High School Zero

By Alesana_Marie

5.9M 193K 48.5K

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood f... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 3.5
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Extra #1
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Extra #2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Character List
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Author's Note

Chapter Four

112K 3.6K 581
By Alesana_Marie

Chapter Four


Isang hapon sa mansion ng mga Rosendale, nagkakagulo ang mga tauhan ng pamilya dahil sa nawawalang apo ni Sir Faust, si Willow. Matapos nitong kausapin ang Lolo sa study nito at makipagtalo, bigla itong lumabas at sumigaw na magpapalipat na ito ng school. Halos atakihin naman sa puso si Sir Faust nang malaman kung saan nito gustong lumipat.

"Hanapin ninyo siya, bilisan ninyo!" sabi ng isang lalaking naka-black suit.

Malawak ang hardin ng pamilya, at nananatiling nakasarado ang gate ng mansion. Sigurado silang hindi pa nakalalabas ang kanilang senyorita.

"Senyorita! Hinahanap na po kayo ng Lolo ninyo, senyorita!" tawag ng isang babaeng katiwala habang hinahanap si Willow.

Halos nahalughog na nilang lahat ang mansion. Ang tanging mapagtataguan nalang ng amo nila ay ang mala-maze na hardin.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, kanina pa nakalabas si Willow.

"Hmp! That Tammy, I can't believe na nagawa niya akong iwan sa school na 'yon!" galit na sabi ni Willow habang tumatakbo dala ang kanyang emergency backpack. "Nagawa niyang iwan ang nag-iisang tao na nagtitiis sa ugali niya! Ugh! Makikita niya! Lagot siya sa'kin!"

Pumunta si Willow sa bus stop at sumakay doon ng bus na dadaan malapit sa Pendleton High. Kunot noo parin siya habang iniisip ang kaibigan na biglang naglaho.

Ang buong akala niya ay na-late lang ito ng pasok sa school nila. Dumaan ang dalawang araw bago niya nalaman na wala pala ito sa list ng mga estudyante sa St Celestine High. Dumaan pa ang dalawang araw bago niya malaman kung nasaan ito ngayon.

Kung bakit ba kasi walang cellphone si Tammy! Sobrang strict ng Mommy nito. Kahit mga elementary students ay may mga cellphone na! At dahil doon kaya wala silang komunikasyon na dalawa. Kahit accounts sa facebook o twitter ay wala ito.

Pwede siyang mag-send ng email pero alam niyang mababasa ito ng Mommy ni Tammy.

Napatayo si Willow nang tumigil na ang bus. Kaagad siyang bumaba. Tumakbo siya papunta sa direksyon ng Pendleton High. Pero kaagad siyang tumigil nang maalalang hindi nga pala niya alam kung saan iyon eksaktong nakatayo.

"Hmm. Saan nga ba?" tanong niya sa sarili habang lumilingon lingon.

"Uy Miss, naliligaw ka ba?" biglang tanong kay Willow ng isang lalaking mukhang highschool student din. May mga kasama itong kaklase nito na puro lalaki at nakatingin din sa kanya.

"Alam ninyo ba kung paano pumunta sa Pendleton High?" tanong niya sa mga ito.

"P-Pendleton High?" Napalunok ang lalaki at napaatras. Nagtinginan ang mga lalaki. "Delikado ron. Ano'ng gagawin mo ron?"

Nakaramdam ng inis si Willow. Bakit ba ang daming satsat ng kausap niya? Hindi nalang sagutin ang tanong niya. Nagmamadali siya. Paano kung hindi niya maabutan ang dismissal ni Tammy? At tumakas lang siya. Baka maabutan pa siya ng mga tauhan ng lolo niya.

"May kaibigan kasi ako ron e. Alam nyo ba kung paano pumunta?" tanong niya.

"M-may k-kaibigan ka ron?" tanong pa nito saka napaatras ulit.

"Ano ba?! Ituturo nyo ba o hindi?!" naiinis niyang sabi.

"D-doon 'yon..." sabi ng kausap niya saka itinuro ang isang direksyon. "Kumaliwa ka lang tapos diretso. Makikita mo na yung school nila."

"Hmph! Salamat!" sabi ni Willow bago nag-martsa papunta sa Pendleton High.

Ano kaya ang pumasok sa ulo ni Tammy at nagawa nitong iwan siya? Nanggigigil talaga siya sa inis. Hindi man lang ito nag-paalam sa kanya. Sa pagkakatanda niya, may scholarship itong nakuha mula sa St Celestine High. Niligawan pa nga si Tammy ng mismong school para lang doon ito pumasok. Isipin palang niyang ipinagpalit ni Tammy ang school na iyon sa Pendleton High... Ano ba ang meron don?!

Hmph! Pero sigurado siyang nalulungkot na ngayon si Tammy. Siguro nga ay umiiyak na ito ngayon. Baka naman na-bully na ito ng mga kaklase. Napangiti siya. Sigurado siyang magugulat ito kapag nakita siya.

Hindi namalayan ni Willow na nasa harap na niya ang school na hinahanap. Napakataas ng bakal na gate nito. Kulay itim at may kakaibang dating na tila nagtataboy sa kanya. Nakasulat doon ang Pendleton High, at may ulo ng wolf na disenyo.

"State your business here."

"Huh?" Napalingon si Willow sa paligid niya pero wala siyang nakitang tao.

Napansin niya ang intercom sa gilid ng gate. Nakapamaywang siyang lumapit doon.

"My name is Willow Rosendale! Open the gate and let me in!"

"Outsiders are not allowed to enter this school."

"I said my name is Willow Rosendale! Are you deaf? Apo ni Sir Faust Rosendale! Hindi ninyo ba siya kilala?" tumataas ang kilay na sabi ni Willow.

"Outsiders," sabi ng boses na diniinan ang tono. "Are not allowed—"

"Shut up! Gusto mo bang ipa-demolish ko ang bulok ninyong school?! Do you wanna lose your job?! Huh?! Papasukin ninyo ako ngayon din!"

Natahimik ang kausap niya. Napangiti sa tagumpay si Willow. Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng kanyang Lolo ay nakukuha niya lahat ng kanyang gusto. Kilalang dating politician ang Lolo niya. Bukod pa roon ay matagal nang tinitingala ang kanilang pamilya dahil sa construction business nila. Walang pwedeng humindi sa kanya.

Fwsshhh...

Napatingin si Willow sa gumagalaw na bagay sa itaas ng poste na kinalalagyan ng intercom. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makakita ng itim at maliit na version ng machine gun doon. Nalaglag ang kanyang panga nang tumutok iyon sa kanya.

"This school do not take kindly to threats. You have ten seconds to walk away. Good luck! Ten, nine, eight..."

"W-What the ferragamo is wrong with you?! CRAZY!!!" sigaw ni Willow saka mabilis na tumakbo palayo.

***

"W-What the ferragamo is wrong with you?! CRAZY!!!"

Pinanood ni Nix ang babae na tumakbo palayo ng gate. Napahalakhak siya sa nangyari. Napakarami talagang tao ang curious sa school na ito. Karamihan ay mga teenagers na katulad ng babaeng kausap niya. Hindi ba alam ng mga ito kung gaano kadelikado sa loob ng school nila?

"Bakit mo tinaboy?" tanong sa kanya ni Dan. Ang kasama niya sa security room.

Sa harap nila ay may napakaraming computer screens na may live feeds mula sa mga CCTV. Sila ang incharge sa pagbabantay ng mga estudyante.

"Ang kulit e," kibit balikat niyang sagot.

"Lagot tayo kapag nag-sumbong yan kay Sir Faust. Lagot tayo kay Boss," sabi ni Dan.

Inabot ni Nix ang kanyang can ng cola saka uminom.

"Edi lagot," sabi niya saka inilagay ang kanyang headphones at nakinig ng music.

"Tsk tsk, batang 'to," napailing nalang sa kanya si Dan.

***

"What the prada is wrong with that school?!" inis na tanong ni Willow sa sarili habang nakatingin sa gate mula sa kabilang kalsada. "Alam kong notorious school sila pero a machine gun?! Crazy ducks! Dito ba talaga pumasok si Tammy?!"

"Ineng, magpalamig ka muna. Gusto mo ba ng coke? Bili ka na," sabi ng Lola na nasa likod niya. Nagwawalis ito sa tapat ng tindahan nito, isang sari-sari store.

"Coke? Wala na po ba kayong iba pa?" tanong niya. Hindi siya umiinom ng softdrinks. Napansin niyang nauuhaw na nga siya.

"Aba'y marami, may mga juice kami. May C3 kami, Mogul Mogul, Chezto, Boo at may mineral water din kami tsaka Pocari Sweet."

"Yung Pocari Sweet nalang po, lola," sagot niya saka kinuha ang wallet sa bulsa para magbayad.

Umupo siya sa mahabang bangko sa tapat ng tindahan nito at ininom ang binili. Muli niyang tinitigan ang school. Ano bang oras ang dismissal ng mga estudyante nila? Tumingin siya sa kanyang wrist watch, four fifty na.

"La, wala po bang mga tao rito?" tanong niya.

"Meron naman mangilan ngilan na naupa rito. Mura kasi mga paupahan dito."

"Bakit po walang dumadaan na mga sasakyan dito?"

"Meron naman pero hanggang doon lang sila sa kabilang kanto. Iniiwasan nilang dumaan sa kalsadang 'to," paliwanag ng Lola na nasa loob na ng tindahan. "Ano nga ba ang ginagawa mo rito ineng?"

"Hinihintay ko po yung kaibigan ko. Kailan po ba bubukas itong gate?" Naiinip na siya.

"Malapit na. Mamayang ala-synco."

Tinitigan ni Willow ang school mula sa kanyang inuupuan. Isang tanong ang naglalaro sa kanyang isip. Kung hindi siya tumakbo kanina nang makita ang machine gun, ano kaya ang nangyari?

Nang sumapit ang saktong ala-synco, nakarinig si Willow ng malakas na tunog ng gong. Tatlong beses iyong tumunog. Nakita niyang unti-unting lumalabas ang mga estudyante ng Pendleton High mula sa isang building.

Lumikha ng kakaibang ingay ang malaking gate nang ito ay bumukas. Para bang nagbibigay ito ng warning sa mga tao. Mula roon ay lumabas ang mga estudyanteng puro naka-itim na uniporme. Karamihan ay mga lalaki at kakaunti ang nakikita niyang mga babae.

Tumayo siya at humalukipkip. Tinalasan niya ang tingin sa mga ito, hinahanap niya si Tammy.

Ang hindi niya alam ay iba ang naging epekto nito sa ilang estudyante. Lalo na at suot parin niya kanyang St Celestine High uniform.

"Ang sama mo makatingin ah!" sabi ng isang babae kay Willow.

Huli na nang mapansin ni Willow na napaligiran na pala siya ng limang babae. Hindi niya napansin ang mga ito na lumapit sa kanya.

"Oo nga, ano bang problema mo?" tanong ng isa pa.

Hindi maganda ang tingin ng mga ito sa kanya. Problema raw niya? Tutulungan ba siya ng mga ito?

"Hinahanap ko si Tammy, pwede nyo ba siyang tawagin?" sabi ni Willow sa mga ito.

"Wow, look at this bitch," inis na sabi ng babae sa harap niya.

"How dare you order us around!"

"You dumb bitch!"

Dior! Bakit sila nagagalit sa kanya? Nagtanong sila kung ano ang problema niya. Gucci! Nagsasayang na naman siya ng oras. Si Tammy ang kailangan niyang makausap, hindi ang mga ito.

"So you're not helping me?" tanong ni Willow sa babae. "Then get out of my way!" Nilagpasan niya ang mga ito. Patawid na siya ng kalsada nang biglang hilahin ng mga ito ang bag niya.

"Saan ka pupunta?!" tanong ng babae.

"Let go!" sabi ni Willow. Ano ba ang problema ng mga ito sa kanya?

"You're coming with us," sabi ng babaeng may hawak sa bag niya.

"Bitawan nyo ang bag ko! Ano ba?!" sigaw ni Willow sa mga babae. Napalakad siya nang pabalik nang hilahin ng mga ito ang kanyang backpack. "Let go! I said let go, you monkeys!"

Dahil sa nangyari ay nakakuha sila ng atensyon mula sa ilang lumalabas na mga estudyante.

"FIRST YEARS!!!" malakas na sigaw ng isang lalaki.

Napatigil ang mga babae na kumakaladkad kay Willow. Nabalot ng tensyon ang mga ito.

"S-si Alex!" sabi ng isa sa limang mga babae.

"Patay, takbo na tayo!"

Lumapit sa kanila si Alex. Hindi maintindihan ni Willow kung bakit natatakot ang mga babae sa lalaking lumapit sa kanila. Pero hindi siya magrereklamo. Binitawan na kasi ng mga babae ang kanyang bag.

"Ano'ng ginagawa ninyo sa kanya?" tanong ng lalaki.

"Tsk, nothing..." sabi ng babaeng mukhang pinuno ng mga ito.

Mariing tinitigan ni Alex ang mga babae. Napayuko naman ang mga ito kaagad.

"Go home," utos ni Alex sa mga babae matapos ang ilang segundong katahimikan.

Mabilis namang sumunod ang mga babae sa utos nito. Nang makalayo na ang mga babae, bumaling sa kanya ang atensyon ni Alex.

"Okay ka lang?" tanong ni Alex kay Willow.

"Yeah, thanks," sagot ni Willow dito. Inayos niya ang kanyang bag at nagpatuloy sa paglakad palapit sa school.

"Woah, saan ka pupunta Miss?" tanong ni Alex.

"Sa school ninyo. May hahanapin ako," sagot ni Willow.

"Hah," napahawak si Alex sa batok. "Delikado kung papasok ka. Hindi ka papayagan ng school guards."

School guards. Naalala ni Willow ang nangyari sa kanya kanina. Kapag nalaman niya kung sino yung lokong tumutok sa kanya ng machine gun, lagot talaga 'yon sa kanya! Natatandaan pa niya ang boses ng lalaki.

Natigilan si Willow nang mapansin ang isang grupo ng mga estudyante na naglalakad palabas ng school. At napansin niyang isa roon ay si Tammy.

Napasinghap siya nang muli itong makita. Ang tagal din nilang hindi nagkita. Dahil umalis siya noong umpisa ng summer break, hindi na niya ito nakausap pa. Mabilis siyang tumakbo palapit dito.

"TAMMY!!!" masaya niyang tawag sa kaibigan. "TA—MMY!!!"

***

Nagulat si Tammy nang may sumigaw sa pangalan niya. Isang payat na babae ang tumakbo palapit sa kanya. Nakangiti ito.

"Tammy, you meanie! How could you leave me like that?! Bakit ka nandito sa school na 'to?!" tanong nito sa kanya. Tumingin ito sa mga kasama niya at halata ang pagka-disgusto. "Sino sila? Hmp!"

"Tammy, kilala mo siya?" tanong ni Cami.

"Ooh~ St Celestine High uniform," sabi ni Fatima.

"That Princess School?" tawa ni Lizel.

"Are you lost, little girl? You shouldn't be here," sabi ni Helga. "Go play somewhere else."

Tinignan ni Tammy ang babae. Maganda ang mukha nito, may bangs at maiksi ang itim na itim nitong buhok. May pink headband ito na may malaking ribbon sa gilid. Nakasuot ang babae ng St Celestine High uniform.

"Uhm," umpisa ni Tammy habang nakatingin sa babae. "Sino ka?"

Natigilan ang babaeng kaharap niya. Nawala ang ngiti nito. Lumipas ang ilang segundo na nagtitigan sila.

"Pfft!"

Nag-umpisang magtawanan ang mga kasama niya.

"What the heck? Hindi mo pala siya kilala," tawa ni Fatima.

"Pero kilala ka niya, sure ka ba Tam?" tumatawang tanong ni Cami.

Tumango si Tammy. "Hindi ko talaga siya kilala."

Napansin ni Tammy na namula nang husto ang mukha ng babae. Namasa ang mga mata nito.

"TAMMY, YOU IDIOT!!!" sigaw ng babae saka umiiyak na tumakbo paalis. "WAAAAAAAAAAAAHHH!!!"

Nagulat si Tammy sa ginawa ng babae. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin itong tumakbo paalis.

"Oh, poor baby."

"Pinaiyak mo siya Tammy."

"She's so weird."

"I know, right?"

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 579K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...
22K 824 8
INVISIBLE written by: Ghiebeloved Ang pinakamakulay daw na yugto sa buhay ng tao ay kapag natuto ka ng magmahal. Yung tipong mapapangiti ka nalang n...
LUHA (MBS #2) By NOTAPHRODITE

Historical Fiction

135K 4.4K 18
Former A PLAYBOY FROM 1894 [ Mariano Brothers Series #2 ] COMPLETED ✔️ Mariano Marcos Lacson ang pilyo ngunit maginoo ng 1894 ay mapupunta sa kasaluk...
Alicia By Senyorita Maria

Historical Fiction

45.8K 3.5K 40
Labis ang paghanga ni Alicia kay Lance na isang sundalong Amerikano. Subalit palagi iyong napupurnada sa tuwing siya ay ginugulo ng kaibigan ng kaniy...