Reloaded 42

12.9K 486 115
                                    


Dark and Clear Paths



Third Person's POV


Naglalakad ang mga bata sa loob ng isang mall habang pinagmamasdan ang nauunang si Kyron sa kanilang harapan.


Palinga-linga ito sa paligid.


"Anong nangyayari dyan kay Kyron?" Tanong nila kay Ashie na nagkibit balikat lang.


"Ayun!" Sigaw ni Kyron at pumasok sa bahagi ng mall na maraming gadgets. Huminto naman sila sa labas nito.


"This place is so old fashion."


"Syempre naman Ashie bumalik kaya tayo sa nakaraan." She just flipped her hair sa sinabi ni Viggo.


"Teka nga muna...nasaan ba si Fia? Bakit hindi siya sumama sa atin?" Si Viggo naman ngayon ang palinga-linga. "Ang dami pa namang pagkain dito."


"Alam mo ang gulo mo Vi, pagnandyan si Fia naiinis ka dahil lagi kang kinukulit ngayong wala hinahanap mo naman." Sabi ni Naya.


"Yan ang tinatawag na pagsintang pururot."


"Tsk! Hindi kaya Ate!"


"Defense! Defense!" Nanahimik nalang si Viggo at hindi na muling nagsalita sa pang-aasar nila.


"I saw her earlier sneaking at the back of Tita Ice's car." Napangiti sila sa sinabi ni Ashie.


"Buti pa si Fia kahit medyo pasaway nakakagawa ng paraan para sa misyon niya...tayo kaya."


Sabay sabay silang natahimik sa sinabi ni Elle.


"Wala naman akong nakikitang problema sa magulang ko. They seem fine and in love." Sabi ni Prince Enoch na pingamamasdan lang sila kanina pa.


"Akala mo lang yun Enoch, kung titingnan mo ang sitwasyon ngayon unti-unti silang nawawalan ng oras para sa isa't isa. Hindi ba magkasing-edad lang tayo that means dapat sa taong ito mabuo ka kung ayaw mong mawala si Eurysse."


Pinagmasdan lang ng Prinsipe si Elle habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Ngunit dahil doon ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip.


"Ang tanging magiging problema ko lang ay hindi ako malapit sa kanila kaya hindi ko alam kung paano sisimulan ang misyon na ito."


"Tutulungan ka namin...alam ko naman na kahit sa Cendanna ka lumaki ay malapit ang loob mo kay Eurysse dahil lagi siyang gumagawa ng paraan para makausap ka niya. Sa palagay ko panahon narin ito para magkaroon ka ng pagkakataon na kilalanin si Tita Tammie at Tito Euan."

The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant