The Star

Bởi AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Xem Thêm

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 42

11K 158 7
Bởi AngelMelay




STARRING 42

SABIHIN MO LANG




Kanina pa ako simangot na simangot dito sa harap ng tv. Katatapos lang naming mag-lunch at nakapag-hugas na ako ng plato. Si Franz naman ang siyang nagluto at ngayon ay naandito sa kabilang dulo ng couch na inuupuan ko at tahimik ding nanunuod.


Naiinis kasi ako kay Franz sa ginawa niya kanina...




FLASHBACK**




"At inamin ko dahil iyon ang gusto ko. Gusto kong malaman nila na ako'y sa iyo, at ika'y sa akin lamang. That you are my wife." Pagtatapos niya.





Kung nanginig ako doon, mas nanginig ako ng dahan-dahan niyang halikan ang kaliwang balikat ko at leeg.




Napapikit na lang ako sa libo-libong sensasyon kong nararamdaman. Hinalikan ako ni Franz ng mabilis sa leeg at balikat. Kung hindi niya ako yakap sa bewang mula sa likod, malamang napaluhod ako. Dahil nanlambot ng tuluyan ang mga ito.



Iniharap niya ako sa kanya. Nakayakap pa din siya sa maliit kong bewang. Napakagat labi pa ako ng makita kong titig na titig siya sa mga labi ko. Ramdam ko ang kapwa bilis na pagtahip ng dibdib naming dalawa. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, halos sabay ang mabilis na pintig ng aming mga puso.



Nanglaki ang aking mga mata ng mapansing ko ang unti-unting paglapit niya sa akin. Alam kong ang mga labi ko ang puntirya niya. Kaya halos magdugo ang labi ko kakakagat para hindi niya maangkin ang mga ito.




Bakit ba niya ginagawa ito sa akin? Hindi niya naman ako mahal. Wala naman siyang sinasabi na meroon na siyang pagtingin kahit konti sa akin.



'Oh common, Steph! Alam mo namang never siyang magkakagusto sa iyo kaya huwag kang umasa.' Bulong ng black angel ko sa akin.



Parang de buton na naitulak ko siya palayo ng mapansin ko ang pagsara ng kanyang mga mata habang mas lumalapit siya sa mga labi ko.



"Franz, w-why are you doing this to me?" Halos mautal ako sa tanong ko sa kanya.



Saka lang siya nagdilat. Halata ang lungkot sa kanyang mga mata. 'Lungkot, Steph? Bakit naman siya malulungkot?' Tanong pa din ng aking black angel.



Bumuga siya ng hangin at pilit na ngumiti. "Just because." Tipid na sagot niya.



Gusto ko siyang usisain kung ano ang dahilan. Hindi ito ang tamang panahon para sumagot siya ng matipid sa akin. Kailangan ko ng mga paliwanag sa ginagawa niya.



"Just because of what?" Nakakunot na ang noo ko. Naiinis ako kasi hindi ko mabasa kung ano ang kinikilos niya ngayon at tumatakbo sa utak niya.



Hinaplos niya ang pisngi ko. "Just because." Ulit niya.




Sa inis ko ay hinampas ko ang braso niya. Napipikon ako sa bitin niyang sagot. "Ano nga?" Naiirita ko ng tanong.



Pero hindi niya ako sinagot. Iba ang lumabas sa kanyang manipis at kissable lips. 'Ah! Bakit ba naiisip ko pa ang mga labi niya?' Sermon ng black angel ko sa akin.




"Sumunod ka sa akin sa labas, Steph. Magluluto na ako ng mabilis para makakain tayo ng tanghalian." Sagot niya. Parang napapasong hindi na siya makatingin sa aking mga mata at agad akong tinalikuran.



Napipikon ako ng kanyang iniwan. Wala na naman kasi akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya kaya naiinis ako. Bakit ba hindi niya masagot kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ginagawa niya nitong mga naaraang araw? Hanggang ngayon, ang hirap paring basahin ni Franz Roff.



Naiintindihan ko ang pagiging over protective niya. Marahil ay ginagawa niya iyon para ingatan ang pangalan niya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ba siya possessive, nangyayakap, nanghahalik at minsan ay sobrang lambing niya sa akin? Ayokong manghula at umasa kaya gusto ko ng kasiguruhan. Kailangan ko ng paliwanag sa lahat ng ito.




END OF FLASHBACK**




Kaya mula kanina ay hindi na maipinta ang mukha ko. Pinaglalaruan ba niya ako? Pero anong ibig sabihin ng mabilis na pintig ng puso niya kanina tulad ng akin? Nang mga mata niyang parang hinihigop ang lakas ko kapag tumitig sa akin?



"Steph." Tawag niya sa akin.



Sa tingin ko, parehas lang kaming nakatingin sa tv pero ang utak ay naglalakbay.



"Hmm?" Tanong ko pero hindi ko siya sinulyapan.



Napaurong ako sa dulo ng maramdaman kong umipod siya palapit sa akin. Ano na naman ba kasi ang kailangan niya?



"Galit ka?" Tanong niya pero kita ko sa gilid ng aking mga mata sa tv siya nakatingin.



"Oo." Tapat na sagot ko.



"Bakit?"



Lumingon ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Hindi mo alam o nagtatanga-tangahan ka lang?" Hindi ko napigilang hindi magsungit sa kanya.



"Sungit!"




"So?"




Umurong pa siya lalo sa akin. Hindi na ako makaiwas dahil dulo na ng mahabang couch ang inookopa ko.



"Steph naman!" Parang bata na maktol niya. Hindi ko maget kung anong inaarte-arte niya ng ganyan.



"Tatanong-tanong ka, tapos kapag sinagot ka, magiinarte ka?!" Naiinis na sabi ko sa kanya.



Isang mahabang buntong hininga lang ang narinig ko sa kanya. Parang nahihirapan siya. Kung nahihirapan siya, mas lalo naman akong nahihrapan. Nakakasira ng ulo ang makasama pala si Franz ng 24/7. Pakiramdam ko, mababaliw na ako sa pag-unawa sa kanya.



"Bakit ka ba kasi nagagalit?" Ang galing! Parang inosente niya pang tanong sa akin iyan.


Naningkit ang aking mga mata. May lakas ng loob pa talaga siyang tanungin ako huh. "Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina!" Singhal ko pa.



Lalong naningkit ang aking mga mata ng humiga siya sa mga hita ko. Ginawa niyang unan. Kapal talaga! Kung inaantok siya, dOon siya sa kwarto niya!



"Tumayo ka nga!" Sabay tulak ko sa kanya. Mas maganda siguro kung mahuhulog ito eh.



"Aray naman." Humahalakhak na reklamo niya. Ikinawit pa niya ang isang braso sa aking bewang para hindi siya mahulog ng tuluyan.



Ayan na naman si Franz sa mga chansing niya eh! Hindi niya na ako ulit maiisahan! "Alis nga kasi." Naiirita kong tinatanggal ang hawak niya sa likod ng bewang ko.



"Ayoko nga! Damot naman nito eh." Natatawa pa si Loko.



Sa inis ko ay itinodo ko ang buo kong lakas para ihulog siya. Pero listo ang loko. Dalawang kamay na ang kinawit sa buong bewang ko para hindi siya mahulog sa pagkakahiga sa hita ko.



"Ano ba kasi Franz?"



"May period ka ba at ang sungit mo?" Nakangisi pang sabi niya.



Kung ibang babae siguro ito, malamang ay kinilig na sa sitwasyon ko. Pero iba ako. Natutunan ko na ang leksyon ko. I already knew how to deal with him. Pero alam ko na nga ba kung paano?



"Sige na nga. Diyan ka na kung gusto mo. Bitiwan mo lang ang bewang ko." Mas mahinahon ng sabi ko sa kanya. Wala na rin naman akong magagawa, mukhang wala talaga siyang balak umalis sa kandungan ko.



"Steph, pabayaan mo lang ako. Huwag mo na rin akong tanungin sa mga bagay-bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. Let's just enjoy each other's company. Maging masaya tayo sa natitirang 11 months na pagsasama natin." Seryosong sabi niya habang ganoon pa rin ang pwesto at nakatitig sa aking mga mata.



"Fine!" Sagot ko at ibinaling na lang ang paningin pabalik sa flatscreen namin. Sa bagay, ako rin naman ay may mga nararamdaman nitong mga nakaraang araw na hindi ko maipaliwanag. Ayaw kong tanggapin ang posibilidad na gusto ko na naman siya. Hindi pwedeng mangyari iyon dahil alam kong kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan.



"Steph?" Ayan na naman. Kinukulit na naman ako eh.


"Hmm?" Sagot kong hindi siya tinitingnan.


"Steph."


"Oh?"



Ang kulit! "Bakit ba?" Nakataas ang kilay ko at napilitang bumaling sa kanya.



Ang kaso, pagtingin ko sa kanya, titig na titig siya sa aking mga mata. Huling-huli ko na parang sinasaulo niya bawat detalye ng mukha ko. Tiningnan niya ang aking mga mata, ilong, at labi. Nang muli siyang tumitig sa mata ko, parang nahihigop na naman ako ng kakaibang mahika niya.



"Thank you for a month of happiness with you." Nakangiting sabi niya.


Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Naguguluhan kasi ako sa a month of happiness happiness na iyan.



"Basta thank you! Huwag ka ng madaming tanong. Basta thank you!"



Dahil mukhang sincere naman siya sa thank you niya na hindi ko alam ang dahilan, "welcome" ang nasabi ko na lang.


Natigilan ako nang ang isang kamay niya sa bewang ko ay inilipat niya sa batok ko. Umangat ang ulo niyang nakahiga sa hita ko. Dahan-dahan niya akong kinabig patungo sa kanya.



Nag-smack siya sa mga labi ko!



Natulala ako kung bakit niya ginawa iyon, at kung bakit hindi man lang ako umangal. Naramdaman ko na lang na nangingiting ibinalik na niya ang paningin sa tv.



Palihim na hinawakan ko ang aking mga labi. He kissed me! Why did he kissed me? Naguguluhan ako kung bakit imbes na mainis ako, tulad niya ay nangingiti rin ako. Namahika na nga ata ako ni Franz Roff.




**


Naging matiwasay naman ang sumunod na mga araw sa aming dalawa. Minsan nagaasaran pa rin kami, pero hindi na umaabot sa sigawan. Mas naging malambing pa sa akin si Franz. Pinabayaan ko na lang siya. Marahil ay namimiss lang niya si Fatima kaya sa akin niya ibinubuhos ang ka-sweetan niya. Anyway, nasasayahan din naman ako. Namimiss ko rin kasi minsan ang mga lambing ni Von sa akin dati. Ang kaibahan nga lang, mahal namin ni Von ang isa't-isa noon.



Naandito kami sa garden ng bahay ng parents ko. Tumawag kasi sila kagabi para lang sabihan kami na dumalaw naman daw sa kanila. Namimiss ko na rin ang pamilya ko kaya walang pagtutol akong pumayag. Mamaya ata ay tatawid kami sa tapat at sa bahay naman ng mga Roff kami pupunta.



Inatake na naman ng kaartehan niya si Franz kaya ngayon, naandito kami habang sinusubuan niya ako ng cake na niluto ni Mama. Kanina ay napagdesisyunan ko nang mageenrol ako ng short class sa cooking ngayong summer. Tutal one month to go pa naman bago magpasukan.



"Ang sweet ninyo!" Bati sa amin ni Dale na ngayon ay nasa garden din at nagda-download at ng kung ano. Matalino naman ako, pero ewan sa bunso kong kapatid kung bakit kay Franz nagpapaturo. Pss..



"Talaga?" Ngiting-ngiti na tanong ni Franz sa kanya. Yumakap pa sa bewang ko. Ang sarap bigwasan at pukpukin nitong garden set na inuupuan namin eh.



Sumulyap muna ang kapatid ko sa laptop niya bago bumaling muli sa amin. "Oo. Bagay pala kayo?" Nakangising hirit pa ng kapatid ko. Ang sarap niyang bigwasan sa sobrang kadaldalan!



"Hindi kami bagay, no?! Mas bagay sila ni Fatima." Sa hindi maintindihang kadahilanan ay naiinis ako sa nasabi ko.



Seryosong bumaling sa akin si Franz, yakap pa din ako. "Tss.. Fatima na naman! Anong gusto mong sabihin ko? Bagay din kayo ni Von?" Nakataas pa ang isang kilay na tanong niya. Kung hindi ko lang alam na NEVER daw siyang magkakagusto sa akin, malamang kinilig ako eh. Tunog nagseselos kasi siya.



"Oo naman. First love never dies no?!" Nakangising sagot ko sa kanya. Totoo naman, pakiramdam ko, may timbang pa rin siya sa puso ko.



"First love? Tss.. Ako kaya first love mo?" Nanghahaba pa ang ngusong sabi niya. Kumalas na rin siya sa yakap sa akin at umayos ng upo.



Awe! Alam niya? "Hindi kaya!" At sinapak ko siya para pagtakpan ang aking kaba. Mukhang alam niyang hindi lang crush ang nararamdaman ko sa kanya noon.



"Eh di hindi! Si Von na kung si Von!" Halata ko ang inis ng umiwas na siya ng tingin sa akin.



Sa totoo lang, naku-cutetan ako sa itsura niya ngayon na nanghahaba ang nguso at nakahalukipkip pa. Napatingin ako sa kapatid ko at nakita kong nangingiti ang loko. Baliw din ang isang ito eh.



"Hi!" Napalingon kami sa nagsalita.



Agad akong tumayo at bumeso kay Vanity. "Hello, Baby! Kumusta ka na?" Masiglang bati ko sa bunsong Lee.



"I'm good, Ate." Sagot niya habang hawak kamay kaming papalapit sa kinauupuan ng kapatid ko.



"Andito ka pala, Kuya Franz." Bati niyang nawala ang ngiti sa kanyang maamong mukha.



"Kumusta?" Simpleng bati ni Franz na expressionless ang mukha.



"Kasasabi ko lang, ok ako." Pilosopang sagot niya.



"Ok." Sagot ni Franz na walang kabuhay-buhay.



Napatingin ako sa kanilang dalawa. Anong problema ng mga ito? Malamig ba si Vanity kay Franz dahil hindi pa rin niya makalimutan na kung hindi kami ikinasal ay sana kami pa ng kapatid niya?



Ramdam ko ang awkward atmosphere kaya bumalik ako sa tabi ni Franz at iniba ang topic. "Vanity, nakita mo ba iyong bagong labas ng Victoria's Secret na mga lingerie? Ang gaganda no?" Tanong ko. Isa kasi sa pinagkakasunduan namin ng dalagitang ito ay fashion.



Nakadungaw siya sa ginagawa ni Dale at nakangiting bumaling sa akin. "Madami kami noon sa bahay. Punta tayo sa amin, Ate Steph. Madami kasing bigay kay Mama na ganoon." Sagot niya. Si Tita Zyrah kasi ay isa sa mga international models ng V.S.



Sasagot na sana ako nang bumulong ang panira sa tabi ko. "Tss.. kaya kitang ibili noon. Huwag ka ng pumunta."



Para hindi na humaba, "nakakahiya naman. Next time na lang siguro." Nakangiting baling ko kay Vanity.



Tumayo ito sa tabi ni Dale at lumapit sa amin. "Sige na, Ate. Naandun pati si Kuya sa bahay. Maysakit kasi." Nakangiti siya sa akin, pero umirap kay Franz. Gusto kong humalakhak ng makita kong nairita si Franz. Imagine, pati isang 15 year old kaya siyang asarin?


"Maysakit? Bakit?" Tanong ko. Umaasa akong hindi malala.



"Lagnat laki." Comment ni Franz kaya siniko ko sa tagiliran. Napangiwi siya kaya napangiti si Vanity. Ngiting tagumpay! Hay ang batang ito!



"Nanibago ata sa weather sa Davao. Ulan kasi ng ulan doon noong nagshow sila." Nakangiti pa rin sa akin.



"Hoy, yabang! Pahiram ng asawa mo. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko din. Iyon nga lang, baka matauhan si Ate Steph kapag nakita ulit ang gwapo kong Kuya." Pasupladang paalam niya kay Franz para sa akin.


Napatingin kami ni Franz sa isa't-isa. Hinihintay ko ang sagot niya. Kung hindi naman siya pumayag ay ok lang. Pero mas maganda sana kung papayag siya. Kaibigan ko na lang si Von at gusto ko siyang makamusta.


Pero naging matigas ang desisyon ni Franz. "Hindi pwede!" Nakasimangot na sagot niya kay Vanity.



"Insecure!" Madilim din ang mukha na sabi ni Vanity sa kanya.



Parang napepressure si Franz sa itsura niya. Kung hindi kasi siya papayag, aasarin siyang insecure ni Vanity. Pero alam kong 100% na ayaw niya talaga.



"Sumama ka na lang para hindi ka ma-insecure." Dagdag pa ni Vanity sa kanya.


Napabuga ng hangin si Franz at tumayo. "Halika na." At nakapamulsang lumabas ng gate namin. Nauna pa talaga sa amin ni Vanity. Tssk.. Tskk.

"Dale, sama ka? Punta kami sa kabila?" Alok ko sa kapatid ko.

"Oo nga, Dale. May bagong laro akong dinownload sa X-box ko." Nakangiting yaya din ni Vanity.

Parang biglang umilaw naman ang mga mata ng kapatid ko. Pinatay niya ang laptop niya at sumunod sa amin.

Pagdating namin sa loob ng bahay ng mga Lee ay dumiretso na kami sa kwarto ni Von. Wala daw ang parents nila dahil may mga trabaho. Minsan tuloy naawa ako sa magkapatid na ito. Nasa kanila ang sobra-sobrang karangyaan, pero kulang sa oras ang magulang.

Dahan-dahang binuksan ni Vanity ang kwarto ni Von pagkatapos niyang kumatok. Nasa tabi ako ni Vanity at nasa likod namin iyong dalawang lalaki. 

Naabutan namin si Von na balot na balot ng kumot at may towel sa noo. Agad naman akong lumapit sa kama niya, habang si Vanity ay umupo sa tabi niya.

Nakakaawa ang kanyang itsura. Pulang-pula ang mga pisngi ni Von at halatang maysakit na iniinda. Ginaw na ginaw kahit na patay naman ang aircon ng kanyang kwarto. Kung pwede lang na ako ang mag-alaga sa kaibigan ko.

"Kuya, naandito sina Ate Steph." Mahinang tapik ni Vanity sa kanya.

Mabagal at maingat na ibinukas ni Von ang kanyang namumulang mga mata. "Steph." Ngumiti siya agad ng makita ako. Tumitig siya na parang ako lang ang kanyang nakikita. Hinila ako ni Vanity at ako ang pinaupo sa kinapupwestuhan niya.

"Magpagaling ka. Maysakit ka daw?" Malambing na sabi ko at sinalat ko pa ang kanyang noo.

"Pare, magpagaling ka." Sabi ni Franz.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Von ng makitang nasa likuran ko si Franz. Parang ngayon lang niya napansin na may iba pa pala kaming kasama ni Vanity. Kung anong ningning ng kanyang mga mata ng makita ako, siyang lungkot ng makita si Franz na kasama ko.

"Salamat sa dalaw. Magpapahinga na ako. Pwede na kayong umalis." Malamig na sabi niya.

Parang tinutusok naman ang puso ko sa sinabi niya. Kadadating lang namin ay tinataboy niya na kami agad? Marahil ay dahil sa hindi magandang mga pangyayari sa kanila ni Franz kaya parang ayaw niya itong makita. Pero iyon lang ba talaga ang dahilan? Imposible namang dahil sa akin. Kasi kaibigan na lang ang tinginan namin ni Von, at si Franz naman ay hindi naman nagmamahal sa akin.

"Von.." Banggit ko sa pangalan niya. Parang hirap na hirap akong iwan siya.

"Magpapahinga na ako, Steph." Nakapikit siya ng mariin ng sabihin niya iyon sa akin. 

Gusto ko sana siyang alagaan at bantayan. Gusto kong magpaiwan. Pero alam ko, ito ang tamang gawin. Kailangan kong umalis dahil baka kapag nagpaiwan ako ay pagmulan pa ng hindi pagkakaunawaan.

"Magpahinga ka na. Pagaling ka." Huling sabi ko sa kanya at pinisil ko ang kamay niya. Tumango siya at ngumiti sa akin. Ngiti na parang hindi nakarating sa kanyang mga mata. Ngiti na halatang pilit lang.  

Tumalikod na ako at narinig kong nagpaalam na rin si Franz. Si Dale naman ay nagpaiwan muna dahil maglalaro pa sila ni Vanity. Inihatid lang nila kami ni Franz hanggang sa gate.

"Bye, Ate." Tanging sa akin lang nagpaalam si Vanity.

Niyakap ko siya at bumalik na kami ni Franz sa bahay ng magulang ko. Malalim pa rin ang iniisip ko. Ngayon ko lang narealize, friends can be lovers, but lovers can't be friends. Ilusyon lang pala ang akala ko na magiging close pa rin kami ni Von pagkatapos ng lahat. Dahil ang totoo, iba na ang estado naming tatlo ngayon. Hindi na talaga kami pwedeng pagsama-samahing tatlo ni Franz sa iisang kwarto. Tiyak na may masasaktan at may maaapektuhan.

Swerte si Franz dahil wala naman siyang feelings sa akin. Tanging pag-angkin lang niya sa akin bilang asawa ang pinaglalaban niya. Hindi tulad ni Von na feelings ang nasasaling sa kanya. Kahit hindi na ganoon kalalim, tiyak akong kahit pitik, meroon pa rin.

"Steph, sana kasi hindi mo ako sinama doon." Malumanay na sabi ni Franz. Bakas sa mga mata niya ang pagsisisi kung bakit pa siya sumama.

Umupo ako sa tabi niya sa sofa. "Ayos lang iyon." Malungkot na sagot ko.

"Pero hindi ka tuloy nagkaroon ng mas mahabang time na kasama siya." Dagdag pa niya. 

Hindi ko maiwasang hindi ma-touch na parang nag-aalala siya ngayon sa feelings ko. Marahil ay napuna niya na malungkot ako.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Franz, ayos lang iyon. Ganoon talaga. Andito na tayo sa sitwasyong ganito kaya panindigan na lang natin. Ang mahalaga andito ka naman para sa akin diba? Na kahit magbago ang lahat ng kaibigan ko, wala kang choice kundi tumayo sa tabi ko." 

Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "Oo, Steph. Kahit ganito ako na magulo, minsan hindi mo maintindihan, tandaan mong hindi kita iiwan basta sabihin mo lang." Sabi niya sabay akbay sa akin. At least, I have Franz by my side.

__________________________________________________

A/N:

VOTE & COMMENT please.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

15.2K 1.8K 52
At first, she was just my lover's sister Then, she became my bestfriend Then, my secretary Then, my wife Now, she is my everything **** Highest Ranki...
106K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.7K 148 35
WARNING: This is not fully edited, marami pa siyang typo at grammatical error. [Under editing] This is Betrayal series #1 Seliah Lara Mason a busines...
17.4K 273 15
I'm not a good author so don't expect for more