The Immortal's Secret

By my_love_letter

473K 18.3K 753

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue

Thirty Five

7.1K 296 7
By my_love_letter

Pinanuod ko lang si Damon na makalayo at mawala sa paningin ko. Merong tumutulak sa loob ko na parang gusto siyang sundan pero parang pinipigilan ako ng utak ko. Urgh! Nakakalito! Ang sakit sa ulo!

"Amber, pumasok na tayo na bahay." Dinig kong sabi ni Papa.

Humarap ako sa kanya. "Susundan ko siya." Bahala na! Itong nasa loob ko ang susundin ko.

"Ano?" Sa tono niya, hindi siya papayag. "Hindi, pwede!" I knew it.

"Pero kailangan niya 'ko, sugatan siya."

"Alam mo naman kung gaano kadelikado ngayon diba?"

"Hindi ko alam! Hindi. Ko. Talaga. Alam. Wala akong maalala! Hindi ko alam kung gaano ba talaga nakakatakot yang Manuel na yan! Isa lang ang alam ko, gusto kong sundan si Damon. Pumayag ka man o hindi."

"Honey..." Dinig naming tawag sa kanya ni Mama. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya ni Papa. "Payagan mo na si Amber."

"Pero, honey-"

"Honey, di mo parin ba nakukuha na namana niya sa'yo ang pagiging matigas ang ulo kaya kung magmamatigasan kayo ng ulo dalawa, walang mananalo. Sa kanya na nanggaling, pumayag ka man o hindi susundan niya si Damon kaya payagan mo na."

Tumingin sa'kin si Mama at ngumiti. "Just make sure na umuwi ka dito, sweetheart. Kung hindi ngayon, bukas."

I smiled. "Opo, Ma."

Tumalikod na 'ko at aakma sanang maglakad na pero nag salita si Papa. "Sandali..." I face him. May hinagis siya sa'kin, nang masalo ko 'yun susi ang nakita ko. "Gamitin mo na 'yung sasakyan."

"Salamat po." Nag madali na 'kong sumakay ng sasakyan ni Papa at ini-start agad ito. Tumingin muna 'ko sandali sa kanila, kita sa mata nila ang pagaalala. Ngumiti ako para i-reassured na makakauwi ako ng safe.

Sinimulan ko ang pagmamaneho, dumaan ako sa way kung saan ko nakitang naglakad si Damon. Dahil sugatan siya paniguradong madali ko lang maaabutan 'yun.

Pero mukhang mali ako, halos sampong minuto na 'kong nag da-drive, hindi ko pa din siya nakikita. Then bigla kong naisip na bampira nga pala 'yun, baka may ginamit siyang kakayahan para mabilis na makalayo. Haay!

Paano ko siya nito hahanapin?

Habang nag mamaneho bigla akong nakarinig ng kumalabog sa likod ng track, lumingon ako para makita kung ano yun wala naman akong nakita. Nang ibalik ko ang tingin sa kalsada may nakita akong taong nakatayo kaya mabilis kong kinabig yung manebela and the last thing i know, bumangga ako.

Minulat ko ang mga mata 'ko, nakita kong sa postse ako bumangga. Bumaba ako sa kotse at tinignan yung damage, nayupi yung harapan ng sasakyan. Patay ako sa Tatay ko nito.

Tumingin ako sa paligid para hanapin yung taong dahilan kung bakit ako nabundol pero wala naman na 'kong makitang tao.

Ilang sandali lang bigla kong naramdaman na tila may nakatayo sa likod. Dahan dahan akong humarap at isang hindi pamilyar na tao ang nakita ko.

"Hello, Amber." He greeted, smiling evilly.

Umatras ako ng isang hakbang. "Sino ka?"

"Totoo nga, wala kang maalala. Ako si Manuel, sweetheart."

SHIT!!

I was about to run pero bigla naman siyang sumulpot sa harap ko. "Na-uh! Kung ako sa'yo wag ka ng tumakas. Mag tiwala ka, hindi kita sasaktan."

"Ikaw ang bumaril sa ulo, plano mo pa 'kong patayin kaya bakit ako mag titiwala sa'yo?" Pagmamatapang ko pa din kahit na sobrang kinakabahan na ko sa sitwasyon ko ngayon.

"Correction sweetheart, planong kainin hindi patayin. Ang totoo niyan gusto kong mag offer ng tulong."

"Tulong? Ano naman 'yun?"

"Alam kong gusto mo nang makaalala, matutulungan kita tungkol dyan."

"Bakit mo naman gagawin 'yun?"

"Dahil alam kong papatayin mo si Damon. Nakita ko yung sakit na binigay ni Damon sa'yo nung malaman mong niloko ka niya, at yung ganung sakit siguradong... makakapatay."

"At pabor 'yun sa'yo dahil?"

"Hindi madudumihan ang mga kamay ko para patayin ang taksil na Damon na 'yun. At wala nang mas sasakit pa na patayin ka ng mahal mo."

Napakasama nga pala talaga niya!

"Paano ka nakakasigurong papatayin ko nga siya kung bumalik ang memorya ko?"

"Siguro nga nakalimutan mo na, na ang bampira wagas mag mahal pero mas wagas din masaktan."

Shit!!

"Kung ganun, salamat nalang sa offer mo! Hindi ako interesado!"

"Wait- nasabi ko na bang hindi importante kung papayag ka o hindi? Kasi gagawin ko pa din!"

Biglang may sumulpot na dalawa pang bampira sa likod na paniguradong kasamahan ng Manuel na 'to. Habang siya naman nag labas ng kutsilyo.

"Alam mo kung ano 'to?" Tanong niya. Tumitig lang ako sa kanya at hindi sumagot kasi naman obvious na alam niya kung ano 'yun, itatanong pa. "Silver knife 'to na pagmamayari ni Damon, ito yung ginamit mong pangsaksak sa'kin at ito rin ang gagamitin mo para patayin si Damon."

Itinutok niya sa'kin yung kutsilyo. "Gusto mo bang malaman kung gaano kasakit pagtinarak ko 'to sa'yo?"

"Walang hiya ka!"

Tumawa siya na parang baliw. "Kahit pala nagka amnesia ka, matapang ka padin."

Idinikit niya mula sa leeg ko yung silver knife at dahan dahan niya itong ibinaba papunta sa tagiliran ko dun ako sinaksak na talaga namang sobrang sakit. Napaluhod at napaungol sa sakit nang pagkakatarak ng kutsilyo sa'kin. Hinugot ko 'to na lalong nag pasakit.

"Dalhin nyo na siya, siguraduhin nyong hindi siya gagalawin kung hindi papatayin ko kayo." Banta niya dun sa dalawang bampira.

Hinawakan ako sa magkabilang braso nung dalawang bampira at pilit akong pinatayo. "Saan nyo 'ko dadalhin?" Tanong ko.

"Malalaman mo din." Sagot ni Manuel.

Pinilit nila 'kong palakarin kahit napaka hirap sa part ko dahil sa sugat ko sa tagiliran, bawat hakbang nararamdaman ko 'yung sakit. Mabuti nalang nasa di kalayuan lang 'yung tingin ko ay sasakyan nila.

Ipinwesto nila 'ko sa backseat, katabi ko ang isang bampira.  Habang si Manuel, nasa passenger seat at yung isa pang bampira ay ang mag da-drive.

Sa pag sisimula nila ng byahe, nakahawak lang ako sa tagiliran ko. Sobrang sakit! Imbes na isipin ko kung saan ako dadalhin ng mga bampirang 'to mas naiisip ko pa 'tong sakit. Bigla ko tuloy naalala si Damon, sigurado akong ganito rin kasakit yung sugat niya tapos mag isa pa siya.

Sa pag hinto ng sasakyan. Pilit akong pinababa nung bampirang katabi ko. Pagbaba ko inilibot ko ang paningin ko at tingin nasa isang abandunadong Warehouse.

Sinimulan na namin ang pag pasok at may ilang bampira akong nakita. Diniretso nila ako sa isang kwarto, tingin ko ito ang storage room nitong Warehouse.

"Dito ka muna, mainit ang mata sa'yo nung mga kasama ko eh. Baka di ko sila mapigilan at bigla ka nalang nilang kainin." Sabi ni Manuel.

"Bakit ba kailangan mo pa 'kong dalhin dito kung ang plano mo naman talaga ay alisin 'tong amnesia ko?"

"Dahil gusto ko lang na magalala sandali ang mga magulang mo. Wag mag alala ibabalik kita sa kanila at pag napatay mo na si Damon, tsaka ko kayo kukunin ni Mario."

"Ibabalik? So, sa simula palang alam mo na kung nasaan kami?"

"Oo naman! Humahanap lang ako ng tyempo para sugurin ang pamilya mo."

"Walang hiya ka talaga!" Punong puno ng galit kong sabi.

Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

May isa pang bampira na dumating at ito ay may bitbit na pakete ng dugo. Inabot niya 'to kay Manuel at hinagis naman 'to ni Manuel sa'kin. "Inumin mo yan."

"Hindi pa 'ko umiinum ng dugo mula nang magising akong may amnesia."

"Edi, iinum ka na ngayon. Mas magiging malakas ka kung iinum ka ng dugo, mas bibilis ka ding gagaling."

Ganun ba ang epekto ng dugo sa bampira? Akala ko pagkain lang para sa kanila 'to. Nakapagpapalakas din pala.

Tulad ng gusto niya ininum ko na 'yung dugo dahil pabor din naman sa'kin 'to. For some i don't know reason, feeling ko nga may nag bago sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano 'yun kasi hindi pa rin naman gumagaling yung sugat ko. Feeling ko lumakas 'yung katawan ko kunte. Kung ipagpapatuloy ko ang pag inum nito baka makaalis ako dito at di na matuloy ang plano ni Manuel.

--

Keep voting babies. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

83.2K 2.9K 31
Isang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito...
22.1K 1K 25
Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya. Gaga lang 'no?
99K 3.3K 28
Khaki was forced to go on a blind date with a woman named Luka. She's pretty, fine. But she's a total weirdo for saying she'd rather marry Ichigo Kur...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...