GLAIZA'S POV:
Umuwi akong laglag ang balikat. Nag-empake ako agad ng gamit. Tinawagan ang lahat na maiiwan ko sa flowershop at sa garden. Nagcheck-in ako sa hotel na pinaka-malapit sa ospital. Titingnan ko kung hanggang kailan ko kayang mamalagi dito.
The next day ay kinausap ko si Doctor Suarez, ang attending physician ni Rhian. Depende na raw sa mga kaanak ni Rhian kung hanggang kailan nila gustong lumaban.
Hindi ako kilala personally ng pamilya ni Rhian kaya malaya akong nakakasilip sa ICU. Ilang araw lang daw ay ililipat na sa regular room dahil hindi na kaya ang gastusin.
Sa loob ng apat na araw ay nasa hallway lang ako kung saang floor naka-admit si Rhian. Gusto ko siyang nakikita kahit malayo. Iniiyak ko na lang ang sakit na nakikita ko siya abot kamay pero hindi ko malapitan.
Hindi ako magkaro'n ng tyempo na pumunta mag-isa dahil laging may bantay. Minsan, gusto ko ng magpa-kilala pero nando'n si DJ.
Alam ko ang eskandalo ay kumalat na involve kami pareho ni Rhian at ayaw kong isipin nilang wala akong respeto. Pero bawat araw na lumilipas na gano'n ang itsura ni Rhian puro tubo at tanging makina na lang ang bumubuhay, wala na akong pagsidlan ng sakit. Para na rin akong namatay.
Isang gabi ay hindi muna ako tumambay sa ospital. Hapong-hapo ang katawan, puso at isip ko.
"Glaiza, nagluto ako ng hapunan. Tarang kumain," alok ni Ate Glyndale. Nagka-usap na kami pareho at tinanggap na niya kung ano ang namagitan sa 'min ni Rhian.
"Salamat Ate, pupunta ako ng ospital mamaya pagkapahinga after dinner. Maraming salamat sa pang-unawa. Baka mamaya, bukas o sa isang bukas ay dadalawin ko na si Rhian, no matter what. Hindi ito ang panahon ng pride."
"Sis, wala ka namang intensiyong masama. Puwede ka namang magvolunteer na pumalit sa bantay sa madaling araw. Tulungan na lang."
"Oo, gagawin ko 'yan."
That night, alas onse na ng gabi ako nakabalik ng ospital. Nakita kong nasa loob si DJ. Nakaupo at hawak ang kamay ni Rhian. Kahit sa ganitong pagkakataon, karibal ko pa rin siya. Hindi rin siya sumusuko. Alam ko namang hindi basta-basta nawawala ang pagmamahal sa isang tao pero mahal ako ni Rhian, 'yon ang huling alam ko. Lalaban din ako para sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas ay nakasilip lang ako sa isang sulok at inaabangan ang iba pang gagawin ni DJ. Ginagap niya ang kamay ni Rhian at hinalikan. Umiiyak siya. Masyadong nadurog ang puso sa senaryo at parang gusto ko ng umalis. Hinalikan ni Dj ang noo ni Rhian bago tuluyang lumabas. Inayos pa muna niya ang bulaklak sa sidetable. Mabilis akong nagtago sa likod ng elevator.
Ilang salit ay naupo akong muli sa hallway. Pumikit at sumandal sa upuan. Inaantok na ako. Sampung minuto nang makita kong ang kapatid niyang lalaki ang pumasok. Naka-uniform pa ito galing sa school. Walang ginawa kundi mag-stretching dahil marahil sa pagod sa maghapon.
Umupo ito sa couch at pumikit.
Si Rhian ay laging iisa lang ang ayos, nakapikit, may tubo ang bibig, maputla, mahina. Gustung-gusto ko ng pumasok pero maya-maya'y nakita kong pumasok na ang nanay niya. May dalang pagkain para sa kapatid niya at piangsaluhan nila ang pagkain na dala nito. Kinurot ang puso ko sa nakita ko. Nakikita ko ang sakit sa mata ng ina ni Rhian, sinong nanay ba ang hindi?
Sumandal ako at pumikit muli. Ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko ng puntahan si Rhian pero alam kong nagalit ang nanay niya ng malaman ang tungkol sa amin.
Maya-maya ay nakita kong umiiyak na niyayakap ng nanay ni Rhian si Raf ang kapatid niya. Pinigil ko ang sarili kong puntahan sila. Pansamantala ay iniwan ko ang floor ng room ni Rhian at nagpunta sa billing section.
Tiningnan ko ang mga gastusin at halos lumuwa ang mata ako sa laki ng balance nila. Tanging bente mil lang ang naipaluwal nila at may collection letter na pala for additional deposit. Kung hindi ay candicate for transfer na si Rhian. Susko! Paano siya? E dito lang sa ospital na ito medyo kumpleto ang fasilidad?
Kinuha ako ang wallet ko at walang sabing nagswipe ako ng credit card. Seventy five percent ng balance as of today ang binayaran ko. Pina-resibuhan ko na lang ng MR. X at sabihin na lang kamo na charity. Ang binayaran ko ay masusustain ang isang linggo ni Rhian sa ospital.
Two days had passed. Two days pa akong nag-observe at hindi na dumalaw si Dj. Tuwing gabi ay nanay niya ang nagbabantay sa kanya at laging minamasahe ang braso, hita at ulo ni Rhian. Her mom is a full picture of hope, why can't I?
The next day ay wala na ako sa hotel. Panatag na ako na araw-araw may tumitingin kay Rhian. Hindi matatapos ang linggo na 'to ay dadalaw na ako sa kanya sa loob ng room niya. Hindi inaasahang isang umaga na may naging bisita ako, si DJ.
"Upo ka, juice or coffee?" Alok ko.
"Kape na lang."
"Halika sa dining, doon na lang tayo mag-usap." Inaya ko siya at tinanggap dahil secured naman ang condo ko at nasa loob ng kuwarto ko si Ate Glyndale. Anuman ang mangayri ay madali akong makaka-hingi ng tulong.
"Thanks," sabi niya pag-abot ko ng kape sa kanya.
"Kamusta ang lagay ni Rhian?"
"Stable. Stable lang ang galaw ng machine. Ano ang gagawin natin? Nakakapagod ng umasa."
"Hindi sinusukuan ang taong minamahal DJ."
"Nasaktan ako Glaiza, sa lahat ng nangyari. Oo, marami akong pagkukulang. May mga naging aksyion akong mali at pinagsisisihan ko ang lahat."
"I'm sorry Dj, pinigilan ko naman noong una pero mahirap kapag puso na ang kumilos."
"Sana ay lumabang muli ang puso ni Rhian. Ayoko siyang mawala ng gano'n na lang."
May kinuha sya sa bag niya. Journal ni Rhian at iniabot sa akin. Hawak niya ito nu'ng sinugod niya ako sa garden. Alam kong dito niya nalaman ang lahat ng iba pang sikreto ni Rhian.
"I'm surrendering you this. Maaaring nakapaloob ako diyan pero eighty percent ng laman niyan ay para sa inyong dalawa. Baka makatulong 'iyan. Paalala mo kay Rhian lahat ng nandyan at bumalik na kamo siya sa atin."
"DJ…" gusto kong aluin siya dahil nasa boses niya rin ang kapaguran at sakit. Mahal niya si Rhian at kung iba lang yan ay inabandona na malamang siya.
"Kailangan ka ni Rhian, Glaiza. Harapin mo ang pamilya niya. Alam kong ikaw ang nagdeposit ng pera at hindi ko inakong ako nang tanungin ako ng nanay niya. May karapatan ka Glaiza, mayro'n. Samahan mo sila sa laban."
Huminga ako ng malalim at kinuha ang journal. Hindi siya nagtagal at nag-paalam na rin. Ni hindi ko sigurado kung ano ba ang status naming dalawa ni Dj ngayon. Kung pareho pa rin ba kaming lalaban o magkaribal? Bandang huli ay nabuo ko na ang desisyon kong pumunta sa ospital bukas.
The next day, tinawagan ako ni DJ.
"Hello."
"Glaiza, ano'ng oras ka pupunta sa ospital mamaya?"
"Bakit?"
"Lumuwas ng Maynila ang nanay ni Rhian para maghanap ng pangtustos. Nagpresinta akong ako ang magbantay kay Rhian mula madaling-araw hanggang tanghali sa loob ng apat na araw. Ang kapatid niyang si Rhona ay nabuntis at bawal magpuyat. Si Raf ay finals at kailangang mag-aral. Ang bunso ay hindi pa maasahan."
"Why are you telling me all this?"
"Ikaw ang kumuha ng oras ko Glaiza. Ikaw ang mas gusto ni Rhian na nan'don alam ko."
Napaluha ako sa inanunsiyo ni DJ. "S-salamt, salamat Dj, salamat."
"Magkita tayo ng alas diyes ng gabi mamaya, sa cafeteria. Mamayang gabi ko rin kakausapin sa cp ang nanay ni Rhian at ipagtatapat ang hangarin ko kumbakit inimbitahan kita sa ospital..Itetext kita."
"Salamat, salamat."
Naging blangko ang linya at ang tagal kong nakatingin sa cellphone ko. Mahahawakan ko na si Rhian.
*****
Nine thirty pa lang ay nasa canteen na ako. Nando'n na rin si DJ. Ngumiti siya pagka-kita sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap.
"Umalis ako saglit sa kuwarto at binilin ko na sa nurse station na ikaw na ang papalit sa akin sa slot ko bilang bantay."
"Thank you, thank you."
May kinuha siya sa wallet niya at iniabot sa akin.
"Yang kuwintas na 'yan at ang wallet ang tanging nakuha ng mga rumesponde ng gabing 'yon. Alam kong binigay mo ito sa kanya. Noong una, intensiyon kong itapon 'yan pero may pumigil sa akin. Hindi ko alam kung ano. Pero isa lang ang lagi nitong pinapaalala sa 'kin."
Kunot noo akong nakatingin sa kanya at naghihintay ng sasabihin pa niya. "It made me realize that now, I can not hold on to someone who is not meant for me."
Kinuha ko ang kuwintas at kinulong 'yon ng palad ko. Tinapik ni DJ ang balikat ko. "I don't lose hope Glaiza, it's your turn now."
'Yun lang at lumakad na siya palabas ng canteen. Binuksan ko ang palad ko at tinitigan ang kuwintas. Naibulong ko ang pangalan niya.
"Rhian….."
***************
oh huwag na kayong magalit kay DJ..
Vote and I appreciate comments.