My Pervert Housemate [ IN REV...

De ohyeahiknow

842K 11K 814

Paano pag isang araw titira ka sa isang bahay kasama ang isang hot, sexy,playboy, mayabang at PERVERT na lala... Mais

PROLOGUE
MPH 1
MPH 2
MPH 3
MPH 4
MPH 5
MPH 6
MPH 7
MPH 8
MPH 9
MPH 10
MPH 11
MPH 12
MPH 13
MPH 14
MPH 15
MPH 16
MPH 17
MPH 18
MPH 19
MPH 20
MPH 21
MPH 22
MPH 24
MPH 25

MPH 23

16.6K 307 33
De ohyeahiknow

CHAPTER 23


Megan

Lumabas na ako ng mansion ay este bahay nina Ken. Pinahintay pa niya ako dito sa labas ng bahay nila kasi kukunin niya lang daw yung sasakyan niya.

Nag hihintay ako dito habang nakatayo nang biglang nag ring yung phone ko. Tiningnan ko kung sino, si Monica lang pala. Sinagot ko.

"Hello bitch"

[ Meg nasan ka? kasama mo ba si Ken?]

"Ha? ah oo baket?"

" Tamang tama. Punta kayo dito sa mall pls. "

"HA?! EH ANDITO KAMI SA BARYO NI KEN ANG LAYO "

"Basta malayo man o hindi punta kayo dito like now na. DAPAT KASAMA MO SIYA "

At bago pa ako makasagot inend niya na yung call. Tsk tong babaeng to talaga!

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Hindi ko namalayan andito na pala si Ken sa harapan ko.

Nilakasan niya ba naman yung busina nataranta naman ako sa pagtakbo.

"ETO NA! " Sigaw ko. Kainis!

Pagpasok ko sa sasakyan, bigla niyang pina andar!

"TAE NAMAN KEN HINDI PA AKO NAKA SEATBELT!"Sigaw ko. Oo sumigaw talaga ako kahit kami lang dalawa dito sa loob.

Hindi niya ako pinansin pero hininto niya yung sasakyan tapos nagulat ako sa ginawa niya.

Lumapit siya tapos siya yung nagseatbelt sakin. Naamoy ko yung bango ng perfume niya.

Ang lapit ng mukha niya. Isang galaw ko lang mahahalikan ko na ang pisngi niya. Yung puso ko naman hindi ko na alam kung anong bilis ng tibok.

"Sorry" Bulong niya tapos bumalik na sa normal na pwesto. Naka hinga na ako ng maluwag.

Pina andar niya na yung kotse.

"Bat ka nag so sorry?" Tanong ko.

"Kanina. Sa seatbelt." sabi niya. NAG SO SORRY SIYA?! SERYOSO SIYA!?

Hindi ko na yun pinansin at tumingin tingin nalang sa mga kahoy na madadaanan.

Medyo awkward yung atmosphere.

"Hatid na kita sa inyo?" Tanong niya.

Doon ko lang na alala yung sinabi ni Monica.

"Hindi, Punta muna tayo ng Mall" Sabi ko.

"Mall? Mag date tayo?"

"Date ka diyan. Papupuntahin tayo ni Monica dun. Nandoon ata yung barkada. " Sabi ko.

"Ah ok. Eh bat naman tayo pa pupunta- HOY MEG ANONG GINAGAWA MO!?"

Tumayo kasi ako sa kinauupuan ko. Balak kong matulog sa backseat eh.

"BACKSEAT! MATUTULOG!"Sabi ko.

"AY TEKA HUY! WAG MONG APAKAN ANG UPUAN! MADUDUMIHAN!" Sigaw niya habang nagmamaneho.

Jusko naman tong sasakyan niya! ang liit!

"HINDI MADUMI TONG SAPATOS KO SO DONT WORRY"

"SHIT NAMAN!" Reklamo niya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa naka higa na ako. Narinig ko pa siyang nagbubulong ng kung ano sa sarili niya.

"Ang ingay mo. Mabuti pa tumahimik kana" Sabi ko at tuluyan ng umidlip.

Pag gising ko, akala ko kung saang lupalup niya na akong dinala pero pagtingin ko sa labas malapit na pala kami sa parking lot ng mall.

"Ganda ng tulog mo no?" Tanong niya.

"Medyo. Galing mo magmaneho ah. Hindi ako nagising " Sabi ko at akmang tatayo na naman nang pinigilan niya ako.

"WAG KA NANG GAGALAW DIYAN KA LANG! TUTAL MALAPIT NA TAYO!" Sabi niya. Talagang ayaw niyang madumihan tong sasakyan niya ah.

Hanggang sa pinark niya na yung kotse niya. Lumabas siya ng sasakyan. Leche so iiwan niya nalang ako dito?! tapos dederetso siyang maglaka-

"Labas na" Bigla niyang binuksan yung pinto sa backseat.

PINAGBUKSAN NIYA AKO NG PINTO.

Lumakas yung tibok ng puso ko. Kahit simpleng gesture niya lang hindi ko alam bakit nagkaka ganito na ako.

Lumabas na ako ng kotse niya. Yung mga butterflies sa tiyan ko nag babattle na.

Naglakad na ako habang nakasunod naman siya sa likuran. Pagdating namin dun sa coffee shop na sinabi ni Monica, sila agad ang bumungad samin.

WOW KOMPLETO ANG BARKADA! Anong meron?

"GUYS! FINALLY!" Bati ni Monica pagpasok namin. Konti lang yung costumers dito kaya pwede mag ingay.

"Oh anong okasyon? Bat tayo andito?" Tanong ko. Nakita ko namang umupo na si Ken sa tabi ni Sean.

"May good news kaming sasabihin sa inyo!" Sabi ni Ella. Umupo narin ako sa tabi niya.

" Mag bi-birthday kasi si Chad next week tapos sabi niya na may dalawang options daw tayong pag pipilian, either a pool party or a beach party." Pag e-explain ni Monica.

"Teka, bat tayo ang pipili? Hindi ba pwedeng siya?" Tanong ni Ken.

"Hindi kasi ako maka pili. Ang hirap." Sagot naman ni Chad.

Ok para kaming nasa isang meeting na pang matanda. Napaka seryoso yung mga faces nila.

"Ok so, pool party?" Tanong ni Monica.

"Wag. Parang pang kids party eh. Beach nalang kasi ang daming chicks dun!" Suggest ni Baron.

"Oo nga tapos ang dami pang pwedeng gawin pag sa beach!" Dagdag naman ni Dominic.

"Tapos alalahanin niyo guys, lahat ng estudyante sa year natin ay invited. Kaya i suggest na mag beach tayo" Sabi ni Ella.

Ok so nag usap-usap muna sila kung sa beach ba talaga tapos ano daw ang mga pwedeng gawin na fun sa beach at iba pang mga gimik na alam nila.

Matapos ang isang oras na pag-uusap, kwentuhan, tawanan, napag desisyunan naming umuwi na. Habang naglalakad kami bigla nalang nagsalita tong si Sean.

"Guys may sasabihin ako" Napalingon naman kami sa deriksyon niya.

"Sean wag ngayon," Bulong ni Ella sa kanya.

Teka, siguro sasabihin na nila na may relasyon sila?

"May girlfriend na ako" Pagpapatuloy ni Sean. Kahit alam ko na pero nagulat parin ako.

"Sino?" Tanong ni Monica.

"Talaga? " Tanong ni Seth.

"Weh?" Tanong ni Hans.

"Humithit ka nanaman ng katol Sean no?" Si Baron talaga.

"Actually, may date kami ngayon, kaya lang nagamit yung oras namin kanina so, " Sabi ni Sean sabay tingin kay Ella.

"Tara na Ella may date pa tayo" At hinatak niya na si Ella palayo samin.

"WOAAAH!"

"SABI KO NA NGA BA MAY RELASYON SILA!"

"HALATA NAMAN EH"

"SWEET SHET NAKAKAINGGIT"

"AYIEEEEEE"

Sigaw nila. Ang swerte ni Ella kasi may Sean siya. Ang sweet talaga ni Sean pagdating kay Ella. Medyo Bipolar kasi-

"HOY TEKA SAAN MO AKO DADALHIN!?"Sigaw ko. Bigla nalang kasi akong hinatak ni Ken papuntang parking lot.

"Tumawag na si Tita sakin. naka silent na naman yung phone mo no?" Tanong niya at pina andar na yung kotse niya. Pumasok na rin ako.

Tiningnan ko yung phone ko, at leche naka silent talaga. May ilang missed calls narin si mama sakin.

Mabilis lang kaming dumating sa bahay. Medyo gabi na nga eh. Napatagal ata yung usapan namin kanina sa coffee shop.

"Sige, salamat ha?" Sabi ko at tuluyan nang lumabas ng kotse niya.

"Sige, ingat" sabi niya at tuluyan nang pina andar yung sasakyan niya. Pumasok narin ako ng bahay. Nadatnan ko si mama sa living room, nakabihis na.

"Oh ma?" Sabi ko.

"My God Ellane! Bat ngayon ka lang?! Bilisan mo na! Kumilos ka na! Magbihis ka na! May dinner tayo sa Tito Alfred mo tonight remember?!

Ay oo nga pala may dinner date pala kami sa lalaking yun na si Alfred kasama ang family.

Hindi na ako sumagot at dali-daling pumasok sa kwarto at nagbihis.

Pagbaba ko habang kumuha ng purse sa may living room, bigla namang nagreklamo si mama.

"Honey you are like going to a club or something! Magbihis ka! Wear something decent!"

Naka pants lang kasi ako tapos naka loose shirt. Ano bang masama dun?!

Ok so bumalik na naman ako sa taas at nagbihis, after that, bumaba na naman ako. Naka black pencil bandage dress na talaga ako. Para akong may pupuntahan na business meeting. Ugh.

"Ok Good. Let's go" Hindi naman siguro excited si mama no?

Sa biyahe, may mga sinasabi pa siya about this about that and other shits.

"you have to be good to your Tito Alfred ok?" OO NA.

"And be good sa kanyang son!" OO NA NGA.

So yeah, pagdating namin sa isang 10 STAR RESTAURANT, pumasok na kami. Andun pa talaga sa VIP Area naka book yung table namin. Family dinner ba to o business meeting? Jeez.

Pagpasok namin dun sa VIP area, nadatnan namin ang isang matandang lalaki lol de joke hindi siya gaano ka tanda. Parang ka edad lang sila ni mama. Siya siguro si Tito Alfred. Gwapo naman pala eh.

"Alfred!" Bati ni Mama sabay nag kiss sila sa cheeks. Mama lumalandeee.

Umupo na ako sa may upuan. So parang magkatabi sina mama at Tito Alfred habang nasa harapan nila ako at katabi ko ay isang bakanteng upuan.

"You must be Megan." Sabi ni Tito. Char mag tito tayo para hindi awkward.

"Yes po." See i'm being good here mom.

"Sorry kung medyo ma la-late yung anak ko ah? Ewan ko ba sa batang yun." Sabi niya.

Oh yeah, kaya nga pala may bakante dito.

"Don't worry Meg magkaka intindihan din kayo since kasing edad lang kayo" Sabi naman ni Mama.

"Ok po." Sabi ko habang tahimik lang na nakaupo dito. Habang hinihintay namin yung foods at si 'son', nag uusap muna sina mama at Tito habang ako naman, nakikipag text nalang sa kung sino.

Hanggang sa biglang bumukas yung pinto, kaya napatingin kami.

"I'm really sorry im late" Sabi nung pumasok. PAMILYAR YUNG BOSES!

"That's ok Kris." Sabi ni mama.

Napatingin ako sa pinto ng de oras. Yung mata ko parang lumalabas sa sobrang gulat! 

"MEG?"


"K-KRIS?!"


"Teka, Magkakilala kayo?" 


_

VOTE AND COMMENT! thanks ♥

-revised


Continue lendo

Você também vai gostar

121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
339K 7.7K 33
Bored ako
43.3K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...