TBS#1: The Billionaire's Obse...

Od SushiLoves

9.7M 162K 6.9K

Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the coun... Viac

The Billionaire's Obsession
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
PLEASE READ THIS
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
About Chapter Forty Six
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
THE FINAL CHAPTER
EPILOGUE 1.0
EPILOGUE 2.0
ABOUT THE ENDING
Special Chapter #1 Grieving Process: Denial
Special Chapter #2 Grieving Process: Anger
Special Chapter #3 Grieving Process: Bargaining
Special Chapter #4 Grieving Process: Depression
Special Chapter #5 Grieving Process: Acceptance

CHAPTER FORTY ONE

90.1K 1.7K 143
Od SushiLoves

Ayun naman pala! Dami naman palang readers. Kailangan pa talagang may ganung scene bago kayo maglabasan. Hahaha xD

Oh ito na. Para matahimik na ang mga puso niyong galit. Sorry sa mga na-highblood. Hihihi xD!

Dapat kanina pa 'tong 8 pm kaso ang author niyo nag-multi-tasking... binaback-read ko ang chapter na 'to habang tinetext ang Babe ko habang nagluluto. Oh di ba? Hindi ko na alam ang uunahin ko.

Not edited. Expect wrong grammar and mispellings.







Ikaapatnapu't isang Kabanata
His Dirty hands


NAALIMPUNGTAN si Abigale sa pagtulog ng maramdaman niyang sobrang lamig na ng buong kwarto. Napalakas siguro ang aircon. Hininaan niya ang aircon matapos iyon ay nagbanyo siya upang umihi.

Nang makalabas sa banyo ay inilibot niya ang tingin sa buong kwarto. Napabuntong-hininga siya ng maalala ang away nila ni Timothy.

Saan naman kaya natulog 'yun? Talagang sinunod siya nitong h'wag munang pumasok sa kwarto nila.

Bakit naman kasi napaka-iritable niya at madalas mainis. May point naman si Timothy kaya ito nagalit.

Siguro kailangan niya ng makipag-ayos kay Tim. Nag-aalala pati siya. Baka kung saan na natulog 'yon.

Lumabas siya ng kwarto nila at bumaba. Sinilip niya ito sa sala pero wala ito doon. Sa kwarto kaya ng kambal? Baka nakitulog ito sa mga anak nila.

Bago siya umakyat ay pumunta muna siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagdala na rin siya ng isa pang baso. Baka sakaling mauhaw si Timothy, para hindi na sila bumaba kung sakali.

Nang makarating siya sa kwarto ng kambal ay wala rin ito roon.

Haaayy... ibig sabihin ba nito ay iisa-iisahin niya ang iba pang mga kwarto at guest room? Sa dami nun. Baka bukas pa niya makita si Timothy.

"Mommy..."

Napatingin siya sa anak na si Damon. Nananaginip siguro ito kaya tinawag siya nito.

Nilapitan niya muna ang anak. Inilapag niya ang isang basong tubig sa side table. Maingat niyang iniaayos ang lumilis na kumot ng anak.

Nang may mapansin siyang isang kumikinang na bagay sa kinahihigaan nito.

Ang mga duplicate keys.

Nagtatakhang kinuha niya ito? Paano napunta ito sa mga bata? Psh, siguro kinuha na naman ito ni Damon ng hindi nagpapaalam.

Kinuha niya ang duplicate keys at nilagay sa bulsa ng pajama top na suot niya. Kinuha niya ang tubig at lumabas na sa kwartong iyon.

Haaay... bahala na nga si Timothy. Mapapagod lang siya sa kung hahanapin niya pa kung saang kwarto ito natulog. Mas maganda kung matutulog na lang siya. Medyo sumasakit pa naman ang puson niya.
Pabalik na sana siya sa kwarto ng makarinig siya ng ungol. Napakunot ang noo niya. Ayaw niya na sanang pansinin ang ungol na iyon pero hindi siya mapalagay.

Sinundan niya ang pinanggagalingan ng ungol na iyon. Hanggang sa dalhin siya nito sa tapat ng library.

Maid at servants ba ang may gawa ng ingay na iyon? Hindi ba ng mga ito na alam na bawal iyong gawin sa mga silid dito sa itaas. May mga sarili naman silang kwarto sa ibaba.

"T-Tiiiimmmmm...uuuggggghhhhhh!!!"

Nanigas si Abigale sa kanyang kinatatayuan.

Tama ba siya ng rinig? At tama ba ang iniisip niyang kay Rio ang boses ng babaeng umuungol na iyon?

Hindi kaya't magkasama si Timothy at Riosaki sa kwartong iyan?

Paano kung magkasama nga sila? Anong gagawin niya? Anong gagawin niya kung tama ang iniisip niya ngayong ginagawa nila Timothy at Riosaki sa loob ng Library?

Nanginginig ang kamay na inilapit niya ang susi ng library sa seradura nito. Pinihit niya ang susi kaya naalis ang pagkaka-lock ng pinto. Marahan niyang itinulak ang pinto.

Nanghina ang tuhod niya ng makita si Timothy. Nagtataas-baba ang katawan nito. Hindi niya makita kung si Riosaki nga ang kasama nito. Dahil nahaharangan ito ng sofa.

Tumigil na ang pag-ungol. Huminto na rin si Timothy sa paggalaw.

Ano itong ginawa ni Timothy? Bakit nagagawa ni Timothy ito sa kanya?

Nabitawan niya ang basong hawak. Nabasag ang baso kaya naman nabasag ang katahimikan sa kwartong iyon.

Kaya naman napaangat ang tingin ni Timothy. Kinilabutan siya ng masalubong ang nagbabagang mga mata nito. Pero saglit lang iyon, dahil nang makita siya nito ay para itong natauhan.

"Agapí mou..."

"Tim..." hindi niya napigilan ang pagpatak ng sunod-sunod na luha mula sa kanyang mga mata.

Tumayo si Timothy at kaagad na lumapit sa kanya. Natapakan pa nito ang bubog ng baso na nagkapira-piraso. Mabuti na lang at nakasuot pa ito ng sapatos.

"A-anong ginawa mo?"

Umiling si Timothy at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry, agapí mou. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako." ramdam niya ang panginginig ng boses nito. "She started it, agapí mou. I'm sorry. Nadala lang ako."

Inalis ni Abigale ang pagkakayakap nito sa kanya. Naglakad siya papasok sa library. Sinubukan pa siyang pigilan ni Timothy pero hindi siya nagpapigil.

May iba ng bagay na tumatakbo ngayon sa isip niya. At aalamin niya kung tama iyon.

Huminto siya sa harap ng sofa kung saan niya nakita si Riosaki. Nakalaylay ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa leeg. Kung saan nakapulupot ang sinturon ni Timothy.

Nanlalaki ang mata niyang binalingan si Timothy. Nakatingin rin ito sa kanya na punong-puno ng pagmamakaawa.

"I-ikaw ang may gawa nito sa kanya?"

Hindi sumagot si Tim pero sapat na iyon para malaman niya ang kasagutan. Nilapitan niya si Rio at hinawakan ang palapulsuhan nito. Mahina na ang tibok roon. Halos hindi niya na ito maramdaman.

"Hindi ko sinasadya, agapí mou. Napuno lang ako sa kanya. Naghubad siya sa harapan ko at inakit-akit ako para patulan ko siya. Sinubukan ko siyang pigilan at paalisin pero ayaw niya talaga. I'm sorry kung nagawa ko sa kanya 'yan." ihinilamos ni Timothy ang palad sa mukha. "Nagdilim lang ang paningin ko. Don't leave me please. H'wag mo akong iiwan agapí mou."

(Tandaan: H'wag niyong aakitin si Tim kung hindi kayo si Abigale. Nakakamatay! Haha!)

Nahabag siya sa anyo ni Timothy. Panay ang iyak nito habang nagsusumamong h'wag niya itong iwan.

Napatingin siya kay Rio na hindi na humihinga at nakamulat ang mata.

Niyakap niya si Tim habang nakatingin pa rin dito.

"Don't cry. I'm not going to leave you. Hinding-hindi Timothy!"















"MATINDI na ang obsession sa'yo ni Timothy. Nakapatay na siya para panatilihin kang ligtas. Hindi na normal 'yun Abby." wika ni Louisa.

Narito sila sa garden at nag-a-afternoon tea. Nakwento ni Abigale ang pagsakal ni Timothy kay Rio na ikinasanhi ng pagkakamatay nito. Hindi alam ni Abigale kung ano ang ginawa nila Yiorgos sa bangkay nito. Hindi na siya nagtanong.

"H'wag niyo namang husgahan si Tim ng dahil doon." malungkot niyang wika.

Nagawa iyon ni Timothy ng dahil sa kanya. Napuno ito kay Rio. Ito ang dahilan ng pag-aaway nila at inakit pa siya nito. Hindi iyon nagustuhan ni Timothy kaya humantong sa ganuong bagay ang lahat.

"Nakakatakot lang kasi. Baka mamaya hindi namin sadyang masaktan ka. Tapos gantihan niya kami."

Inis na tinignan ni Abigale ang kaibigan.

Bakit ba hirap siyang intindihin ni Louisa?

"Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa kanya Louisa?" inis na tanong niya rito. Mapakla siyang napatawa.

Bakit pa nga ba niya pinapunta ang mga ito? Alam niya namang kahit na sinong tao ay hindi maiintindihan ang mga nangyayari. Masama ang ginawa ni Timothy, sa mata ng ibang tao at sa batas.

Pero ano pang magagawa niya? Nagawa na ito ni Timothy. Wala na siyang magagawa.

"At saan ba patungo ang usapan nating 'to? Nandito ako para mag-open sa inyo. Hindi para husgahan niyo si Timothy." inis pa rin wika niya.

"Calm down Abby. Hindi naman sa ganun. Iba ang ibig sabihin ko." wika ni Louisa at sinubukang hawakan ang kaibigan pero pumiksi ito.

"Eh ano pala?" giit niya.

Magsasalita pa sana si Louisa ng pigilan ito ni Sierra. Sunod na binalingan nito ay siya.

"Abigale Marie! Ano ka ba!" singhal ni Sierra. Nainis na ito sa pagtatalo nila. "H'wag kayong mag-away."

Natahimik silang pareho.

Oh god! They can't believe it. Bestfriends sila ni Louisa pero bakit nag-aaway sila ngayon?

"I'm sorry..." sabay nilang sabi.

Napabuntong-hininga si Abigale.

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Paano kung makulong si Timothy? Paano ang mga anak namin? Hindi niya na naman masisilayan ang paglabas ng dalawa." naiiyak na wika niya.

Nilapitan siya ng dalawa at inalo. Lalo lang siya nakaramdam ng mabigat na pakiramdam kaya napaiyak siya.

"What's the use of his money? Hindi makukulong si Tim. Magtiwala ka sa kanya." wika ni Sierra.

Napailing siya.

"Pero mali 'yun hindi ba?" tiningala niya si Sierra.

"Pero kapag iba na ang gumawa ng masama sa'yo ay okay lang? Saka ginagawa lang naman ni Tim ang lahat ng iyon para sa kaligtasan niyo. Tandaan mo. Mayroon pa kayong mas malaking kalaban. At mas mahihirapan kayo sa isang 'yon."

"Si Gabriel Vlahakís."

Isa pa iyon. Ang mas ikinakatakot niya ay si Gabriel Vlahakís. Ang sabi ni Tim ay mas mayaman at mas makapangyarihan ito. Paano na lang kapag tinotoo ng mga Vlahakís ang plano nitong patalsikin ang mga Vidales.

"Aalis si Tim hindi ba? Babalik sila sa Greece. Bakit ang sabi ni Darylle ay hindi daw kayo kasama ng mga bata?" tanong ni Louisa.

"Delikado daw sa Greece. Tatakbo daw siya bilang presidente ng royal houses. Hindi niya kami maaasikaso doon kasi kailangan nilang mag-focus sa company nila at sa pangangampanya na rin."

Dati ang dali lang ng lahat. Alam niyang mayaman si Timothy at ang pamilya nito pero hindi naman ganito. Na kailangan pa nitong tumakbo bilang presidente ng isang asosasyon.

"So, iiwan niya kayo rito? Hindi ba't mas delikado 'yun Abby?" tanong naman ni Sierra.

"Ipapa-deport ng ninong niya sa AFP si Gabriel Vlahakís. Kasama ng mga tauhan niyang nandito. Itatago muna kami ni Timothy sa Island nila."

Itatago. Napangiti siya ng mapakla. Pati ang kalayaan nila ay nawala na rin sa kanila. Hindi niya gustong lumaki ang anak niya na walang kalayaan.

Mabigat na nga sa loob na patigilin ito sa pagpasok sa paaralan at i-home school. Paano na lang ang social interaction ng mga ito, sa mga kapwa bata nila at mga kaklase.

"Edi matagal ka naming hindi makikita." tanong ni Louisa.

Ngumiti siya.

"Pwede niyo akong dalawin doon."

"Oh Abby... hayaan mo. Malalampasan niyo rin ang mga pagsubok na 'to." niyakap siya ni Sierra. Ganoon rin ang ginawa ni Louisa.

Mabuti na lang at may mga kaibigan siyang nakaalalay sa kanila.

"Manalig ka lang sa Diyos, Abby."


*****

Next chapter. Pwede kayong maiyak. Depende.

S U S H I L O V E S

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

760K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
19.1K 654 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
202K 11.1K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
150K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?