Two Hours More

By binibininghannah

2.9M 14.9K 2.1K

Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong mins... More

Two Hours More
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Thank YOU!
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Mumunting Note
Two Hours More - Eight
Two Hours More - Eight - Day 1 - 6
Two Hours More - Eight - Day 7- 10
Two Hours More - Eight - Day 14
Two Hours More - Eight - Day 15-30
Two Hours More - Nine - Day 32 - 53
Two Hours More - Nine - Day 55-60
Two Hours More - Nine
Two Hours More - Ten - Day 61 - 63
Two Hours More - Ten - Day 64-68
Two Hours More - Eleven - Day 71-74
Two Hours More - Eleven - Day 75
Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86
Two Hours More - Twelve - Day 90
Hiro's Letter
Two Hours More - Thirteen
Two Hours More - Thirteen
Jam's Letter
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Princess
Two Hours More
Marami pong Salamat!
UNTITLED.docx
Icarus
Published book, anyone?
THM Book 2
Facebook, Twitter, Tumblr, Weebly
RED.docx

Two Hours More - Four

41.4K 228 30
By binibininghannah

This is dedicated to you Baliwag sis!! Sobra sobra kong na-aappreciate yung support mo, AS IN. Halata ba? Ngayon lang ako nagsali ng dedication sa mismong story. Haha. Usually, ikino-comment ko pag may gusto kong sabihin para pure na yung story lang yung mababasa rito. Kaechosan ko lang, pero here it is now. Katulad ng sinabi ko sa board mo, kulang talaga yung 'thank you'! Pero thank you talaga!! Love you! ♥


Four


Jam's POV 

Halos isang buwan na lang pala sembreak na. Bakit ba parang ang bilis manakbo ng oras? Katulad ngayong araw. Kaninang umaga hinihintay ko na ‘yong text ni Hiro. Pero nakauwi na ko't lahat ng pagod na pagod; inabot pa ko ng gabi sa daan; pero kahit isang text wala pa rin mula sa kanya. Pag minsan, ‘di ko na talagang maiwasang magtampo kay Hiro kasi madalang n’ya na kong makausap. Mula kasi nang nagkatrabaho s’ya, once a day na lang kung magparamdam s’ya. Ganon s’ya kabusy. At hindi naman ako selfish para ‘di s’ya matindihan. At saka, bakit ba ko magtatampo? Ano namang karapatan ko? Sino ba ko? Girlfriend n’ya ba ko? 

Biglang gumuhit sa isipan ko ‘yong naisip kong ‘yon. Bigla tuloy akong dinalaw ng lungkot dahil do’n. 

           Girlfriend n’ya ba ko? 

          Girlfriend n’ya ba ko? 

          Girlfriend n’ya ba ko? 

Paulit-ulit. Paulit-ulit ‘yong naglalaro sa isip ko. Walang anu-ano, pumatak na lang ang mga luha ko. Isa sa mga pinakamasakit na pakiramdam sa mundo ay ‘yong mahal ka ng taong mahal mo, pero hindi naman pwedeng maging kayo. Mahal ko si Hiro. Mahal n’ya din naman ako. Pero bakit parang ang hirap ng hirap ng sitwasyon? 

Mas lalo akong naluha. Subsob na ang mukha ko sa palad ko. Bumalik tuloy bigla sa alaala ko ‘yong naging usapan namin noong isang linggo.

Friday. Partners kami ni Reema sa isang project kaya magkasama kami. 

"Jam, o!" sabi sa’kin ni Reema habang inaabot ang isang sobre Napangiti agad ako. Alam ko na kasi kung ano ‘yon at kanino galing ‘yon. 

"Bakit napapangiti ka? Sobre pa lang nakikita mo napapangiti ka na? Ano pa kaya kapag nabasa mo na laman n’yan." Pang-aasar sa’kin ni Reema habang nakangiti din. "Naku, Jam, ikaw na lang ang kakilala kong may manliligaw na nagbibigay pa rin ng cards at love letter. Nakaka-inggit ka! Gusto ko rin ng ganyan." Halatang-halata sa ngiti n’ya na nahahawa din s’ya sa sayang nararamdaman ko. 

"Sino bang hindi mapapangiti pag ganito? Saka, ano ka ba? Makakahanap ka din Reema!" Wala na kong ibang nasabi pa. Excited na rin kasi ako na mabasa ‘yong sulat ni Hiro. "Pabasa na no’ng letter." 

Nasa tagong garden kami ng school. Kaya magngumiti man ako ng sobra ay walang makakakita sa’min. Kung bakit naman si Reema ang nag-abot sa’kin nito ay dahil kaibigan ni Hiro ang kuya n’ya na umuwi nang gabi bago ang araw na iyon. 

Hindi mawala sa mga labi ko ang mga ngiti habang binabasa ko ‘yong sulat. Written letters will definitely never go out of style. Ang swerte ko talaga kay Hiro. 

"P.S.?" Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang putol na part ng sulat. "P.S. daw pero wala na namang kasunod", reklamo ko kay Reema… Kay Reema na nakatingin lang sa likuran ko. Sino namang tinatanaw nito? Parang gulat na gulat pa s’ya sa itsura n’ya noong oras na ‘yon. 

Lilingon na sana ako para tingnan ‘yong tinitingnan n’ya pero pinigilan n’yako. 

"Girl, uuna na pala ko ha. Bye." At dali-dali s’yang umalis. Napatayo naman ako para pigilan s’ya. 

"Ha? San ka pupunta?" 

Pero ‘diretso lang s’ya. Snundan ko s’ya ng tingin pero napatigil ako nang makita ko si Hiro na nasa halos dalawang metro ang layo sa likod. Anong ginagawa n’ya rito? Kanina pa ba s’ya? 

"Alam mo na girl? Bye." Tuluyan na nga s’yang umalis. "Bye Hiro." Sabi n’ya nang madaanan n’ya si Hiro nang palabas na s’ya sa gate ng garden.

Nagkatitigan lang kami saglit ni Hiro tapos biglang nagsalita na s’ya. 

"PS: Manliligaw na ko sa’yo. Sana ayos lang." Sabi n’ya habang nakangiti.

Binanggit n’ya sa mukha ko ang kanina'y nawawalang kasunod ng putol n’yang sulat. Ang bilis ng takbo ng puso ko bigla. At pakiramdam ko, namumula na ko nang mga oras na ‘yon. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang s’ya sa’kin. Hinihintay ang sagot ko. 

Kapag sinabi kong "Oo", anong mangyayari? Kapag sinabi kong "I'm sorry", ano ring mangyayari? Teka lang hindi ako sanay ng ganito. Seryosong-seryoso s’ya. Anong sasabihin ko? Hiro naman.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko. Pakiramdam ko naligtas ako kahit saglit. 

"Hello po Dad? Opo. Nandito pa po ko sa school. Opo, papunta na ‘ko." 

Pagkapatay ko ng telepono, kinausap ako ni Hiro. 

"Susunduin ka ba ng Daddy mo?" Malungkot ang tono ng boses n’ya, pati mukha n’ya. Halatang nalungkot.

Tumango lang ako ng dahan-dahan. Kinuha ko na ‘yong bag ko at nagsimula ng maglakad papalapit sa gate ng garden, para makalayo na at makaiwas na sa kanya. Nakokonsensya ‘kong iwan na lang s’ya lalo na't alam kong malayo pa ang pinanggalingan n’ya bago pa makapunta dito. Iisa lang ang daan palabas ng garden at imposibleng hindi ko s’ya malalampasan bago pa ko malabas. Kaya nga bago pa ko makalampas sa kanya, hinawakan n’ya ang kamay ko. Napatigil lang ako. 

"Hindi kita kukulitin tungkol dito, pero I promise Jam, hihintayin kita."

Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang lahat lahat nang araw na ‘yon. Lahat. Bawat detalye. 

Sana talaga Hiro mahintay mo ko. ‘yang pangako mo ang laging panghahawakan ko. Mahal na mahal kita.

Continue Reading

You'll Also Like

77.9K 2.2K 53
Crescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong...
4.4M 57K 39
Kathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl;...
34.6K 532 3
P R E V I E W O N L Y --- Self-published Cover © Charlene Arkaina BOOK DETAILS • Available in PDF Format • 51,000+ words • 23 chapters including ex...
9.9K 381 43
(Liwanag at Dilim Series #2) Si Yvette Muñoz ay isang babae na maraming pagsubok ang hinarap sa buhay. Sa pagharap niya sa mga ito ay laging nasa tab...