The S.A.I.N.T.S 2: Reloaded

By iangelspark

953K 31.8K 6.7K

Every saints has a past, and every sinner has a future. -Oscar Wilde Book 2 of the The S.A.I.N.T.S. Basahin n... More

The S.A.I.N.T.S. 2 Reloaded
Prologue
Reloaded 1
Reloaded 2
Reloaded 3
Reloaded 4
Reloaded 5
Reloaded 6
Reloaded 7
Reloaded 8
Reloaded 9
Reloaded 10
Reloaded 11
Reloaded 12
Reloaded 13
Reloaded 14
Reloaded 15
Reloaded 16
Reloaded 17
Reloaded 18
Reloaded 19
Reloaded 20
Reloaded 21
Reloaded 22
Reloaded 23
Reloaded 24
Reloaded 25
Reloaded 26
Reloaded 27
Reloaded 28
Reloaded 29
Reloaded 30
Reloaded 31
Reloaded 32
Reloaded 34
Reloaded 35
Reloaded 36
Reloaded 37
Reloaded 38
Reloaded 39
Reloaded 40
Reloaded 41
Reloaded 42
Reloaded 43
Reloaded 44
Reloaded 45
Reloaded 46
Reloaded 47
Reloaded 48
Reloaded 49
Reloaded 50
Reloaded 51
Reloaded 52
Reloaded 53
Reloaded 54
Reloaded 55
Reloaded 56
Reloaded 57
Reloaded 58

Reloaded 33

13K 461 28
By iangelspark


Relative Theory



Stephie's POV


Bakit biglaan?


Ganun ba ka traydor ang sakit niya?


Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon...


Parang biglang namanhid ang katawan ko.


Nakasunod ako habang dinadala siya medical building upang subukang i-revive.


Nanunuot ang lamig sa aking katawan habang pinagmamasdan ang walang buhay niyang katawan.


Gustong kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw ngayon sa akin ang pag-asa na sana ay magkaroon ng isang milagro.


Sinubukan kong pasukin ang isip niya baka sakaling natutulog lang siya ngunit hindi ko mapigilan tumulo ang luha sa mga nababasa ko dito.


He is having a flashback of good memories.


Kadalasan ay mukha ko ang nakikita ko sa flashback. Sabi nila oras na malapit nang mamatay ang isang tao ay nagkakaroon ito ng mga flashbacks.


Napahinto ako sa pagsunod ng may maalala ako.


Si Tammie...matutulungan niya si Branzen.


"Dahil natin siya kay Tammie!" Sigaw ko.


Agad na niliko ni Andy ang medical bed patungo sa kwarto ni Tammie.


Nagulat si Tammie ng maabutan kaming nasa loob ng kwarto niya.


"Anong nangyari?" Agad niyang pinagmasdan si Branzen at sinuri. "May pulso pa siya, sobrang hina nga lang at sa itsura niya mauubusan na siya ng hangin sa ulo."


"Tammie, please...help him." Pagmamakaawa ko.


"Ano bang sakit niya?"


"Isang klase ng brain cancer at malala na ito."


"Dalhin nyo siya sa operating room ngayon din." Agad tumalima si Andy at Roscoe.


Pinasok nila sa operating room si Branzen at ng nasa loob na ay...


"Lumabas na kayo...huwag ninyo akong iistorbuhin." Sinarado ni Tammie ang buong kwarto at ni-lock.


"Andy, bumalik ka na sa mga bisita natin. Akon g bahala dito ayaw kong may masabi hindi maganda sa atin ang taga-Gallant." Ngunit hindi kumilos si Andy.


"Andy! Huwag ngang matigas yang ulo mo. Alam kong nag-aalala ka ngunit kailangan natin sumunod sa mga tungkulin natin."


"Pero..." Napabuntong hininga nalang ito ang sinunod na si Roscoe.


Naiwan kaming dalawa sa labas.


"Anong gagawin ni Tamara sa kanya?"


"I don't know but think she will use her powers to help Bran."


"Ganun ba..." Bumuntong hininga ng malalim si Roscoe. "Sana magtagumpay siya...Bran already undergo brain surgery, akala namin ok na pero bumalik parin yun sakit nya at ngayon ayaw na niya mag-undergo ng kahit anong treatment dahil wala na daw pag-asa na nagagaling siya."


"Alam ko...nakita ko lahat ng pinagdaanan niyang hirap dahil sa sakit niya."


"Ngunit ang para sa kanya ang pinaka masakit na pinagdaanan niya ay nung saktan ka niya at iwan ng walang matinong paliwanag. That guy loves you so much."


Napapikit nalang ako sa sinabi ni Roscoe at sa aking pagpikit ay dumaloy ang luha sa aking mga mata.


"Pinatawad ko na siya sa lahat ng ginawa niya noon."


"Mas maganda sana kung maririnig niya ang mga salitang yan mula sayo." Sabi ni Roscoe habang inaabutan ako ng panyo.


Tinanggap koi to at pinunas sa mga luhang patuloy parin sa pag-agos.


Tumayo si Roscoe ng tumunog ang cellphone niya.


"Hello!" Bungad niya dito at nakinig sa kung sino man ang nasa kabilang linya. "Pwede bang mamaya na lang may emergency ako...ok fine." Pagkatapos ng tawag ay humarap siya sa akin.


"Stephie, pinapagreport ako ni General Hawk sa kanya. Maaari bang ikaw muna ang bahala kay Bran?"


"Sige ok lang ako na muna bahala dito."


"Salamat."


At sa pag-alis ni Roscoe ay naiwan akong mag-isa sa harapan ng pintuan ng emergency room. Naiwan sa matinding pag-iisip ng mga bagay bagay na nangyayari ngayon sa buhay ko.


Napayuko nalang ako at pinangako sa sarili ko ang isang bagay...


Kung ano man ang mangyayari sa akin ngayon susundin ko kung anong sinasabi ng puso at isip kong nagkakaisa.




Roscoe's POV


Dumiretso agad ako sa opisina ni General Hawk hindi ko alam kong tungkol saan ang pag-uusapan namin. Maaaring nabalitaan niya ang nangyari ngayon kay Branzen.


Malawak ang loob ng opisina ni General Hawk kaya pagdating mo sa pintuan papasok dito ay sasalubungin ka agad ng dalawang bantay at ii-scan ang buong katawan bago ka papasukin. Pagdating naman sa loob ay maglalakad ka pa bago mo marating ang kwarto kung nasaan siya nag-oopisina.


Bumukas ang sliding door nito pagkarating ko sa tapat. Naabutan ko ang General na busy sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang desk at agad akong hinarap ng makita akong papasok.


"Agent Falcon." Pagkilala niya sa akin.


Agad akong sumaludo ng nasa tapat na ako ng desk niya. Ibinalik niya ang aking pagsaludo at sinenyasan akong maupo.


"Ano pong pag-uusapan natin Sir."


Walang salita ay may inabot siya sa aking folder at agad kong binasa ang nakapaloob dito.


Agad kong sinarado ang folder at ibinalik sa naghihintay na General.


"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba pipirmahan yan?"


Tumayo ako at matapang na hinarap ang mapanuring titig ni General Hawk.


"Maganda ang inaalok ninyong posisyon sa akin bilang Delta Commander ngunit hindi ko po matatanggap ang promotion na iyan sir."


Napatayo narin si General Hawk mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.


"Agent Falcon, alam mo ba yang sinasabi mo? Tinatanggihan mo ang isang pagkakataon upang umangat ang katungkulan mo dito sa Skylark. Habang isa kang Special Agent ay hindi aangat ang ranggo mo."


"Alam ko po iyon at natutuwa po akong isa ako sa mga napipisil ninyong maging bagong Delta Commander ngunit hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko."


"Yan na ba ang huli mong pasya? Nakakapanghinayang ang kakayahan mo kung sa pagiging special agent ka lang mabuburo."


"Ngunit mas masaya po ako sa pagiging wing agent."


"Igagalang ko kung yan ang desisyon mo."


"Maraming salamat po sir."


"Makakaalis ka na."


Bago ako umalis ay naalala ko muli ang sitwasyong iniwan ko bago ako pumunta sa kanya.


"General, may ibabalita po ako sa inyo."


"Tungkol saan?"


"Sa anak nyo po si Branzen, inatake po siyang muli at malala ang lagay niya ngayon."


Hindi umimik ang General tahimik lang siya at mukhang may malalim na iniisip.


"Kung gusto ninyo siyang dalawin nasa E.R. po siya ngayon."


"Sige na." Yun lang at bumalik na siya sa kanyang mga ginagawa.


Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Sa tono ng pananalita niya mukhang malabo na talagang magkaroon siya ng pakialam sa anak niya.


Nagmamadali akong bumalik sa emergency room ng mapansin ko ang isang batang mukhang may minamanmanan.


"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"


Nag-stiff ang katawan ni Fia ng marinig ang boses ko at dahan dahan akong hinarap.


"Ssshhh..." Sabi niya at inilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. "Huwag po kayong maingay ninong baka marinig po kayo ni mimi." Malumanay niya pagkakasabi at may pa sway sway pa ng katawan.


"Ninong?" Nakangiti kong tanong sa kanya.


Tinanguan niya lang ang tanong ko at muli ay bumalik sa pagmamanman.


Sinilip ko narin kung sino ang pinagkakainteresan ng batang ito at tinatawag niyang 'mimi'. Agad na nahagip ng mata ko si Ice na abalang-abala sa isang tabi.


"Halika lapitan natin siya." HInawakan ko ang kamay ng bata at hinila siya palapit kay Ice ngunit nagpumiglas siya at ng makawala sa hawak ko ay tumakbo. Nagtago siya sa isang poste malapit lang sa kinatatayuan ko at ikinubli ang sarili.


Napangiti ako sa ginawa niya.


Those antics isa lang ang kilala kong katulad niyang kumilos. Nilingon ko si Ice na mukhang napansin na ako dahil nakatingin siya sa akin na nakakunot ang noo.


"Hi! Ice."


"Anong ginagawa mo dyan?" Lumapit ako sa kanya.


"May nakita kasi akong cute na bata." Natawa ako sa itsura ni Ice na parang may hindi ako magandang sinabi.


"Bakit ganyan itsura mo?"


"Kanina ko pa napapansin ang makulit na yun tsaka FYI ako lang cute dito."


Hahawakan ko sana siya upang sabihin na hindi na siya cute ngunit...


"Ninong! Halika na! Ililibre mo akong ice cream diba." Hinila ako ni Fia.


"Hoy! Bakit yang batang makulit lang na yan lang ililibre mo? Sasama ako!" Kumapit si Ice sa braso ko ngunit hinampas yun ni Fia.


"Doon ka nga Mimi, nang-aagaw ka ng ninong eh."


"Hoy! Batang makulit sampid ka lang dito." Ngunit imbis na makinig kay Ice ay nag-make face lang siya dito.


Hindi ko mapigilang humagalpak sa tawa dahil sa dalawang ito.


Napakaganda nga namang scenario na may kasama kang isang bata at isang isip batang nagtatalo.


"Sige na sige na! Tama na ililibre ko na kayong parehas."


"Yeheey!!" Sabay nilang sabi magkahawak ang mga kamay nila at tumatalon talon pa.


Doon ako biglang natigilan at pinagmasdan silang maigi.


"Para kayong mag-ina." Bigla kong naibulalas. Nahinto naman ang dalawa at nagtinginan.


Tumalikod naman si Ice at naglakad palayo.


"Hoy! Ice bakit?" Hindi ko na siya tinangkang sundan dahil hinigit na ni Fia ang kamay ko.


"Hayaan nyo na po si Mimi ninong, inggit lang yun kasi pinaka cute ako sa kanya."


Lumuhod ako at tinapat ang mukha ko sa kanya.


Every detail on her face reminds me of Ice especially her sweet but killer smile. This girl can cause a war someday.


"Yeah you're cuter."


"No! I'm the cutest! Kasasabi ko lang ng 'pinaka cute eh'." Ginulo ko ang buhok niya at muling tumayo.


"Oo ikaw ang cutest and I know your mother is really pretty. Halika na bibilhan na kitang ice cream kailangan ko pang bumalik sa emergency room para i-check ang kalagayan ni Branzen."


"Ano pong nangyari kay Tito Branzen?" Malungkot niyang tanong.


"Don't worry about him. I know he can make it."


"Yes he will! Fighting!"


Kahit papaano ay naiibsan ang takot na nararamdaman dahil sa batang ito. Nakukuha niya akong pangitiin sa simpleng gesture niya lang.


"Ang tagal nyo kanina pa ako nandito, nakaorder na nga ako eh." Salubong sa amin ni Ice.


Napailing nalang ako sa dami ng ice cream na inorder niya.


"Wow! Ang daming flavors..." Agad na nagtungo si Fia sa table susunod na sana si Ice ng pigilan ko siya.


"Ikaw na bahala kay FIa, be gentle to her. Kailangan ko ng bumalik."


"Ok, ako ng bahala sa makulit na batang yun."


Ngunit bago ako umalis ay muli akong lumingon sa gawi nila. Kahit anong gawin kong pagtatanggi sa isip ko ay lumalabas talaga ang mga ugaling magkaparehas sila. Na para talaga silang pinagbiyak na bunga at kung saka-sakaling magkakaroon ng anak si Ice si Fia ang kalalabasan nun.


"Kung may isang bagay silang pinagkakasunduan yun ay ang pagkain." Napangiti ako habang sinasambit ang mga katagang iyon.




Nicola's POV


"Video entry no. 3." Boses na nagmumula sa video.


"Hi! Ako nga po pala uli si Meredith and this time hindi ko muna agad pupuntahan si Ate." Pambungad ni Tita Meredith sa video. Nakasuot siya ng school uniform at kasalukuyang naglalakad sa isang pasilyo.


"Nandito ako ngayon sa corridor ng school namin at kung napapansin nyo. Wala masyadong tao dahil oras ng klase ngayon. Huwag nyo ng itanong kung bakit wala ako sa klase ko dahil... maganda ako period." Kumindat pa siya sa video pagkatapos sabihin iyon.


"Saan ba ako pupunta?" Tanong niya. "Well we are going to raid my sister's locker."


At maya maya ay tumambad sa video ang hilera ng mga lockers at tumapat siya sa isang locker room.


"This is my locker but I'm going to get some things first." May pinatungan siya ng video cam bago niya binuksan ang kanyang locker


Ang kanilang locker ay may lock na kailangan ibigay ang number combination sa pamamagitan ng pag-ikot sa bukasan nito.


Pagbukas niya sa kanyang locker ay naglaglagan ang maraming sulat mula sa loob.


"Oppss..kakalinis ko lang sayo meron na naman. Kung nacu-curios kayo kung ano ang mga naglaglagang iyon well those are love letters at kung nararamihan na kayo sa mga ito pwes may ipapakita ako sa inyo."


Naglakad lang siya ng ilang hakbang mula sa kanyang locker.


"This is my sister's locker at bubuksan natin ito gamit ito." May inilabas siyang stethoscope. "Hindi ko alam ang combi niya kaya aalamin ko nalang ito sa pamamagitan ng pakikiramdam dito."


Itinapat niya ang stethoscope sa gilid ng iniikot na bukasan at inilagay ang eartip nito sa kanyang tengga.


Habang iniikot ang bukasan ay pinapakinggan niya itong maigi at pagkalipas ng ilang ikot ay matagumpay niya itong nabuksan.


"Ito na 1...2...3!" Mas maraming sulat ang naglaglagan mula sa locker. "I need to clean this up. Mas marami ng 10x ang love letter niya kesa sa akin." Naglabas siya ng garbage bag.


Napailing naman ako.


Pati pala sa pangingialam at pagbubukas ng mga nakasaradong bagay ng walang pahintulot ay nakuha ni Vittoria sa kanyang ina.


"Ok I'm done." Kinuha niya ang video at muling naglakad patungo sa isang parke. Mula sa nilalakaran niya ay agad kung natanaw ang aking ina at katulad ng ibang mga video blog ni Tita Meredith ay busy na naman siya sa kanyang binabasa at pagtipa ng laptop.


"Hi! Ate Belle."


"Ano na namang kailangan mo?"


"Wala naman." Inayos niya sa isang lugar ang video cam bago kinuha at binagsak ang dalang garbage bag sa isang lamesa.


Napahinto siya sa ginagawa niya at masusing tinitingnan ang galaw ng kapatid. Nangunot ang noo niya sa mga naglaglagang laman ng garbage bag.


"Anong gagawin mo sa mga sulat na yan?"


"Ate ano ba ang ginagawa sa sulat? Diba binabasa."


"Ganyan ka dami?"


"Pipiliin ko lang ate yung magandang basahin."


"Kanino bang sulat yan?"


"Sayo."


"Ano?! Saan mo kinuha yan sa locker ko?"


"Oo." Sabay tawa niya ng malakas.


"Basura lang ang mga yan."


"Alam ko kaya nga nasa garbage bag ko nilagay."


"Kailan ka pa naging basurera."


"Maka-basurera naman ito...well anyways babasahin ko itong isa."


"Dearest Maribel...oh my geez ang ganda ng handwriting...You are the sunshine of my life please... can you please say you're mine..." Napahinto ng sa pagbabasa si Tita Meredith at tumawa ng malakas. "Ang lakas ng tama nito ate."


Sinabayan na rin niya sa pagtawa ang kapatid.


"That so..."


"Old." Dugtong uli ni Tita at nagtawanan na naman silang dalawa.


Muli ay narinig ko ang kanyang mga halakhak at ang kanyang mukhang maaliwalas habang tumatawa.


Hindi ko tuloy naiwasan magtanong kung bakit ang simpleng buhay niya ay ginawa niyang komplikado?


"Sunugin mo na nga lang yan Rena, kinikilabutan ako."


"Ok hahaha pero magbabasa pa ako ng ilan."


Sunod sunod ang pagbubukas ng sulat ni Tita at pagbabasa nito ng malakas. May mga sandaling napapahinto siya sa kanyang pagbabasa at nakikinig sa mga sulat mula sa mga lalaking humahanga sa kanya.


"Ate I have a question." Out of nowhere ay napatanong si Tita.


"What is it?"


"What can defy gravity?"


"Bakit napunta tayo sa gravity?"


"Basta."


"Ano?"


"Ikaw nga tinatanong ko binalik mo naman sakin." Nagkibit balikat lang siya.


"Love can defy gravity." Sagot ni Tita.


"Anong kinalaman ng love sa gravity?"


"Kasi nga pag-inlove ka para kang lumulutang..."


"Are you in love?" Umiling si Tita habang naniningkit naman ang mata niya. "Rena." Madiin niyang sambit sa pangalan nito.


Agad namang tumayo si Tita Meredith at niligpit ang mga sulat. Nagmamadali ito na at tila sinasadyang hindi lingunin ang kapatid na halatang galit na.


"Rena. Isa!"


"Bye! Ate, kita nalang tayo sa bahay!" Tumakbo siya kinalalagyan ng video cam.


Isa uling malakas na sigaw ang narinig ko mula sa kanya bago tuluyang natapos ang video.


Habang tumatagal ay lalo kong nakilala ang ugali ng aking ina.


Gusto ko sanang tapusin ang mga video tapes na ito ngunit may iba pa akong pinagkakaabalahan bukod dito.


Ang gusto ko lang talagang malaman kung ano yung bagay na nagtrigger sa kanya upang umalis sa marangyang buhay na meron siya noon. Sana ay maibigay sa akin ito ng mga natitira pang video tapes.


Lumabas ako upang sumagap ng sariwang hangin. Maganda ang sikat ng araw at dahil may dumating kaming panauhin ay wala kaming klase ngayon sa academy.


Naabutan ko si Andy na kinakausap ang ilang agent na namamahala sa mga bisita.


"Kamusta?" Tanong ko ng makaalis na ang mga kausap niya.


"Ok na." Nagsimula kaming maglakad.


"Kamusta si Branzen?" Nabalitaan ko lang kagabi ang nangyari kay Bran.


"Comatose, hindi sigurado si Tammie kung kailan siya magigising. Kahit si Tammie ngayon nanghihina kaya inurong muna nila ang operasyon ni Andrea."


"Nanghina siya sa ginawang pagpapagaling kay Branzen. Dapat patay na siya ngayon ngunit nagawan ng paraan ni Tammie na isalba siya."


"Malaki ang utang na loob namin sa kanya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ni Ros oras na mawala si Branzen. Hindi namin yun kakayanin."


Napadaan kami sa training area kung saan nakakita kami ng kumpulan ng ilang agents. Ito ang pinagkakaabalahan nila habang walang klase ang simulation room.


"Anong meron dito?" Napalingon ako sa babae sa gilid ko.


"Ako ba kausap mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya ng matalim.


Bigla siyang luminga-linga.


"Ikaw lang naman ang malapit sa tabi ko couz' meron pa bang ibang tao dito...unless may nakikita kang ibang tao dito sa tabi ko."


Ang aga-aga sinisimulan na naman ako nitong pinsan kong bwisit.


Nang hindi na ako nagsalita ay naglakad siya papunta sa pinagkakaguluhan ng mga agent. Nagtaka ako bigla dahil hindi man lang niya binati si Andy sa gilid ko na mukhang nagtataka rin.


Lumapit narin kami sa mga agent upang alamin ang nangyayari.


"Pwede ko bang subukan yan?"


Napatingin ako kay Vittoria.


"Pwede naman kung gusto mo." Sabi nung operator at pinaandar na niya ang simulation room. Mula sa led monitor sa gilid ay lumabas ang mga taong sumubok nito at kung ano ang naging rank nila.


"Sino ang nasa rank 1?" Tanong niya.


Muling pinindot ng operator ang isang button at lumabas ang mga agent na nasa top 10 ng simulation room.


"Not bad cousin." Humarap siya sa akin ng sinabi iyon. "Pero hihigitan ko pa yang score mo. I will beat it."


"Sige lang mangarap ka." Sabi ko sa kanya at tanging kindat ang ngisi lang ang sinagot niya pabalik.


Umalis muna siya upang magpalit ng tamang attire para roon at hindi ko makuhang umalis dahil gusto kong masaksihan kung ano ang mga gagawin niya.


Dumami pa ang mga tao sa labas ng simulation room maging sila Ice at Sabina ay nakiusyuso narin.


"Tita Cola, ano pong meron?" Napalingon ako sa tabi ko.


Isa sa apat na bata ang nasa tabi ko. Kung nandito si Fia malamang nandito din ang tatlo pa. Nandito rin si Naya.


"Fia, halika dito dali." Tawag sa kanya nung nakakatanda sa kanila. Nung sinundan ko siya ng tingin ay nagkasalubong kami ng titig ni Naya.


Tama nga ako ngunit punong-puno ng galit ang paraan ng pagtitig niya sa akin.


Pagkalipas ng ilang sandali ay ibinaling na niya sa iba ang kanyang tingin.


Nakaramdam ako ng panghihina sa paraan ng titig niya. Nalulungkot ako sa hindi malamang kadahilanan.


"Pasikat na naman yang si Maria Clara." Rinig kong sabi ni Sab sa di kalayuan. "Akala naman niya mahihigitan niya talaga tayo."


"Huwag mo nga siyang maliitin Sab. Alam mo ang kaya niyang gawin. You experienced it. I experienced it. We experienced it."


"Shut up ka nalang Ice!" Natatawa nalang si Ice sa isang tabi.


"Ang lakas talagang manghakot ng tao ang babaing yan nakakahalata na ako. Noong una nung hinostage niya si Yuri tapos nung laban nila ni Cola tapos ngayon ito naman."


"Naiinggit ka yata eh loner ka kasi masyado."


"Hindi ah!"


"Whatever Sab! Whatever..."


Muling bumalik si Vittoria na naka-full attire na.


"I'm ready. Handa na ba kayo?"


"Handa na!" Sigaw ng mga agents na naroroon.


"Fighting Tita Tora!!" Sigaw ni Fia at Naya.


"Fighting!" Ang magkapatid namang si VIggo at Elle.


Bumukas ang stimulation room at pumasok siya sa loob. I was set in war battle stimulation at ngayon nakkikita na namin siya sa monitor sa labas.


Nakikita namin ang mga galaw niya sa loob. Iba't ibang reaksyon ang makikita at maririnig sa mga nanunuod ngayon.


"Kaya niya kaya yan?" Biglang tanong ni Andy.


Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin ang paraan ng pagtitig niya kay Vittoria.


He is amaze.


"Nag-aalala ka sa kanya? Hindi na dapat nakita mo naman ang kaya niyang gawin diba?" HInawakan ko siya ng biglang pumasok sa akin ang isang pangitain.


Nasa isang lugar ako ay may naririnig akong tunog ng na nagmumula sa isang orasan. Habang papalapit ako dito ay mas lumalakas ito sa pandinig ko.


Tik..tok..tik..tok...


Hindi ito orasan.


"Anong nangyari Cola?"


Hindi ko na nasagot pa si Andy agad akong nagtungo sa operator.


"Itigil mo ang simulation ngayon din." Utos ko sa kanya.


"Hindi na maaari Ms. Barrientos nasa kalagitnaan na ng maze si Ms. Mcline." Napatingin ako sa monitor.


Tama ang operator nasa kalagitnaan na siya ng warzone at pataas ng pataas ang rank niya.


"Bakit mo ba pinapahinto?" Si Andy ng makalapit na siya sa akin.


"Delikado sa loob." Yun nalang ang nasabi.


"Mare-reach na niya ang score ni Nicola." Sabi ng isang agent.


"Paanong delikado?"


Bago ko pa masagot si Andy at tumilapon kami sa lakas ng impact ng pagsabog mula sa loob ng simulation room.




>>>>>>To be continued<<<<<<


Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
1.6M 63.1K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...