TBS#1: The Billionaire's Obse...

By SushiLoves

9.7M 161K 6.8K

Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the coun... More

The Billionaire's Obsession
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
PLEASE READ THIS
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
About Chapter Forty Six
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
THE FINAL CHAPTER
EPILOGUE 1.0
EPILOGUE 2.0
ABOUT THE ENDING
Special Chapter #1 Grieving Process: Denial
Special Chapter #2 Grieving Process: Anger
Special Chapter #3 Grieving Process: Bargaining
Special Chapter #4 Grieving Process: Depression
Special Chapter #5 Grieving Process: Acceptance

CHAPTER FORTY SIX

101K 1.7K 66
By SushiLoves

H'wag kayong mabahala dahil matatapos na ito. May isisingit pa rin naman akong Special Chapter ng TBO. At 20 special chapters iyon. Hinay-hinay lang sa pag-demand ng updates. Pinipilit ko namang mag-update araw-araw. Kaso minsan kapag may naiisip pa ako. Nagdadagdag pa ako kaya hindi sumasakto sa oras.

Para 'to sa update kahapon. May isa pa mamaya.

Maraming wrong types 'to. Hilo na akong basahin ulit e. Pagpasensyahan niyo na lang. Nasa kalagitnaan na ako ng next chapter. So Cha! Between 10 pm or 12 am ko na siya maa-update. At kapag hinabaan ko pa ay baka madaling araw na.

Tao lang ako at minsan antukin. Pasensya kung hindi ko nasusunod minsan ang oras ng update.

Enjoy reading.











Ikaapatnapu't anim na Kabanata
Best Christmas Gift

PINANUNUOD ni Abigale na maglaro ang mga bata sa dalampasigan. Kasama ng mga ito si Dominic at ang dalawang anak ni Yiorgos, na sina Daniel at Dashiel. Naglalaro ito ng taya-tayahan.

"Hindi pa rin sila tumatawag. Panay na ang tanong ng mga bata kung bakit mahigit isang buwan na ay hindi pa sila tumatawag." biglang wika ni Phoebe sa tabi niya.

Napabuntong-hininga siya.

"Hindi ko na nga alam ang isasagot sa kambal sa tuwing nagtatanong sila kung bakit hindi tumatawag si Tim."

Magmula ng tumawag ito at sinabing pupunta sa opisina ng chairman ay hindi na ito muling tumawag o nagparamdam. Kahit na si Yiorgos, Keisaki at Dominique ay hindi na rin nagpaparamdam. Maging ang ama at ina ni Timothy ay hindi rin nila ma-contact.

"Ano na kayang nangyari sa kanila roon? Sayang magpapasko na mamayang gabi. Kahit man lang sana tumawag sila. Pang-christmas gift man lang sa mga bata." malungkot na wika ni Phoebe.

Sana nga, hindi na nga nila ito makakasama ng personal ay ipagkakait pa ba sa kanila ang marinig man lang ang boses nito sa cellphone.

"Oo nga pala. Magpupunta ako sa bayan mamaya. Sasama ba kayo ng mga bata? Nakakita kasi kami ni Mr. Han ng perya. Naikwento ko sa mga anak ko. Gusto nilang pumunta doon. Dadalhin ko sila para naman kahit paano ay maaliw sila." wika ni Phoebe.
Sa bayan. Biglang nangamba si Abigale. Delikado kung pupunta sila roon ng mga bata.

"Hindi kaya may makakilala sa atin doon?"

"Wala naman siguro. Saka hindi masyadong matao roon."

Nasa isang isla sila malapit sa batangas. Pagmamay-ari ito ni Timothy. Medyo may kalayuan ito sa isang bayan. Isang oras ang biyahe gamit ang yate para marating iyon magmula rito.

Napatingin si Abigale sa mga bata. Gusto niya rin naman na kahit paano ay mag-enjoy ang mga ito. Siguro nga sasaya ang mga ito kapag dinala niya sa perya.

"Sige, sasama kami. Anong oras tayo pupunta?" pagpayag niya.

Ngumiti si Phoebe bago siya sinagot.

"Mga 6 pm para mga 10 ng gabi ay makauwi na tayo rito."

Tumango siya.

Muli niyang pinagmasdan ang mga anak. Lilipas na naman ang pasko na hindi ng mga ito makakasama ang ama. Naalala niya, nitong mga nakaraang pasko. Palagi siyang tinatanong ng kambal kung nasaan ang daddy nila.

Hiniling pa nga ito ni Damon noong nakaraang tanong. Gusto nitong makasama ang ama sa araw ng pasko.

Naputol ang pag-iisip niya ng dumating ang maid nila na si Manang Remy.

"Lady Abigale, handa na po ang almusal niyo ng mga bata." pahayag nito.

"Sige, tatawagin na namin ang mga bata."

Tumayo na siya at nagpapag. Nauna ng maglakad si Phoebe at sinabing;

"Ako na ang tatawag sa kanila."

Tumango na lang siya.

May kalakihan na ang tiyan niya kahit na apat na buwan pa lamang ito. Medyo nahihirapan siyang maglakad-lakad dahil madaling mangalay ang katawan niya. Lalo na kapag sumapit ang last trimester ng pagbubuntis niya. Mas mahihirapan siyang maglakad dahil sa bigat ng tiyan niya.

Ganito rin naman siya dati noong ipinagbuntis niya ang kambal. Naranasan niya ng magbuntis ng kambal kaya hindi na bago sa kanya ang feeling. At batay sa pandama niya ay magiging malusog rin ang mga anak nilang nasa sinapupunan niya.

"Mommy!!"

Napalingon siya bigla sa mga anak niyang nagtatakbuhan papalapit sa kanya. Nang makarating ito sa kinaruroon niya ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

Naamoy niya ang natural na bango ng mga ito. Nanggigil na hinalikan niya ang magkabilang pisngi ng kambal.

Nakakagigil ang amoy ng mga anak niya. Malambot sa pakiramdam at masarap amuy-amoyin.

"Hmmm... ang bango-bango talaga ng mga baby ko." masayang wika niya.

Lumayo ang dalawa sa kanya at gumilid na lang sa magkabilang beywang niya.

"Mommy, naiipit ang mga baby bunso namin." angal ni Damon.

Natawa naman siya. Haay... ang mga over-protective na baby kuya.

"Ohhh... I'm sorry." hinging patawad niya sa mga ito.

Muli siyang naupo at pinunasan ang mga noo at likod ng mga ito. Mabuti na lang at maaga pa kaya hindi masyadong napawisan ang mga ito.

"Mommy tumawag na po ba si daddy?" tanong ni Demon habang pinupunasan niya ito ng pawis.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Heto na naman at tinatanong na naman siya ng mga ito tungkol sa kanilang daddy.

Napabuntong-hininga tuloy siya.

"Hindi pa Dee. Pero malay niyo mamaya ay tumawag siya."

Masama mang magpaasa pero iyon lang ang pinaka-magandang sabihin sa ganitong sitwasyon.

Nagulat siya ng magtubig ang mata ng anak. Naiiyak ang mga asul na mata nito. Hinigpitan niya ang pagyakap rito saka tinanong.

"Oh ba't iiyak ka? Bahala ka kapag umiyak ka baka lalong hindi na tumawag si daddy."

"But I miss him. I'm sad kasi hindi siya nag-call palagi." malungkot na wika nito.

Kahit naman siya ay miss na rin ito. Pero ano bang magagawa niya? Ni hindi niya nga ma-contact ang kahit na sino sa mga kasama nito. Wala na siyang magagawa kung hindi ang umasa na magagawa ni Timothy na tawagan sila.

"Daddy will going to call us, 'di ba mommy? Busy lang siya kaya hindi siya nakakatawag. Pero dahil christmas naman ay tatawag din siya mamaya. Don't cry na Dee." pilit na pinasasaya ni Damon ang kakambal.

Pero mukhang labis na namimiss ni Demon ang ama. Hindi ito mapasaya ni Damon.

"Mommy... I want to be with daddy na."

Niyakap niya na lang ang mga ito. Taimtim siyang nanalangin na sana ay ipagkaloob ng Diyos ang kagustuhan ng dalawa. Kahit ang makausap lamang ito ay magiging maligaya na sila. Ito lang ang hinihiling nila ngayong pasko. Sana naman ay mapagbigyan sila.


















SUMAPIT ang ika-lima ng hapon. Dahil disyembre na ay maagang naghahanda ang araw para sa paglubog nito. Sumaboy na sa dagat ang kulay kahel na kulay nito. At kinakain na rin ng dilim ang ilang bahagi ng kalangitan. Unti-unti nang sumisilip ang mga mumunting bituin.

Naghahanda na rin si Abigale nang mga gamit ng bata na dadalhin nila sa pagpunta nila sa perya. Ang bag nitong may laman na cookies at gatas. Kaunting laruan at damit na pwedeng ipamalit kung sakali.

Napansin niyang lumabas ang dalawa habang naghahabulan. Tumigil siya sa ginagawa at sinundan ng tingin ang dalawa.

"Damon, hawakan mo si Dee. H'wag kayong lalapit sa dagat dahil baka mabasa ang shoes niyo." bilin niya sa mga ito bago pa man makalayo ng tuluyan.

"Okay mommy!"

Pinanuod niya muna ang mga ito. At nang makita niyang hindi naman lumalapit sa dagat ay nagpasya na siyang ipagpatuloy ang ginagawa.

"Tita Abigale nasaan na po sila Damon?" tanong ng kabababa lang sa hagdan na si Daniel.

"Nasa labas na. Naghahabulan." sagot niya.

Tumango lamang si Daniel at lumabas na rin ng villa. Bumaba na rin si Phoebe na nakatingin sa anak nitong busy sa pag-aayos ng christmas tree. Isinabit nito roon ang ginawang christmas card.

"Dashiel, that's enough. Sumunod ka na sa kuya Daniel mo." saway ni Phoebe rito.

Umayos ng tayo ang bata at humarap sa ina. Nakatalikod ito sa direksyon ni Abigale.

"Sana tupadin ni Santa ang wish ko mommy." rinig niyang sabi ni Dashiel.

Napatingin tuloy siya sa mga ito.

"Don't worry. Bubugbogin ko si Santa kapag hindi niya pinagbigyan ang wish mo."

"Okay po."

Napailing siya ng bumuntong-hininga si Phoebe habang pinapaunod ang anak na lumabas ng villa. Tumingin ito sa kanya pagkatapos.

"Saan ko naman hahanapin si Santa? Kailangan ko pang magpunta sa North Pole at manigas sa lamig para mahagilap ang matandang iyon." wika nito. Kinuha nito ang mga bag na dadalhin pati na rin ang mga bag ng kambal. "Dadalhin ko na ito sa yate." paalam nito saka lumabas.

Susunod na rin sana siya sa labas ng mapansin niya si Dominic na pababa sa hagdan. Sasabay na siya rito.

Mabagal ang pagbaba nito sa hagdan habang may binabasang papel.

"Okay ka na ba Dominic?" tanong niya rito.

Nagtaas ng tingin sa kanya si Dominic saka ngumiti.

"Ready na ako ate." wika nito. Lumapit ito sa kanya saka inabot ang hawak nitong papel. "Naiwan ito ni Damon sa kama niya. Hindi niya kasi alam kung paano daw ibibigay kay santa ate. Ikaw na lang ang magtago."

Tinanggap niya ang papel.

"Sige, salamat Dominic."

"Susunod na ako sa yate. Iaakyat ko na rin ang dalawa doon."

"Sige."

Nang makaalis si Dominic ay saka niya binasa ang sulat ng kanyang anak.

Dear Santa,

Pwede ba akong mag-wish? Yung wish po na tutupadin niyo ha. Last christmas nag-wish po ako na sana dumating si daddy nung christmas pero hindi po siya dumating. Gusto ko po na makasama si daddy mag-celebrate ng christmas ngayon. Marami na po akong toys. Ang gusto ko lang po ay daddy ko. Sana po makasama namin siya. Baka umiyak na naman po si Dee, tsaka po ang mga baby bunso namin. Hindi po sila pwedeng umiyak sa tiyan ni mommy, malulunod sila. My daddy is my Best Christmas Gift santa. Please grant my wish. Merry Christmas po.

Truly yours,

Damon Vidales
1437 Vídales, Sunny Brook Street, Lucullan Village

Ps. Sabi ni Kuya Daniel bubugbogin ka daw ni Tita Phoebe kapag hindi mo tinupad ang wish namin. Alam mo na santa.

Napangiti siya sa nabasa. Ano bang klaseng sulat itong ginawa ng anak niya? May address pa talagang nakasulat. Paano kung doon i-deliver ni santa sa Timothy sa mansion?

Ano ba itong naiisip niya? Nahahawa na siya sa pagkagusto ng mga bata na makita ang ama nila. Heto tuloy naniniwala na rin siya kay santa.

Kinuha niya ang kanyang cellphone. Wala pa ring tawag o kahit na text.

"Naku Timmy, ikaw ang bubugbogin ko kapag hindi ka pa rin nagparamdam." pabulong na sabi niya habang nakatingin sa kanyang wallpaper na mukha ni Timothy ang naroon.

Hinalikan niya ang screen ng cellphone.

"Lady Abigale aalis na ho raw kayo." wika ni Manang Remy na galing sa labas.

"Sige manang susunod na ako."





















WALANG pagsidlan ng tuwa ang mukha ng kambal nang makarating sila sa perya. Napapantastikuhan itong iniikot ang paningin sa paligid.

Tama nga si Phoebe. Kahit paano ay makakalimutan ng mga bata ang nararamdaman nilang kalungkutan.

"Waaaaaahhh!! Mommy may ferris wheel!" sigaw ni Damon habang nakaturo roon.

Yumakap sa kanya ang kambal. Hindi maalis ang mga mata nito sa umiikot na Ferris Wheel.

"Mommy sakay tayo doon!" excited na sabi Damon.

Napakagaan sa pakiramdam na makita niyang masaya ngayon ang kambal. Ang saya sa pakiramdam na kahit paano ay hindi na ito nalulungkot ngayon.

"Halika na bibili muna tayo ng ticket." anyaya niya sa kambal.

Dinala niya ang dalawa sa bilihan ng ticket.
Wala pa namang gaanong tao kaya madali silang nakakuha ng ticket.

"Mommy, excited na po ako magsakay sa ganun." biglang sabi sa kanya ni Demon.

"Ako din mommy."

Nginitian niya ang mga anak. Masyado ngang halata na excited na ito sa pagsakay sa Ferris Wheel.

"Dominic, pwede mo ba silang samahan sumakay sa ferris wheel?" tanong niya kay Dominic na tahimik na nakasunod sa kanila.
Ngumiti naman ito saka ginulo ang buhok ni Damon.

"Oo naman ate."

"Oh heto na ang mga ticket niyo." inabot niya kay Dominic ang tatlong ticket.

Humalik muna sa kanya ang kambal bago ito nagtatakbo papunta sa entrance ng Ferris Wheel upang makapila.

Nabahala siya ng makitang natanggal ang sintas ng sapatos ni Damon. Naku! Madadapa ang batang iyan kapag nagpatuloy ito sa pagtakbo. Baka umiyak pa iyan at mawala sa mood.

"Damon baka madapa ka! H'wag kang tumak-" hindi pa man niya natatapos ang sasabibin ng madapa nga ito.

Mabilis itong tumayo sa pagkakadapa. At tumalon-talon habang sumisigaw ng,

"Sakay! Ikot! Sakay! Ikot!"

Mukhang hindi naman ito nasaktan. O baka excited lang talagang makasakay sa Ferris Wheel ang batang iyon kaya hindi na ininda ang sakit.

"Haaay..." napabuntong-hininga siya ngunit ngumiti rin naman kapagkuwan.

"Haha ang kulit talaga ng anak mong 'yan." natatawang wika ni Phoebe ng makarating ito sa tabi niya. Nakita rin nito ang pagkadapa ni Damon.

"Mabuti nga at hindi siya umiyak eh."

"Tignan mo naman ang mga anak natin. Kahit paano ay sumaya sila. Pero mamaya kapag napagod na naman ang mga iyan. Maririnig mo na lang ang mga iyan na sasabihin namimiss na nila ang daddy nila."

Sigurado na iyon. Mabuti na ngang kahit paano ay sumaya sila ngayong bisperas ng pasko. Mas maganda nga kung uuwi ito ng pagod para makatulog na lang at hindi na sisihin si santa kapag hindi nito pinagbibigyan ang hiling nila.

"Ano nga palang balak mamayang noche buena?" tanong niya kay Phoebe.

Ang balak niya sana kanina habang hindi pa siya nitong niyaya na pumunta rito ay maghanda ng kaunting pagsasaluhan nila. Katulad noong mga nakaraang pasko. Sila-sila lang naman ng mga bata kaya hindi naman kailangang maghanda ng bongga. Wala rin naman masyadong kakain dahil kaunti lang sila sa villa.

"Ang sabi ni Manang Remy ay sila na ang bahala maghanda sa villa. H'wag mo na masyadong isipin 'yon. Naku, maupo ka nga muna dito. Matatanaw mo naman ang kambal dito eh. Baka mangalay ka kakatayo." inaya siya nitong maupo sa kalapit nilang bench.

Doon nila pinanuod ang kani-kanilang anak. Nang matapos ang isang ride ay bunalik sa kanya ang mga ito.

Una sa kanyang yumakap si Demon na umiiyak.

"Mommy!"

Binalingan niya sila Dominic at Damon na humagikhik.

"Oh bakit umiiyak si Dee?" ngunti hindi sumagot ang dalawa.

Kaya ang tinanong niya ay ang anak na umiiyak.

"Bakit ka umiiyak baby?" tanong niya rito.

Mas humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Natakot ako... akala ko mom mahuhulog ako." umiiyak pa ring wika nito.

Natawa naman sila pero pinigil niya ang tawa niya.

"Hush baby tama na!" alo niya rito.

Natakot ito sa Ferris Wheel pero si Damon ay hindi. Mukhang tuwang-tuwa pa ito.

"Hahaha ang saya doon mom! Sobrang bilis ng ikot ng ferris wheel! Wooosssshhh... para akong si superman. Exciting!!" masayang wika nito.

Umiling-iling naman si Demon na nasa tabi niya.

"Ayaw ko na dun mommy."

Malambing na niyakap niya na lang ito. Siguradong hindi na ito susubok ng ibang rides. Hindi katulad nitong isa.

"Mommy! Doon naman sa caterpillar! Gusto ko doon."

"Oh sa caterpillar naman daw. Sasama ka ba?" tanong niya kay Demon.

"Ayaw. Dee will stay here with you mom." nakangusong wika nito.

Hinalikan niya ang nakanguso nitong labi. Nakakagigil talaga ang ka-cute-an nitong anak niya. Sobrang saya niya at anak niya ang gwapong bata na ito.

"Dominic, ikaw na munang bahalang sumama sa kanya ha." bilin niya kay Domonic na kaagad naman tinanguan ng binata.

Napangiti siya. Mabuti na lang at maasahan itong kapatid ni Dominique sa mga bata. Kaya nga't malapit na malapit na rito ang kambal.

Sunod niya namang binilinan si Damon.

"H'wag masyadong magpapagod. At h'wag-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng unahan na siya ng anak.

"Malikot!" malawak ang ngiti na sabi nito.

"Sige na."

Humalik muna sa kanya ang anak saka sumama kay Dominic papunta sa caterpillar. Nagpaalam si Phoebe na titignan nito ang mga anak na nanunuod ng fire show sa hindi kalayuan.

Naiwan sila ni Demon roon.

"Ikaw naman, anong gusto mo?" tanong niya rito.

"Hmm..." inikot ng anak ang tingin sa buong paligid. Huminto ang tingin nito sa stall ng watergun kung saan ay may prizes na stuffed toys. Tumaas ang tingin nito sa kanya saka ngumiti ng malawak. "I want to play there mom."

"Okay. Halika na."

Gaya ng gusto nito ay pinaglaro niya ito roon. Hindi na siya nagulat ng makakuha ito ng maliit na stuff toy dahil napatumba nito ang gumagalaw na troll.

Sanay sa pakikipagbarilan ng tubig ang anak niyang iyan. Favorite niya 'yang laruin ang makipag-barilan. Nagsabi pa nga itong nais raw nitong maging pulis pagkalaki.

Kakamot-kamot sa ulo ang lalakeng may-ari habang ibinibigay sa kanya ang napanaluhan niyang stuff toy na superman.

"Mommy ang galing ko!" masayang sabi nito sa kanya. "Pwede isa pa."

Ngumiti siya at tumango rito.

"Isa pa daw ho manong."

Naglaro ng muli si Demon. Pinapanuod niya lang ito. Maya-maya pa ay dumating si Phoebe na mukhang hindi mapakali.

"Abigale, nakita mo ba si Dashiel?" tanong nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya saka iti sinagot.

"Hindi ate Phoebe. Bakit nawawala ba siya?"

"Nahiwalay kay Daniel. Teka, hanapin ko lang ha."

Umalis na si Phoebe. Nakaramdam man ng masama ay isinantabi niya na lang ito. Baka nasa paligid lang ito. Katulad n katulad kasi ni Damon si Dashiel. Parehas na malikot.

"Yehey!"

Napabaling siyang muli kay Demon. Mukhang nakakuha na naman ito ng isa pang prize.

"Nakakuha ka na naman ng prize?" tanong niya kahit na obvious namang may nakuha na naman ito.

Masayang inabot sa kanya ng anak ang isang teddy bear na kulay pink.

"Yeah mommy. Ito oh! Merry Christmas mommy. Ito ang gift ko sa inyo ni baby." masayang wika nito sa kanya. Na-touch siya sa ka-sweet-an ng anak niyang ito.

"Mommy, dalawa pa ha. Para meron rin si daddy at si kuya Damon. Ayy...pati pala sila Tita Phoebe at si Kuya Dominic. Tapos si Kuya Dashiel at Daniel-" hindi na natapos pa ng kanyang anak ang sasabihin ng magsalita ang may-ari.

"Ay... ma'am magsasara muna ho ako."

Natawa siya ng mahina. Namumutla ang matanda. Mukhang natatakot itong maubos ng anak niya ang mga prizes na stuffed toy nito.

"Why? I want to play pa?" angal ni Demon saka bumaling sa kanya na parang maiiyak na naman. "Mommy..."

Napangiwi siya saka bumaling sa manong.

"Dalawa na lang ho manong." pakiusap niya rito.

Inabutan niya ng dalawang daang piso ang matanda upang hindi na ito umangal.

"But mommy..." angal ni Demon. "Ten pesos lang po ang kada game. Ang dami ng binayad niyo kay manong."

Nahihiyang binalingan niya ang manong. Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito saka ibinigay ang 190 pesos na sukli niya.

"Sige na nga ho. Pero isa na lang ha." pagsuko ng matandang lalake.

"Okay!"

Ngumiti ng malawak si Demon saka nagsimula maglaro. Nang matapos itong maglaro ay nakakuha na naman ito ng isa pang stuffed toy. This time Batman naman ang nakuha nito. Ang pinaka-grand prize dahil napatumba nito ang pinaka-malaking troll.

"Yehey! This is for kuya Damon."

Speaking of Damon.

"Nasaan na kaya ang kuya mo?" tanong niya saka sinipat ang paligid upang hanapin ang isa pang anak.

"There!"

Tinuro ni Demon ang caterpillar kung saan naroon ang anak niya. Pinanuod niyang umikot-ikot at bumali-baliktad ang anak sakay ng caterpillar.

Biglang natawa si Demon na nasa tabi niya.

"Baka mamatay sila kapag mahulog ang caterpillar mommy." humahagikhik na sabi nito.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.

"Don't say that baby. Masama 'yan." saway niya rito.

Inosenteng ngumiti ito sa kanya.

"Hehe sorry. Mommy can I buy cotton candy there?"

Tinignan niya ang bilihan ng cotton candy. Malayo-layo ito sa kinaruroonan nila pero natatanaw niya ito.

Kung hahayaan niya si Demon na bumili ng cotton candy ay baka mawala ito. Marami-rami na ang tao at madilim na ang paligid. Napatingin siya sa oras, 7:45 na pala.

"Si mommy na ang bibili. Stay here ha!"

"Okay po mommy."

Pinaupo niya sa bench ang anak at inilagay rin ang dala-dala niyang mga bag roon kasama ang tatlong stuffed toys na nakuha nito.

Sa hindi niya malamang dahilan nag-aalangan siyang iwan ang anak niya roon. Kaya naman ay hindi niya inaalis ang tingin rito habang papunta sa bilihan ng cotton candy. Palagi niya itong tinitignan.

Saglit niya lang na inalis ang tingin ng kumuha siya ng pera sa wallet at inabot ito sa tindero.

"Manong pagbilhan nga po ng dalawang cotton candy?" wika niya sa rito.

"Ito ho ma'am."

Kumuha ng dalawang cotton candy ang matanda saka inabot sa kanya. Nang lingunin niya ang anak sa kinauupuan nito ay naroon pa naman ito.

Habang binabagtas niya ang daan pabalik sa kinalulugaran ng anak ay bigla siyang nabangga ng isang lalake. Muntikan pa nga siyang mapatumba, pero mabuti na lang at nasalo siya nito.

"I'm sorry miss." wika nito.

Nang makaayos siya ng tayo ay umalis na rin naman kaagad ang lalake. Pinulot niya ang cotton candy bago binalik ang tingin sa anak.

Nangunot ang noo niya ng mawala ito sa bench na kanina ay inuupuan nito.

"Dee..."

Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi malamang dahilan. At mas nadagdagan iyon ng mawala sa paningin niya ngayon si Demon.

Dali-daling pinuntahan niya ang bench na pinag-iwanan niya rito. Wala na ito sa paligid. Pati ang mga gamit na iniwan niya kasama ng anak ay nawala. Hindi naman iyon kakayanin dalhin mag-isa ng anak niya. Masyadong maliit si Demon para magdala ng dalawang stuffed toys at bags.

"Demon! Baby nasaan ka na?!" sigaw niya.

Pero nabigo naman siyang marinig ang sagot ng anak.

Nilapitan niya ang isang babae na nagtitinda malapit roon.

"May nakita ho ba kayong bata na maputi at ganito kalaki? Naka-kulay blue siya na damit na may tatak na superman at may pangalan na Demon sa likod ng damit." deskripsyon niya.

"'Yung gwapo ba na bata na nakaupo riyan?" itinuro ng babae ang bench na kanina ay kinauupuan ng anak niya.

"Opo."

"Ay sumama sa lalake nakakulay gray na damit." sabi nito. Itinuro nito ang daan papunta sa caterpillar. "Doon sila pumunta oh!"

Nanlumo siya sa narinig. Lalakeng naka-kulay gray? Sino naman kaya iyon? Bakit sumama si Demon sa lalakeng iyon? Si Mr. Han lang naman ang kasama nilang lalake pagpunta rito.

"Salamat ho."

Nagmamadaling tinungo niya ang itinuro ng babae. Pero wala roon si Demon. Hindi niya ito makita sa paligid.

Sinubukan niyang hanapin ito sa buong lugar ng perya ngunit hindi niya talaga ito makita. Si Phoebe ang nakita niya na panay ang lingon sa paligid. Mukhang hinahanap pa rin nito si Dashiel.

"Ate Phoebe!" tawag niya rito.

Kaagad naman tumakbo sa kinaruruonan niya si Phoebe. Katulad niya ay naiiyak na rin ito.

"Nawawala si Dashiel. Hindi ko siya makita sa buong lugar." wika nito.

"Si Demon din. Sumama raw sa lalakeng naka-kulay gray. Ate natatakot ako. Baka natunton na tayo ng tauhan ni Gabriel. Baka kinuha nila sila Dee."

Ayaw niya may paniwalaan iyon pero maari iyong mangyari.

Dapat kasi ay hindi na lang siya pumayag na pumunta sila rito. Ano ng sasabihin sa kanya ni Timothy? Magagalit ito kapag may nangyaring masama sa mga anak nila.

"Hanapin mo na 'yung tatlo dahil baka sila ay mawala rin. Magrereport lang ako sa mga tanod na nanduon sa entrance."

"Sige ate."

Naghiwalay na silang muli ni Phoebe. Tinungo niya ang lugar kung saan ay maraming rides. Sigurado siyang naroon si Dominic at Damon.

Hindi nga siya nabigo dahil nakita niya itong kabababa lang sa octopus na ride kasana si Dominic.

"Damon!" tawag niya rito.

Lumingon naman sa kanya ang anak. Ngumiti ito saka kumaway.

"Mommy!"

Tumakbo patungo sa kanya ito. Hindi niya kakayanin kung pati si Damon ay mawawala. Kung kinakailangan na idikit niya sa katawan ang anak habang hinahanap nila ang kakambal nito ay gagawin niya.

Nanigas siya ng sa isang iglap ay nawala sa paningin niya si Damon. Kitang-kita niya kung paano ito tangayin ng isang lalakeng naka-kulay itim.

"Damon!!" sigaw niya. Tinangka niya sundan ang lalakeng tumangay sa anak niya pero hindi niya na ito naabutan. Naglaho ito sa pulutong ng maraming tao. "Oh God! Ang anak ko!" nanlulumong wika niya.

Wala sa sariling huminto siya sa gilid ng isang tent kung saan nagtatanghal ng magic.

Ngayon pati si Damon ay nakuha na rin ng mga lalakeng iyon. Bakit ba ito nangyayaari sa kanila?

Napahinto siya sa pag-iisip ng makarinig ng kaluskos sa kanyang gilid. Sa maliit na eskinita ng dalawang tent na magkatabi.

May lalakeng naka-pula na lumabas roon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng cap.

Nabalot ng takot ang katawan niya. Para siyang naitulos sa kinatatayuan kaya naman hindi na siya nakatakbo ng hilahin siya nito sa eskinitang iyon.

"Tulong! Tu-" sinubukan niyang sumigaw pero tinakpan nito ang bibig niya. "Hmmmppp..."

Naiiyak na siya. Ipinapanalangin niya na sana ay dumating si Timothy at iligtas sila nito. Kahit na imposible.

"H'wag kang gagalaw..." nanigas siya ng marinig ang boses na iyon. Kasabay nun ang pagtulo ng luha niya.

*****

Hinay-hinay sa pag-ibig mga kabataan. Paglaki niyo pagsasawaan niyo rin 'yan. Bago pa lang 'yan kaya masarap sa feeling.

OO, MATAMAAN KA!

Hahaha xD Cha!

S U S H I L O V E S

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.6K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.4K 349 72
A story in which Gayle Johanna met again her rival, after six years. What will happen? Are they going to have another comeback, or another series of...
1.3M 1.3K 1
Tahimik at diktador. Paano ba magmahal ang isang katulad niya sa isang adopted sister na may katigasan ang ulo? *** Meet the hot Hanzxander. The sil...