"ANO??!!!!!!"
Hindi na ako nagulat sa magiging reaksyon nila.. Expected ko na yan haha!
"SERYOSO?!" marianne.
"DI NGA?!" Faye.
"ARE YOU KIDDING?!" Ella
"NO, SHE'S ADULTING!" pagsagot naman ni Marianne sa sinabi ni Ella.
"ISA PA KOKOTONGAN NA KITA!" Bawi naman ni Ella na nakaready na ang kamay nya.
"OKAY BACK TO THE TOPIC!" Faye.
"PERO SERYOSO TALAGA ATE ANJ???" Marianne.
"ah-huh!" Pagsagot ni ate.
Napatingin naman sila ng sabay sabay sakin na nagtataka. Ako naman walang reaksyon.
"RAE?!!! PAANO?!" Ella.
"HOW?" Marianne.
"ANO?!!! BAKIT?!! PANO? KELAN?" Faye.
"Basahin nyo muna ung convo nila." Sabi ni ate sa kanila.
At ibinigay ko naman ang phone ka sa kanila kinuha naman agad ni Ella yun at nagsiksikan ung tatlo para basahin lahat ng conversation namin ni Jimin.
Almost mag wa-1 hr na ay natapos na rin agad sila sa pagbabasa ..
Sinauli sakin ni Ella ang phone ko ng nakatulala pa rin sakin at parang takang taka.. parang nababasa ko na ung nasa utak nya..
"Pero, malay mo, hindi talaga sya yan?! Girl?! Sa text lang yan naniwala ka agad?!" Faye.
"Tsaka paano mo nalaman na sya yan? Wala naman kaming mabasa na ebidensya jan na sya talaga yan?!" Ella.
"Unga!" Marianne.
"Lagi nya kong tinatawagan!" ngayon, ako naman ang sumagot at hindi na si ate.
"Malay mo kaboses lang?!" Marianne.
"Inadd nya ko sa fb!" Dagdag ko.
"Malay mo naman ginawa nya lang yun?! Naniwala ka agad? Tsaka tingin mo may fb account ang Bangtan?!" Ella.
"Mayghhaaad Rae!! Ano na nangyayari sayo?" Faye.
"Alam mo, hindi naman sa kinokontra ka namin Rae, pero bilang kaibigan mo, sinasabi lang naman namin sayo at pinapaalalahanan ka lang na wag ka masyadong magpapaniwala jan at wala pa namang matibay na ebidensya syang napapakita! Baka mamaya loko loko pala yan! At may pinaplano na say---" Ella.
"NAG VIDEO CALL KAMI!" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Ella, ayaw kasi ako patapusin sa mga sinasabi ko.
At ayun.. pagkatapos ko maisigaw sa kanila na nagvideo call kami, nakita ko kaagad na natigilan sila sa sinabi ko.
Ella, Marianne & Faye's POV
Wait what?!!
1
.
.
2
.
.
3
.
.
Loading......
.
.
.
Buffering...
"WHAT?!!!"
RAE's POV
It took 10 or more minutes siguro bago maproseso sa utak nila ang sinabi ko.
Ngayon ano? Nganga sila? Ayaw muna kasi nila ako patapusin sa sinasabi ko eh.
Yan tuloy...
"WHAT?!!" sabay sabay na sabi nila.
Ayan nanaman😑
"Oh? Ano? Nagulat kayo? Ayaw nyo kasi muna ako patapusin sa sinasabi ko kanina eh."
"SERYOSO?!!" Marianne.
"SA FB?!!" Ella.
"PAANO?!" Faye.
"PATINGIN NGA! PANOOD! --aray!" Mapa aray si Marianne kasi binatukan sya ni Ella sa ulo.
"Tungaw! Narerecord ba yun?!" Ella.
"Sorry naman!! Malay ko ba!" Marianne.
"Anong naramdaman mo nung nakita mong sya nga yun??" Tanong sakin ni Ella.
"Nagtatanong pa kayo? Alam nyo na yun! Fangirl feels!" Sagot ko.
"Kyaaaah!" Marianne.
"Seryoso Rae? Di ka naman nagbibiro? Wala ka namang nakain na kahit ano?" Faye.
"Mayghad?! Faye? Hanggang ngayon ayaw mo paren maniwala saken?? Kung hindi totoo lahat ng pinagsasabe ko edi sana hindi ko na kayo pinapunta dito para lang magsayang ng oras na pilitin kayong mapaniwala na si Jimin ung katext ko?!" Sagot ko sa kanya. Napatingin naman ung dalawa kay Faye na walang reaksyon.
"Ehh, Rae, pano pala ung mga nasasabi mo sa kanyang hindi magagandang salita nung magkatext pa kayo? Hindi mo ba naisip? Nakakahiya! Hahaha!" Marianne.
Sa totoo lang, ayun ang unang pumasok sa utak ko nung pinakita nya na sakin ung mukha nya nung nag vi-video call kami.
Sising sisi ako sa mga binitawan kong hindi magagandang salita sa kanya nun! Hiyang hiya ako sa sarili ko.
"Mayghaad di parin ako makapaniwala hanggang ngayon Rae! Promise! Ikaw na siguro ang pinaka swerteng fangirl sa buong mundo! Halos karamihan sa mga Fangirl na nagpapantasya sa mga bias nila ay ganyan na ganyan ang gustong mangyari sa kanila pero imagine!! Sayo nangyari yun! Napaka swerte mo!" Ella.
"Hindi mo man lang ba hinanap kay Jimin ung Vvlabs mo?" Faye.
"Ayun na nga, pinipilit ko sya eh kaso ayaw nya ipakita sakin kahit isa lang sa mga kagrupo nya lalo na si V! Tapos tinanong pa nya sakin kung hindi pa daw ba sya sapat tapos may babe pa! Takte!" Paliwanag ko.
"Psh," bigla naman kaming napatingin kay ate na katabi ko na nakadekwatro ung upo na naka pa ekis ang mga kamay sa dibdib nya sabay umirap sakin ng pabiro. Pero totoo na yan sigurado ako. Haha!
"Easy ka lang hahaha!" Sabi ko kay ate. At hindi nalang sya umimik sakin.
"Maaygaash Rae buti hindi ka nagwala?!" Ella.
"Naisip ko na agad yun. Kapag nagwala ako sa harapan nya, baka maturn off sya sakin, kaya ang ginawa ko, nagsusungit ako sa kanya kunyari! Hahah!"
"Ayy o taray!" Marianne.
Nagulat ako nang biglang umilaw at mag vibrate ang phone ko sa tabi ko may nagtext.. Bigla naman akong kinabahan ng todo dito.
Pagkakuha ko ng phone ko ay agad kong binasa kung kanino galing ang text na iyon. Pagkakita ko ... "S-SI JIMIN!" agad naman silang lumapit sa akin para basahin din kung ano ang tinext nya sa akin.
*1 message received*
From: Real Jimin
"Hey babe! Busy ka?"
"Mayghhaaassh! Rae! Kinacareer nya talaga ung pagtawag ng babe sayo! Baka mamaya magpalit ka na ng bias ah.!" Marianne.
"NEVER!" sagot ko.
Nireplyan ko na sya..
To: Real Jimin
"Ahm, hindi naman why?"
Sent.
"Guys, baka magyaya sya magvideo call." Sabi ko lang sa kanila.
Eto na oras na para mas malaman na nila na si Jimin talaga to!
Bigla namang nagbakas sa mga mukha nila ang pagka-excite.
*1 message received*
From: Real Jimin
"Go, open your fb acc. Video call tayo hihi!"
Nanlaki nanaman agad ang mga mata namin ... ETO NA!!
To: Real Jimin
"Okay wait."
Sent.
Agad naman akong tumakbo sa may salaminan at nagayos na ulit ng mukha pero hawak ko parin ang cp ko baka mamaya bigla pakealaman ng mga babae tong phone ko at magtext ng kung anu ano kay Jimin Oppa eh!
"Dalian mo inday! Paganda paganda ka pa jan jusmiyo!" Ella.
"Anu kaba! Nakakahiya kaya kapag nakita ni Jimin ung mukha nya na hindi maayos! Si JIMIN yun bes!" Marianne.
"Ayan na po tapos na po!" Sabi ko sabay takbo na papunta sa kanila at umupo.
Agad akong nag online at tinignan na ang messenger ko.
Wala pang ilang minuto may lumabas na agad sa screen..
SHEMAY feeling ko diparin ako ready!
[Park Jimin is calling you.]
Decline or Accept
Hooooh! Hingang malalim, buga! Hingang malalim, buga! Hahah!
Eto na walang atrasan! Tumingin muna ako sa mga katabi ko na excited na excited na.
" eh kung lumayo muna kaya kayo no? Baka mamaya mahalata nya na pinagkalat ko ung tungkol samin eh maturn off sya sakin sige kayo rin." Nagbigay naman agad sila ng distansya sakin.
And then i clicked the Accept button.. Ayan na!
Nakita ko naman agad ang mukha nyang mala anghel nanaman.. Nakita ko nanamam syang ngumiti ng napakatamis..
"Hi babe!" Sabi nya sakin sabay wink.
Napatingin naman agad ako sa mga kasama ko dito at nakita ko ang mga bibig nila na nagsign ng OW-MAY-GHAD..