The Immortal's Secret

By my_love_letter

473K 18.3K 753

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue

Thirty Two

7.5K 349 15
By my_love_letter

Nakarating kami sa kwarto ko at pinaupo niya lang ako sa kama habang siya nakatayo na tila kinakabahan sa mga sasabihin niya sa'kin.

"Pwede mo na bang simulan?" Tanong ko.

"Bago yun, may mga ipapakita muna ako sa'yo." Ano naman yun?

Bigla na naman niyang ginamit yung magic niya at biglang nawala sa harap ko tapos bigla ding nag pakita. Ngayon, may bitbit na siyang... toothbrush.

"Para manilawa ka, ipapakita ko muna sa'yo." She said.

Tinangal niya yung brush dun sa toothbrush sa pamamagitan ng pag bali dito gamit lang ang kamay niya. Naglakad siya nang mas malapit pa sa'kin.

She slowly bends down and kisses my forehead. "I love you, Sweetheart." Pagkasabi niya nun bigla niya kong sinaksak nung putol na toothbrush. Hinugot din naman agad niya 'to at umatras nang dalawang hakbang.

Napahawak ako sa parteng sinaksak niya. "B'bakit mo ginawa yun? Papatayin mo ba 'ko?" Gulat kong tanong. Urgh! Ang sakit nun!

"Hindi ko magagawang patayin ang anak ko."

"Ano?!" Pagtataka ko.

"Sweetheart, hindi pa tuluyang patay ang mga magulang mo. Ako ang Mama mo at si Albert ang Papa mo. Kung nagtataka kung bakit kasing tanda mo lang kaming tignan yun ay dahil lahat tayo ay bampira at para mapatunayan sa'yo yun tignan mo yung parteng sinaksak ko."

Just like what she said.. tumayo ako para tignan yung parteng sinaksak niya. Itinaas ko yung damit ko at ni wala kahit galos wala manlang akong nakita. Shit! Totoo ba 'to?

"Gusto mo pa ng patunay?" Hiniwa niya yung wrist niya at pinakita sakin 'to. Kitang kita mismo ng mga mata ko kung paanong mabilis lang na nag hilom ang sugat niya tsaka ipinakita ang pangil ng isang bampira at pula nitong mga nakakatakot na mata.

Shokcs! Totoo nga!

So, siya ang Nanay ko at si Albert ang Tatay ko? Kaya ba, Sweetheart ang tawag niya sa'kin? Kaya ba ang istrikto ni Albert sa'kin?

"Bakit hindi n'yo sinabi sa'kin? Ang dami n'yo nang chance na sabihin sa'kin, bakit ngayon lang nang magpakita yung Damon na yun at sinasabing boyfriend ko siya? Plano n'yo nga bang sabihin sa'kin o hindi? Dahil sa sinabi ni Damon na hindi na siya papayag na ilayo n'yo ko sa kanya parang ang dating sa'kin masaya pa kayong may amnesia ako dahil tutol kayo sa'min at nailalayo n'yo ko sa kanya."

"Dahil may amnesia ka, ayaw naming gulatin ka na ang mga magulang mo ay kasing tanda mo lang tignan. Nagising ka na lahat kami ay di mo kilala, hindi namin kayang sabihin sa'yo kung ano tayo dahil baka matakot ka. Maniwala ka, hindi namin gustong ilihim yun at siguro nga may parteng mas okay samin na hindi mo siya naaalala."

"Bakit?"

"Dahil ayokong masaktan ka ulit, ayokong makita ka ulit na masaktan sa nakaraan namin ni Damon."

"Woe- what? May nakaraan kayo ng boyfriend ko?!"

"Gusto ko lang iklaro, hindi naging kami ni Damon, never naging kami ni Damon. Ang Papa mo lang ang minahal ko. Oo, pinakita at pinaramdam niya sa'kin noon ang nararamdaman niya pero hanggang pakikipag kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Para sa'kin best friend lang siya ng lalakeng mahal ko."

Minahal nung boyfriend ko daw ang Nanay ko? What the hell? Mukhang maliban sa bampira ang pamilya ko, magulo din pala. Tsaka paanong nagawa ng Damon na yun na mahalin kaming mag ina? Wow! I wonder kung anong naramdaman nung isang Amber nung malaman niya 'to kasi sa totoo lang ako... gulat lang ang nararamdaman ko. Kasi wala naman akong maalala tungkol sa boyfriend ko daw na yun kaya anong mararamdaman ko?

Tingin ko nga nagustuhan ko lang siya dahil gwapo siya.

"Sweetheart, please say something."

"I don't know what to say, wala naman akong maalala kaya hindi ko alam ang mararamdaman. Yung mga magulang ko mga bampira pala, yung Nanay ko minahal nung boyfriend ko, tapos bampira ako na may magic na kayang mag hilom ng mabilis, siguro pati kumilos ng mabilis, nagiging pula ang mata at may pangil. So, ano ba dapat maramdaman ko dun?"

Nag lakad siya papalapit sa'kin at umupo ng kama tsaka napa buntong hinga. "Hindi ka ba natakot sa nalaman mo?"

"Mas nauna ang gulat kesa sa takot." Umupo nalang din ako ng kama at tinabihan siya. Pareho lang kaming nakatingin sa kawalan at pareho kaming natahimik. Nakakawindang pa din 'tong ikinuwento niya. Mga bampira? Kalokohan kung iisipin pero totoo nga pala sila at isa ako sa kanila. Tumingin ako sa nagpakilala sa'king kapatid ko noong magising ako sa mula sa amnesia na 'to. I wonder kung paano niya na i-handle ang tawagin ko lang siyang Ate at kay Albert naman ay... Albert lang. Siguradong mahirap yun.

"Kaya ka siguro natawa kanina nung binigyan kita ng advice kasi di ka siguro sanay na binibigyan ka nang advice ng anak mo."

She chuckled, weakly. "Tama ka."

"Sorry kung hindi ko maalalang kayo ang mga magulang ko." I sincerely apologized.

"Hindi mo kasalanan, kasalanan 'to lahat ni Manuel. Binaril ka niya sa ulo na naging dahilan para magka amnesia ka."

Teka Akala ko ba dahil sa aksidente? Siguro yun lang sinabi nila para di creepy pakinggan.

"Sino ba si Manuel? Bakit niya ginawa sa'kin yun?"

"Isa siyang bampira na ang gusto ay dugo mo at ni Mario. Ililigtas na'tin yung mga magulang ni Majah nun, pero nakorner niya tayong lahat. Nung nabigyan ka ng pagkakataon na saksakin siya ginawa mo yun, pero ang kapalit ikaw ang napuruhan."

"Inililigtas natin yung magulang ni Maj? Eh nasaan na sila? Nagawa nyo ba yun?"

"Oo, ligtas sila. Sa ngayon, nasa malayong lugar na sila. Hindi sumama si Majah sa kanila dahil hindi pa ganun kasanay si Majah sa pagiging bampira niya. Natatakot siyang baka masaktan niya yung mga magulang niya at ayaw na din niya 'tong madamay sa gulo mula sa mga bampira kaya naisip din niya na sumama muna sa'tin."

"Ibig sabihin, bago palang na naging bampira si Maj?"

"Ganun na nga." Ang dami ko pa nga talagang hindi alam- i mean, maalala pala.

Bigla siyang tumayo na ipinagtaka ko. "Nag aaway na naman silang dalawa." She frustratingly said.

"Sino?" Pagtataka ko.

Hindi niya sinagot yung tawag ko at sa isang iglap lang nawala siya dahil ginamit na naman niya yung bilis niya. Dapat siguro sanayin ko nang bigla bigla nalang silang nawawala.

Lumabas nalang ako ng kwarto ko para alamin kung sino yung sinasabi ni Ate- i mean Mama pala na nag aaway daw.

Pag dating ko sa sala si Damon ang Tatay ko ang nakikita kong inaawat nila. Si Majah, ang umaawat kay Damon. Si Mario naman sa Tatay ko. Si Mama naman nasa pagitan lang nila.

"Hindi ko hahayaan ilayo sa'kin si Amber ulit. Sana noong sinubukan nyo 'kong patayin nung nabigyan kayo nang pagkakataon ginawa nyo na. Dahil ngayon pag patay lang talaga sa'kin ang makakapag hiwalay sa akin mula sa kanya." Damon said.

"Tama ka! Nabigyan na 'ko nang pagkakataon na patayin ka pero di ko ginawa dahil inaalala ko si Amber. Inaalala ko kung anong mararamdaman niya kapag tinuluyan kita! Dahil alam ko kahit nasaktan mo siya, malulungkot parin siya kapag nalaman niyang patay ka na. Pero ngayon, nagsisisi na 'kong hinayaan kitang mabuhay."

"Talaga bang lagi nalang kayong mag sasabong tuwing magkasama kayo?!" Pasigaw na inis na sabi ni Mama. Huminga si Mama ng malalim tsaka ibinaling sandali ang tingin sa'kin.

"Hayaan nyong si Amber ang mag desisyon kung isasama ka namin o hindi." Sabi ni Mama kay Damon. Tumingin silang lahat sa direksyon ko na parang nag hihintay ng sagot.

Uh... ano bang sasabihin ko?

"Sweetheart, isasama ba natin sa pagtakas si Damon?" Tanong ni Mama sa'kin.

"Uh... ayoko." I shake my head.

"What? Pero, baby-"

"Wag mo 'kong tawaging baby dahil hindi naman kita maalala." Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Damon. "Wag ka ng sumama, ingay lang ang dulot mo." Masakit sa tenga ang mga sigawan nila. Kung ayaw nilang isama si Damon edi yun nalang para matahimik na.

Pilit na bumitaw si Damon mula sa pagkaka awat sa kanya ni Maj at ginamit ang bilis para makalapit sa'kin. Plano niya sana akong hawakan sa pisnge gamit ang kanang kamay niya pero hinawi ko agad yun na ikinagulat niya.

"Hindi ako yung Amber na girlfriend mo, kaya wag kang hahawak. Wala ka ding aasahan sa'kin dahil i don't think na gugustuhin din nung dating Amber na pakisamahan ka pa after niyang malaman na minahal mo din ang Nanay niya. Baka nga pasalamatan pa niya 'ko dahil itinaboy kita."

"Narinig mo siya, umalis ka na!" Pagtataboy ng Tatay ko kay Damon.

"Hindi! Sinabi ko na, kamatayan lang ang magiging paraan para mailayo nyo 'ko sa kanya." Pagmamatigas nito habang nakatitig lang malungkot niyang mga mata sa mga mata ko. "I'm really sorry-"

Itinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya sa pagsasalita. "Di ko kailangan ng sorry mo, para yan sa isang Amber at hindi sa'kin."

"Naiinis akong ang cold mo sa'kin."

"Mainis ka lang kung ganun dahil mukhang magiging matagal 'to."

--

Keep voting po. ☆

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
21.3M 545K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...
2M 69.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...