The Immortal's Secret

De my_love_letter

473K 18.3K 753

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang... Mais

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue

Thirty Four

7.3K 320 17
De my_love_letter

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, na dahilan para magising ako. Pagmulat ng mga mata ko laking gulat ko ng makita ko si Damon. Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing wag akong maingay. Kahit di niya kailangan gawin yun di talaga ako magiingay.

Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ko siya ng anong-ginagawa-mo-dito look. He just smirks down at me. He suddenly presses his lips to mine that took me by surprise. Oh shit! We're on my bed and he's kissing me. Are you kidding me?

Sinubukan kong pahintuin siya sa pag halik pero hindi siya huminto. Until i find myself kissing him back. He slowly lays me again to my bed, and positioning himself on top of me.

He breaks the kiss and stared down at me smiling widely. Umalis siya sa ibabaw ko at nag lakad papunta sa bintana ko, and bigla siyang nawala.

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa napanaginapan ko, no- i don't think na panaginip yun mukhang alalala yun. Alala alala ko kay Damon. Pambihira! Sa dinami dami ng pwedeng maalala yung halikan pa namin?

Napahawak ako sa labi ko.

"Buti gising ka na, sakto nandito na tayo." Majah said interrupting my thought. Nag simula na silang magsibabaan si Mama at Papa mula sa front seat kaya ganun din ang ginawa namin ni Maj mula dito sa backseat, dito na kasi kami pumwesto nang malaman kong malayo pala ang byahe namin.

Pagbaba ko tumingin ako sa paligid naka park ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.

Eto na siguro yung bahay ng kaibigan ni Mama.

"Damon bakit di ka pa bumababa dyan?" Tanong ni Maj kay Damon kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Until now nasa track padin. Nang mapatingin siya sa direksyon ko di ko maiwasang mailang dahil sa naalala kong panaginip ko kaya umiwas din agad ako ng tingin.

"Dahil siguradong papatayin ako ng tao sa loob niyang bahay na yan." Sagot ni Damon.

Bakit naman siya papatayin? Siguro may nagawa siyang kasalanan sa kaibigan ni Mama.

Nag lakad na papalapit si Mama sa pinto at nag simula itong kumatok. Nag bukas ang pinto at isang kasing edad lang namin ang lumabas, siya na ba yun? Bakit ang bata kung kaibigan siya ni Mama? So... bampira din siya?

"Sino po sila?" Tanong nung babae. Ahh.. so hindi siya, hindi niya kilala eh.

"Ako si Bernadette, nandyan ba si Lucy?"

"Ma, may nag hahanap sa'yo." Ilang sandali lang may isang tingin ko ay nasa mid-50's ang nagpakita pero kahit ganun na ang edad niya mukha parin siyang fit.

"Bernadette?" Laking ngiti nitong bati kay Mama. Lumapit siya kay Mama at niyakap ito.

"Kumusta ka na?" Tanong ng Mama ko habang magkayakap sila.

Unang bumitaw yung kaibigan ni Mama mula sa pagkakayakap. "Heto tumanda na, samantalang ikaw, batang bata pa din."

"Ganun talaga pag naging bampira ka na."

This time tumingin naman siya kay Papa. "Albert, kumusta ka na?"

"Maayos naman, nananatili paring buhay." Sagot ni Papa.

"Anong dahilan at napabisita kayo at ang dami nyo pa." Inilibot niya ang tingin sa'ming lahat at nang maibaling niya yung tingin niya kay Damon nawala ang ngiti nito sa labi at parang biglang galit ang nakita kong reaksyon.

"Anong ginagawa ng hayop na yan dito?" Galit nitong sabi habang nakatitig ng masama kay Damon.

"Luisa, akin na yung baril ko." Utos niya dun sa anak niya.

"Lucy calm down, kasama namin siya. Wala siyang sasaktan na kahit na sino." Paniniguro ni Mama sa kanya.

"Oo nga naman, makinig ka sa kaibigan mo." Damon said.

"Kung mag salita ka parang wala kang pinatay na importanteng tao sa buhay ko." Tama nga! May ginawa siyang kalokohan sa kaibigan ni Mama. Kaya naman pala.

"Sorry na." Damon apologized.

"Luisa, yung baril!" Pasigaw na utos niya nung kaibigan ni Mama sa anak niya. Dali daling pumasok sa loob ng bahay ulot si Luisa at pagbalik nito may hawak na siyang baril at direkta 'tong nakatutok kay Damon.

Hindi ko alam pero.. humarang ako para maging panangga for Damon. "Hija kung sino ka man umalis ka dyan." Sabi nito sa'kin.

"Lucy, anak ko yang tinututukan mo ng baril kaya ibaba mo na yang baril mo." Mama said. "At si Damon ay..." Huminga ng malalim si Mama at tila nag dadalawang isip na ituloy ang sasabihin. "..boyfriend siya ng anak ko."

Ibinaba ni Tita Lucy yung baril at tumingin ng gulat na gulat kay Mama. "Ano? Paanong nangyari yun? Eh patay na patay sa'yo yang hayop na yan?"

Woe! Patay na patay? Ibang klase di ko akalaing magugulat pa 'ko sa malalaman kong feelings niya dati for Mama.

"Dati yun!" Pagtatama ni Damon.

"Mahabang istorya. Pakiusap, kumalma ka muna kakampi si Damon ngayon at kailangan namin ang tulong niya ganun din ang tulong nyo ng asawa mo para mailigtas ang anak ko at kaibigan niya."

"Iligtas? Saan?"

"Mula kay Manuel."

Mukhang kumalma sandali si Tita. "Ganun ba, sige pumasok kayo. Pwera lang sa hayop na yan! Hindi ko hahayaang tumungtong siya sa pamamahay ko." Sabi niya habang nakaturo ang baril kay Damon. Tumango lang sila Mama sa kanya bilang pag sangayon sa kundisyon niya.

"Pumasok na tayo." Sabi ni Mama sa'min maliban syempre kay Damon. Nag simula na silang maglakad lahat papasok ng bahau maliban sa'min ni Damon.

Humarap muna 'ko sa kanya dahil plano ko siyang kausapin bago ako pumasok ng bahay.

"Ano na namang ginawa mo para magalit sa'yo yung kaibigan ni Mama?" Tanong ko.

"Pinatay ko ang boyfriend niya."

What the... Wala na ba 'kong magandang maririnig tungkol sa kanya? Puro nalang negative.

"Ibang klase habang tumatagal lalo lang akong na di-disappoint sa'yo." Tumalikod na ulit ako at sinimulan nalang pumasok sa bahay.

Pag pasok ko ng bahay nasa sala silang lahat. "Luisa, ihatid mo muna sila sa pansamantalang kwarto nila, kakausapin ko lang sila Bernadette." Utos ni Tita sa anak niya.

Tumango lang siya dito bilang pagsunod. "Sumunod kayo sa'kin." Luisa said.

Just like what she said, sumunod kami sa kanya. Umakyat siya sa second floor kaya ganun din ang ginawa namin. Una niyang hinatid sa magiging kwarto niya si Mario, sunod naman niya kaming hinatid ni Majah sa magiging kwarto namin.

"Salamat sa pagpapatuloy nyo sa'min dito." Pagpapasalamat ko kay Luisa.

"Walang anuman, feel at home lang. Masaya akong may makakausap na dito sa bahay na kasing edad ko. Sila Mama kasi puro training para maging mahusay akong hunter ang nasa isip."

"Pamilya kayo ng hunter?" Gulat na tanong ni Majah.

"Oo, bata palang ako mulat na 'ko sa buhay ng pag patay sa bampira. Ganun ka dedicated ang mga magulang ko."

"Ang hirap siguro nun." I comment.

She chuckled. "Lumaki sa pamilya ng isang bampira, hindi mo ba alam ang pakiramdam nang ganun?"

"Maniwala ka man o sa hindi, hindi ko matandaan yun. May amnesia kasi ako."

"Paano nangyari yun?"

"Binaril siya sa ulo gamit ang silver bullet ni Manuel." Si Maj ang sumagot.

"Oh! Kaya pala. Hinahanap din nila Papa yung grupo ni Manuel para patayin."

"Kilala mo din siya?" Tanong ko.

"Ang totoo hindi ko pa siya nakikita pero bukang bibig lagi siya nila Papa. Most wanted na bampira kasi siya para kela Papa."

"Masamang bampira si Manuel hindi na 'ko nagtataka kung bakit gusto siyang patayin ng Papa mo." Maj said.

Nahinto kami sa pag chichikahan dahil nakarinig kami ng busina mula sa labas ng bahay. "Sila Papa na siguro yun." Luisa said sabay punta sa direksyon ng bintana. Sumunod lang kami ni Maj at nakisilip sa bintana. Nakita ko ang isang matandang lalake na tinututukan ng baril si Damon habang may dalawang lalake sa likod nito.

Haay! Lahat nalang galit sa kanya.

"Mukhang hindi talaga nila gustong makita ang boyfriend mo." Luisa said.

"Mukhang ganun na nga." Pagsangayon ko.

Nag simula akong maglakad palabas ng kwarto at bago pa 'ko makalabas narinig kong nag salita si Majah. "Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan si Damon." Pagkasabi ko nun pinagpatuloy ko na ang paglabas. Bumaba ako mula sa hagdan at nadaanan ang sala pero wala na dun ang mga magulang namin. Dumiretso ako sa labas at dun nakita ko silang lahat na nag kukumpulan.

"Bakit ba hindi kayo maniwalang hindi ako ang kalaban dito!" Inis na sabi ni Damon habang nakataas ang mga kamay nito.

Bigla siyang binaril sa binte nung matandang lalake na ikinagulat ko. Dali dali akong lumapit sa direksyon niya, dahil sa kagustuhan kong makalapit agad sa kanya di ko namalayan na nagamit ko yung kakayahan ko na mabilis ang pagkilos.

"Tama na po." Pagpipigil ko dun sa matandang lalake bitbit ang kaba sa dibdib ko dahil ikinasa niya ulit yung baril para iputok kay Damon.

"Sandali ibaba mo muna yang baril mo Luis, pakiusap." Pagpapahupa ni Papa ng sitwasyon habang naglalakad din papalapit sa dirkesyon namin ni Damon.

"Naintindihan kong galit kayo kay Damon pero hindi siya ang kalaban, si Manuel." Papa explained.

"Bigyan nyo 'ko ng magandang rason para hindi siya patayin."

"Makakatulong siyang patayin si Manuel." Sagot ni Papa.

"At boyfriend ko siya." Sagot ko naman. Hindi ko alam kung makakatulong ba yung sinabi kong yun pero... malay mo.

Finally mukhang napaliwanagan yung lalake kaya nabigyan na 'ko ng pagkakataon na lingunin si Damon at nilapitan siya. Lumuhod ako para lumevel sa kanya. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang." Pinilit niyang tumayo at nang muntikan siyang matumba, inalalayan ko siya. "Kung ayaw nyo 'ko dito, aalis nalang ako. Tutal sawa na rin akong patunayan ang sarili ko sa iba! Tulad nyo!" He said to everyone.

Pinilit niyang bitawan ko ang pagkakaalalay sa kanya at sinimulan ang mag lakad palayo kahit na iika-ika siya.

--

Keep voting babies. ☆

Continue lendo

Você também vai gostar

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
14.2K 613 17
Highest Rank 1: Mystery-Thriller 'Kung ako'y iyong laruin, ang anim na pu't anim ay subukan mong abutin bago ako'y tuluyang magising.' Iyan ang mga...
328K 281 1
Sa pag-ibig, kapag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
126K 4.3K 31
Nangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarih...