MIMMF Book 2: Innocent No Mor...

By gabweeel

1M 24.8K 4.2K

She's now an extraordinary person. She's now a somebody. She's now a woman who achieved her dreams. She's now... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25.1
Chapter 25.2
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
New Story?
Special Chapter (TrisBom)
Special Chapter (DaraYang)
About Book 3

Chapter 38

4.8K 93 21
By gabweeel

Catherine Faith's POV

After 2 days...

Nandito ako ngayon sa office ni Mr. Naval.

The meeting just ended a while ago at pumunta lang ako dito para makausap siya privately.

"Oh. Chae! What brings you here?"

Umupo siya.

"So, you're releasing the magazine today. Hindi ba maapektuhan yung career ko kasi may issue? Atsaka I don't think na magiging mataas ang sales no'n."

"Anong issue?" tanong niya pabalik.

Jusko. Stupid ba 'to si Mr. Naval para hindi malaman yung tinutukoy ko? Psh.

"Yung kay Jiyong po." sabi ko.

Inilapag niya ang mga kamay niya sa table niya.

"Hindi naman. Sa kanya ang maapektuhan pero ikaw na ang magbubuhat sa pangalan niya. Ganito ang marketing niyan. Habang may issue kay Jiyong, may ire-release tayong magazine. Macu-curious sila kay Jiyong kung bakit niya pinasok ang entertainment industry at bibilhin pa rin ang magazine dahil madami ka ding fans. Mapupukaw ang attention ng mga tao sa bagong issue ulit. Why? Kasi kayong dalawa ang partner at 'yon ang bagong issue. Mababasura ang issue ng pag-aresto sa kanya." he explained.

I nodded.

"Mas mabuti na palang nagkaroon ng issue si Jiyong ngayon. Kikita na naman ang kumpanya. Haha!" he added.

I looked at him intently.

How dare he?

"Never naging maganda ang ganyang issue, Mr. Naval! I am pretty sure that without his company's support, wala 'tong kumpanyang kinatatayuan mo. Tapos sasabihin mo na mas better na na-aresto siya?" sabi ko habang dinuro-duro siya.

He was surprised.

"I should've known, ganyan ka pala maghandle ng artists mo. Ha-ha! Hindi nalang pala dapat kami pumayag sa pagmamakaawa mo samin." I said seriously.

Anong klaseng President siya kung ganyan siya sa mga hina-handle niyang artists? Diba, dapat siya ang unang nagpo-protect?

I am not defending Jiyong only. This is also for my sake. Paano kung nagkaroon ako ng scandal/issue, gano'n din ba ang gagawin niya sa akin?

Not being an OA pero ugh--- shit siya.

Bigla siyang lumapit sakin.

"Look. I am sorry, Chae. Nagkamali ako."

"Since the photoshoot is done, I want to cut all of my connections with you. Bahala na kayo diyan sa ni-release niyo, hindi na ako a-attend sa press conference. I just came here for a vacation not for work."

Parang napagbagsakan ng langit at lupa ang reaksyon ng mukha niya.

"P-pero w-why?" he asked.

Nilapag ko ang bag ko at tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Because I said so." pagtataray ko.

"No.. Please no..."

"No. Hindi. Ayoko na." sabi ko.

"You need to attend one press con. 'Yon lang. After that, wala na. Please..." pagmamakaawa pa rin niya.

Maya-maya ay may naisip ako.

"Kneel."

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Lumuhod ka." utos ko.

"B-bakit?"

"Kasi sinabi ko."

Lumuhod siya.

"Ngayon mong sabihin na kailangan mo kami, especially me." sabi ko at nag-pumewang.

Nakita kong napabuntong-hininga siya.

"I am sorry, Chae. The company needs the both of you. Lalo ka na. Please, don't leave yet." sabi niya habang nakayuko.

*KNOCK KNOCK*

"Come in!"

"Oh! Mr. Naval? Chaerin?"

"Uh. You're here, Princess."

Pinagmasdan niya ang posisyon namin ni Mr. Naval.

"Anong nangyayari dito?" tanong niya.

"Wala naman." sagot ko at ngumiti.

"Anyway, what brings you here?" tanong ko sa kanya.

"Susunduin na sana kita eh. Naka-ready na yung sasakyan sa labas." sagot niya.

Binalingan ko si Mr. Naval.

"Okay, Mr. Naval. Pumapayag na ako." nginitian ko siya.

"Tara na, Princess." sabi ko at kinuha ang bag ko sa upuan.

Sinamahan ko na si Princess.

Sa paglalakad namin sa hallway, naririnig ko pang pinagtsi-tsimisan nila ako.

Hinayaan ko nalang sila. Nako. Mga leche!

Bumaba na kami at dumiretso sa kotse.

Umupo ako sa passenger seat.

Nag-start na siyang mag-drive. Napatingin ako sa bintana.

Mababaw ako? Yes, I know. Gago ba siya? Sabihin ba naman na mas maganda na ma-aresto si Jiyong para lang tumaas ang sales ng magazine na ni-release? Pera-pera nalang ba talaga?

Naiinis talaga ako kay Mr. Naval.

Huwag nalang talaga magtatagpo ulit ang landas namin ng tandang yon. Kung ayaw niyang alisin ko pustiso niya. -___-

And yes, yung sinabi ko kanina na puputulin ko na yung connection ko sa kanila. Totoo yun.

Pumunta ako dito para mag-reunion kami nila Bommie at para lang mag-bakasyon. Hindi ako pumunta dito para magtrabaho.

Puro trabaho na ako sa Korea, hanggang dito ba naman sa Pilipinas? Psh.

Yeah, pupunta din ako sa last press conference. After nung last encounter namin ni Jiyong, naging malinaw na sa akin ang lahat.

Sa press conference, everyone will be there and I have to announce something important.

Sandara Elizabeth's POV

"Jiyong?"

"Jiyong?"

Aish. Ano ba naman yan oh! Asan na ba si Jiyong?

"Jiyong?"

Well. Asan ba naman ako? Nandito ako sa unit ni Jiyong. Bakit? Pinapunta ako ng ungas. Ewan ko ba kung bakit. Ewan ko rin ba kung bakit ako nakapasok dito.

Mabuti na rin na pumunta ako dito, tagal ko na kasi siyang hindi nakikita at gusto ko siyang kumustahin dahil sa kalagayan niya ngayon.

"D-dara..."

Napalingon ako.

Nakita ko siya na nakaupo sa may bar area ng kitchen niya. Binuksan ko ang ilaw.

"Jiyong!" napalapit ako sa kanya.

Naglalasing siya at mukhang stressed na rin siya.

"Bakit hindi ka nagpaparamdam sakin? Bakit ngayon lang?" tanong ko.

"A-ayoko... Ayokong may madamay." utal niyang sagot.

Eh abnormal pala 'to eh. Ayaw niyang may madamay pero pinapunta ako dito. Ano 'to, joke time?

Pero seryoso na. Bakit ganyan siya magsalita?

"Anong madadamay? Bakit kailangang may madadamay?" nagtataka kong tanong.

"N-natatakot ako..."

Ano bang pinagsasabi niya? Ang layo ng sagot niya sa tanong ko. Hahambalusin ko na 'to guys.

"Bugtong-bugtong ba 'to Jiyong? Kung oo, jusko itigil na natin 'to. Mahina ako do'n, pwede ba."

Hoy koyang, hindi ako pumunta dito para manghula. Hindi ako pumunta dito para pagtagpi-tagpiin lahat ng sinasabi mo sa mga nangyayari. Hindi ako si Madam Auring oy. Sabihin mo sakin.

Nagulat ako nung may biglang tumulong luha mula sa mga mata niya.

"Wa-wala akong kasalanan.."

Hala shet, na-konsensya naman ako dahil tina-trashtalk ko siya sa isip ko habang namomoblema siya.

"U-uy! Ano bang pinagsasabi mo?" nag-aalala kong tanong.

"A-ayoko siyang madamay." sambit niya.

Kinutuban na ako do'n sa sinabi niyang "siyang."

"Si Faith ba?" tanong ko.

"A-ayokong malaman niya. N-natatakot akong iwanan niya ulit ako." sabi niya habang umiiyak.

"Akala ko ba matapang ka? Paano mo siya ipaglalaban kung hindi ka magiging matapang?"

Kahit hindi ko pa alam yung buong kwento, tinry ko nalang na sabihin nalang sa kanya ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Malay mo, baka makatulong pa.

"P-pero 'pag nilabanan ko sila, iiwan niya na naman ako. A-ayoko naman na lumaban ako pero wala yung loob niya sa akin. Ayokong makulong.. Ayokong mawala siya.." napayuko siya at tinuloy ang pag-iyak.

"Unang-una, hindi ka makukulong dahil alam namin at alam mo sa sarili mo na hindi mo magagawang mang-rape. Pangalawa, lumaban ka hangga't kaya mo. Hayaan mo muna. Hindi mo pa naman mape-predict kung anong mangyayari eh. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" sabi ko.

"Hindi ka naman siguro ulit biglang iiwan nun. Naniniwala pa rin ako na matatagpuan niya sa puso niya ang pagmamahal niya sayo. Naniniwala pa rin ako na hindi niya pa rin sinasara ang heart niya para sayo."

"Kung iiwan ka niya ulit this time, maybe hindi na talaga kayo ang para sa isa't isa. Basta ang mahalaga, nakakatatak sa isip at puso niya na lumaban ka hanggang huli, kahit na kung hindi man kayo ang sa dulo."

"If you two are meant to be, she will always gravitate back towards you, regardless how far she tries to run away from you. That's how true love works."

Napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hindi 'to mangyayari kung hindi dahil sa kagaguhan nila!!!----

---TANGINA NILA! MAMATAY NA SILA!"

Nagulat na naman ako nung bigla niyang basagin yung baso na hawak niya.

"Ay!!" sigaw ko.

"Jiyong! Ano ba!"

Natatakot na ako sa actions niya. Juskoday.

"A-ayoko na... Tangina nila..." napasubsob yung mukha niya.

Kinalabit ko siya.

"Uy Jiyong!"

"Uy!"

"Uy!"

Hala monggi.

Nakatulog siya?!

"Tulugan ba naman ako netong gunggong na 'to?" sabi ko.

Aish!

"Ano bang gagawin ko dito?" tinignan ko ulit siya.

Naawa naman ako bigla. Parang napakasama kong tao kung iiwan ko lang siya.

Sige na nga. Dahil good samaritan ako. :>

Inangat ko na siya. Inakbay ko siya sakin.

Wow putek. No joke ha. Ang bigat niya. Sarap kaladkarin paakyat sa hagdan oha.

Inaalalayan ko na siya paakyat.

Akyat.
Akyat.
Akyat.
Akyat.

"Wow shet talaga. 'Pag ako nagka-muscles dito."

Wala naman siyang laman pero bakit ang bigat?!?! Saan siya nakakakuha ng bigat?

Sa kakapalan ba ng mukha?

Char lang. Char char lang. Joke lang guys. Baka isumbong niyo ko, paslangin pa ako neto.

Akyat.
Akyat.

"Wooh yes." mahina kong sabi nung makaakyat na kami ng tuluyan.

Pinasok ko na siya sa kwarto niya. Binuksan ko ang mga ilaw. Pagkabukas ko ng ilaw, inahagis ko na siya sa kama at tinakpan ko ng unan yung mukha.

Syempre joke lang ulit. Mamatay pa 'to diba? Atsaka baka magdiwang pa ako diba? Joke ulit hehe.

Komedyante si Dara hihi.

'Yoko na, corny na.

Ayun nga, hiniga ko na siya sa kwarto niya.

After nun, napatingin ako sa paligid.

Malinis ang kwarto niya. Maganda. Mabango din, manly ang scent dito. May mga paintings din na naka-display.

Napatingin pa ako sa paligid-ligid.

May iilan na childhood photos siya dito. Pfft---- mukhang tukmol! Hahahaha! 'Yoko na shet.

Pero bago ako manghusga, napukaw ang atensyon ko sa isang side ng kwarto.

Sa may side table.

Lumapit ako doon dahil na-curious ako sa nakapatong.

Para lang siyang manipis na libro na color black.

Hinawakan ko 'yon at pinagmasdan.

The X Files 20**

Ano kaya laman neto? Parang private siya.

Ayoko na ngang buksan. Para kasi talaga siyang sobrang private.

May nakasulat pa sa baba ng The Gang.

Gang?

Hala shet.

Curiosity kills the cat.

Patawarin sana ako ni Jiyong dahil bubuksan ko na 'to.

*inhale exhale*

Bubuksan ko na talag-----

*Phone rings*

Shemay.

Binitawan ko muna yung libro. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Faith calling...

"Oh? Si Faith tumatawag sakin?" nagtataka kong sabi.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

[Dara!]

"Bakit ka napatawag, Faith?"

[Busy ka ba? Punta ka sana dito sa unit ko.]

"Uh. Hindi naman. Bakit? May problema ba?"

[Wala naman. May pinabibigay kasi sakin sila Mr. Naval na invitation para sa presscon. Baka gusto mong daanan dito.

"Ah. Sige sige, daan ako diyan. Pupunta ako."

[Sige. See you. Bye.]

"Bye bye!"

Call Ended

Napatingin ulit ako sa cellphone ko.

1 New Message

From: Mama

Anak, punta ka dito sa restaurant ASAP. May meeting tayo with the investors.

"Hala ngayon nga pala 'yon!" sambit ko at nagmadaling ayusin ang sarili ko.

Palabas na sana ako ng kwarto nang mapatingin ako ulit ako sa side table.

Tae. Paano ko pa yun makikita 'tong libro na 'to kung hindi ko titignan ngayon?

"I have to this. Kakainin ako ng buhay ng curiosity ko."

Wala akong ibang ginawa kundi kunin yung The X-Files 20**.

Bahala na.

Bahala na talaga.

____________________

A/N: Lame UD hehe. Pakicheck nalang po kung may errors. Hindi ko po kasi ni-proofread. Thanks!! ♥️

Don't forget to vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

420K 5.6K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
2M 134K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.2M 283K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...