Ang Babae sa Kabilang Classro...

By juanmandaraya

19.5K 325 65

Heto na ang prequel ni Juan ng "Ang Babae sa Kabilang Pinto" Tunghayan ulit ang love story ni Juan na hindi m... More

Ang Babae sa Kabilang Classroom
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter

Chapter 1

824 7 0
By juanmandaraya

"Si Lyla ba may syota na?"

"Lyla? Sinong Lyla?" tanong niya pero hindi ako nililingon. Bising-bisi sa pangongopya ng lecture. P.E .subject pero ewan kung bakit pati yung lecture e kelangang pisikalan ang pagkopya.

"Walang'ya si Lyla 'di mo kilala? Yung maliit na maputi tapos medyo kulot yung buhok? Sa room 103?"

Kumunot ang noo, "Sino yun?"

"Putang...yung tinuro mo sa'ken na crush mo? Sabi mo sa'ken na simple lang pero malakas ang dating? Yung pinopormahan ni varsity?" medyo napalakas na ang boses ko sa inis. Napatingin naman si Sir Moran pero hindi naman ako sinita. Mabuti na lang.

"Yung IT ang course?"

"Yun nga!"

"Ah...haha...Lyla pala pangalan nun," medyo natawa at napatigil sa pagsusulat. "Parang wala pa...kaso laging nakadikit si varsity. Hinahatid hanggang terminal," nagpatuloy sa pagsusulat, "Ba't mo natanong? Tsaka pano mo naman nalaman na Lyla nga pangalan nun?"

Bahagya kong inilapit ang ulo ko sa kanya saka ako bumulong "Tinanong ko kay chief nung isang araw. Akala ata didiskartehan ko ang puta."

"Oh? E ba't biglang naging interesado ka sa kanya?"

"Wala naman..."

"Huuu...mukha mo! Wala daw..." Napalakas din ang boses kaya napatingin ulit si Sir. Deadma ulit.

"Tangina pala nito tinatanong ko lang e..."

Bagong lipat na estudyante si Lyla sa campus ngayong second sem. Bali-balita e galing pa siya ng maynila. Ewan kung yung mga kamag-anak niya e taga dito sa 'Gapo kaya dito na lumipat. Hindi naman ganun katindi ang kagandahan niya, pero maraming lalake ang umaaligid sa kanya. Hindi crush ng bayan. Hindi pantasya ng bayan. Hindi rin naman pam-model sa height na 5'4. Hindi rin nabiyayaan ng pam-model ng shampoo ang buhok. Simple lang, na halos wala din naman maipagyayabang na asset sa parte ng katawan, maliban sa aura niya na ewan kung bakit ang lakas-lakas ng dating sa'ken. Siya yung tipo ng babae na kahit hindi pa ata naghilamos at nagtu-toothbrush, talagang may natural na ganda.

Ang balita ko e marami na rin ang sumuko sa panliligaw sa kanya. Ayon na rin sa mga nakalap na impormasyon (o tsismis), prangka kung mam-basted si Lyla. Pag ayaw, ayaw. Mas madalas na tumatanggi sa mga alok na date, o kahit sabayan na kumain sa kung saan man siya kakain pag breaktime. Kesyo gwapo ka o may sarili kang kotse, o kahit na nagniningning ka sa mga alahas, wala siyang pakelam. Hindi rin basta-basta pinamimigay ang cell number. Hindi naman siya mukhang suplada o mataray. Hmm...medyo loner, siguro. Kaya lalo akong na-curious sa kanya.

Sabagay nung una hindi ko siya pansin. May iba kasi akong gusto---si Karen. Kabaligtaran ni Lyla, crush at pantasya ng bayan si Karen. Ikaw ba naman biyayaan ng nakaka-manyak na katawan, samahan mo pa ng maputing kutis at mala-artista ang mukha, ewan ko na lang kun'di ka magkasala ng wala sa oras. Medyo hawig niya yung bida sa isang koreanovela, di ko lang matandaan yung title. Ayun, ang daming mata at dila ang nakapako sa kanya everytime na rarampa siya sa campus. Yung mga manyak, parang scanner ang titig sa katawan mula ulo hanggang paa, at pabalik. Yung mga alagad ng beki, as usual deadma. Sa tindi ng aura, walang hindi nakakilala sa kanya sa campus. Bali-balita pa nga na lihim ding pinopormahan ni Sir Cinco (teacher namin sa communication skills 1, na mahilig din magbigay ng singkong grado) na muntik-muntik na ring masipa kun'di lang nagmakaawa.

Freshmen pa lang ako e aminado na kong isa ako sa mga napapa-punyeta kay Karen everytime na nakikita ko siya. Kaso hanggang lingon, sulyap, titig at tingin lang ang nagagawa ko. Wala sa target ko ang pantasya ng bayan. Takaw-away kasi. At isa pa, mahirap makikompetensya sa katulad kong estudyante lalo pa na hindi naman ako popular o varsity. Hindi rin ako sikat sa kahit anong larangan. Member lang ako ng glee club bilang gitarista. Ano naman ang laban ko sa mga boy next door at mga anak ng senador kung umasta? Isa lang naman akong common na estudyante na walang ibang pangarap sa buhay kun'di gumradweyt kahit consistent na tres ang grado sa card. Basta pumasa, tapos.

Kaso, ang bali-balita rin e kung ano ang ikinaganda ni Karen, siya namang hina ng ulo. Beauty without brain. Madalas na ginagamit niya lang ang alindog niya sa mga propesor kaya himalang pumapasa. Ewan na lang sa mga madam.

Teka, wala namang masama kung puro line of three ang grades ko, di ba? Isa pa, hindi naman talaga ako grade conscious. Mula elementary hanggang ngayong college e aminado naman akong tamad mangopya at mag-review. Hindi ko pinangarap na mapasama sa kahit anong top para lang makita ang pangalan ko na nakaskil sa pader at buong taong sulyapan na baka sakaling sa mga susunod na buwan e umangat ang pwesto magmula sa top ten. Masipag lang ako pumasok, at pinaka-ayaw ko ang umabsent. Pati na ang ma-late. Kaya natatawa ako minsan sa mga classmate ko na iniiyakan ang grado tuwing makakatanggap ng report card. Ewan, siguro sa tulad kong walang pake, ayos lang. No big deal.

Ang kaso, pati grado e nagiging ugat na din ng discrimination. Mataas ang grado is equals to matalino. Pag mababa ang grado, bobo na agad? So, kung sakaling sa isang klase e naka-perfect lahat ng exam at nag-i-isa akong nakakuha ng 85%, bobo na ko agad? Paano kung kalahati ng mga nakakuha ng perfect exam e nangopya lang kaya naka-perfect? Tapos ako na sariling utak at maya't mayang dasal lang ang sandalan e pumasa? Sige nga, ipaliwanag nga nila yun?

Kung meron mang bagay na hinding-hindi ko gagawin sa pag-a-aral, yun e mangopya. Sabihan mo ng tamad ako mangopya (ng lecture) o late magpasa ng kung ano-anong projects, tangina---hinding-hindi ako mangongopya! Maluwag sa konsensya ko ang gradong pasang-awa kesa sa gradong pasang-kopya.

Marami akong kaklase noong high school na academic wise at grade conscious, pero pag kinausap mo naman ng seryosohan at tungkol sa buhay-buhay, iisipin mong hindi talaga sila nagre-review, sa totoong buhay.

May pumasok na babae, si Alesi. Secretary ng glee club. Matapos kami ngitian at kumaway, dali-dali syang lumapit kay Sir na busy sa cellphone. Hindi ko maintindihan yung sinasabi, mahina kasi yung boses. Ilang segundo lang ata ang tinagal, lumabas na ulit sya matapos magpaalam.

"Okey guys, listen...", tumayo na si Sir Moran. "Glee club is looking for a new members since gumradweyt na yung iba. They're forming a band for this upcoming acquaintance party...so kung interesado kayo, may pa-audition sila mamayang alas-kwatro, dito rin sa room na 'to."

Medyo umingay sa loob ng classroom. May nagtanong galing sa harap. "Sir, ano ba hanap nilang member?"

"Hindi ako sure. Pero maglalagay daw sila ng poster mamaya for details," akma namang buburahin ang nakasulat sa whiteboard, "Tapos na ba kayo?"

"Yes sir!"

"Sigurado kayo? May quiz tayo bukas..."

Umalingawngaw ang reklamo at dismaya ng marami. Hindi na nag-react si Sir. Pinagpatuloy na lang ang pagbubura. Dali-dali na rin lumabas matapos magpaalam. Alas-tres. Break time. Nagtayuan na rin ang buong klase.

"Kasali ka pa rin ba sa glee?" tanong ni Bryan. Sabay kami naglakad palabas ng classroom.          

"Oo...bakit?"

"Ano na kulang niyo?"

"Lahat pwera na lang gitarista. Kelangan pa ng isa para mag-rhythm."

"Ayos! Naubos pala kayo..."

"Wala e...gradweyt na yung mga senior. Kaya halos lahat wala na din."

"Puta e di ikaw na ang senior nyan?"

Ngumiti lang ako. E ano naman?

"Vocals, bass, drummer, guitarist...yun ang mag-o-audition mamaya?"

Tumango lang ako. Saktong nakasalubong namin si Lyla. Sabay kaming napatingin sa kanya. Gaya ng dati, naglalakad habang nakatingin sa sahig. Mabuti at hindi nadadapa o nababangga. Gaya ng dati, loner pa rin.

Tinapik-tapik ako ni Bryan saka bumulong, "Pano kung mag-audition si Lyla?"

Ngumiti ako, "Tangina pare...malabo yun..."

"E pano nga?"

Umupo muna kami sa bench sa hallway saka ako sumagot, "Malabo talaga dahil mukha siyang mahiyain. Tsaka wala sa hitsura niya maging drummer, bahista o gitarista. Kung vocals naman, puta, lalong malabo..."

"Malay mo naman. Malay mo kung may hidden talent pala siya. O kaya emo-emo din."

Dumating na yung presidente ng glee club, si King. King Arthur Pellero. Pangalan pa lang, alam mo ng hahawak siya ng maraming tao. Hindi nga lang sa digmaan. Ewan kung bakit siya pa ang nanalong presidente. Backup vocals lang naman ang linya niya.

Matapos isukbit ang id, mabilis siyang lumapit sa'ken saka tumango, "Ano p're, may dala kang gitara?"

"Andun na. Bakit alas-kwatro pa audition?"

"Mas maraming nagbe-break ng ganung oras," lumingon-lingon muna na parang may hinahanap, "Nakita mo ba si Alesi?"

"Kanina, pumasok sa classroom. Kinausap si Sir Moran tungkol nga sa audition. Bakit ba?"

"Kelangan na ma-setup yung mga gamit. Isang oras lang yung permit ko dun sa kwarto. May klase ka pa ba?"

"Break ko. Sunod na lang ako dun, kakain lang ako."

"Sige. Tangina bilisan mo kumain at di ko alam i-setup gitara mo." saka siya dali-daling umalis.

"Tara kain na tayo." Yaya ni Bryan, "Asan id mo?"

Kinapa-kapa ko ang sarili. Wala nga ang id! Kinapa-kapa ang lahat ng bulsa. "Puta baka nalaglag sa kwarto!" at mabilis akong lumakad pabalik. Medyo napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Lyla na nakatingin sa poster na idinikit ni Alesi tungkol sa audition.

Sasali siya?

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
95.1K 8.1K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
20.7M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...