Chapter 11

32.9K 730 115
                                    

《 Salamat pala sa gumawa ng book cover na nasa multimedia. ♡ 》

Catherine Faith's POV

"Ate!"

"Ate!"

"Ateeee~"

*blinks*

"Ugh." I said in groggy voice.

"Ate, wakey wakey!!"

Naramdaman kong umupo si Harin sa bed.

"Maaga pa~ Ugh." sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Ate, anong maaga pa? 11AM na! Nasa baba si Kuya Taeyang at si Papa!"

"Ano naman? Sabihin mo mag----" natigilan ako.

Teka. Ano yung sabi ni Harin? At bakit nga pala siya nandito?

"Ano?! Nandito si Papa?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

Agad akong napatayo.

"Oo. Kaya nga ako napunta dito eh." sabi niya.

"Bakit daw siya nandito?" tanong ko habang nagmamadaling pumasok sa banyo para maghilamos.

Bakit siya nandito?

Nandito ba siya para balikan kami dahil may pera na ako?

Iniwan na ba siya ng pamilya niya?

Psh. >_____<

"Gusto ka daw kamustahin ni Papa." sagot niya.

I moved faster kasi baka kung ano na ang pinag-uusapan nila.

"Harin, tara na." aya ko at nagmadali kaming bumaba.

Buti nalang hindi kami nahulog sa hagdan sa kakamadali. Phew.

Nadatnan kong nag-uusap si Taeyang at Papa habang umiinom sila ng kape.

"Oh Faith, gising ka na pala." nakangiting sabi sakin ni Papa nang makita niya ako.

Lumapit ako sa kanya.

"It's Chaerin, not Faith."

Naiinis parin ako kay Papa hanggang ngayon.

"Ang pagkakaalam ko Faith ang pinangalan ko sa anak ko. Hindi Chaerin." sabi niya.

Tss. -_____-

"Join us." aya ni Papa.

"Harin, do'n ka muna sa taas." utos ko at sinunod naman niya.

Napatingin ako kay Taeyang, nakangiti lang siya. Umupo naman ako sa tabi ni Taeyang.

"Good morning." he mouthed.

Napangiti nalang ako as a response.

"Kamusta ka na?" tanong ni Papa.

"Ayos naman po." sagot ko.

"Kamusta sa Korea? Balita ko, inalagaan ka daw netong kaibigan mo." sambit ni Papa at tumingin kay Taeyang.

Napangiti ulit si Taeyang.

Ano bang nangyayari guys? Ngiti ng ngiti si Taeyang. Ugh.

"Masaya naman po sa Korea. Oo, inalagaan po ako ni Taeyang." sagot ko.

Siya ang nag-alaga sakin instead of you, Pa. *insert fake smile*

"Buti naman. Hijo, matagal na ba kayo magkakilala ng anak ko?" tanong ni Papa.

Anak? Wala siyang karapatang sabihin 'yan.

"Medyo po." sagot ni Taeyang.

Naiinis na ako. Bakit ba ayaw sabihin ni Papa ang point niya?

MIMMF Book 2: Innocent No More Where stories live. Discover now