100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[33 Part 2] A night in jail.

335K 3.6K 1.6K
By Girlinlove

Hi guys! Sorry if it took me so long to update this. As you all know nasira ang laptop ko (and until now hindi pa siya gawa) but last night hindi na ako naginarte and ginamit ko na yung latop ng brother ko. So may update! I'll try to update ulit but matatagalan ulit kasi inaayos ko pa laptop ko, and mahahaba ang updates ko. So please, please, patience guys. And thank you really for waiting! I promise I'll make every update worth the wait! :) So enjoy! Long comments please! :) Follow me on twitter: @GirlinloveWatty. I'm more active there! This chapter is dedicated to BonitaBabyy pala! So first comment rule won't be applicable sa chapter na 'to! <3 Next chapter ulit! Sorry! 

 ____________________________________

Chapter 33 Part 2

Hope’s POV

“Hope, where are you going?” Tanong sa akin ni Mico noong tumayo ako bigla sa lunch table namin.

“Kay Enzo. Sorry ah. Sige una na ako—“

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako.

“Kay Enzo na naman? Aalis ka na naman na kasama ako para puntahan si Enzo. Naiinis na ako, Hope. Lagi ka na lang umaalis para puntahan si Enzo. Lagi na lang akong naiiwan. Lagi mo na lang akong iniiwan.” Ano bang sinasabi ni Mico?

“Kailangan ako ni Enzo ngayon.”

“Lagi ka namang kailangan ni Enzo eh. Isang tawag niya lang sa’yo lagi kang nagmamadaling pumunta sa kanya. Kahit pa ata magmakaawa ako, at lumuhod ako ngayon na wag kang umalis… Aalis ka pa rin. Bakit? Kasi si Enzo yan. Isang tawag lang sa’yo ni Enzo, para kang asong susunod na lang sa kanya.”

“Ano bang problema mo ha, Mico? Ano bang pakialam mo kung pumunta ako kay Enzo ngayon?”

“Anong problema ko? Sawa na kasi akong iniiwan mo. Sawa na akong hindi ako ang pinipili mo. Naiinis na akong isipin na pag pinagpatuloy ko pa ito, wala ring mangyayari kasi second option lang ako.”

“Ipagpatuloy ang alin, Mico? Ang alin?” Tinitigan lang niya ako, at bigla niyang iniling ang ulo niya.

“Ayokong makipagusap sa taong bobo. At manhid. Sige na, pumunta ka na kay Enzo. Kailangan ka niya hindi ba?”

“Mico, hindi kita iiwan na ganyan ka. Ano bang problema? Galit ka ba?”

“Galit—Hindi. Hindi ako galit. Umalis ka na…..”

Tinitigan ko lang siya. Mukhang wala siyang balak magsabi kung anong nangyayari. Saka na lang ako magtatanong.

“Umalis ka na, bago pa kita pigilan.” Sinabi niya, sabay tayo at alis sa upuan naming. Tiningnan ko lang siyang umalis. Ano bang problema mo Mico?

*Beep Beep*

From: Enzo Gutierrez

I’ll be waiting for you here in the park. Luneta. Come. For me.

Umalis naman agad ako sa school. Buti na lang lunch pa kaya nakalabas pa ako. Magcucutting na naman ako. Tinext ko na muna si Chelsea na pagtakpan ako kay Ms. Baliton sa pagabsent ko.

Dumeretso agad ako sa Luneta. Itetext ko pa lang sana si Enzo kung nasaang banda siya noong may makita akong mga babaeng nakaikot malapit sa isang bench sa ilalim ng puno.

Lumapit agad ako para tingnan kung anong meron at…

Nakita ko lang naman ang isang gwapong Enzo Gutierrez na nakaupo sa bench, nakatulala at nakasuot ng earphones.

Pinapalibutan na naman siya ng mga babae. Hindi naman malapit, pero nakatitig lang sila. Si Enzo nakatulala lang na parang walang mga taong nakapaligid sa kanya.

Bakit ganoon? Ramdam ko ang lungkot ni Enzo. Ramdam ko.

Lumapit ako sa may bench. Ang sama ng tingin sa akin ng mga babae noong tumabi ako sa upuan ni Enzo. Alam kong pinagbubulungan nila ako. Tumingin ako kay Enzo, noong tumingin siya sa akin inalis niya ang earphones niya, at mukha doon lang niya napansin na ang daming babaeng nakatingin sa kanya.

“Hi.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya tapos niyakap niya ako. Ako, pati na rin ang mga babae sa paligid ko nagulat. Isa isa silang umalis. Inisip na ako ang girlfriend ni Enzo.

Nakayakap pa rin sa akin si Enzo.

Ito na naman yung yakap niya. Ito na naman.

Ang lamig. Ang lungkot. Ang sakit.

Yung yakap na imbis na maramdaman mo na katabi mo lang siya, lalo mo lang maiisip na ang layo layo niya.

Enzo, bakit? Bakit ang lungkot mo? Ano bang problema mo? Ano bang iniisip mo? Bakit ka nasasaktan?

Niyakap ko siya pabalik. Noong ginawa ko yun… May naramdaman akong tumulo sa balikat ko…

Hinarap ko si Enzo.

“E-Enzo… B-Bakit ka umiiyak?”

Noong nakita kong umiiyak si Enzo, naluha na rin ako. Ano bang dinadala mo? Ano bang problema Enzo? Sabihin mo sa akin please. Bakit ganito? Pati ako nasasaktan sa’yo. Ano bang problema?

“Enzo, may masakit ba sa’yo? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?”

Tinitigan lang niya ako. Patuloy lang tumulo ang luha niya. Wala siyang tunog kung umiyak, patuloy lang pumapatak mga luha niya.

Hindi ko alam, pero parang mas masakit ang ganitong pagiyak. Yung parang wala na siyang magawang pigil, ang sakit sakit na, kaya pumapatak na lang yung mga luha niya.

Niyakap ko ulit siya. Hindi ko kayang makitang umiiyak si Enzo. Ayokong yakapin siya kasi parang ang lamig at ang lungkot pag niyayakap ko siya. Pero ayokong harapin siya at makitang umiiyak siya.

“Ano bang problema, Enzo? Sabihin mo sa akin. Bakit ka umiiyak? Saan ka nasasaktan?” Sinabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya para patigilan ang pagluha niya.

Nakayakap lang siya sa akin ng mga tatlong minuto. Pagkatapos noon, kumawala siya sa yakap at hinarap ako.

“I’m so sorry that you have to see me like this.” Sabi niya.

“Kung nalulungkot ka, sabihin mo lang sa akin. Wag kang magsorry. Masaya akong sa akin mo napiling umiyak. Masaya ako.”

Hindi ako masaya. Ayokong nakikitang nasasaktan at umiiyak ka. Ayokong yakapin ka Enzo. Ayoko.

Natahimik ulit siya. Natulala na naman. Umupo lang kami doon.

Dati iniisip ko kung bakit may couple na kapag nagdadate nakaupo lang. Sabi ko pa nga dati, mga boring sila.

Pero ngayon naiintindihan ko na… Minsan sapat na yung presensya ng isa’t isa para maging masaya. Yung kahit nakaupo ka lang, basta kasama mo siya, sapat na.

“Pwede ba akong magtanong, Enzo?” Tumingin siya sa akin.

“I can’t tell you.” Alam ko. Alam kong hindi mo sasabihin. Nanahimik na lang ako. Hindi ko naman siya mapipilit.

Maya maya pa… Nakita ko na namang pumatak ang isang luha niya.

“Enzo…” Yayakapin ko sana siya pero lumayo siya sa akin.

“Hope…” Umiyak lang siya.

“It’s unfair.”

“Unfair?” Alam ko namang hindi niya sasagutin. Pero nagtanong pa din ako.

“I don’t want to go.” Yun lang ang paliwanag na sinabi niya.

Go? Aalis siya? Saan siya pupunta? Hindi kaya magmimigrate na siya? Lagi naman na din siyang umaalis papuntang America hindi ba? Hindi kaya lilipat na siya? Kailan? Mawawala na ba siya? Pagkatapos ba ng graduation namin? Iiwan na ba kami ni Enzo?

Hindi ko namamalayan, umiiyak na rin pala ako.

“Please… Please don’t cry.” Sabi na lang ni Enzo.

“Hindi ko mapigilan. Ayokong nakikitang masaktan ka, Enzo. Bakit ka ganyan? Please. Wag ka ng umiyak.” Tinitigan lang niya ako, at pinunasan niya ang luha ko.

Mukha na siguro kaming tanga dito. Kanina pa kami umiiyak. Dumidilim na nga din eh. Hindi ko na talaga namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.

“Wag kang umalis.”

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Pero… Bugso na siguro ng damdamin.

Tinitigan lang niya ako ng matagal.

“I’ll fight. I’ll fight for you.”

For me? Ipaglalaban niya ako? Susuwayin niya magulang niya? Para sa akin?

“But right now… I can’t promise you anything.” Sinabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko alam.

Wala siyang sinasabing paliwanag, pero alam mo yung pakiramdam na parang naiintindihan mo siya? Na parang kahi wala siyang sabihin, alam mo kung anong iniisip niya.

“You know why I called you here?” tanong niya sa akin.

“Bakit?”

“Do you see that car?” Tinuro niya yung isang lumang itim na kotse sa pinakiligid.

Luma na siya. Parang walang gumagamit. O kung mayroon man, dapat palitan na niya kasi mukhang pasira na sa kalumaan.

“Oh anong meron diyan?”

“Let’s break its windows.” Sinabi niya tapos ngumiti siya na parang bata. Excited. Ayokong gawin kasi hindi ko naman sariling kotse yan… Pero… Ngayon na lang ulit ngumiti si Enzo. Kapag sinabi kong ayoko baka malungkot na naman siya. Ayoko na siyang malungkot. Kaya pumayag ako.

“Sige. Pero… Bawal yun hindi ba?”

“Trust me. You’re with me. Hindi kita pababayaan.” At mukha namang assuring siya kaya sumama ako sa kanya.

Nasa pinakigilid yung sasakyan. Hindi kita ng lahat kasi tago. Isa pa dumidilim na at itim pa yung kotse. Kumuha kami ni Enzo ng mga bato…

“I’m sorry for stressing you out. But here… Take this rock. Ibato mo lang lahat ng inis mo.”

Ngumiti na naman siya. Gustong gusto kong makitang ngumiti siya. Ngumiti ka lang, Enzo.

[Now Playing: The Warrior Is A Child by Gary Valenciano]

“I HATE LIFE!”

Biglang sinigaw niya at binato niya yung malaking bato na hawak niya. Isang malakas na tunog ng pagkabasag ang narinig namin. Nabasag yung salamin ng kotse.

Pagtingin ko kay Enzo noong nabasag, parang natanggalan siya ng tinik. Parang may nawalang problema sa kanya. Napangiti na din ako.

“Go on, Hope. It feels good.” Bigla naman niyang sinabi sa akin.

“SANA WAG NG UMIYAK SI ENZO!” Sabay bato ko doon sa gilid ng kotse. Nabasag yung salamin sa likod.

Oh my gosh! Masarap nga sa pakiramdam! Parang binabato mo yung mga problemang hindi mo kayang solusyunan. Parang nirerelease mo lahat ng galit, inis at lungkot.

“So?” tanong ni Enzo na ang tamis ng ngiti kaya napangiti na din ako.

“Masarap nga sa pakiramdam.”

“I told you.” Pagmamayabang pa niya.

“I HATE THAT EVERYTHING’S UNFAIR! I HATE THAT EVERYTHING’S NOT GOING ACCORDING TO MY PLANS! WHY DO I HAVE TO MAKE DECISIONS THEN? HINDI NAMAN PALA MASUSUNOD!” Tuloy tuloy na binato ni Enzo yung kotse.

“Why do I have to go? Why do I have to leave them? Isn’t that unfair? I don’t want to go! But do I have a choice? Can I fight? I don’t have the ability to do that. I’m not that strong.”

Bato lang siya ng bato. Hanggang sa mamaya, nakita ko na namang umiiyak na naman si Enzo. Bumabato rin ako. Pero nanghihina akong makita sa Enzo na ganito.

Ano bang ibig niyang sabihin na aalis siya? Talaga bang magmimigrate na nga siya? Siguro nga. Pero bakit sinasabi niyang hindi niya kayang lumaban? Sa parents niya? Siguro dahil hindi pa niya kayang magsarili para hindi sumunod sa utos nila.

Ibig sabihin… Aalis na nga talaga si Enzo? Mukhang wala na siyang magagawa eh. Kaya ba siya galit? Baka nga tatapusin na lang niya ang high school niya tapos sa America na siya.

“I don’t want to leave Mico, and Bryle, especially Venice. What will they do without me? Tres Gwapitos won’t be the same anymore.” Sinabi lang niya habang binabato niya ang ngayon ay basag basag na sasakyan.

Napaupo na lang ako…

Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Sa ginagawa niya. At sa dahilan kung bakit niya ginagawa niya ito.

“I don’t want to go. Please. Please. Change everything. Please.”

Hindi na niya nabato yung batong hawak niya kasi napaluhod na siya…

At umiyak..

Yung may tunog.

Ang sakit.

Alam kong sobrang nahihirapan na si Enzo.

Pero paano ko aalisin yun? Paano ko tutulungan si Enzo?

“Hirap na hirap na ako Hope. I can’t do anything. It’s so hard.” Sinabi ni Enzo sa akin habang umiiyak. Alam ko. Alam kong nasasaktan ka na Enzo.

Kung aalis ka na nga at hindi mo mapipilit ang magulang mo na manatili dito, ano pa nga ba ang magagawa mo? Lalo na at bata pa kami. Hindi pa namin kaya mga sarili namin. Ano nga ba ang magagwa mo kung hindi ang sumunod na lang?:(

“Alam na ba nina Mico, Bryle at Venice ito?” tanong ko kay Enzo. “Alam ba nilang aalis ka?”

Tinitigan lang niya ako. Binabasa ako. Tapos ngumiti siya ng bahagya.

“Thank you. Thank you, Hope. For being here. Thank you for not judging me ngayong bagsak na bagsak ako.”

Napangiti ako.

“Hindi. Thank you, Enzo. Thank you kasi pinagkatiwalaan mo akong makita ang vulnerable side mo. Thank you.” Ngumiti na lang siya. Ngumiti din ako.

“Feeling better?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ang sira sirang sasakyan at ngumiti.

“I sure am. Sorry car.” Sabay kami tumawa.

Habang tumatawa,napatingin ako kay Enzo… Ang sarap niyang panuoring tumawa.

Gagawin ko ang lahat mapatawa lang siya. Gagawin ko lahat makita ko lang siya ngumiti.

Ganoon ko kamahal si Enzo Gutierrez.

*PRRRRRRRRRRRT PRRRRRRRRRRRRRT*

Nagulat kami sa biglang malakas na pito na narinig naming. Napatingin kami at nakakita kami ng isang pulis na tumatakbo palapit sa amin.

“ANONG GINAWA NIYO SA SASAKYAN KO---OH MY GOD BAKIT NIYO SINIRA ANG SASAKYAN KO?!”

Nagkatinginan kami ni Enzo.

Uh-oh!

**

“Pangalan?”

“Enzo Miguel Gutierrez.”

“Edad?”

“18 years old.”

“Ikaw, anong pangalan mo?”

“Fiella Michelli Hope I. Yazon.”

“Edad?”

“17 po.”

Nandito kami ngayon sa prisinto. Kinakabahan ako sa kung anong mangyayari. Makukulong ba kami? Anong mangyayari? Gusto ko maiyak. Kinakabahan talaga ako.

“Enzo. Anong gagawin natin?”

“Nothing. :) Don’t you think this is fun? We get to spend one night in jail.” Sabi niya na nakangiti.

“SIRA KA BA? Tawagan mo guardian mo. Tatawagan ko si Lola na bayaran ang fine o ayusin ‘to. Ayokong matulog sa presinto. Natatakot ako. Ayoko.” Sinabi ko ng natataranta. Sinagot naman ako ni Enzo ng ngiti at..

“Call them if you want. Ako, I won’t. I’ll spend the night here. This is once in a lifetime.” Ngumiti siya na parang nanalo sa lotto.

Alam kong malakas ang tama nitong si Enzo, pero… PRESINTO?! OVERNIGHT?! Di ko pinangarap yun.

“Ano na? Natawagan niyo ba ang guardians niyo?” Tanong sa amin noong isang pulis.

Paano ko naman iiwan si Enzo dito? Paano kung pagdiskitahan to ng mga pulis? Tsaka… Kaya ba niyang matulog sa sahig? Pag iniwan ko siya hindi rin ako makakatulog kasi magaalala ako sa kanya.

Kaya pinatay ko ang phone ko.

“Hindi ko po sila macontact eh.” Tiningnan ako ni Enzo tapos bigla siyang bumulong.

“What are you doing?”

“Di kita pwedeng iwan dito ano! Baka kung anong mangyari sa’yo. Sasamahan kita dito. Isa pa… 9:00 PM na. Ilang oras na lang naman bago magumaga.”

“Baka mapagalitan ka.”

“Ako na bahala sa mga mangyayari. Ang mahalaga, di kita maiwan dito.”

Tiningnan niya ako na parang kumikinang ako. Nailang ako sa titig niya kaya umiwas ako ng tingin.

“Hindi ko kayo basta basta pwedeng paalisin dito. Kaya dito kayo sa kulungan magpapalipas ng gabi.”

Pinasok niya kami sa maliit na kulungan. Maliit na presinto lang naman ‘to kaya amin lang yung kulungan.

Isa pa… Dito ata talaga kinukulong yung mga taong kayang magbayad ng fine pero hindi agad mababayaran agad agad. Basta!

“Ang babata niyo pa ganyan na agad ang ginagawa niyo. Tsk tsk.” Sabi ng isang pulis tapos iniwan na niya kami.

Pagpasok namin, isang maliit na kwarto lang siya. Ni walang upuan, o kung ano. Kwarto lang na may rehas.

“Okay ka lang? Malinis naman eh.”

“Okay? I’m more than okay. I’m living the dream.” Hindi ko alam kung sarcastic yung pagkakasabi niya eh, pero mukhang masaya naman siya. Naupo na kasi agad siya. Tumabi ako sa kanya.

Ang daming nangyari kanina, pero hanggang ngayon… ang bango pa rin ni Enzo.

Ano ba yan ang unfair! Ako amoy araw, pagod, luha, at kung ano ano na.

“Dati ko pa tinatanong kung anong pakiramdam na makulong. Never imagined na mararanasan ko. I thought wala namang may ari ng kotse na iyon.” Tapos tumawa siya magisa.

Oh my god, ang gwapo niya talaga. Lord. Akin na lang ‘tong lalaking ‘to please.

Bigla naman siyang tumingin sa akin, eh nakatitig ako sa kanya kaya napatingin ako sa gilid tapos napakamot na lang ng ulo.

“Stop being cute, Hope. Baka mahirapan akong umalis niyan.” Nangaasar pa ‘to! Kakainis ‘tong si Enzo.

“Wag ka na lang umalis. Magpapacute pa ako lalo.” ANO BA YUNG SINABI KO! Pagtingin ko kay Enzo tumatawa na lang siya. Arrrg, Hope!

“Sorry, Hope. Nahassle pa kita. Don’t worry tomorrow morning I’ll call our butler and ipapaayos ko ‘to lahat. Ako na bahala sa’yo.”

“Eh bakit hindi pa ngayon?!”

“I really want to experience this. Makulong. With you.”

“Makulong lang pala kasama ako, sana sinabi mo agad! Ikaw naman—“ pagtingin ko sa kanya nakatitig na naman siya sa akin. Enzo, joke lang yun! Tsaka wag masyado makatitig. Masikip yung kulungan!

“Thank you, Hope.”

“Nakakailang thank you ka na sa akin ha.”

“Because I’m thankful. I’m thankful that despite all this crap that’s happening to my life, I still have you.”

“A-Ako?”

“Yup. You’re my rainbow after the rain, you’re my gold at the end of the rainbow, you’re my unicorn, you’re my four leaf clover, you’re my hope, Hope.”

Nagkatitigan lang kami. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

At… At… Hindi ko alam kung bakit at paano pero parang may magnet na naglalapit sa mukha namin.

Ang lapit. Pipikit na ba ako? Oh my god. Mabango ba ang hininga ko?!

“ACHOOOOOOOO”

Napatingin ako sa kanya. Nakaclose ang mata niya at mukhang iniisip kung anong nangyari. Ako naman hiyang hiya kasi…

BAKIT KAILANGAN MABAHING PA AKO?! AYUN NA YUN EH! LIVING THE DREAM NA DIN AKO EH!

“SORRY ENZO! Sorry! Hala. May sipon ba? Wala naman eh. Nabahing lang ako. Alikabok kasi dito sa gilid ko. Sorry, OMG.”

Tintry ko punasan yung shoulders niya, siya naman nakatitig lang sa akin tapos noong napatingin ako bigla siyang tumawa ng malakas.

AS IN MALAKAS.

Hindi ko alam kung mahihiya ako o makikitawa na lang din eh. Oh my god, hiyang hiya ako.

“I knew it.”

“A-Alin?” tanong ko.

“Alam kong ikaw lang ang may kayang magpatawa sa akin ngayon. Alam kong ikaw lang ang may kayang pagaanin ang loob ko ngayon. Thank you, Hope.”

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at…

Hinalikan niya ang noo ko.

“Thank you.” Sabi niya. At alam kong sa dami ng thank you niya sa akin ngayon… Ito ang pinakasincere.

Maya maya bigla siyang humilig sa may shoulders ko..

“Can I ask you a favor?” biglang tanong niya sa akin.

“Ano yun?”

“Can I sleep in your shoulders?”

“H-Huh?”

Tapos bigla niyang inilagay ang ulo niya sa balikat ko tapos niyakap niya yung braso ko.

Hindi ako nakagalaw kasi…

Kasi…

Hindi ako makahinga! Si Enzo Gutierrez natutulog sa balikat ko! Oh my god.

Noong napansin niyang hindi ako gumagalaw, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil ito.

“If you’re uncomfortable, tell me.”

“HINDI! DIYAN KA LANG. I mean… Sige lang. Ayos lang. Hehe.” Tapos inayos ulit niya ang pagdantay sa balikat ko.

Maya maya… Nagheahead bang na ako kasi antok na antok na din ako. Marami raming luha ang naiiyak ko ngayong gabi.

Tulog na si Enzo. Umayos ka Hope. Matulog ka na..

Zzzz.

**

Medyo nagising ako ng biglang tumayo si Enzo. Napaayos din ako ng upo ko pero antok na antok na talaga ako. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko pero parang ngumiti siya.

Maya maya… Naramdaman ko na lang na nilagay niya yung ulo ko sa may balikat niya.

Ang lapad pala ng shoulders niya… Ang sarap. Ang tigas. Tanggal yung ngalay ko kanina.

Nakasandal ako sa ulo ni Enzo…

Tapos iniyakap niya sa may balikat yung kamay niya at isinandal niya ang ulo niya sa ulo kong nakasandal sa balikat niya..

Ay naku. Parehas kaming pagod, at stressed. Deserve namin ‘to.

Deserve namin ang magpahinga. Sa piling ng isa’t isa! :”>

“Good night, Hope. Thank you so much… Don’t worry. I’ll fight for you. I’ll try to stay.”

Binulong niya sa akin. Napangiti ako..

“Ako rin. Lalaban sa tabi mo. Kung kailangan mo ako, nandito lang ako.”

Binulong ko yun pero mukhang narinig niya kasi inilapit niya ako sa kanya at mas humigpit ang yakap niya.

Kahit nasa kulungan kami basta kasama ko si Enzo…

Best night ever.

Bahala na sa mga conequences pagkagising. Alam kong mapapagalitan ako.

Pero sa ngayon…

Masaya akong ako ang kasama ni Enzo.

At masaya akong isa ako sa mga dahilan kung bakit siya lalaban para magstay.

Thank you, Enzo. 

Continue Reading

You'll Also Like

370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
589K 21.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.