The Star

Bởi AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Xem Thêm

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 22

11.7K 171 5
Bởi AngelMelay

STARRING 22

SANA AY MAGTAGAL

Six months na kaming magkasintahan ni Von. At sa 6 months na iyon, nagkakatampuhan din kami pero hindi naman tumatagal. Hindi kami natutulog nang hindi naayos ang aming problema. Sinisiguro naming bago kami maghiwalay sa gabi ay makakapag-kiss kami ng goodnight sa isa't-isa.

Finals is fast approaching. Ang dami naming requirements kaya naman maaga akong nagpunta ngayong sabado ng umaga dito kina Von para magpatulong sa kanya. Ewan ko nga ba. Si Von kahit kailan, kahit artista pa iyan, hindi ko yan nakitang nag-cram sa requirements niya. Laging areglado ang mga kailangan niya sa school.

Pinagluto pa ako ni Tita Zyrah ng favorite kong carbonara bago siya pumunta sa shooting. Si Tito Zeon ay nasa London dahil may international film daw doong ginagawa. Si Vanity naman ay nasa bahay ng barkada niya at nagawa daw ng group report.

Natapos na namin ni Von ang paggawa ng term paper ko sa isang subject. Ang bilis kasing magtype ni Von sa computer kaya naman wala pang 30 minutes ay tapos na agad ang 50 pages term paper ko. Dalawang requirements pa ang kailangan kong tapusin, then pwede na kaming magdate ni Von mamaya. Isasama daw niya ako sa tv guesting ng Colours mamayang gabi.

Nagbreak muna kami at nagmerienda. Minamasahe ko pa ang balikat ni Von dahil medyo nangalay daw sa pagcocomputer ng project ko kanina.

"Sir, andyan po si Sir Franz." Announce ng kasambahay nila.

"Papasukin mo." Sagot naman ni Von sa kanya. "Kumain na tayo, Sweetheart. Tama na iyang masahe mo." Awat pa niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya. Pinagsandok pa niya ako ng paborito kong pasta.

"Von, Steph." Bati ni Franz sa amin. Mukhang kagigising lang niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya pero handsome pa rin naman.

"Oh Pare! Anong masamang hangin ang nagdala sa iyon dito?" Pabirong bati ni Von. "Kain ka muna." Alok pa niya kay Franz na sumalampak agad ng upo sa tapat namin.

"Ikukuha ko lang si Franz ng plato." Sabi ko kay Von na tinanguan naman niya.

"Wow! Thank you, Steph! Ang bait mo talaga." Bola pa sa akin ni Franz ng abutan ko siya ng malinis na plato at tinidor.

"Welcome." Nakangiting sabi ko at umupo na ulit sa tabi ni Von.

Sumubo muna si Franz bago nagsalita. "Ang asikaso naman ni Steph." Puri pa niya.

Hinaplos naman ni Von ang braso ko. "Talaga! Swerte ko no? Buti na lang at pinalampas mo si Steph. Kung hindi wala mag-aasikaso sa akin." Nakangiting sabi pa ni Von.

Awe! Namula ako sa sinabi niya kay Franz. Nahihiya ako kapag ganitong napaguusapan ang topic tungkol sa pagkahumaling ko dati kay Franz. Hinampas ko na lang ng mahina ang hita ni Von.

"Baliw!" Nahihiyang sabi ko pa kay Von.

Ngumisi naman si Franz. "Kaya dapat pasalamatan mo ako at pinaubaya ko sa iyo si Steph." Sagot ni Franz na akala mo ay wala ako sa harap nila kung pag-usapan ako.

Pinangdilatan ko si Franz pero nakangiti naman ako. "Pinaubaya? Pss.. Hindi mo lang talaga ako pinapansin dati. Grabe din hirap ko sa iyo noon no?!" Sabi ko pa.

Biglang nawala ang ngiti ni Franz sa mga labi. "Ganoon ata talaga. Nasa huli ang pagsisisi." Seryosong sabi niya pero sa kinakain niya nakatingin.

"Hoy! Pagsisi mo mukha mo!" Galit-galitang sabi ni Von kay Franz. "Bakit ka nga ba naandito?" Pag-iiba pa ni Von ng topic.

Uminom muna si Franz ng juice bago nagsalita. Ako naman ay nakikinig lang at panay ang subo ng masarap na Carbonara ni Tita Zyrah.

"May kailangan kasi ako kay Steph." Sagot niya na kumuha ng attention ko. Ano na naman kayang kailangan nitong kunehong ito?

"Ano?" Tanong ni Von habang kain din ng kain.

"Steph, tulungan mo naman ako doon sa case presentation ko. Hindi ko kasi maintindihan kung paano." Pakiusap niya sa akin. Kung tatanungin kasi, madalas kasing lutang si Franz sa school. Puyat kapag may mga event na dinadaluhan. Kaya sa akin siya nagtatanong ngayong close na talaga kami. Pero hindi naman ako running for honors na klase ng estudyante. Normal lang, pero medyo angat din sa mga kaklase ko. 

Sumimangot ako. "Hindi pa nga ako tapos sa requirements ko." Sagot ko sa kanya.

"Ako naman ang gagawa. Ipaliwanag mo lang iyong sinabi ni Sir kung paano. Please?" Pakiusap pa niya.

"Tulungan mo na siya, Sweetheart." Sabi naman sa akin ni Von.

"Sige na nga. Mamaya pagkatapos kong kumain." Napipilitang sagot ko. Kung hindi lang dahil kay Von, pababayaan ko itong Franz na ito eh.

Wala na kasi akong feelings kay Franz. Sa six months na pagiging magnobyo namin ni Von ay nakuha na niya ang puso ko ng buo. Ordinaryong kaibigan na lang ang tingin ko kay Franz ngayon.

Nang matapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa paggawa ng project. Naipaliwanag ko na din kay Franz iyong hindi niya maintindihan kung paano gagawin. Kaya ang nangyari, dito na rin siya gumawa sa bahay nina Von.

Kami ni Von ay magkatulong, habang siya ay solong gumagawa. Halos patapos na ako sa mga kailangan ko dahil sa tulong ni Von. Pero si Franz, hindi pa tapos sa isa. Panay kasi ang kausap niya kay Fatima sa celphone.

"Nag-aaway ata sila." Bulong sa akin ni Von. Medyo naririnig kasi namin ang pakikiusap ni Franz na patawarin siya ni Fatima.

"Pabayaan mo." Sagot ko habang ikinakabit na sa folder iyong mga natapos na ni Von i-type.

Tahimik na si Franz pagkatapos nang ika-anim na atang tawagan nila ni Fatima. Mukhang malalim ang iniisip.

"Anong problema mo, Dude? Bakit ang tahimik mo?" Hindi napigilang puna ni Von sa kanya.

Napabuga si Franz ng hangin at sumandal na parang pagod na pagod sa upuan niya. "Gusto ni Fatima na manood ako ng Photoshoot niya sa Bulacan. 5 oras na byahe iyon papunta. Paano pa pabalik ko? Ang hirap magbyahe ng solo. Iyong driver namin ay nagrestday ang isa at iyong isa ay kasama nina Dad." Paliwanag niya. Magaling na nga pala ang Papa ni Franz. Pero hindi na ito nakakapag-drive ng malayo ng solo.

"May kaartehan pala iyang si Fatima ha?!" Hinampas ko si Von sa braso sa comment niya. Hindi na sya nagalangan magsalita ng ganoon sa harap ni Franz.

"Samahan mo kaya ako, Dude?" Suggestion niya kay Von.

"Hindi pwede. May tv guesting kami ng Colours mamayang gabi." 

"Steph, ikaw na lang. Please?" Pakiusap niya sa akin.

"No. Sorry! Kasama ako ni Von mamayang gabi." Tanggi ko. Nakaplano na kasi iyon kagabi pa. Saka gusto ko talagang sumama para makakita ako ng iba pang artista sa personal.

Tumayo si Franz at iniluhod ang isang tuhod sa harap namin ni Von. "Dude, sige na. Pahiram mo na sa akin si Steph. Ngayon lang, Dude. Please, Von." Pakiusap pa niya kay Von.

"Tumayo ka nga." Natatawang sabi ni Von kay Franz. "Tanungin mo siya. Ako, ok lang. Siya ang tanungin mo." Dagdag pa ni Von.

Inirapan ko si Von. "Anong tanungin ako? Ayoko, Franz! Sasama nga ako kay Von eh." Tanggi ko.

"Sige na, Steph." Pagpupumilit pa niya.

Napatingin ako kay Von at tumango siya. Seriously? Boyfriend ko ba talaga si Von? Bakit hahayaan niya akong sumama sa supladong ito, gayong manunuod ako sa kanya mamayang gabi? Saka hindi ba siya nagseselos kay Franz para ipagkatiwala ako? Bakit naman kapag ibang lalaki ang lumalapit sa akin, agad kumukulo ang dugo niya? Tapos kapag si Franz, ok lang?

"Sige na, Baby. Next time ka na lang sumama sa akin. Baka magbigti pa ito kapag nag-away sila ng tuluyan ni Fatima." Sabi pa sa akin ni Von. Eh kung siya kaya ang iwan ko? Gusto kong sumama tapos pasasamahin ako sa supladong ito? Pero syempre, hindi totoo iyon. Mamatay ata ako kapag nawala si Von sa buhay ko.

"ANO BA ITO??" Napasigaw na ako sa inis sa dalawang ito. Inihilamos ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Nakakafrustrate kasi talaga.

Bumuga ako ng hangin sa inis. "Oo na!" Sagot ko sa kanilang dalawa.

"YES!" Napatayo at pumalakpak pa ang salot na si Franz. Imbes na makikita ko na sa personal si Piolo Pascual at Charise eh. Kainis talaga!

"Hmmp.. Kainis!" Maktol ko pa. Pero hindi rin naman nagtagal ang pagkaasar ko ng halikan ako ng smack ni Von sa lips.

"Ang bait talaga ng girlfriend ko." Puri sa akin ni Von.

"Ano ba yan? Ang cheesy. Yuck!" Maarteng sabi ni Franz.

Tiningnan namin siya ng masama ni Von kaya nagseryoso na siya. "Thank you!" Sabi pa niya sa amin at bumalik na sa library nina Von para tapusin iyong requirements niya.

**

Grabe ang biyahe namin, ang haba! Ang sakit na tuloy ng pwe* ko kakaupo sa sasakyan niya. Kaya para mastretch ang legs ko ay naglibot-libot muna ako sa lobby ng hotel para mastretch ang mga legs ko. Nag-excuse ako kina Franz at Fatima pagkatapos naming magbatian at magbeso ni Fat. She's really nice!

Nagagandahan ako sa hotel na ito kahit hindi kasing laki ng hotel sa Manila. Sana kasama ko si Von dito ngayon para makita niya ang magandang lugar na ito. Hindi bale, yayain ko na lang siya dito next time.

Lumibot ako ng lumibot. Umupo ako sa lobby ng mapagod na ako. Grabe! 9:00 pm na. Ngayon na ang simula noong tv guesting nina Von. Sayang talaga at wala ako. Hindi bale, sa youtube ko na lang papanoorin mamaya ang guesting nila ngayon.

Nagsoundtrip na lang muna ako. Ayoko kasing pumunta doon sa lugar ng photoshoot. Ang dami kasing tao at fans na nanonood doon. Kaya mas minabuti ko dito sa labas. Mas tahimik. May fountain pa dito sa lobby na nakakarelax ang pinapanood ko.

May nakakita pa nga sa aking mga talent scouts from Manila kanina. Kinausap ako at inalok na naman na magmodel. Syempre tinaggihan ko. Ayaw kasi ng boyfriend ko, di ba? Pero ang sinabi kong dahilan ay dahil busy ako sa school kaya ayaw ko.

**

Dalawang oras na ang lumipas ay naandito pa rin ako. Tinawagan na ako ni Von kanina at kinamusta kami. Sabi ko nga sa kanya naiinip na ako dito. Kinamusta ko din ang guesting nila. Ok naman daw. Pauwi na nga daw sila ngayon.

Hanggang sa makauwi na sa bahay nila si Von ay wala pa rin sina Franz. Ang dinig ko sa mga models na galing din sa loob ay ang busisi daw kasi ng director. 

Nagulat ako ng lumabas si William mula sa pinto ng photoshoot. Nagtama agad ang paningin namin. Nakangiting nilapitan niya agad ako.

"Why are you here? Who's with you? Is Von here?" Sunod-sunod na tanong niya at panay ang tingin sa paligid. Hinahanap niya siguro si Von.

"Si Franz ang kasama ko. Nagpasama siya sa akin para puntahan ang kapatid mo dito." Nakangiting paliwanag ko ng umupo na siya sa tabi ko.

"I see. Have you eaten your dinner? You want to join me?" Tanong niya sa akin. Ngayon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako naghahapunan. Kasi naman abala ako sa pagbibilang ng oras dahil gusto ko nang umuwi. Wala pa akong goodnight kiss kay Von eh.

"Sige. Nakalimutan ko na ngang magdinner." Pagpayag ko. Tumayo na kami at pumunta sa restaurant sa loob ng hotel.

Nagkwentuhan kami ni William at ikinuwento niya sa akin na kaya pala siya naandito ay kasali din siya sa photoshoot. May pagkamaarte nga daw ang director nilang lalake. Kaya ang tagal matapos nang pagkuha sa bawat isang model.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng tumunog ang fone ko. Nagtext si Franz dahil sa wakas, uuwi na kami. Eksakto namang tapos na kami sa dinner na libre ni William, kaya bumalik na kami sa lobby.

Naabutan namin ni William doon si Franz at Fatima na naglalambingan habang nakaupo sa lobby. Parehas silang ngiting-ngiti. Bagay talaga silang dalawa. Pero napawi ang ngiti ni Franz ng makita kung sino ang kasama ko. 

"Saan ka galing?" Seryosong tanong niya sa akin ng makalapit na kami ni William sa kanila.

Ngumiti ako kay Fatima at sumimangot kay Franz. "Nagdinner. Aalis na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

Inalalayan niyang tumayo si Fat. "Oo. Halika na." Sabi niya at nauna na sila ni Fat sa parking lot habang nakasunod kami ni Will sa kanila.

"Thank you for accompanying Franz, Steph." Nakangiting pasasalamat ni Fat. Kung hindi lang dahil kay Fat ay iniwan ko na ang lalakeng ito eh.

"Welcome." Sagot ko.

"Saan ka sasabay, Steph? Sa kotse ka na lang namin. Tutal si Fat ay sa sasakyan na ni Franz." Sabi ni William. Napangiti pa ako sa accent niya sa tagalog words.

"No! Kasabay namin si Steph." Biglang sagot ni Franz sa seryosong mukha.

"I'll drive her home." Pagpupumilit pa ni William. Pwede rin  naman akong sumabay sa kanya. Hindi naman kami solo kasi kasama namin sa sasakyan ng mga Sy ang mga PA nila.

"Steph, sa akin ka sasabay. Magagalit si Von kapag hindi tayo sabay nakauwi." Seryosong utos ni Franz.

Nang marinig ko ang pangalan ni Von ay sumangayon na akong sumabay sa kanila ni Fat. Ayokong malaman ni Von na sumakay ako sa sasakyan ng ibang lalake. Tiyak na magwawala iyon kapag nalaman niyang hindi ako kasabay ni Franz pabalik.

"Bye, Steph." Akmang bebeso sana si William ng hatakin na ako ni Franz at sapilitang ipinasok sa backseat. Napaawang na lang ang labi ko inasal niya. Hindi pa nga ako nakakapagpaalam ng ayos kay William eh.

Nagkiss pa si Fatima sa pisngi ni William bago sumakay sa kotse ni Franz. Ang sweet nilang magkapatid. Halatang close na close sila tulad namin ni Dale.

Kumaway na lang ako kay Will nang nauna na kaming umalis nina Franz. Pagkatapos ay tumingin na lang ako sa bintana. Namimiss ko kasi si Von. Para kasing namiss ko siya bigla ng makita ko ang sweet na ngitian ng dalawa sa unahan ko. Lalo na ng magsmack si Franz sa lips ni Fat. Naalala ko na naman ang goodnight kiss namin ni Von gabi-gabi. Paano ba ito? Malamang tulog na si Von pagdating namin.

Halatang mahal na mahal din ng dalawa ang isa't-isa. Ang mga titigan nila at tawanan ay kaparehas na kaparehas kapag kami ni Von ang magkasama. Napangiti na lang ako ng sumalampak na ako ng higa dito sa backseat. Tutal solo ko naman kaya iidlip na lang ako. Hindi na tulad dati na bitter ako kapag nakikita ko sina Franz at Fatima. Ngayon ay masaya na ako para sa kanila.

This couple, just like Von & I, looked so inlove with each other. 'Sana nga ay magtagal ang kanya-kanya naming mga relasyon ni Franz.' Iyan ang pipi kong dasal sa ngayon.

___________________________________________________

A/N:

VOTE & COMMENT PLEASE? Salamat sa support. Sana po ay ibalita po ninyo sa ibang wattpad friends ninyo ang story nating ito. Thank you sa comment nina: @czarmin, @QuelaiDublas, @ArianeJoyceDeVera, at @mjvelasc0.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

3.3K 271 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...
326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...
1.9K 421 39
Cali Basman thought that he fully convinced himself not fall in love with women because of his past experiences with his Mother and his Ex-girlfriend...
1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...