman siya pagkakita sa akin “Uy! Kamusta ka na?” Tanong niya sa akin at pina-upo ako, gentleman! One point! “Masama pa rin pakiramdam ko, sorry hindi tuloy natuloy ang date natin.” Hinging paumahin ko sa kaniya,

“Okay lang ‘yun, at least kasama pa rin kita ngayon. Binili ko nga pala request mo, pizza at lasagna! Baka kasi gumaling ka dahil diyan!” Masayang sabi ni MJ sa akin, inayos niya pa ang dala niyang pagkain para sa akin.

“Paano mo nga pala nalaman na dito kami nakatira?” Tanong ko sa kaniya habang kumakain. “Tinanong ko sa kuya mo, kasi dalawang araw ka ng hindi nagpaparamdam sa Wattpad eh. Ang dami na ngang messages sa MB ko, hinahanap ka nila sa akin.” Sabi ni MJ, nakakatuwa naman na nag-aalala rin sila sa akin.

“Two days na kasi akong nilalagnat eh, hindi ako makapag-online kasi lagi lang akong tulog.” Sabi ko habang kumakain, “Baka naman kasi kulang ka lang sa ligo!” Sabi ni MJ habang tinatawanan ako. “Sira! Naliligo ako palagi kaya!” Sabi ko sa kaniya.

"Anak! Magde-date rin kami ng mommy mo sa Enchanted kami pupunta. Magpakabait kayo mga bata! Ligawan lang muna ha? Joshua! May tiwala ako sa'yo!" Sabi ni dad sa amin bago pumasok ng kotse. "Sige dad! Ikaw mom, baka mamaya hindi kayo sa EK pumunta ha? Baka pag-uwi may kapatid na kaming bago!" Biro ko sa kanila. "Menopause na ako! Pero may asim pa!" Malanding sabi ni mommy. Hay nako!

Nagku-kwentuhan lang kami nang nagku-kwentuhan at nagtatawanan, feeling ko gumaan na ang pakiramdam ko. Ang saya pala kasama ni MJ, ‘yung palabiro pero alam mong iniisip niya muna kung anong sasabihin niyang joke. May sense rin siyang kausap, hindi ‘yung kung ano lang ang maisip.

“Kaye, anong meron sa past mo?” Nagulat ako bigla sa tanong niya, pero the next thing I knew is kinu-kwento ko na ang masakit na nakaraan ko sa kaniya. Bakit ganito? Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya? Parang kilalang kilala ko na siya matagal na at nagawa kong maikwento ang hindi ko maikwento sa kahit kanino.

“Tama si Rus, kalimutan mo na siya. Pinapalaya ka na niya, maraming ibang nagmamahal sa’yo. Isa na ako doon, pinapangako ko na hinding hindi ka magsisisi sa akin. Mayabang man pakinggan, pero ako ang nararapat sa’yo at hindi si Renz dahil hindi ka niya mahal! Obssesed lang siya sa’yo. Mahal kita Kaye.” Sabi ni MJ sa akin pagkatapos ko magkwento.

Siya na kaya ang dapat kong mahalin? 

Seguir leyendo

También te gustarán

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...