Reloaded 34

13.3K 490 52
                                    


Six in one



Nicola's POV


Sa pagmulat ko ay isang mausok na kapaligiran ang aking nabungaran. Agad akong napatayo mula sa pagkakadapa upang alamin ang sitwasyon.


Wala naman masyadong pinsalang natamo ang mga taong nandito sa labas ng simulation room ngunit pagtingin ko sa pintuan ng simulation room ay sirang sira ito at nagliliyab ang loob nito


"Ayos lang ba kayo?" Sigaw ni Andy sa mga agents.


"Ayos lang kami." Yun halos ang maririnig na sagot mula sa mga naroroon.


"Viggo!" Napalingon kami ng makarinig ng sigaw mula sa mga bata.


Agad na lumapit sa kanila si Andy at sumunod ako. Ayos naman ang kalagayan ng mga bata ngunit.


"Nagsta-sataitc ka na naman at sobrang lakas nito." Sabi ni Elle.


Tingnan naming maigi ang kaanyuan ng batang si Viggo at kapansin pansin nga dito ang pa-wala wala ng kanyang kabuuan sa aming paningin.


"Ate..." Bakas ang takot sa boses niya ng tumingin siya sa kanyang kapatid.


"Viggo..." Halata din ang takot kay Elle at sa itsura niya ay naguguluhan siya sa nangyayari sa kapatid.


"Hindi ako makahinga." Daing nito.


Isang malakas na static ang sumunod dito at naglaho na ng tuluyan ang buong katawan niya sa aming paningin.


"No!" Sinubukan hawakan siyang hawakan nila Elle at Naya ngunit hindi nila ito naabutan.


"Viggo!" Sigaw ni Elle na biglang napatigil ng siya naman ang nag-static.


"Ate Elle." Naiiyak na nasabi ni Fia ng makita ang nangyayari sa kanya.


Sunod sunod ang nangyayaring static sa kanya na ikinababahala niya ng sobra. Mababakas ito sa mukha niya.


"Nandito pa si Viggo nararamdaman ko pa siya." Sabi naman ni Naya.


Napalingon si Elle sa nawasak na pintuan ng simulation room na pinaliligiran na ngayon ng mga agents na nangangalaga sa security ng Skylark.


"Si Mommy ang dahilan kaya kami nagkakaganito ni Viggo. Ililigtas ko siya."


"Paano? Mapanganib sa loob ng silid na iyon." Sabi ni Naya

The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedWhere stories live. Discover now