Locker 246

By lycopenelover

217K 8.9K 1.8K

Mico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from... More

Disclaimer
PROLOGUE
First Chapter - The "Stalker" and the "Gangster"
Second Chapter - Rude Boys
Third Chapter - Ang Kayamanan ng Gangster
Fourth Chapter - Halik
Fifth Chapter - New
Fifth Chapter - New (Part II)
Sixth Chapter - The Deal
Seventh Chapter - Kiss v. 2.0
Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster
Ninth Chapter - Pakielamerong TJ
Tenth Chapter - Luis
Eleventh Chapter - Mahal kita, mahal mo siya
Twelfth Chapter - Gusto Kita
Thirteenth Chapter - Changes
Fourteenth Chapter - Flashbacks
Fifteenth Chapter - Memories
Sixteenth Chapter - He's 20.
Seventeenth Chapter - Best Birthday Gift Ever
Eighteenth Chapter - The Unexpected Visit
Nineteenth Chapter - Secret Uncovered
Twentieth Chapter - Golden Stars
Twenty-first Chapter - First Night Together
Twenty-second Chapter - Deleted
Twenty-third Chapter - Galit Ako
Twenty-fourth Chapter - It starts...
Twenty-fifth Chapter - Actions say it all
Twenty-sixth Chapter - Apology Gift
Twenty-seventh Chapter - Stalker No More
Twenty-eighth Chapter - Gangster No More
Twenty-ninth Chapter - Congratulations!
Thirtieth Chapter - Gabriel
Thirty-first Chapter - Love(d)
Thirty-second Chapter - Saltikin
Thirty-third Chapter - The Gangster, The Saltikin and Me
Thirty-fourth Chapter - Saltikin <3 Bansot
Thirty-fifth Chapter - Harana
Thirty-sixth - The Night That Changed Everything
Thirty-sixth - The Broken Vow (36.2)
Thirty-seventh Chapter - Yakap
Thirty-eighth Chapter - I Can Feel It
Thirty-ninth Chapter - A Rabbit In A Lion's Den
Forty-first Chapter - The Rabit's Knights
Forty-second Chapter - Lion Unmasked

Fortieth Chapter - The Lion's Secret

2.6K 159 54
By lycopenelover

Itodo na ang update para makabawi sa ilang buwang wala! Hahaha. Happy new year ulit guys! 😊💙🎉🎇🎆

Tyrone's POV

(Night Before Mico's Disappearance)

"Itigil na natin 'to." aniko sa babaeng nakayakap sa hubad kong katawan habang pareho kaming nakahiga sa kama sa isang hotel.

"Ha?" confused itong tumingin sa'kin.

"I said let's end this. Ayoko na. Hindi ko na kaya." pag-uulit ko, ngayon ay isinusuot na ang mga damit ko.

"What?! You know you can't do that! Our company's the last hope of yours. Tuluyang babagsak ang company niyo once na makipaghiwalay ka sa'kin!"

"I don't care. 'Di bale nang mamulubi ako basta kasama ko si Mico. He's all I need."

"NO!! Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sakin! SA AKIN KA LANG!!"

"Hindi mo 'ko pagmamay-ari. Hindi 'naging' at hindi 'magiging'." naglakad na ako patungong pintuan.

"No, please don't leave me, Tyrone!! I'm begging you...I'll give you everything just please stay with me.." napatigil ako dahil sa pagyakap niya sa binti ko. Nakahubad pa rin ito.

"Buo na ang desisyon ko." 'yan lang ang tangi kong sinabi at buong lakas kong hinatak ang aking binti mula sa pagkakayakap niya dito, at tinuloy ang paglabas ng kwartong iyon.

Ito ang dapat matagal ko nang ginawa noon pa man. Nagpakaduwag ako noon. Napakalaking duwag, gago at tarantado. Pero ngayon ay handa na akong harapin lahat. Basta kasama ko si Mikmik. Wala na akong pakialam kung mawalan man ako ng pera. I could earn it again. Pero siya? Nag-iisa lang siya at siya lang ang kailangan ko. Ako mismo ang poprotekta sa kanya.

(Day of Mico's Disappearance.)

"Psst. Psst." pagtawag ko dun sa kaibigan ni Mikmik na ipinakilala niya sa'kin noon. Nakalimutan ko na pangalan.

"Uy, ikaw pala." napangiti ito nang lingunin ako.

Dahil kabisado ni Georgina ang schedule ko, nagkacutting na lang ako noon para puntahan si Mikmik sa College nila. Tinataon ko ang pagkacutting ko sa breaktime niya at sa kaibigan niyang 'to ko nakuha 'yung kopya ng schedule niya. During those times, palihim ko siyang sinusundan at pinagmamasdan mula sa malayo. Kahit nakukulangan ay pinipilit ko na lang na makuntento sa ganun. At least nakikita ko pa rin siya. Minsan nakikita ko siyang kasama 'yung kapatid ni Georgina. 'Yung Gabriel ba 'yun? Basta 'yun.

T'wing makikita kong nagtatawanan sila ay hindi ko mapigilang makaramdam ng selos. Ako sana 'yun. Ako sana 'yung kasa-kasama, nagpapangiti at nagpapatawa sa kanya. Pero I already let my chances slip from my hands. Wala na. Hindi na siya sa'kin. Pero gagawin ko ang lahat para mabawi siya. Para bumalik siya sa buhay ko.

At ngayon ngang tinapos ko na ang lahat, kung meron man, sa amin ni Georgina, hindi ko na kinakailangan pang magtago.

"Si Mico ba?" aniya na kahit hindi pa ako nagsasalita ay parang alam niya na kung bakit ko siya tinawag. Tumango na lamang ako.

"Umuwi siya saglit sa boarding house para kunin 'yung homework namin."

"Ganun ba? Sige salamat, p're." 'yun lang at tinalikuran ko na ito.

7PM Bago mag-uwian ay ganun ulit ang naging routine ko. Pinuntahan ko 'yung room niya sa last subject niya.

Nag-ring ang bell at nang bumukas ang pinto ay isa-isang niluwa ng pintuan ang mga estudyante. Nag-iritan pa 'yung mga babaeng nakakita sakin. Huminga ako nang malalim habang hinihintay ang paglabas ni Mikmik.

Ilang saglit pa'y lumabas na 'yung kaibigan ni Mikmik ngunit tulad kaninang tanghal ay mag-isa pa rin ito. Agad ko itong tinawag.

"Psst." para namang 'Psst' talaga ang pangalan nito dahil lumingon agad siya sakin.

"Ariel. 'Yan ang pangalan ko. Para hindi palaging 'Psst' ka nang 'Psst'. Haha." aniya habang naglalakad palapit sa'kin.

Tatanungin ko pa lang sana siya kung nasan si Mico nang mag-umpisa na siyang magsalita tungkol dito.

"Hindi na siya pumasok, eh. Hinahanap nga rin siya sa'kin nung boyfriend niya ngayon-ngayon lang, tumawag."

"Boyfriend?"

"Oo. Si Gabriel Chiu." expected ko na pero nakaramdam pa rin ako ng kirot nang malamang sila na talaga. Tng ina ko kasi, eh.

"I was expecting naman na magkasama sila kasi tumawag si Mico sakin para sabihin na dun muna nga siya makikituloy kina Gabriel. Pero hindi pala which is weird. Parang alalang-alala nga 'yung si Gabriel, eh. Eh hindi ko rin makontak si Mico kaya ayun." mahabang dagdag nito.

Agad akong kinutuban nang masama. At si Georgina agad ang pumasok sa isip ko.

Dinial ko agad ang number nito na agad niya rin namang sinagot.

"Hello, Tyrone? Sabi ko na nga ba hindi mo 'ko matit--"

"Nasa'n si Mico?" pamumutol ko sa sinasabi niya.

"What do you mean?"

"Wag ka nang magmaang-mangan, Georgina. Alam nating dalawa na alam mo kung nasa'n si Mico."

"Hanapan ba ako nang nawawalang baklita?"

"NASAN SIYA?!?!?!" napalakas 'yung pagsigaw ko dahilan para magtinginan sakin ang mga estudyante. "Pakiusap lang Georgina, 'wag na 'wag mo siyang sasakt-- h-hello?" Sh*t binaba niya na.

Agad akong pumunta sa pinagparadahan ko ng kotse ko at tinungo ang subdivision nila Georgina. I'm sure siya ang dahilan ng pagkawalang ito ni Mico.

'Just wait for me, Mikmik. I'll save you no matter what.'

Mico's POV

"'Wag na 'wag ninyong papasukin ang lalaking nagngangalang Tyrone Rivera. Sa oras na makapasok siya ng subdivision ay magpaalam ka na sa trabaho mo. Naiintindin mo?"

Unti-unti akong nagkamalay. Akala ko'y nananaginip lang ako ngunit may nagsasalita pala tayo. Malinaw ang mga sinabi nito sa aking pandinig ngunit wala ako sa wisyo para maintidihan ito. At ngayon nga ay nagumpisa ang boses na ito na mag-hum ng kung anong kanta. Nakakatakot. Nakakapangilabot.

Kahit nahihirapan ay iminulat ko ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin dahil wala ang aking salamin. Hindi ako makakita nang maayos.

May naaninag akong pigura ng isang babaeng nakaupo sa isang silya mga ilang metro ang layo sa kinauupuan ko. Nakatalikod siya sa akin at sa harap niya ay mayroon siyang ginagawa, pakiwari ko'y nagpipinta siya. Sa kanya rin nanggagaling 'yung boses na umaawit nang walang salita.

Nasaan ba ako? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kulay puti ang buong kwarto—sahig, kisame at mga dingding. Walang kagamit-gamit. Para akong nasa langit.

Nang subukan kong gumalaw ay naramdaman kong nakatali ang pareho kong kamay sa likuran ng upuang kinasasadlakan ko, maging ang mga paa ko ay nakabigkis din. At kaya pala sumasakit ang bibig ko ay dahil sa telang mahigpit na nakatali dito paikot sa likod ng ulo ko. Sobrang hapdi din ng likod ng ulo ko na parang may sugat.

Ngayo'y unti-unti kong naalala 'yung paghampas sa akin kanina ng isang paso ni..

"Georgina.." 'yan ang sinabi ko ngunit dahil sa telang nasa bibig ko ay puro ungol lang ang aking nagawa.

Naaninag kong huminto 'yung babae sa ginagawa niya at dahan-dahang humarap sa direksyon ko.

"Gising ka na pala....beh." walang katono-tono ang boses nito.

Sinubukan kong muling magsalita ngunit puro ungol lamang ang maririnig sa kwartong iyon.

Tumayo siya at ngayo'y naglalakad na palapit sa akin. Dumaloy sa aking buong katawan ang takot at kaba habang palapit siya nang palapit sa akin.

At ilang hakbang pa ay nasa tapat ko na siya. Nakatingala na ako't sinusubukan siyang kausapin pero sadyang kahit sino ay hindi maintindihan ang mga sinasabi ko dahil pawang ungol lang ang maririnig mula sa'kin.

Tinatanong ko siya kung nasaan kami. Kung bakit niya ito ginagawa. Kung ano'ng kasalanan ko sa kanya. Kung bakit siya nagkakaganito.

Hanggang sa..

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

Umalingawngaw sa buong kwarto ang malakas na tunog ng paghampas ng kanyang palad sa aking pisngi. Halos mabingi at mawalan ako ng ulirat sa sobrang lakas ng pagsampal niya.

"'Wag kang maingay...beh." still, monotonous pa rin ang kanyang pagsasalita. "Ayoko ng maingay." dagdag niya at hinawakan ang baba ko upang muling iharap sa kanya.

Bakit, Georgina? 'Yan ang paulit-ulit na tanong ko sa isipan ko habang inaalala kung paano kaming nagkakilalang dalawa—'yun 'yung araw na iniligtas niya ako sa mga nambubully sa'kin.

She was so kind and gentle to me kaya bakit niya ginagawa sa'kin 'to? Wala akong matandaang kasalanan ko sa kanya.

"Bakla.." aniya habang walang emosyong nakatingin sa aking mukha.

Binitiwan niya na ang baba ko at tumalikod.

"You're might be wondering where we are right now. Nandito pa rin tayo sa bahay namin. Nasa loob ka pa rin ng kwarto ko. Ang kaso nga lang, nasa loob ka ng "KWARTO" na nasa loob ng kwarto ko. My brother's not aware of the existence of this secret room kaya hinding-hindi ka na niya mahahanap. Well, I doubt kung hahanapin ka pa niya because I already sent him a message using your filthy phone. Grabe, ganun ka ba kahirap at cellphone lang na maganda ay hindi ka pa makabili? Kung sa bagay, bagay naman kayo ng phone mo. Bukod sa walang kwenta, nakakadiri pa. I can't believe I touched it." hindi ako makapaniwalang sa bibig niya lumabas lahat ng kanyang sinabi.

Si Gabriel. Ano'ng sinend niya kay Gabriel? Oh Diyos ko, tulungan mo po akong makatakas dito.

Muli akong nakalikha ng ingay nang magsalita nang magsalita.

"I SAID QUIET!!!!!!!!!!!" nakabibinging sigaw niya nang humarap sa akin at isang napakalakas na sampal muli ang tumama sa aking pisngi.

Ngayon ay sinasabunutan niya ako. Naramdaman ko ang pagkatanggal ng kapit ng ilang hibla ng buhok ko sa aking anit dahil sobrang higpit ng pagkakasabunot niya. Umagos na ang aking luha dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Akala ko ba matalino ka? 'Di ba sinabi kong ayoko ng maingay?!!! Hindi mo ba naiintindihan 'yun?!!!" tapat na tapat ang kanyang mukha sa akin—kung kanina'y wala itong kaemo-emosyon, ngayon ay galit na galit ito, nanlalaki ang kanyang mga mata sa sobrang galit.

Nagmamakaawa ako sa aking isipan na itigil niya na ito, na pakawalan niya na ako. Pero hindi ko maisaboses dahil baka sampalin niya akong muli. Ramdam ko na ang pag-init ng siguro'y namamaga ng mga pisngi ko.

"SUMAGOT KANG BAKLA KAAAAAAAAA!!!!!!" napakalakas na sigaw niya sa mukha ko. Dahil sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya ay nahihirapan akong tumango nang dahan-dahan habang patuloy sa pag-iyak.

Padabog niyang binitiwan ang aking buhok tsaka muling nagsalita.

"I really don't know what it is that he sees in you para mahalin ka niya." hindi ko maunawaan ang sinabi niya. Sino'ng tinutukoy niya? Si Gab ba? "Kahit saang anggulo ko tingnan ay walang espesyal sayo. Idagdag pa na hindi ka naman babae. Pero ako? Babae ako. Maganda at sexy. Kaya bakit hindi niya ako makuhang mahalin?????!!!! Umamin ka. Ginayuma mo siya, ano?" iniharap niya muli ang aking mukha sa kanya. May gusto ba siya kay Gabriel? Pero bakit? Magkapatid sila. Ugh. Hindi na ako makapag-isip nang maayos dahil ang daming masakit sa katawan ko.

"Hindi kita maintindihan." 'yan ang sinabi ko pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. Nahihirapan din akong huminga. Pakiramdam ko'y para ako nauupos na kandilang limang minuto na lamang ang buhay.

Bigla siyang napatayo nang diretso. She closed her eyes and her head rotated as if ineestretch ang leeg. At nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay hindi ko mawari kung bakit nagulat siya nang mapatingin sa'kin. Nanlalaki ang mga mata niya at napatakip ang dalawang kamay sa nakabukang bibig.

"Oh my god!" nagmamadali niyang kinalas 'yung pagkakatali ng tela sa likod ng ulo ko. "Okay ka lang? Shush. 'Wag kang maingay. Natutulog na siya, baka magising siya at saktan ka ulit." aniya na lubos na nagpalito sa akin. Sinong "siya" ang tinutukoy niya? Sino'ng natutulog?Bakit nag-iba bigla ang kinikilos niya?

Nang matanggal ang tela sa bibig ko ay pumunta naman siya sa likuran ko para kalagan 'yung pagkakatali ng mga kamay ko.

"G-Georrge.." nahihirapan kong pagtawag sa kanya..

"Shush...'wag mo siyang tawagin, Mico. Baka magis--" naputol ang sasabihin niya. Sinubukan ko siyang lingunin pero nahihirapan ako. Bahagya ko lang siyang nakikita mula sa malabo kong peripheral vision.

"At ano sa tingin mo'ng ginagawa mo, Gina?" mataray na sabi niya. Sino'ng Gina? Sino'ng kinakausap niya? "Bakit mo siya papakawalan? Nababaliw ka na ba? Siya ang mahal ni Tyrone. Siya ang nang-agaw sa mahal mo...sa mahal naten!!!!" Tyrone? Ano'ng kinalaman ni Tyrone dito? Ginagawa niya ba 'to dahil sa kanya? Pero nasa kanya na si Tyrone and he doesn't love me.

"Pero George, walang kasalanan si Mico. Tanggapin na lang natin na hindi tayo ang mahal ni Tyrone." ngayon ay malumanay naman ang pagsasalita niya. Kinilabutan ako nang marealize na sarili niya ang kinakausap niya.

George....Gina....

Nakakakilabot isipin na may dalawang katauhan si Georgina. Naalala ko 'yung painting sa kwarto niya ng isang babaeng may dalawang ulo. Pati na 'yung punong may dalawang anino. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun 'yung tema ng mga painting niya.

Siya 'yung puno at ang dalawang anino nito ang kanyang dalawang pagkatao. Ang hirap paniwalaan pero base sa mga naririnig kong mga sinasabi niya...sa tingin ko'y may D.I.D. si Georgina.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Gina?! Ha?!" muli si George ang nagsasalita. "Ilang taon nating sinundan at minahal si Tyrone, tapos ngayon pumapayag ka na mapunta siya sa iba?!! Sa isang baklang wala namang panaman sa atin?!!" pinakinggan ko lang siya habang nagsasalita. Sinusubukan kong ituloy yung pagkakakalas nung tali sa kamay ko habang abala siya...sila.

"Alam ko 'yun, George. Mahal na mahal ko si Tyrone. Pero hindi natin pwedeng hawakan siya. I love him at alam kong wala sa ating dalawa ang makakapagbigay sa kanya ng pagmamahal na kailangan niya. Let's set him free."

"That's bull sh*t!! Tumigil ka, Gina! Kahit kailan talaga ay napakahina mo!! Kaya hindi niya tayo magustu-gustuhan, eh. Kasalanan mo lahat!! Maganda ka lang pero boba ka! Pare-pareho kayong lahat!! Mga walang kwenta!!"

Nang tuluyan kong matanggal 'yung tali sa mga kamay ko ay pasimple akong gumalaw. Ngayon ay ang mga tali naman sa paa ko ang kinakalas ko.

"George tama na. Tanggapin mo na lang na wala na talagang chance. Pakawalan na natin si Mico. Hayaan natin sila maging masaya."

"Hayaan? Tanggapin? Sila masaya tapos tayo, ano? Tsaka kapag pinatakas natin 'tong baklang 'to, isusumbong niya tayo sa mga pulis. Makukulong tayo! 'Yun ba ang gusto mo ha?!?!"

"Hindi. Ayoko ring makulong. Pero kailangan nating pagbayaran lahat ng kasalanan natin. Remember dad's mistress? Pinatay natin siya kaya dapat lang tayong makulong. We did the same with Aling Tasing, our maid who found out about what we did." mas lalo akong kinilabutan sa mga narinig kong rebelasyon. Binalot ako ng takot sapagkat kung nagawa na pala niya dating pumatay ay makakaya niya muli itong gawin sa'kin.

"Ginawa lang natin ang dapat, Gina! Pinrotektahan lang natin ang pamilya natin sa pagkasira!"

"Tama na, George. Please lang. Let's end this now. 'Wag na natin dagdagan pa ang mga kasalanan natin."

"Hinde!!!!! Hindi ako papayag."

Nang makalas ko ang tali ko sa paa ay nagmamadali akong tumayo at kahit nahihirapang kumilos ay sinikap kong tumakbo papuntang pintuan.

Ngunit bago ko pa man marating ang pintuan ay agad akong bumagsak—tumilapon dahil sa paghambalos ng upuang kahoy sa aking katawan.

Ngayo'y nakadapa na ako sa sahig at alam kong unti-unti na akong nawawalan ng hininga. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na ng buo kong katawan.

"Tingnan mo na! Muntik tuloy siyang makatakas! Boba ka talaga!" 'yan ang huli kong naring at isang malakas na tadyak sa aking tagiliran ang nagpabilis ng paglamon sa akin ng kadiliman.

Gabriel's POV

Alas singko na ng umaga ngunit buhay na buhay pa rin ako. Nagkalat sa sahig ng kwarto ko ang mga bote ng alak. Pero ewan ko ba. Kahit sobrang dami ng alak na ininom ko'y hindi pa rin ako malasing-lasing. Napabulagta na lang ako sa kama habang paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko 'yung text niya sa'kin at paulit-ulit ring nasasaktan na para bang sinasaksak at dinudurog ang puso ko ng bawat salita sa text na 'yun. It's like I'm dying every second that passes.

Ipinatong ko ang aking braso sa mga mata kong nag-umpisa na namang labasan ng mga luha.

Kung kelan natutunan ko nang magseryoso tsaka naman ganito—gagaguhin lang pala ako.

Pa-"i love you"-"i love you" pa siya pero tng inang i love you 'yan. Ako naman tong tanga. Naniwala agad sa kasinungalingan niya. Akala ko pa naman iba siya sa mga baklang sugapa sa sex at sex lang ang habol sa mga lalaki pero mali ako. Wala siyang pinagkaiba sa kanila. He left me right after he got what he eanted from me. Pare-pareho lang sila. Nananahimik ako dito tapos dadating siya sa buhay ko para lang lokohin ako? Tang ina niya. Mamatay na sana siya. Oo. Mamatay na sana siya.

Pero bakit ganito? Habang minumura at hinihiling kong sana ay mamatay na siya ay parang mas lalong bumibigat ang loob ko? Mas lalong tumitindi 'yung sakit at nakakaramdam ako ng galit sa sarili ko? Ganito na ba kalalim 'yung pagkahulog ko sa kanya na kahit ginago niya lang ako ay hindi ko lubusang magawang magalit sa kanya? Ptang inang pag-ibig 'yan. Sana ay hindi ko na lang naramdaman kung ganito lang rin ang mapapala ko.

"I love you, Gabriel.." kahit nakapikit ay nakikita ko pa rin ang mukha niyang nakangiti sa'kin habang paulit-ulit na sinasabing mahal niya ako. Mga katagang kahit alam ko nang walang katotohanan ay gusto pa rin ng puso kong paniwalaan.

"Hindi..Sinungaling ka, Mico..Hindi mo ko mahal..Sinungaling ka!"

Ilang minuto pa ang lumipas.

Palungkot nang palungkot.

Tingin ko'y hindi ko na kakayanin pang ngumiting muli.

Habang nakapikit ay bigla kong naalala ang iniabot sakin na flash drive nung guard sa may main gate kanina. Laman nito 'yung nirequest kong cctv footage sa gate ng subdivision. Dinukot ko ito sa aking bulsa.

Tinitigan ko lang ito at pagkuwa'y ibinato kung saan. Wala na ring kwena 'yun. Wala na siya, eh. Iniwan niya na ako at ayaw niyang nang muli pang makita ang pagmumukha ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa cellar kung nasaan matatagpuan ang mga alak. Kumuha ako ng dalawa pang bote ng brandy bago muling bumalik sa dining area para doon na ito laklakin.

Binuksan ko ang isa at sinimulan itong tunggain. 'Di alintana ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan habang tuloy-tuloy ang ginawa kong paglunok.

"Mahabaging Diyos! Ano ba 'yang bata ka, ba't ka ba nagpapakalasing nang ganyan?" dinig kong bulalas ng maid namin at sinubukang agawin ang alak sa akin.

"Leave me alone." mahina kong sagot dito at tinulak palayo na halos ikatumba niya.

"Jusko. Malala ka na talagang bata ka. Bahala ka na nga sa buhay mo. Malaki ka na." anito na ikinalingon ko sa kanya. Akmang maglalakad na siya palayo nang pigilan ko siya dahil may napansin akong parang pamilyar na bagay sa nakalagay sa bulsa ng apron niya.

"Ano 'yang nasa bulsa mo?" napatingin siya sa bulsa niya bago inilabas ang laman nito.

"Ah, ito? Salamin. Ang taas nga ng grado, eh. Bulag na yata may-ari neto." nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang hawak-hawak niyang antipara. Napatayo ako at agad siyang nilapitan. Inagawa ko ito mula sa kanya.

"S-S-Saan mo nakuha 'to?" bigla akong nahirapang magsalita at naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang nakatitig sa salaming hawak ko.

"P-Po?"

"SAAN MO NAKITA TO?!?!" pag-uulit ko sa tanong ko ngunit pasigaw na.

"N-N-Nakita ko lang po kahapon nung nilinis ko 'yung nabasag na flower vase sa kwarto po ni Mam Georgina." pagsagot nito na mababakasan ng takot ang mukha dahil sa bigla kong pagtataas ng boses.

"Sa kwarto nino?" kahit narinig ko ang sinabi niya ay napatanong akong muli dahil sa pagtataka.

"Mam Georgina po."

Paano napunta 'tong salamin ni Mico sa kwarto niya? Ewan ko pero parang masama akong kutob. Parang hindi umalis si Mico. Parang may nangyari sa kanyang masama. There's only one way to know.

"Nasaan siya?"

"N-Nasa kwarto po niya, natutulog."

Agad kong inakyat ang hagdan ay ilang saglit lang ay nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ng kapatid ko habang kinakatok ito nang walang tigil.

"George, we need to talk. Open this door." ani ko pa habang kumakatok. Mas nilakasan ko pa upang magising siya kung sakaling natutulog na siya. It's rude, I know. But I have always been like this.

Ilang malalakas na katok pa ang nagawa ko bago bumukas ang pinto.

"What the hell, Gabriel?! Don't you know what time it is?!" inis na bungad niya sa'kin.

Inangat ko 'yung salamin ni Mico at itinapat sa mukha niya.

"What was this thing doing in your room yesterday?!" tiningnan niya lang na parang nagtataka 'yung hawak ko.

"You disturbed me just because of that?!"

"ANSWER THE DAMN QUESTION!!!!"

"Goodness. Why on earth are you shouting?! What's with those eyeglasses that made you like this?!"

"Nakita 'to ng maid natin kahapon dyan sa kwarto mo nung nilinis niya 'yung nabasag mong paso." tensyonado na ako nang mga sandaling 'yun.

"So what? Sino ba'ng may-ari niyan?!"

"Kay Mico ang salamin na 'to. How come this was in your room? You told me you didn't see him yesterday nung dumating ka!"

"W-Wh...That's Mico's?" kumalma 'yung boses niya pati na rin 'yung expression ng kanyang mukha. "Hindi ko rin alam kung pa'no napunta sa kwarto ko 'yan. I swear. Maybe he went to my room even before I arrived. I promise, hindi ko talaga siya nakita kahapon. If I did, why on earth would I hide that from you?" tiningnan ko lang siya at pinakinggan ang mga sinasabi niya. "Look, Gabriel. I know you like him, or maybe you already love him. Happiness is all I ever wanted for you. If he's your happiness, why wouldn't I give it to you? You know how much I love you, my dear brother." sa mga narinig ko ay unti-unting bumaba ang kamay ko. Unti-unting nawala ang panginginig ng mga tuhod ko. Humupa rin ang nararamdaman kong tension sa buo kong katawan.

"Sorry sa istorbo." ang tangi kong naisagot sa kanya. Tuluyan siyang lumabas ng pinto at niyakap ako.

"Don't worry, tutulungan kitang mahanap siya." aniya.

"No. Hindi na kailangan." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nagtatakang tumitig sa aking mga mata.

"What? But why?"

"Ayaw niya na sa'kin. Ayaw niya na akong makita pa. Finding him wouldn't change anything." aniko na maging ako ay nasaktan sa mga salitang aking binitawan.

"Oh my God. He told you that?" may pagkabigla nitong tanong sa'kin na tinanguan ko lang. Muli niya akong niyakap. "That's okay. I'm sure you'll find a better and a real woman. He doesn't deserve you. You'll get over him."

Sana nga makalimutan ko na siya bukas paggising ko pati lahat ng sakit at lungkot na 'to. Sana talaga.

*****

Waaaa. I read this chapter for like 5 times. Medyo naguguluhan kasi ako sa timeframe. Plus writing in 3 different POVs is a very big NO talaga sa pagsusulat pero ginawa ko pa rin. Haha. Just tell me guys kung magulo ba 'yung pagkakasulat ha. Don't hesitate.

Isa pang waaaaaa dahil baka hanggang 50 chapters lang itong story ko. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong suporta. I love you all!

Comment 👇 and hit ⭐! BIG THANKS!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...