The Clash 2: Stay Or Let Go?

Por IfIWasYourGirl

140K 3.8K 204

We thought it's already a happy ending. Akala ng lahat wala ng problema eh. Na ending na ng masalimuot na lov... Mais

P.A.N.I.M.U.L.A
I.S.A.
D.A.L.A.W.A.
T.A.T.L.O.
A.P.A.T.
L.I.M.A.
A.N.I.M.
P.I.T.O.
W.A.L.O.
S.I.Y.A.M.
S.A.M.P.U.
Labing-isa
Labing-Dalawa
Labing Tatlo
Labing Apat
Labing Lima
Labing Anim
Labing Pito
Labing Walo
Labing Siyam
Dalawampu
Dalawampu't isa
Author's Note
Dalawampu't Dalawa
Dalawampu't Tatlo
Dalawampu't Apat
Dalawampu't Lima
Dalawampu't Anim
Dalawampu't Pito
Dalawampu't Walo
Dalawampu't Siyam
Tatlumpu
Tatlumpu't isa
Tatlumpu't tatlo
Tatlumpu't Apat
Tatlumpu't Lima
Tatlumpu't Anim
Tatlumpu't Pito
Tatlumpu't Walo
Tatlumpu't Siyam
Apatnapu
Apatnapu't Isa
Apatnapu't Dalawa
Apanapu't Tatlo
Apatnapu't Apat
Apatnapu't Lima
Apatnapu't Anim
Apatnapu't Pito
Apatnapu't Walo
Apatnapu't Siyam
Limampu
Limampu't Isa
Announcement!
Limampu't Dalawa
Limampu't Tatlo
Limampu't Apat
Announcement!
Limampu't Lima
Epilogue
Announcement
Announcement!
ANNOUNCEMENT

Tatlumpu't Dalawa

1.7K 50 4
Por IfIWasYourGirl

Pasensya na. Napaublish ko pala ang chapter na to nang hindi kumpleto. Kaya ito na at ipapublish ko ulit. This time kumpleto na.


****



[Dexter's POV]




Napahawak ako sa dibdib ko atsaka naghabol ng hininga.





"Anak, okay ka lang ba?" dinig kong tanong ni Daddy sakin




"D...dad." yan ang huling nasabi ko bago ako mawalan ng malay




Nagising nalang ako na ang bumungad sakin ay ang puting kisame at may nakatusok na sa aking kamay.




Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Dad na nakaupo dun.




"Dad." pagtawag ko sakanya




Napatayo naman siya atsaka lumapit sakin.




"Okay ka na ba? What happened? Pinaundergo kita sa mga test. Natakot na kasi ako, lagi nalang nangyayari sayo yan."




"Dad, tinawagan mo ba si Fiona?" tanong ko sakanya




"Hindi anak. Gusto mo bang tawagan ko?" tanong niya




"Wag dad. Wag mo siya tawagan. Ayokong mag-alala siya. At kung ano man ang lumabas na resulta sa mga tests, sabihin mo po saakin iyon. Pero itago natin kay Fiona ang totoo."




"Pero anak."




"Alam kong may sakit ako, dad. Nauna na akong nagpacheck up sa sarili ko and alam kong may sakit ako sa puso. I need a transplant, dad. Humihina na ang puso ko. Pero, wag mo sasabihin ito kay Fiona dahil magpapatransplant ako at gagaling din ako. Ayokong mag-alala siya."




Oo, alam ko na bago pa ako mahimatay ng mga panahon na yun. Alam ko na na meron akong sakit sa puso.




Ang sabi ng doctor ay mahina na raw ang puso ko and I need a transplant. Pero, wala pang donor. Kaya di pa rin ako naiseschedule para sa operation.




Sa ngayon, ako palang at si Dad ang nakakaalam ng sakit ko. At wala na akong balak na malaman pa to ni Fiona. Alam kong iiyak siya at ibibigay niya ang oras niya sakin para alagaan at protektahan ako at ayaw ko mangyari yun. Ayaw ko talaga.




Ako ang dapat na mag-alaga at magprotekta sakanya. Hindi siya.




Noong panahon na sinundo ko siya at sumikip bigla ang dibdib ko. Nakita ko kung pano siya natakot at nag-alala kaya kahit nahihirapan ako nun ay pinilit kong tumawa at sabihing joke lang iyon.




One month na rin ang lumipas simula ng nalaman ko. At hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang puso at isio ko kung sasabihin ko pa ba kay Fiona o hindi na.




Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.




"Pre, ano to?" itinaas ni Jace ang hawak niyang papel.




Nagulat naman ako ng makita ang papel na hawak niya. Yun ang resulta ng test na ginawa sakin. Inilagay din dun ang sakit ko.




"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sakanya




"Nasa sala niyo. Aksidente lang namin na nakita nila Keith dahil natabig ni Clyde kaya pinulot namin at ito nga ang nabasa namin. Kaya ano to?" tanong ni Jace sakin ulit




"Wag kayong maingay kay Fiona."




"Kailan pa? Bakit di mo sinasabi? Kailangan bang malaman namin sa ganitong pagkakataon?" tanong ni Clyde




"Ayaw ko sabihin dahil alam kong magiging ganyan ang reaksyon niyo! At ayaw ko kayong mag-alala sakin. Lalo na si Fiona."




"Ano nang balak mo? Di mo naman maitatago yan ng matagal sa girlfriend mo."




"Iintayin ko lang na makakuha ako ng heart donor tapos magpapatransplant na ako. Pag malapit na ang operation ko dun ko na sasabihin kay Fiona para di na siya masyadong mag-alala dahil may donor na ako."




"Pero mas maganda kung sabihin mo na rin sakanya ngayon. Kasi may karapatan siyang malaman yun." sabi naman ni Clyde




"Hindi kasi madaling sabihin eh. Kaya iisipin ko muna." sabi ko naman




"Sige, di namin sasabihin sa mga girls pero Dex kailangan mong magdecide agad, okay? Di pwedeng isikreto mo to ng matagal, lalo na kay Fiona." sabi naman ni Keith sakin




Tumango naman ako




"Sasabihin ko, te-tyempo lang ako."




****




Kasama ko si Fiona ngayon at hawak hawak ko ang kamay niya. Iniintay namin ang buong barkada dito sa isang fastfood chain, dahil may usapan kaming kumain sa labas lahat.




"I love you." sabi ko bigla sakanya




Napatingin naman siya atsaka ngumiti.




"I love you too." sagot niya




Magsasalita na sana ako ulit kaya lang napatigil ako ng maramdaman kong sumisikip ang dibdib ko. Ugghhh. Ayoko na ng sakit na ito.




Buti nalang at busy si Fiona sa pagbabasa kaya di niya naramdaman na masama ang pakiramdam ko.




Nagsidatingan na rin naman yung iba naming barkada. Napatingin naman sila Jace sakin. Halatang nahalata nila na sumama ang pakiramdam ko. Mukang nag-aalala sila pero di nila pwedeng ipahalata.




"Uy, anong nangyayari sayo?" napalingon naman ako kay Trish na nagtatanong sakin dahil nakita niya akong naghahabol ng hininga at nakahawak sa dibdib niya.




"Wala. Bakit? Anong meron?" pagkukunwari ko




"Anong wala, eh bat parang nahihirapan ka huminga?" nagtatakang tanong niya. This time pati si Fiona ay napatingin na rin.




"Daming tanong ng girlfriend mo, Clyde." pag-iiba ni Keith sa usapan




"Bahala nga kayo riyan. Nababaliw na iyan si Dex." sabi naman ni Trish atsaka tumabi dun kay Leigh




"May masakit ba sayo?" bulong ni Fiona sakin




Oo, ang hirap at ang sakit sakit na ng puso ko. Literal.




Pero di ko yun pwedeng sabihin dahil alam kong mag-aalala siya. Alam ko at nakikita ko na sa isip ko ang magiging itsura niya.




"Wala. Nakita lang kasi ako ni Trish na nakahawak sa dibdib ko. Kala tuloy niya nahihirapan ako huminga. Di niya alam na kinakamot ko lang naman." lame excuse na kung lame pero maniniwala si Fiona at mukang convincing naman ang pagkakasabi ko.




"Ah ganun ba? Kung may masakit sayo, sabihin mo lang ah." nakangiting sambit niya




"Oo, sasabihin ko sayo pag may masakit sakin. Pero sa ngayon, umorder muna tayo dahil okay ako." sabi ko naman




"Okay."




"Ikaw na ang umorder sakin, mag CR lang ako." nakangiti ko namang sabi sakanya




Dinala ko ang bottled water ko pati na rin ang gamot ko sa loob ng CR.




Naghabol ako ng hininga.




Medyo nagtagal ako sa CR dahil pinakalma ko muna ang sarili ko.




Kasalukuyan akong nakayuko sa may sink ng biglang may pumasok.




"Uy Dex! Okay ka lang ba?" tanong ni Jace sakin.




"Oo, pinapakalma ko lang ang sarili ko."




"Sinundan na kita kasi akala ko may nangyari nang di maganda sayo." sabi niya naman




"Walang nangyari sakin. Uminom lang ako ng gamot, wag ka mag-alala." sagot ko naman sakanya




"Sige, tara na. Lumabas na tayo. Baka magtaka pa si Fiona at siya na mismo ang pumasok sa men's room." sabi naman ni Jace




Itinago ko naman ang gamot ko sa bulsa ko. Atsaka inayos ang sarili ko at lumabas ng CR.




Hindi ko muna sasabihin sayo Fiona, sorry. Ayokong mag-alala ka sakin. Magpapagaling ako at sisiguraduhin kong magpapakasal tayo.




------

Continuar a ler

Também vai Gostar

93.8K 2.4K 53
Magulo ba buhay mo? Ako oo kasama sila andami kong experience dahil sakanila Ngayong transferee ako mahirap na. Because I don't know who are they an...
267K 7.6K 65
We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that c...
94.3K 2.4K 55
Everything has its own limit. 'Cause in this world that full of sh*ts, change is the only permanent. But, what about our feelings? Did it change also...
83.8K 2.1K 43
Sabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya...