Reloaded 18

18.1K 548 68
                                    



Maria Clara vs. ZelleCrow: Sabina



Tammie's POV


Lahat kami dito sa mission hall ay gulat na gulat sa pagsabog ng mga ilaw ng sumigaw si Nicola. Pinagmamasdan namin ngayon ang katapangang ipinapakita ni Andy laban sa isang Nicola na nasa zone.


Can he make Cola calm? Like what Gunther can do?


Napatingin ako sa may pintuan sa labasan ng makita kong nakatayo sa gilid nun si Dark. Napahawak ako kay Euan dahil nilulukuban na naman ako ng takot.


Lalo na nung natuklasan ko ang components na meron ang katawan niya.


Mapanganib components na iyon sa katawan ng tao. It prevents healing oras na magkasugat ka at pumasok ito sa katawan mo at ito pa ang pinaka pinagtataka ko dahil ang components na iyon ay mayroon din sa medical records ng pasyenteng ibinigay sa akin ni Nicola.


Ngunit mas malakas ang katawan ng pasyenteng tatawagin kong si Patient A, gumaling ang mga sugat nito ngunit nag-iwan ng permanent damage sa kanyang spinal column na dahilan kung bakit hindi ito makalakad. Samantalang si Dark natatawagin kong Patient B hinahanapan ko pa ng paraan upang mapagaling ang mga sugat nito sa likod.


Ngunit ang pinakamalaking concern na ibinahagi niya sa akin ay tungkol sa abnormal na tibok ng kanyang puso na lalong nagpapahirap sa kanyang huminga kahit na nasa sobrang lamig na siyang lugar.


Ilang experiments na rin ang nagawa ko para makontra ang components na iyon ngunit laging may kulang.


Hindi ko alam kung nagtagumpay ba si Andy ngunit parang oo dahil mas pinili ni Nicolang magwalk out patungo doon sa daanan malapit sa pwesto ni Dark.


Bigla akong natigilan mukhang alam ko na kung bakit...


"Ano pang ginagawa mo Ravendale! Habulin mo!" Agad namang tumalima si Andy.


Bakit iba ang pakiramdam ko dito? Bakit ganun nalang kung magreact si Nicola? At anong gustong mangyari ni Commander Bob na nakangising tagumpay.


Napansin ko rin ang pag-alis ni Dark sa mission hall pagkalipas ng ilang saglit


"Ok ituloy na natin ang kwento. It's very essential for everyone." Bumalik ang atensyon naming lahat kay Commander. "Ngunit ang pagkamatay ng babae ay sinadya lahat. Kahit humantong lahat sa trahedya ay dahil sa gusto ng mag-asawa na ayusin ang mga maling nangyari sa kanilang pangarap. Sinakripisyo nilang lahat ng meron sila, kaibigan, pamilya, ang kanilang anak at ang pagmamahalan nila."


Napatingin ako ng nagtaas ng kamay si Stephie.


The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedWhere stories live. Discover now