The Star

Por AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Más

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 35

10.9K 172 9
Por AngelMelay

STARRING 35

MAKAKAYA KO BA?

KINABUKASAN:

Kinabukasan na, nilalagnat pa din ako. Naandito ako ngayon sa sala namin dahil naiinip na ako sa loob ng kwarto ko. Naging mabait naman sa akin si Franz at inasikaso lahat ng kailangan ko. Siya ang nagluto kanina at naglinis ng bahay. Kung tutuusin pala ay okay na rin na husband material si Loko.

"Steph, uminom ka na ba ng gamot mo sa lagnat?" Tanong niya sa akin. Katatapos lang niyang maglinis ng bahay. Umupo siya dito sa tabi ko habang ako nama'y abala sa panonood ng tv.

Hindi ako sumagot pero napatingin ako sa kanya. Naka-shorts siyang medyo kalahati ng hita, showing his firm thighs and legs, at saka sandong puti, which shows his firm chest. Medyo basa-basa pa ang magulo niyang buhok niya dahil sa pawis, pero gwapo pa rin naman. Tingin ko kay Franz kahit kalbo pa siya o kasing haba ng buhok ko, gwapo pa din.

"Steph naman, galit ka pa din ba?" Tanong niya sa akin. Lumapit pa siya ng konti kaya umurong ako palayo. Binawi ko ang tingin ko at nanood ng muli ng tv.

Sinundot niya ang tagiliran ko kaya nakasimangot na napa-igtad ako. "Steph, naman eh!" Parang batang maktol niya. Sinulyapan ko lang siya at inirapan.

Kinuha niya sa kamay ko ang remote at pinatay ang tv. "Ano ba?" Naiinis na sabi ko. Binawi ko sa kanya ang remote at muling binuhay ang flat screen.

"Steph, sorry na nga. Naiinis lang ako noon kasi mula ng umuwi ako ay hinanap na kita maghapon. Hindi na nga ako nakatulog." Paliwanag niya sa akin. Ramdam kong nakatitig siya sa mukha ko.

Hindi daw siya nakatulog? Kaya pala hagardo verzosa siya ng dumating sa condo nina Von. Pero sinaway ko ang sarili ko. No! Hindi ako makikinig sa kanya.  At wala akong planong patawarin siya muna. Gusto kong marealize niya ang pagkakamali niya.

Tumayo siya at humarang sa harap ko para hindi ko makita ang tv. "Ano ba?? Umalis ka nga?!" Singhal ko pa sa kanya sabay tulak palayo sa akin.

Medyo nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Steph, sorry na nga." Naka-closed pa ang dalawang kamay niya na akala mo ay nagdadasal sa santo.

"Tumayo ka nga!" Sabi ko pa. I won't fall for his trap again. Tapos kapag pinatawad ko siya, babalewalain niya lang ulit ako? No way!

"Hindi ako tatayo hanggat hindi mo ako pinapatawad." Determinadong sabi niya.

Iyong mga mata niyang mukha namang sincere, expression ng mukha niyang halatang nag-sisi talaga siya, at ang pagpout pa ng konti ng lips niya, mukhang nakakaawa. Parang konting pacute niya pa sa akin ay bibigay na ako. This is bad!

Kaya tumayo ako at walang paalam na tinalikuran siya. Pero naging maagap naman siyang sinundan ako. Nanigas ang mga binti ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. "Sorry. Sorry." Hingi pa niya ng tawad.

Iyong yakap pa lang niya sa akin ay parang may kasabay na pagkurot sa puso ko para kaawaan ko siya. Kung ganito ba naman kasi kalambing ang hihingi sa iyo ng tawad, kakayanin mo pa bang ipagwalang bahala?

"Hindi ko rin naman sinasadya na maitulak ka. Alam mo namang galit ako noon tapos nasa likod pa kita. Kaya nadali kita. Pero wala akong planong sadyaing saktan ka." Mahinang sabi niya sa may tenga ko. Nakapatong ang baba niya sa isang balikat ko.

Hindi ko na kaya! Unti-unti na rin kasing kumakalabog ang dibdib ko. Why am I being like this? Dapat ay magmatigas ako sa kanya, hindi ba? Pero ano itong response ng katawan ko na parang pati tuhod ko ay nanglalambot na sa lambing niya?

"Please Steph, talk to me. Sigawan mo ako kung gusto mo. But please forgive me." Malungkot ang tono na sabi niya sa akin.

Humarap ako sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ko na kaya. Sinong hindi makukuhanng patawarin ang isang tao na halata mo namang nagsisisi na talaga?

"Huwag ka kasing masyadong pabigla-bigla. Hindi naman nadadaan sa init ng ulo ang lahat." Malumanay na sabi ko sa kanya.

"I'm sorry. Susubukan kong kontrolin na ang sarili ko next time." Sabi niya habang alanganin ang ngiti.

"Huwag mong subukan, pilitin mo." Kinulong ko na ang magkabilang pisngi niya kaya nagtama na ang paningin namin. Napatingin tuloy ako sa matangos niyang ilong, mapupungay na mata, at lalo na ang mapupulang niyang labi. Biglang naginit ang pakiramdam ko ng mapatitig ako sa labi niya. Nilalagnat ako, oo. Pero ibang init ang nararamdaman ko.

Napalayo ako agad sa kanya ng mapansin kong titig na titig din siya sa akin at unti-unting inilalapit ang mukha niya sana sa akin.

"M-magpapahinga lang ako." Nauutal na sabi ko at tinalikuran ko na siya para pumasok na sa kwarto. Ilang na ilang ako kaya hindi ko na naantay na sumagot siya.

Paghiga ko sa kama ko ay tulalang napatitig ako sa kisame. Itinaas ko ang magkabilang palad ko at tinitigan ang mga ito. Anong nga bang nangyari kanina? Bakit bigla na lang mula sa mga palad kong ito ay gumapang ang kuryente sa buong katawan ko? What is exactly happening to me? Am I falling for Franz' charms again? Nahuhulog na naman ba ako sa kanya?

"Hindi pwede. Ayoko ng masaktan." Nagtalukbong ako ng kumot. Kailangan kong makatulog. Marahil ay dahil sa kulang lang ako sa pahinga kaya ako nagkakaganito.

(Later..)

Nauuhaw ako kaya pumunta ako sa kusina. Mababa na ang lagnat ko. Mabuti naman at naging effective ang pahinga ko. Napasilip ako sa dirty kitchen at naabutan ko si Franz na nagluluto. Mabuti pa si Franz at marunong, samantalang ako, laging disaster. Maybe kailangan kong kumuha ng short class sa cooking para naman maipagluto ko si Franz at ang magiging anak namin.

Naipilig ko ang ulo ko. Ano bang iniisip kong pati magiging anak namin? Napainom na lang ako muli ng tubig dahil sa naisip kong walang kwentang bagay. Para namang gusto ko pang magtagal ang marriage na ito.

"Oh gising ka na pala." Nakangiting bati sa akin ni Franz. Nakasuot pa siya ng apron habang may hawak na sandok. And I must say, ni hindi nabawasan ang macho points niya sa itsura niya. Iba talaga siya. Kahit ata duster ang ipasuot mo, kakisigang taglay pa rin niya ang mangingibabaw.

"Ano ba iyang niluluto mo?" Tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa may tabi niya at sinilip ang nakasalang na ulam.

Ang kaso paglingon niya sa akin, sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Natigilan kami at nagkatitigan ng ilang sandali.

Dug..

Dug..

Hala! Tumatambol na naman ang puso ko!

Napaatras ako at napawi ang ngiti sa mga labi ko. Alam kong pulang-pula ako. What is wrong with my heart? Bakit lagi akong inaatake ng palpitations?

"Sinigang na hipon." Nag-iwas ng tingin si Franz at ibinalik ang attention sa niluluto.

Napasandal ako sa lababo. Eto na naman kasi ang pakiramdam na parang nanghihina ang tuhod ko. Marahil ay resulta lang ito ng dalawang araw na pagkakasakit ko.

"Ah Steph.."

"O-oh?" Nabubulol pang sagot ko.

"Pupunta ako sa laundry shop mamaya. Palalabhan ko iyong mga damit natin." Sabi niya at sumulyap sa akin.

Napalunok ako pagsulyap niya sa akin. Para kasing hinihigop ako ng mapupungay niyang mga mata. Tapos ay parang nagslow motion na ang paligid. Mula sa pagbalik ng attention niya sa niluluto niya hanggang sa paghalo niya nito.

OMG! May mali talaga sa akin! Pati visual perceptions ko ay sumasablay. I need to see our doctor soon.

"Sasama ka ba?" Nakangiting tanong niya.

Halos inaanalisa ko pa kung bakit naka slow motion ang paligid kaya wala sa sariling napatango ako. "May lagnat ka pa ba?" Pagkasabi niya niyan ay lumapit siya at kinapa ang noo ko.

Napalunok ako sa ginawa niya. Para kasing may kung anong init na hatid ang kamay niya na gumapang na hipuin niya ang noo ko.

"W-wala na." Hirap na hirap na sagot ko. Kinokontrol ko kasi ang panginginig ng boses ko.

"Good. Halika na kain na tayo." Yaya niya. Nang marinig ko iyon ay dali-dali akong tumalikod at pumunta sa pingganan. Naghain na ako para makakain na kami. Marahil ay dala ng gutom itong inaarte ng katawan ko. 

Nang matapos kaming kumain ay inayos ko na ang pinagkainan para mahugasan na. "Ako na." Sabi ni Franz sabay agaw ng plato na dala ko.

"Ako na." At kinabig kong pabalik para hindi niya makuha.

Pero persistent siya. Siguro ay sadyang gusto niya lang bumawi sa nagawa niya kahapon. "Ako na. Magshower ka na para makaalis na tayo pagkatapos ko dito at nakashower na rin ako." Malumanay na utos niya sa akin.

"Sige." Tumalikod na akong may ngiti sa mga labi. Hindi ako makapaniwala na marunong ng bumawi si Franz ngayon. Nagmamature na siya. Hindi tulad dati, na puro na lang siya pananakit ng damdamin ko, at wala sa bokabularyo niya na amining nakasakit siya.

Naligo na ako at nagbihis. Nang namimili na ako ng susuotin ay natagalan ako. I want to look good for him. Hindi ko malaman kung dress, pants and shirt, blouse or shorts, or sando at tokong ang susuotin ko. Noong mamimili na ng sapin sa paa ay natagalan din ako. Sapatos? Sandals? Clogs? Rubber shoes? Hindi rin ako makapili agad. Gusto kong maging perpekto sa lakad na ito.

"Ano ba, Steph? Si Franz lang ang kasama mo at magpapalaba lang kayo!" Saway ko sa sarili ko. Naiinis na kasi ako sa sarili ko. Ano nga ba ang pinagkakaganito ko? Para namang first time naming lalabas. At isa pa, hindi naman kami magdedate. Magpapalaba lang kami!

Hanggang sa napagdesisyunan kong magshorts, blouse at sandals na lang. Magpapalaba lang naman eh. Wala namang sinabi si Franz na may iba kaming pupuntahan pagkatapos.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nasa sala na siya at inaantay na ako. "Akala ko bukas ka pa matatapos." Biro niya sa akin.

"Ay napabilis ba? Oh sige balik na muna ako sa loob." Ganting asar ko at nagkunyari pa akong papasok na naman sa loob.

Agad naman niyang hinila ang siko ko. "Nagbibiro lang. Tara na." Yaya niya na tinanguan ko.

Siya ang nagbitbit ng maduduming damit namin na natiklop na rin pala niya at nilagay sa bag. Bumaba na kami ng condo. Pagbukas ng elevator ay iniabot niya sa akin iyong jacket niya sa balikat.

"Kapitan mo iyan at suotin mo kapag medyo gininaw ka. Kagagaling mo lang sa sakit, hindi ka nagdala ng jacket."

"Thank you." Ang tanging nasabi ko. Masaya ako hanggang sa loob ng kotse at hanggang makarating kami sa parking lot ng laundry shop. Natutuwa ako sa pagpapakita sa akin ni Franz ng concern. Sana naman ay hindi panandalian lang ito.

Nagsuot siya ng shades na malaki at sumbrero bago bumaba ng kotse. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Hey! Kunin mo iyong shades mo diyan at isuot mo iyong hoody jacket. Baka mamaya may mga paparazzi." Sabi niya na gumising sa pagkatulala ko.

Agad kong kinuha ang inutos niya. Naandito pala ang shades ko? Mabuti at hindi ito nakita ng kung sinomang kadate niya nung isang gabi na hindi niya ako sinipot? Ipinilig ko ang ulo ko. Kailangang tigilan ko ang negative thoughts sa pagsalakay sa akin. Minsan na nga lang kami maging ganito kaya kailangang i-enjoy ko.

Lumabas na kami ng kotse at binitbit niya muli ang mga labada. Pagpasok pa lang namin ay ang ganda na ng ngiti ng mga staff sa loob.

"Good afternoon, Sir Franz!" Ngiting-ngiting bati nilang lahat.

Nasa likod niya lang ako ng ipalista niya at ipatimbang ang mga palalabhan namin. Si Ateng Kahera na ang nakalagay ay May sa name plate, ay may pakagat-kagat labi pa. Sarap haltakin ng labi. Panay ang pacute! Teka, bakit ba parang nagseselos ako? Nabubuang na ata ako.

"Kanino ang mga damit ng babae, Sir?" Pa-beautiful eyes pang tanong ng katabi ni May na ang nakasulat naman ay Fay.

Mukhang suki na si Franz dito ah? Bakit kilalang-kilala na siya dito at parang kabisado na ang mga damit niya?

Tumikhim pa iyong si May na parang inaantay ang isasagot ni Franz. Sumulyap pa sa akin si Franz dito sa tabi niya bago sumagot.

"Sa kanya." Nakangiting sagot niya. Sa totoo lang, kontra ako na sagutin pa niya ang tanong. Pakialam ba nila kung may damit ng babae sa palalabhan niya?!

Ngumiti ng matamis iyong May habang kinikilo nila iyong mga damit. "Kapatid po ninyo?" Tanong niya.

"No." Simpleng sagot ni Franz.

"Pinsan mo, Sir?" Tanong ni Fay. Binasa pa ang mga labi. Pss.. Akala mo naman ay tatapunan siya ng tingin ni Franz eh sa mga damit lang nakatingin.

"No." Sagot niya ulit.

Tinigil ni May ang pagkikilo at tinitigan si Franz pagkatapos iipit ang buhok sa likod ng tenga. "Kaano-ano mo po? Friend?" Kulit pa niya.

Naniningkit na ang mata ko. Reporter ba itong dalawang ito? Ang chismosa ha! Ayoko namang sumingit dahil aaminin ko, inaantay ko din kung paano ako ipapakilala ni Franz.

"Girlfriend ko." Sagot niya na nakangiti, pero ang mga kaharap niya ay nawalan ng ngiti.

May kumalabit sa aking dalagitang babae na may mga kasamang kaibigan. Mukhang tapos na iyong pinalabhan nila dahil naka-ready na ang mga damit na inabot sa kanila.

"Girlfriend ka po ni Franz?" Tanong pa niya sa akin. Kailangan ba talagang ulitin? Kasasabi lang ni Franz ah?

"Oo." Simpleng sagot ko at ngumiti ako ng tipid.

May lumapit sa aming bakla na mukhang costumer din. "Ikaw ba ang dahilan ng break-up nila ni Fatima?" Nakairap na tanong sa akin.

Napalingon si Franz at humawak ako ng mahigpit sa siko niya. Pinaparamdam ko na bilisan na niya. Parehas kaming nakashades kaya hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa mga kumakausap sa akin.

"She's not the reason." Sagot ni Franz na ngayon ay wala na ang ngiti sa labi.

Gusto ko sanang dilaan iyong kumausap sa aking bakla. Parang gusto kong sabihin na, 'ano?Pahiya ka no?' Kaso alam kong childish act iyon kaya hindi ko itinuloy.

Inabot na ni Franz iyong bayad sa counter. "Sir, pa-autograph." Nakangiting sabi noong isa pa sa staff.

Ang pakiusap na iyon ay nasundan na ng nasundan. May isang empleyado pa na parang may kausap sa phone ang narinig kong binaggit ang name ni Franz. Napahawak ako ng mahigpit sa siko ni Franz ng maglapitan na ang mga tao sa shop.

Napatingin ako sa labas. Nanglaki ang mata ko ng halos batalyon ata ng mga kabataang babae, may idad ng mga babae at mga bakla ang mukhang papasok dito sa Laundry Store. 

"Franz, ang daming fans na parating." Bulong ko sa kanya habang busy siya sa pagpapaunlak sa pictures.

Napatingin si Franz sa akin, pagkatapos ay sa labas. "Sht!" Tanging nasabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila na niya ako palabas. Tinakbo namin ang exit door para makalabas agad doon.

Ang kaso ay nahuli na kami. Paglabas namin ay sandamakmak na ang tao. May mga naglilitrato, kumakamay, humahaplos, humahalik, at yumakap na sa kanya.

"Aray!" Daing ko. Nagkagulo na kasi kaya nabalya na ako ng isa sa mga fans. Napahawak ako sa tiyan ko at namilipit sa sakit.

Dahil sa ginawa ko ay napabitaw ako kay Franz. Naitulak ako ng naitulak palayo sa kanya. Para siyang beehive na sinusundan ng mga tao.Ipit na ipit na siya.

"STEPH!" Sigaw niya sa gitna ng ingay. 

"Franz!" Sigaw ko din at itinaas ko na ang kamay ko para makita niya ako sa pakapal ng pakapal na dami ng tao.

"STEPH!" Tawag pa niya sa akin at itinaas na din ang kamay para abutin ang kamay ko. 

Nagkagulo na talaga. Nasasabunutan, nababatukan, naapakan, at naitutulak ako ng hindi sinasadya. Pilitin ko mang makalapit sa kaya para maabot siya ay hindi ko ata kaya. Tumingkayad na nga ako para lang maabot ang matangkad niyang kamay.

Nakipagbuno din siya na maabot ako. At nang sa wakas ay magtama ang kamay namin ay dinakma niya agad iyon. Hinila niya ako at tumakbo kami palayo. 

Lumingon ako sa likod at nakita kong pakapal ng pakapal ang taong sumusunod sa amin. Umikot-ikot pa kami sa parking para sana iligaw sila pero sadyang masigasig ang mga tagahanga niya.

Nang sa wakas ay tahakin na namin ang daan patungo sa sasakyan niya ay nakahinga na ako ng ayos. Pakiramdam ko ay finish line na.

Mabilis kaming pumasok sa loob. Pero papasok na sana ako ng may humila  ng buhok ko.

"ARAY!!" Sigaw ko. Kinakaladkad kasi ako palayo sa sasakyan habang hila-hila ang buhok ko ng fan niyang kaidad namin.

"FRANZ!!" Sigaw ko. 

Agad naman siyang bumaba at pinagkaguluhan. "HUWAG NINYONG SAKTAN ANG GIRLFRIEND KO KUNG AYAW NINYONG MAGALIT AKO!!" Tumaginting ang boses niya sa buong parking lot.

Para namang natakot ang humihila ng buhok ko. Nahawi ang mga tao. Pulang-pula na si Franz kasi sa galit. Ako naman ay napaluha na sa sakit ng anit ko.

Kinabig ako ni Franz palapit sa dibdib niya. Nagflash ang mga camera. Lumakas ang bulungan. "Kung mahal ninyo ako, mahalin din ninyo ang girlfriend ko. Huwag ninyo siyang sasaktan!!" May diin na sabi niya sa kanila. Natahimik na naman sila.

"Ayos ka lang?" Bulong sa akin ni Franz habang naglalakad na kami pabalik sa sasakyan niya. Naandoon pa rin ang mga tao pero hindi na nila kami sinisiksik.

"Masakit ang anit ko." Daing ko sa kanya habang yakap niya pa rin ako sa katawan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Uwi na tayo. Dapat hindi kita sinama." Malungkot na sabi niya na tinanguan ko lang. Umandar na kami habang ang mga fans ay panay pa rin ang kuha hanggang makaalis kami.

Sa nangyari ngayon, narealize ko ang hirap ng katayuan ko. Ganito pala kahirap maging parte ng buhay ng artista. Sasaktan ka nila mailayo lang sa idolo nila. Makakaya ko ba?

_______________________________________________

A/N:

Kawawang Steph! Sorry po kasi 4 hours na nawala signal ng SmartBro namin. Anyway, VOTE & COMMENT naman po. Please? Paki pabasa naman po ninyo sa friends ninyo itong story natin. Thanks!

Seguir leyendo

También te gustarán

If You Say Yes Por El

Historia Corta

43.4K 1.5K 27
Storya ng isang babaeng takot magmahal...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
29.3K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...