My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 11

764K 12.3K 2.2K
By OppaAnja

Dedicated kay Ate @Keired kasi nakakaloka na babasahin nya 'to. Nakakastar struck! ^_____^ Hope na ma-enjoy mo isa sa mga kabaliwan ko :)

Chapter 11

Kaizer's P.O.V

          "Aish! Ang tagal-tagal nya!" inis na sabi ko sabay dinerecho ng inom yung juice na binili ko.

          "Kaka-lunch break pa lang Prince. Wag kang excited. Napaghahalataan ka na ah?"

          Tinapunan ko ng masamang tingin si Mobi na kasama ko dito sa may table namin sa may cafeteria habang hinihintay yung babaeng baliw na yun.

          "Anong ibig mong sabihin dyan huh?!"

          Hindi nya ako sinagot sa halip sumubo na lang sya ng dalawang piraso ng marshmallow saka pinakita sa harap ko kung pagnguya nya doon.

          "Nakakadiri ka alam mo ba yun?!" nakangiwing sabi ko.

          "Mas nakakadiri ka sa akin." sabi nya habang may lamang marshmallow yung bibig nya.

          Minsan talaga nabibilib na ako sa sarili ko na naiintindihan ko pa rin sya ng malinaw.

          Napatingin ulit ako sa relo sa braso ko sabay napatingin sa may pintuan ng cafeteria.

          12:01 PM na. 'Psh! Late na sya ng one minute! Lagot talaga sa akin yung babaeng yun dahil pinaghintay nya ako!'

          "Alam mo Prince," bigla akong napaharap kay Mobi saka nya nilunok yung natitira pang pagkain sa bibig nya. "Hindi kita maintindihan. Dati gustong-gusto mo ng alisin sa landas mo yung fake girlfriend mo. Ngayon naman pinagkakalat mo sa buong school na girlfriend mo na talaga sya? Ano ba talaga? Ayos ka lang?"

          "Alam mo hindi din kita maintindihan, Mobi." inis at madiin na banggit ko sa pangalan nya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wag na wag mo akong tatawaging Prince huh?!"

          "Hindi mo sinagot ang tanong ko." sabi nya sabay kumain na naman ng paborito nyang pagkain. Psh!

          Hindi ba nya naiisip na masisira ngipin nya kakakain ng marshmallow na yun?!

          "Bakit ka ba nandito huh?!" pag-iiba ko ng usapan. "Umalis ka na nga! Shu! Shu!"

          "Best friend mo kaya dapat alam ko lahat." sagot nya. "At wag mong ilihis ang usapan dahil huli na kita."

          "Huli saan?" kunot-noong tanong ko.

          Napangisi si Mobi sa akin. Yung ngisi na minsan ko lang makita sa kanya sa isang taon.

          Ang ngisi ng kasamaan.

          "May gusto ka na ba kay Sitti, huh, Kaizer?" ngingisi-ngising tanong nya.

          Tinapunan ko lang sya ng masamang tingin. "Wala akong gusto doon!"

          "Weee?"

          "Alam mo naman kung sino gusto ko at alam natin pareho na hindi ako magkakagusto sa ibang babae maliban na lang sa kanya di ba?"

          Natahimik na si Mobi matapos kong sabihin iyon. Napatango-tango na lang sya sabay tahimik na kumain ng marshmallow nya at nakihintay sa pagdating nung babaeng baliw na yun.

          Lalong sumama timpla ko nung mabanggit ko yung tungkol sa pagmamahal na yan.

          Ako? Magkakagusto kay baliw? Huh! ASA! Malaking ASA! Hindi mangyayari yun! Itaga nyo pa sa bato!

          Kaya ko lang naman gustong makausap yung babaeng yun para matahimik na ako. Napapagod na akong magpaliwanag sa mga tao na hindi ganoon yung relasyon namin ng babaeng yun.

          Kaysa paulit-ulit akong magpaliwanag, eh di pangatawanan na lang! Wala namang mawawala sa akin maliban sa katinuan ko eh. Siguro naman okay ng sakripisyo yun matahimik lang buhay ko di ba?

          Napatingin ako ulit sa relo ko.

          12:05 na. "Bwisit!" inis kong sinipa yung isang paa ko sa paa ng mesa.

          Mabilis na naangat ni Mobi yung mga juice at pagkain namin sa mesa para hindi iyon matapon dahil sa biglang pagsipa ko. Hindi ko alam kung paano nya nagawa yun. Basta nagawa na lang nya, tapos!

          'Humanda ka talaga sa aking babae ka!' gigil na sa isip ko sabay nagpapalit-palit ng tingin sa relo ko at sa may pintuan ng cafeteria.

          Ipapalamon ko talaga sa kanya lahat nga marshmallow sa bag ni Mobi kapag hindi pa sya dumating dito!

Sitti's P.O.V

          Tahimik lang akong sumisilip sa kanilanng dalawa habang may nakatapik na libro sa tapat ng mukha ko.

          Wala na akong pakialam kung napapatingin na sa akin yung mga nakaupo sa kalapit kong table dahil sa ginagawa kong pag-eespiya.

          Saka wala akong pakialam sa opinyon nila! Isa lang ang misyon ko ngayong araw...ang makaganti sa Kaizer Buenavista The Yabang na yun!

          Ilang mesa ang layo ko sa pwesto nila ni MM—ay ni Mobi pala. At basta! Si MM!

          Ang nakakainis lang, hindi ko maayos yung pag-eespiya ko kasi hindi ko marinig pinag-uusapan nila. Ang nakikita ko lang ay yung mga facial expression nila lalo na yung kay yabang na sobrang lukot-lukot na yung mukha nya habang tinatap nya yung mga daliri nya sa mesa nila habang nakatingin ng masama sa may pintuan ng canteen.

          Sandali akong napatingin doon sa may pintuan sabay napakunot-noo.

          'Ano ba meron doon?' sa isip ko.

          Marahan kong iniling ulo ko nang ma-distract ako saka ko binalik yung mata ko sa kanilang dalawa.

          Ilang sandali pa akong nagmasid sa kanilang dalawa sabay bigla akong napayuko nang bigla na lang tumayo si yabang sabay lumapit sa direksyon ko.         

          Alam ko naman na hindi pa nya ako nakita kasi hindi sya nakatingin sa akin. Lumapit lang sya sa lugar ko kasi malapit ako sa may counter ng canteen. Bibili yata sya kaya sya lumapit.

          Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para silipin si yabang at tingnan kung anong ginagawa nya.

          Hoy! FYI lang ah? Wala akong crush sa kanya o kung ano mang nakakadiring bagay huh?! Kaya ko lang sya tinitingnan at sinusundan para makahanap ako ng tyempo ko kung paano ko magagantihan ang mayabang na Kaizer Buenavista na yun! Yun lang! Wag kayong green minded!

          Pero sa pag-angat ng ulo ko, imbes na ako manggulat, ako yung gulat.

          Nanlaki mata ko nang makita ko si MM na nakatingin sa direksyon ko. Nakangiting nakakaloko.

          Bigla akong napayuko saka inayos buhok ko para maitago ang mukha ko.

          'Grabe! Ang galing mo talaga Felicity! Nahuli ka na ni MM!'

          Narinig ko yung boses ni yabang na um-order ng pagkain, beef curry, tapos narinig kong kinausap nya si MM saka tinanong kung anong gusto nito.

          Inangat ko ulit uli ko saka napahinga ng maluwag nang mawala na yung atensyon ni MM sa akin.

          'Nakahalata kaya sya?! Nalaman kaya nyang kanina pa ako nagmamasid sa kanila?!' kabadong sa isip ko. 'Paano kapag nagsumbong sya kay Kaizer na nandito ako?! Na kanina pa ako nakatingin sa kanila? Baka mas lalo na namang lumakas aircon ni yabang at ano-ano pa isipin nya!'

          Bigla akong napatayo sa upuan ko sa sobrang panic saka naglakad palayo sa lugar na iyon.

          Kailangan ko ng makalayo bago pa ako tuluyang mahuli!

          Dahil nga sa nakatabing pa rin sa mukha ko yung buhok ko, hindi ko alam kung tama ba yung lugar na nilalakaran ko.

          Basta nagulat na lang ako nang bigla akong mabunggo sa kung kanino sabay nakarinig ako nang nabasag na plato at mga nalaglag na kutsara't tinidor sa sahig at malakas na pagsinghap ng mga tao sa canteen.

          "Ay sorry po! Hindi ko po sinasadya—" inalis ko yung mga buhok sa tapat ng mukha ko habang nagsasalita pero agad ding naputol iyon nang ma-iangat ko yung ulo ko sa mukha ng nabunggo ko.

          "Oh-oh!"

          "Lagot sya."

          "Takbo na girl!"

          Nagsimula nang magbulong-bulangan sa loob ng canteen habang ako naman ay parang tuod na nakatayo sa harapan ni yabang.

          Nanlaki mata ko habang tinitingnan ko si yabang mula ulo hanggang papa.

          Napatakip ako sa tapat ng bunganga ko para pigilang matawa sa itsura nya ngayon.

          Natapon sa ulo ni yabang yung in-order nyang beef curry tapos yung hawak nyang baso ng tubig nakabitin sa ere habang nanlalaki yung mata nya at tumutulo sa mukha nya yung curry sauce pababa mula sa ulo nya.

          "S-So...so...pfft!" hindi ko matapos yung sasabihin ko kasi natatawa talaga ako.

          Nung mag-angat ako ulit ng tingin kay yabang, bigla akong napalunok ng wala sa oras nang makita ko yung mata nya na sobrang singkit na sa galit. Nakita ko din yung kamay nya na may hawak ng baso na nanginginig din sa galit.

          "Sabihin mong wala akong pagkain sa ulo ko..." pigil na sabi ni yabang.

          Bigla akong nakaramdam ng takot para sa kanya. Nawala na yung tawa sa lalamunan ko nang makita at marinig ko yung galit nyang mukha at boses nya.

          "SABIHIN MO!"

          Muntik na akong mapatakbo palabas ng canteen sa gulat nang bigla nya akong sigawan.

          "Patay na talaga sya."

          "Grabe! Wala pang nakakagawa kay Prince ng ganyan!"

          "Lagot na lagot talaga sya! Baka abangan pa sya ng buong basket ball team ni Prince."

          "Wala na syang takas ngayon."

          Napatingin ako sandali sa paligid namin saka ko lang napansin na na-doble yung dami ng tao sa loob ng canteen. Nakikitsimis siguro sila sa nangyayari.

          "Maghihiwalay na ba sila nyan?"

          "Malamang! Tingnan mo naman galit na galit si Prince oh!"

          "Ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganyan."

          Napakagat ako sa labi ko.

          Grabe naman mangonsensya yung mga nagbubulong-bulungan sa tabi ko! Nakakainis!

          Hindi ko naman sinasadya yun eh! Yung buhok ko kasi tinakpan mga mata ko! Tama! Wala akong kasalanan dito!

          'At sinisi mo pa talaga buhok mo huh?!' sabi sa utak ko ng konsensya ko.

          Gusto kong batukan yung sarili ko sa katangahan ko.

          "Sabihin mong wala akong curry sa ulo babae..."

          Napatingin ulit ako sa mukha ni Kaizer. Nasa mukha pa din nito yung hindi matawarang galit at inis at galit ulit para sa nagawa ko.

          "Ah...eh...konti?" alanganin na sabi ko saka pinagdikit yung thumb finger at index finger ko para ipakita sa kanya na konti lang yung pagkain sa ulo nya.

          Na hindi naman totoo kasi nasa ulo nya ngayon yung buong plato nya ng curry.

          "Konti? KONTI?!" malakas na sabi nya saka pinahid yung ulo nya at mukha nya. "Konti pala sa'yo 'to huh?!" inilahad nya sa akin yung mga kamay nyang may curry na.

          Pumikit na lang ako saka naghintay na masapak.

          Dapat pala noong una pa lang nagpakalbo na lang ako sa mga fan girls ni yabang. Mas gusto ko pa yung kaysa masapak ako.

          "Konti pala huh?! Ito! KONTIIN MO 'TO!"

          Nagulat ako nang bigla na lang hawakan ni yabang yung mukha ko saka pinahid yung kamay nyang may curry sa buong mukha ko.

          Bigla akong napadilat saka napahawak sa mga kamay nya para alisin iyon sa mukha ko.

          "WAAA!!! Ano ba?! Wag mo kong lagyan ng curry!"

          Inalis nya yung kamay nya sa akin saka napahawak ulit doon sa ulo nyang may curry saka iyon pinahid ulit sa mukha ko.

          "Konti 'to di ba? Ito! Tingnan natin kung konti pa 'to sa'yo!"

          Iniiwas ko ulo ko sa bawat pahid ng kamay nyang madumi sa mukha ko.

          "Yuck! Kadiri ka!"

          "Kasalanan mo 'to sira!"

          Nung sandali nyang tinantanan yung mukha ko, ako naman ngayon yung napahawak sa mukha ko saka binalik sa mukha nya yung curry na nilagay nya sa akin.

          "Yan! Para sa'yo yan!"

          "Aish! Ano ba! Tigilan mo yan!"

          Hanggang sa nagpahiran kami ng curry sa mukha ng isa't-isa.

          Wala akong pakialam kung nanlalagkit na yung mukha ko. Makaganti lang ako sa nakakabwisit na mayabang na 'to ay masaya na ako.

          Saka papayag ba ako na ako lang may curry sa mukha?! Huh! Dapat sya din! Saka dapat mas madami sa kanya kasi kanya galing 'to!

          "Wow. Ang sweet."

          Sabay kaming nahinto ni yabang sa pagbabatuhan ng mga gulay at karne na galing sa curry sa isa't-isa nang biglang magsalita si MM na nakatayo pala sa harapan namin.

          "Ang sweet nyo palang magsyota."

          "ANO?!" malakas at sabay na sabi namin ni yabang.

          Napatingin kami sa isa't-isa nang sabay kami nagsalita.

          "WAG MO AKONG GAYAHIN!" sabay na sabi ulit namin. "ANO BA?!"

          "Yup. Sweet nyo nga." tatango-tangong sabi ni MM sabay ngumuya na naman ng marshmallow nya.

          "HINDI KAMI SWEET!"

          Nagtitigan kami ng masama ni yabang nang magsabay ulit kami sabay napairap kami sa isa't-isa.

          Palpak yung plano kong makaganti! Nakakainis!

          At ang dumi-dumi ko na! Salamat kay Kaizer Buenavista! Insert sarcasm here!

A/N: Sensya na kung hindi natupad yung 2 CHAPTER UPDATE promise ko noong nakaraan kasi naging busy ako. LOL. Ano po masasabi nyo sa chapter na 'to? Comment lang po! Wag po kayong vote lang ng vote. Mas gusto ko mabasa mga comment nyo.  Ganyan mag-sweet moments ang KAITI. Medyo madumi. LOL.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
44K 1.3K 19
Ako si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kun...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
213K 7.5K 85
Inaalay ko ang mga tulang ito para sa mga taong nasaktan, umibig, nasaktan ulit at nawalan na ng pag-asang magmahal muli. Highest Rank: #1 in Mga Tul...