Forbidden Love

By DyslexicParanoia

3.1M 38.1K 3K

Katropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino Mas masarap daw talaga ang bawal. [Editor's Note] Wri... More

Forbidden Love [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 2

157K 1.9K 98
By DyslexicParanoia

Karl's P.O.V.

"Karl, Ititigil mo ang kahibangang 'to o paghihiwalayin ko kayo." Pagbabanta ng aking Papa.

"Mahal ko po si Sam Papa, hindi naman kami tunay na magkapatid ah."

"You'll leave my daughter alone or I will take her out of the country and make sure you will never see each other, ever again." Dugtong ng stepmother ko; ang Mama ni Sam.

Hindi ko makakayang mawala sa tabi ko si Sam. Sa kanya na umiikot mundo ko. Magugunaw ang mundo ko kung mawawala siya sa pag-ikot nito.

"Ikaw mismo ang lalayo kay Sam, o itaga mo sa bato. Hindi mo na siya makikita pa." Galit na galit na pagbabanta ng Mama ni Sam.

"Pero..."

"Kailangan mo s'yang saktan, Karl. Kailangan mong sabihin sa kanya na hindi mo ginusto ang lahat ng ito. Kung hindi mo gagawin ito, magpapatuloy din lang ang kahibangan n'ya. Kailangan n'yong ihinto ito. Oo, hindi kayo magkadugo, pero sa mata ng mga tao, magkapatid pa rin kayo. Isa itong malaking iskandalo. Hindi ako makapapayag na wasakin n'yong dalawa ang magandang pangalan at reputasyon ng pamilyang ito." Utos ng Mama ni Sam.

Kailangan kong saktan si Sam? Iniisip ko pa lang na gagawin ko ito sa kanya, daig pa ang namamatay na ang isang bahagi ng pagkatao ko.

Kung bakit ba kasi sa dinamirami ng pakakasalan ni Papa, ang Mama pa ni Sam ang napili n'ya. Kababata ko si Sam, magkakilala na kami sapol pa sa pagkabata. Unang pagkakita ko pa lang sa kanya, alam ko nang s'ya ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. Oo, pitong taong gulang pa lang ako noon, pero alam ko na. Alam ko na, na s'ya ang gusto ko!

Biyuda ang kanyang Mama, ang Papa ko nama'y annulled na sa aking Mama. Hindi ko akalain na ang pinangarap ko sa maraming taon na mapasaakin si Sam, iginuho na lang basta ng pagpapakasal nila.

Putang inang buhay! Putang inang buhay talaga!

***

"H-hindi ko po talaga ginusto ang nangyari sa amin ni Sam, Papa, Mama..." Sinabi ko sa harap ni Papa, Mama at Samantha ayon sa script na napagkasunduan. Nangiginig ako dahil hindi ako sanay magsinungaling. "Natukso lang po ako, t-tinukso lang po talaga n'ya ako. Hinding-hindi na po mauulit."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Ang hirap sabihin. Hindi lang dahil sa hindi ito totoo, pati na rin dahil alam kong labis-labis na masasaktan si Samantha sa mga sinabi ko. Pero I have to make a decision between, going ahead and fight for our love at hindi na siya makita pa, o ang sumuko na lang para hindi s'ya mawala sa paningin ko.

Mas minatamis ko ang huli.

***

Sa ngayon, hindi ko sigurado kung alin ba ang mas masakit? Ang napalayo na ng tuluyan ang loob n'ya sa akin o ang masaksihan ng dalawa kong mga mata kung pa'no n'ya wasakin ang kanyang sarili.

"Sam, kumain ka na ba?" Kararating lang nito galing iskwelahan; pareho na kaming nasa kolehiyo.

"Eh ano naman sa 'yo?" Ni hindi nito ako tiningnan. Dirediretso lang ito sa paglalakad papunta sa kanyang k'warto.

"Nagluto ako ng dinner, halika, sabay na tayong maghapunan."

Tiningnan lang n'ya ako ng matalim. Nakataas ang kilay.

"No thanks, lalabas ako with my boyfriend, do'n kami kakain sa labas at alam mo na, magmo-motel na rin, which is the best part."

Shit! Ang sakit. Pero kailangan kong tiiisin. Mas mabuti na ang masaktan ako na kapiling n'ya ang iba, kaysa naman ang hindi ko na ito makita pa.

Noong una, ang buong akala ko, pinasasakitan lang n'ya ako; na sinasabi lang n'ya na magmo-motel sila para lang saktan ako. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na baka sakaling, mahal pa rin n'ya ako. Pero ang gatiting na pag-asang ito, tuluyan nang gumuho nang masakasihan ko mismo ang pakikiapagtalik n'ya sa ibang lalake.

"Fuck me Chase!" Hiyaw n'ya habang ginagalaw s'ya nung si Chase na ka-date niya. Patayo nilang ginagawa ang kanilang pagminilagro sa isang iskinita. Nasaksihan ko 'yun nang minsang sinundan ko si Sam, sa pagbabaka-sakaling hindi totoo ang mga pinagsasasabi n'ya pero...

Totoo pala. I almost died.

Magdamag akong umiyak habang hinihintay kong bumalik s'ya sa bahay ng gabing iyon. Alas quatro na ito dumating, at halos hindi na makalakad sa kalasingan.

Kasalanan ko ito. kasalanan ko kung bakit s'ya nagkaganito. Pero wala akong magawa at wala pa rin akong magagawa hangga't nasa poder ako ng Papa ko at Mama niya.

Kaya nga ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para magtagumpay ako sa buhay, para makaalis ako sa poder ni Papa...para makuha ko s'ya.

***

"Sir Karl, dumating na po pala kayo. Sandali po, tatawagin ko lang ang Papa n'yo." Pagbati ng Nenita, ang Mayordoma sa bahay ni Papa.

Limang taon na rin ang nakalipas matapos kong makawala sa bahay na ito. Limang taon na pag-titiis na hindi makita si Sam.

"O hijo, kamusta ang biyahe." Ani Papa, habang itinutulak sa wheelchair ni Mama Clara--ang Mama ni Sam. Na-stroke kasi ito noong kabilang taon. Hindi ako nakauwi dahil sa kumpromiso ko sa Europa para sa isa sa mga negosyo ko.

"Mabuti."

"Nenita!" Pagtawag ni Mama Clara sa Mayordoma. "Pakikuha mo nga ang mga bagahe ng Sir Karl n'yo, dalahin n'yo sa dating k'warto n'ya."

"H'wag na." Malamig kong sinabi kay Mama Clara. "Wala na akong dalang bagahe, nai-drop off ko na sa hotel na tutuluyan ko."

"Bakit naman nag-hotel ka pa," sagot ni Mama Clara. Welcome ka pa rin naman dito. Ipinalinis ko pa nga ang dati mong k'warto."

Hindi na ako umimik. Namumuhi ako sa kanya. Ito kasi ang nagbawal sa mga katulong na balitaan ako tungkol kay Sam. Ito naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng kalechehang nangyari sa amin ni Sam. At siya rin ang nag-brainwash kay Papa na humadlang sa aming dalawa.

Bitch. Gold digging socialite witch. Para namang hindi ko alam na nagpakasal lang s'ya kay Papa noon para sa pera at pangalan sa lipunan.

"Nasaan si Sam?" Pasikreto kong tanong kay Nenita.

Luminga-linga ito; ninerbyos.

"Naku Sir, matagal na pong wala si Ma'am Sam dito. Pinalayas po ni Ma'am Clara. Magdadalawang taon na po. Wala na nga po kaming balita simula noon. Hindi namin alam kung nasaan siya."

"Ha?! Bakit, anong nagyari?"

Damn evil witch. Nasaan na kaya si Samantha? God! Where is my Sam?

"Hindi po namin alam kung ano talaga, basta ang alam lang po namin, nagkasagutan silang mag-ina sa harap ng mga bisita. Nakainom si Ma'am Sam at sinabihan n'ya si Ma'am Clara ng 'Wag mo akong pakikialaman kung ayaw mong ibulgar ko sa lahat ng mga naririto ang lahat ng baho mo!' Pinalayas s'ya ni Ma'a m Clara ora mismo. Simula no'n, wala na kaming balita sa kanya."

"Wala po ba kayong alam kaihit kaunti kung ano 'yung tinutukoy niya?"

Muling luminga-linga ulit si Nenita, bago ako nito nilapitan para ibulong sa akin ang...

"May nabanggit si Tentay, yung dating labandera ritong pinalayas na rin ni Ma'am Clara. May suspetsa raw si Sam ni nilalason ng Mama n'ya ang Papa n'yo. 'Yun daw ang dahilan kung bakit tila unti-unting nanghihina at nagkakasakit ang iyong Papa. Ganun din daw po kasi ang nangyari sa Papa ni Sam bago ito namatay."

Kinabahan ako sa sinabi ni Nenita. Napatanaw ako sa hardin kung saan naroro'n ang Papa kasama ang impakta.

***

"I changed my mind," Ma-awtoridad kong sinabi sa hapag-kainan kaharap ang Papa, ang impakta at ang ilan sa mga nakatayong katulong. "I've decided, dito na ako tutuloy. Kukunin ko na lang ang mga gamit ko sa hotel. And kne more thing, I am hiring a personal nurse for Papa."

Napansin ko ang kakaibang reaksyon ng impakta. Nababakas sa kanyang mukha ang biglaang pag-aalala.

"Simula ngayon. Ako na ang tututok at personal na mag-aalaga sa Papa ko." Diretso ang tingin ko sa impaktang tila gulat na gulat.

"Are you saying you are staying here for good?"

The nerve of this woman to even ask.

"Yes. May problema ka ba ro'n?" Sinulyapan ko Nenita. Nakatayo ito sa likuran ng impakta. Nakangiti ito bagama't pasikreto.

Natanaw ko rin naman ang pagkislap ng mga mata ni Papa. I know he likes my decision. And I know it's the best decision.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 97.9K 50
#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that broken-hearted girl they only used. Cold...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
8.8K 520 48
"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya da...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...