The Destroyer

By littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. More

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

TD - 25

124K 1.2K 285
By littlemissselle

CHAPTER 25

BELLE'S POV

Naiinis ako, at the same time, nasasaktan.

Nasasaktan ako dahil mahal ko si Casimir eh. Bata pa lang kami wala na akong ibang gusto kundi siya. What made me like him despite of what happened to us - 'yung binato niya ako?

FLASHBACK

Badtrip si Casimir! Hmp. Ang sama-sama niya! He's evil!

Grade 5 na kami pero 'di ko pa rin makalimutan ginawa niya nung Grade 2 pa lang kami. Batuhin daw ba 'ko ng pencil case sa mukha! Ugh. Kainis. At lagi pang nagsusungit! Siya pa may ganang magsungit eh siya na nga 'tong nanakit eh.

Halatang bored siya sa klase. Palibhasa matalino kaya manok na manok lang sa kaniya mga lesson namin habang kami nahihirapan. Unfair.

Break time noon at saktong papasok ako ng room nang matapunan ako ng juice.

"OMG!" maarteng sigaw ko. Well, I admit it, maarte ako. So what?

"Nako, sorry Belle! Hindi ko sinasadya swear!" paawa effect ng isang bruha. Hmp. 'Di ako naniniwala na hindi niya sinasadya 'yon eh isa pa 'tong maarte eh! Crush niya rin kasi si Casimir, eh alam niyang close kami. Kasi kahit masungit si Casimir eh at least ako pinapansin niya. Siya kasi hindi. Lol. Mula kasi nung nangyari sa amin noon naging close na rin ang parents namin.

At ang babaitang ito ay isang malaking Inggiterang frog!

"Ang lagkit nito! My gosh!"

Nakita ko ang pagngisi niya. "Sorry talaga. Ikaw naman kasi eh bigla bigla kang pumapasok ng room."

"Alangan namang kumatok pa ako? Ano 'to private room? Ugh." pinupunasan ng isa kong friend 'yung damit ko. Kahit naman punasan niya 'yan, andiyan pa rin 'yung mantsa ng orange juice. "I hate you! Nakaka-in-..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may maghagis ng jacket sa dibdib ko.

Napatingin ako sa kung sinong dumaan sa gilid ko. "Gamitin mo na 'yan, manahimik ka lang." nagpatuloy siya sa paglalakad habang nasa bulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang juice niya.

Close kami ng lagay na 'yan, ha.

"Grabe naman, rude talaga ni Casimir." sabi ng isang kaibigan ko.

"Pwede naman iabot ng maayos. Tsk. Pasalamat siya gwapo siya eh." sabi naman ni friend 2.

Biglang inagaw sa akin ng bruhang inggiterang ito ang jacket. "Akin na nga 'yan!"

Inagaw ko din ulit sa kaniya. "Akin 'to. Mainggit ka!"

Sinimangutan niya ako at umalis na siya sa harap ko.

Umupo na ako sa upuan ko at sinuot ang jacket ni Casimir. Nakaramdam ako ng kilig. Napangiti na lang ako.

Nang mag-highschool kami eh hindi na kami naging magkaklase kasi lagi siyang nasa section 1, parang star section - klase ng mga matatalino. Pero siyempre lagi pa rin akong nagpapapansin sa kaniya. Sino bang ayaw mapansin ng crush niya 'di ba?

Napapansin naman niya ako. Close kami kahit hindi halata. Lagi pa siyang nananalo sa mga quiz bee at 'pag inaawardan siya natutuwa ako. I feel proud of him.

END OF FLASHBACK

Si Casimir kasi kahit suplado, he can be sweet and gentleman in his own way, in a rude way maybe. Labo noh? Isa pa, he looks mysterious kaya madali ma-attract sa kaniya ang ibang babae.

Kaya magkahalong inggit at inis ang meron ako ngayon para kay Alex. Inis dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit sinagot niya si Casimir agad? Ni hindi ko nga alam na niligawan pala siya nito. Baka niligawan nga, at nagpaligaw naman habang sila pa ni Jeremy! Omg! This can't be. Kailangan ko malaman kung anong meron ka talaga, Alex. Naiinggit din ako. Siyempre boyfriend niya na si Casimir! Kaniya na ang dream guy ko. Ang lalaking minahal ko mula pa noon. Wala akong ibang hinangaan kundi siya. I even imagine a future with him, in love nga kasi ako sa kaniya eh.

Ganon talaga minsan 'no? Hindi nahuhulog sa'yo ang taong gusto mo. Minsan talaga walang fairytale. Siguro meron, pero para sa ibang tao pala nakalaan ang happily ever after mo at hindi sa inaakalang mong prince charming mo.

May witch siguro na inggit sa beauty ko kaya sinumpang hindi magiging kami ni Casimir. Hay lecheng witch 'yan!!

Kailangan ingatan ni Casimir ang image niya. Ayokong dahil lang kay Alex magiging ganon siya. No way. I need to find out what is she up to.

I came back to reality when an asshole threw a face towel on my face. Seriously, what's up with throwing things on my beautiful face?

"What the fck, Geoff?!" I retorted.

"Nakailang tawag na ho si Manager sa'yo, baka gusto mo ng tumayo diyan?"

"Tss. Teka, sa'yo bang towel 'to? Ang baho!" at hinagis ko na sa kaniya pabalik 'yung towel.

"Maarte ka? Maarte?"

"Oo, maarte ako. Bakit?" my eyebrows raised and I crossed my arms.

He gave me a disgusted look. "Panget mo. 'Lika na nga." He grabbed my arm and pulled me to the stage.

The practice goes on.

ALEX'S POV

Magsasara na ang restaurant at naglilinis na lang kami ngayon. At walangyang Casimir na 'to kitang nag-aayos na kami ng tables and chairs hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya.

"Iba ang ganda mo 'te. Pagupit ka na, gagawin kong bangs buhok mo." bulong sa'kin ni Dyosa habang siya eh nagbabaliktad ng chairs.

"Hay nako, bakla. Tigilan mo 'ko, pwede ba?"

"Kamusta ba maging boylet ang jowabelles mo? Sweet ba?"

"Tss."

Hinampas naman niya ako sa braso. "Bruhang 'to kinakausap ng maayos eh."

"Oh 'wag mo saktan, bakla. Tignan mo oh, ang sama ng tingin sa'yo ni fafabelles niya." biglang sulpot naman ng nagwawalis na si Weng.

Napatingin naman kami kay Casimir na masama nga ang tingin kay bakla.

Napatili naman ng mahina si Dyosa, "Punyeta ka Alex. Bakit lalong gumwapo 'yang jowa mo? Gwapo kahit galit!"

"Hindi siya lalong gumwapo 'pag galit. Sadyang malandi ka lang." sabay irap ko sa kaniya.

Kinurot naman niya ako, "Gaga. Ay nako ha, 'pag nag break kayo niyan akin na lang 'yan!" Hinampas naman siya ni Weng ng tambo, "Aray ko! Anong problema mo sister?"

"Bakit ikaw agad? Ako muna! Ako babae sa'ting dalawa!"

"Oh eh ano kung ikaw ang babae? 'Di hamak na mas maganda ako sa'yo 'no!?" he flipped her imaginary long hair.

"'Sing kapal ng alikabok 'yang mukha mo bakla!"

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Hep hep. Sige na angkinin niyo na. Go!" sinenyasan ko silang dalawa na pumunta doon kay Casimir nang matahimik ang kalooban nila.

At nag-unahan naman sila doon. Nagpatuloy ako sa paglilinis nang marinig ko ang sigaw ni Casimir,

"What the fck?!"

Natawa na lang ako. Hay nako. Angkinin na nila si Casimir. Ewan ko ba diyan. Ang dami-daming nagkakandarapa sa kaniya pero bakit ako pa?

Nagulat na lang ako nang may umagaw ng tambo sa kamay ko at nakaamba na ito kay Dyosa at Weng.

"Hindi kayo lalapit o hindi kayo lalapit?" matigas na tanong ni Casimir. Kitang kita ko ang pagkaasar sa mukha niya. Ayaw niya kasi ng maingay eh sobrang ingay ng dalawa na 'yan. Siguro parang times two ng energy ni Geoff 'pag nagsama 'yang dalawang 'yan.

"Ha may choices ba don? Ang cute cute mo talaga! Fafa!" tuwang tuwa na sabi ni Dyosa.

"Aww. Gusto mo talaga hawakan 'yung mga nahawakan ko 'no kaya kinuha mo 'yang tambo!" ganoon din naman si Weng.

Nagtago naman si Casimir sa likod ko, "Alex what's going on with them? You stay them away from me." bulong niya.

Ngumisi ako. "Oh lapitan niyo na daw siya."

"What the!?"

"Fafabelles!" sabay na sigaw nung dalawa.

"Crap! Don't scream! You're irritating!"

Maya-maya eh may pumasok ng restaurant. Si Sir Jericho pala.

"What's going on here?" he asked.

Nilapag naman ni Casimir ang tambo at nilingon si Sir.

"Jerry?/Casimir?" pagtawag nila sa isa't isa. Close sila? Ah, elites. Sabagay.

"Dude! What are you doing here?" nag-fist bump pa silang dalawa.

"I am here for Alex. You?"

Tumawa si Sir-... Err. Jericho nga pala. "Are you kidding me? It's my restaurant."

"Oh, asshole. Then you better let Alex go home already. Pagod na siya."

Nanlaki naman ang mata ko. Siraulong 'to! Baka bawasan pa sweldo ko dahil sa kaniya.

"Nako! Hindi po. 'Wag po kayo maniwala diyan." kinurot ko sa tagiliran si Casimir. Makiramdam ka na kailangan mo manahimik, hayup ka.

"Aw! What is that pinch for?"

"Para manahimik ka." bulong ko.

"Hey hey, lovebugs. Time na rin naman so go get your things, Alex. You can go now." Jericho smiled.

I smiled back. "Thank you Si-..." bago ko pa maituloy eh tinaasan na niya ako ng kilay kaya, "Thanks Jericho." Sa attitude na mayroon si Jericho, kaya niya gawin ang gusto niya nang walang pakialam kung sino pang kaharap niya.

Tinulak tulak naman ni Casimir ang balikat ko. "Yeah yeah get your things now!"

Atat masiyado? Excited makauwi? Leche. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pumunta na sa staff room para kunin ang gamit ko. Rinig ko pa ngang nirereklamo ni Casimir si Dyosa at Weng kay Jericho eh. Tawa lang naman nang tawa ang boss ko.

"Dude, take care of Alex." Jericho said to him.

Inakbayan naman ako ni Casimir. "You don't have to tell me because I'll always will."

Lumabas na kami at sumakay sa kotse.

Habang nasa biyahe naman eh puro siya datdat. Juskobelles!

"Bakit ba pinapamigay mo 'ko sa mga kaibigan mo ha?! Nakakairita kaya!"

I laugh, "Ganon talaga mga 'yon. Makukulit eh!"

"Ayan sige tawa pa. Leche."

Hindi ko naman talaga napigilan tawa ko dahil naalala ko 'yung itsura niya nung hawak pa niya 'yung tambo. Akala mo sword eh, feeling naman niya hindi siya malalapitan nila Dyosa 'pag hawak niya 'yon.

"Andito na tayo lahat-lahat tawa ka pa rin nang tawa. Bwiset." nauna na siyang bumaba ng sasakyan.

Napailing na lang ako habang tinatanggal ang seatbelt ko. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto.

Sinundo na rin naman namin si Axel.

Ang kapatid ko naman tuwang tuwa pa sa binigay ni Casimir na laruan. Leche, nadadaan sa laruan, ganon?

Nag-drive thru muna kami para makakain daw kami ulit kasi gutom nanaman siya. Tss. Eh kumain na nga siya este kami sa restaurant kanina.

Unti-unti naman na siyang pinapansin ni Axel. Nasuhulan ng laruan eh. Kainis.

"Pa'no kayo nagkakilala ni Jericho?" I asked.

Kumunot ang noo niya pero sinagot pa rin naman niya, "Racing." at sinubo na niya ang pagkain niya.

"Nagre-racing ka?"

"Malamang. Kasasabi lang 'di ba?"

I pout, "Bwiset."

Ngumiti naman siya at pinisil ang pisngi ko. "Si Jerry lang naman pala boss mo eh. 'Wag ka na pumasok."

Pinanlakihan ko naman siya ng mata. "What?! Nahihibang ka na ba?"

"Bakit? Madali naman kausap 'yon eh. Sasabihin ko lang na hindi ka papasok, okay na 'yon."

Pinalo ko ang noo niya, "Edi hindi ako naka-sweldo. Ano kakainin namin sa araw-araw? Pa'no pag-aaral namin ng kapatid ko ha?"

Tumingin kami pareho kay Axel na nilalantakan ang chicken.

He smirked. "Kaya ko kayong buhayin, Alex."

"Oh shut up. Wala ka ngang trabaho eh."

"Kahit hindi ako magtrabaho kaya ko pa rin." mas lalo siyang ngumisi, "pero para sa ikapapanatag ng loob mo, sige magta-trabaho ako sa firm ni Papa. Ayos na ba 'yon?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo nung una akala ko napaka seryoso mong tao pero hindi naman pala." Umiling-iling pa ako.

"Ha? Seryoso naman ako ah? Seryoso kaya ako sa’yo. Teka, kailan mo ba 'ko gustong mag-umpisa? Sabihin mo lang at mamaya kakausapin ko si Papa."

Inirapan ko na lang siya. "Leche." pinigilan ko na lang mapangiti. Baka isipin pa nito natutuwa ako sa sinasabi niya eh... though, natutuwa naman talaga ako... hay peste. Hindi! Hindi ako natutuwa. Argh.

Umuwi na rin naman siya pagkatapos. Pinatulog ko na 'tong kapatid ko. Pero ako hindi pa rin makatulog eh.

Nabigla ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tch, baka si Casimir lang 'yan, mambibwiset. Kaya 'di ko na pinansin. Namatay na ito. Akala niya ha. Haha. Kunwari tulog na ako. Tumunog ulit ito. Ay peste ang kulit. Bahala siya diyan. Nang mamatay ito ay hindi na siya tumawag pero nag-text naman kaya doon ko na tinignan pero... hindi pala si Casimir 'yon kundi... si Jeremy. Siya pala ang tumatawag sa'kin. Pinalo ko ang sarili kong noo dahil sa katangahan ko. Napabangon tuloy ako ng wala sa oras.

From: Jeremy <3

Alex. Ang usapan natin cool off pa lang tayo. Pero ano 'to? Talaga bang niloko mo lang ako ha? Tangina naman oh. Sabihin mo diyan sa Casimir na 'yan hindi pa kami tapos.

Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May gagawin ba siya kay Casimir? Eh hindi naman magpapatalo 'yung baliw na 'yon eh. Pero ewan ko ba kinabahan talaga ako.

Kinabukasan siyempre sinundo nanaman ako ni Casimir, ay kami pala ni Axel.

Pagkarating naman namin sa room eh nagtabi na kami agad ni Desiree. May tropa kami pero kaming dalawa talaga 'yung close, madalang din kami sumama sa kanila. Halos nung first week nga lang ng klase kami talaga nagkasama-sama ng buo eh.

"Oh 'te may nasagap na ako." sabi niya sa'kin. Pinapasagap ko kasi siya ng balita tungkol kay Jeremy. Marami rin kasing friends si Des mula sa ibang course eh.

"Ano 'yon?" I asked.

"Isang matino at isang hindi ko ma-determine kung matino o hindi."

Napakamot na lang ako sa ulo. "O game."

"Eto 'yung matino, may practice match sila sa Friday, last day 'yon at maraming manunuod. Nuod tayo girl ah!" natutuwa pa niyang sabi. "Maraming pogi na varsity." humagikgik siya.

"O tignan mo 'to, may Henry ka na eh."

"Henry ka diyan. Nanliligaw pa lang siya 'no. 'Di ko pa siya sinasagot."

Kinurot ko ang braso niya. "Arte mo. O ano naman 'yung isa?" kinuha ko naman ang notebook ko sa bag ko dahil feeling ko dadating na 'yung prof namin.

She sighed. "He's joining a fraternity."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa bigla. "A what?"

"Fraternity, Alex."

I know, I know, hindi naman masama ang lahat ng frat eh. Ang frat binubuo lang talaga to build strong camaraderie. They have passion and they really support each other. Minsan lang talaga 'pag may nakabangga doon nagkakagulo.

"P-pero 1st year pa lang siya."

"Kaya nga. Next year sila mamimili kung sino sa mga sumali ang papasa."

Jeremy naman.

CASIMIR'S POV

Nasa library kami ngayon imbes na nasa bahay na ako o kasama ko sana si Alex. Hay leche. 'Di ko tuloy naihatid girlfriend ko.

Bwiset kasi 'tong si Geoff! Siya pa ang nagpaalam kay Alex at Desiree na hihiramin niya kami ni Henry para magpaturo. Aba, biglang nagkainteres naman 'to mag-aral. I wonder why, hmm?

"Casimir pa-check!" nakangiti niya pang sabi. "Eto rin Henry!"

'Yung math kasi sa akin niya pinapa-check, 'yung sa philo naman kay Henry.

"O tama lahat Geoff. Good boy." at ginulo pa ni Henry buhok ni Geoff. Aso lang?

"Yes! Salamat!"

Pinadulas ko ang yellow paper sa table at tinapat sa kaniya. "Mali 'yung five tsaka seven mo."

Napakamot naman siya sa ulo. "Gano'n ba? Sige ulitin ko, wait lang."

Ginawa naman niya. Habang seryoso siyang nagsasagot eh tinanong ko na siya.

"Anong nakain mo?"

"Ah, kaninang umaga bacon and egg almusal ko. Bakit?"

"Araw-araw 'yon dapat almusal mo para sipagin ka mag-aral." sabi naman ni Henry.

Ngumiti si Geoff. "Hindi. Nag-aaral ako kasi gusto ko maging kasing talino niyo."

"Why?" I crossed arms.

"Para kahit papa'no maging ideal din ako sa paningin niya." he said dreamily.

Nabatukan siya ni Henry. "Pucha in love ka? Kanino? Kay Belle 'no?"

I grinned. "Ilalakad kita."

"Heh! Magtigil nga kayo. 'Pag in love ako kay Belle agad? Hindi ba pwedeng kay Jessy Mendiola muna?"

"Whatever you say." sabay na sabi namin ni Henry.

Habang nagtatawanan kami ay ramdam kong may nakatingin sa amin. Lumingon ako at nakita ko si Jeremy at ang iba pa niyang kasama na naglalakad.

Tss.

Tinignan ko lang din siya ng masama. Naputol lang iyon nang tawagin siya ng isa niyang kasama.

Tinapik naman ako ni Henry. "P're 'pag kailangan mong resbak sabihin mo lang."

"Siraulo. Wala akong balak patulan 'yan unless, he'll provoke me."

"Nako, 'wag mo na pansinin 'yon magagalit lang si Alex." Geoff

O'nga naman. Magagalit si Alex 'pag sinaktan ko 'yung mahal niya. Bwisit lang.

***

"Yes for two. Okay... okay. Thank you."

Tumawag kasi ako sa isang restaurant para magpa-reserve. I want to treat my girlfriend a dinner. Last day na bukas eh, christmas break na kasi. Para rin naman maka-relax siya kasi exam week.

***

Hapon na natapos ang exam namin ngayon.

"Tapos na rin! Sa wakas!" Geoff

"Nasagutan mo lahat?" tanong ni Henry.

"Yup! Pero hindi lang ako sure dun sa iba."

I tapped his head. Tama 'yan, bagong buhay na.

Nilapitan ko naman si Alex.

"My princess," I smiled. She looked at me with disbelief, "What?"

"Really, ha? Kailangan mo 'ko tawagin niyan in public?"

"Is it wrong?" She rolled her eyes. "Anyway, tara na." pag-aya ko sa kaniya.

"A-ah... hindi pa ako uuwi eh."

Binigyan ko siya ng tinging nagtataka. Wala naman siyang duty ngayon. Well, kinuha ko kay Jerry ang oras at araw ng trabaho ni Alex. Bakit ba?! Walang basagan ng trip.

"Ah... ano kasi. May gagawin ako." nakayuko niyang sabi habang uneasy naman sa pag-aayos ng gamit.

Hinampas ko ang arm chair niya at idiniin doon ang kamay ko, "May tinatago ka 'no?"

"H-hoy... wala ah!"

"Tss. Liar."

"Wala nga."

"Oh eh bakit hindi ka pa uuwi?" Hindi rin naman talaga kita iuuwi agad, may pina-reserve akong dinner para sa'tin 'no.

"Manunuod kasi ako."

"Anong papanuorin mo? Alam mo kung gusto mo lang naman pala manuod ng sine sana sinabi mo agad!"

Bigla naman siya tumingin sa'kin at naging matapang nanaman ang mukha. Ay leche, sasagot na 'to.

"Teka nga ha!" pinamaywangan niya ako. "Bakit ka ba sigaw ng sigaw?! Bingi ba 'ko ha? Bingi?!"

OO BINGI KA! ANG LAKAS-LAKAS NA NANG PAGSIGAW NG PUSO KO SA KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO PERO HINDI MO PA RIN NARIRINIG! HINDI MO PINAPANSIN KAYA ISA KANG MALAKING BINGI!

Gustong-gusto ko sabihin 'yan pero kahit naman sabihin ko wala pa ring mangyayari. She'll stay dense. And I hate it, fck.

"Eh ano nga kasi papanuorin mo!"

"Practice match ni Jeremy! Bakit, sasama ka ha!?"

That hit me. Puchang 'yan. Jeremy nanaman. Sarap alisin sa mundo ang potek!

Hinayaan ko na siya umalis kasama ni Des. Si Henry naman eh aalis na dahil may dinner daw silang pamilya, ganoon din si Geoff.

Speaking of dinner, siguro naman maaaya ko umalis agad si Alex 'no? Eh 7:30PM 'yung pina-reserve ko. Nakngtutcha.

Tumambay na lang ako sa labas ng gym. Oh bakit? Alangan namang panuorin ko maglaro 'yung Hinayupak na 'yon. A-S-A. That's boring and nonsense.

Tumingin ako sa wristwatch ko, ah langya naman. 6:30PM na! Sinabihan ko pa naman si Andrea na gagabihin kami ni Alex kasi nga may surprise dinner ako para sa kaniya pero inuubos ng HAYUPAK na iyan ang pasensiya ko. Punyeta, ang sarap magmura.

Hindi na ako nakatiis at pumasok na ako sa loob. Hinanap ko naman agad si Alex. Practice lang naman 'to pero ang daming tao. Tss. Pasikat. Tumingin naman ako sa mga naglalaro at 'yan ang mga mukha ng mga taong gustong-gusto ng popularity. They enjoy publicity.

Nang mahagilap ko si Alex ay ayon tahimik siyang pinapanuod si Jeremy... habang si Des naman ay nagchi-cheer katulad ng iba nilang kaibigan.

Mukhang wala na akong pwesto ah. OA ng mga 'to, practice match lang eh. Tss. Pero lumapit pa rin ako sa kaniya. Langya wala na talaga akong pwesto.

"Uh excuse me. Can you move a little bit?" I asked the girl beside Alex.

Ang tagal niya bago naka-react. Langya naman, uusog lang eh! Ang tino-tino na nga ng pakiusap ko eh! Gusto pa atang masigawan. Peste.

"O-okay..." at nagpa-cute pa siya. Tss.

Tinabihan ko naman si Alex at hindi ako pinapansin. Diretso lang ang tingin niya kay Jeremy na patakbo-takbo at pashoot-shoot.

Iba rin talaga 'pag harapan nang ipinapakita na hindi ka niya pinapansin dahil nasa harap niya 'yung lalaking mahal niya.

It sucks. Big time.

I noticed her cry a little. Pinatahan naman siya nila Des. Tumahan naman siya pero sa kada sulyap niya kay Jeremy ay hindi niya napipigilan ang luha niya.

"Noon, andoon ako sa baba malapit sa players para kada time-out sa akin siya lalapit." pagke-kwento niya sa kanila. Oo, sa kanila lang. "Ako ang nagpupunas ng pawis niya. Kukulitin niya ako at yayakapin niya ako kahit na sobrang pawis na siya."

She cried. Wala namang magawa ang mga kaibigan niya para patahanin siya.

Nilabas ko ang panyo ko at tinakip sa mukha niya. Ayokong punasan ang luha niya... luha niyang ako ang may kasalanan. Alam ko namang hindi niya mapipigilan ang pag-iyak niya eh. Kaya mas mabuting takpan na lang niya para hindi ko 'yon makita... mas nasasaktan ako.

Lumabas na lang ulit ako ng gym. Tinawagan ko din ang restaurant, sinabi kong hindi na matutuloy ang dinner date namin pero magbabayad pa rin ako.

Doon ako sa labas naghintay. Nang makalabas naman siya ay nakita niya ako at nilapitan.

"Sunduin na natin si Axel?" she smiled.

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman eh, hindi ako tanga. Nasasaktan siya at halatang umiyak siya pero nginitian niya ako.

Sige. Kunwari na lang Casimir... kunwari na lang masaya siya. Kunwari na lang masaya siya sa’yo. Kunwari na lang masaya ka talaga...

Puro na lang kunwari. Kailan ba kami magiging totoo?

***

NOTE: Hello guys! :))) Thank you sa mga naghihintay ng update! Love you all! :* Naloloka ako sa GTB, huhuhuhu sakit sa bangs eh. Kahit wala akong bangs. At bakit Alex pa ang pangalan ni Liza! Hindi ba pwedeng kay Chichay na lang 'yon, kunwari siya na lang ang nagka-amnesia (or kung totoo man 'yon) at hindi si Joaquin na Ryan ngayon. Okay I'm so daldal. Byeeeee

SHARE LANG: Busog na busog mata ko last night and tonight. Hihihi. Daming cuties sa AHS fair ehhhhh :))))))) Char!

Continue Reading

You'll Also Like

83.2K 5.3K 39
Isang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang ara...
224K 6.9K 18
JAGUARS SERIES 4: Elvin Howard "Once you were in my dreams, which came into the reality, and now a memory." Do you believe in magic? In curse? Well...
5.9M 112K 57
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...