Chapter 41

3.5K 85 33
  • इन्हें समर्पित: typicaljeon
                                    

Joax Taeyang's POV

"Tara, puntahan natin si Jiyong sa dressing room niya. Doon lang siya pupunta." mahinang sabi ko kela Tristan.

"Tara, sige." sagot nila.

Wala pa man kami sa doon, putangina tanaw na namin yung dagsang reporters na nakaabang kay Jiyong sa labas ng dressing room.

"Pakshet! Ang dami nila doon." sabi ni Kenneth.

Dali-dali akong pumunta doon. Pinagsasagi ko yung mga kupal na reporters hanggang sa makaabot ako sa pinto at hinarap sila.

"Kayo po si Taeyang Mendez diba?"

"Kasali po kayo sa The Gang diba?"

"Maaari po ba namin kayong mainterview----"

"Yes, ako si Joax Taeyang Mendez. Kung ayaw niyong makulong, please lang lumayas kayo dito. Kakasuhan ko kayo ng invasion of privacy at harassment kapag nagpumilit pa kayong manggulo sakin o kahit sino man dito." sabi ko sa kanila.

"Isa pang pagpupumilit niyo, uupakan ko kayo. Loko." sambit ni Alexander.

Bigla nang umalis ang mga reporters at pumasok na kami sa dressing room ni Jiyong.

Ang dilim.

"Jiyong?"

"Pare?"

"Asan ka?"

Shit. Wala kaming maaninag na Jiyong dito.

"Jiyong, asan ka!"

"Puta! Kung binubuksan niyo kaya yung ilaw?"

Oo nga noh.

Hinahanap ko ang switch at binuksan 'yon.

Pagkabukas ko ng ilaw....

"Jiyong!!!"

Nakita namin siya na nakayuko sa may dressing table. May mga alak din sa tabi niya.

Uminom kagad ang gago.

Lumapit kami sa kanya at tinapik-tapik namin siya.

"Jiyong..."

"Jiyong, tara na. Ihahatid ka na namin. Magpahinga ka na muna sa inyo." sabi ko.

As his friend, syempre naaawa ako sa kanya. Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Kahit ako, hindi ko na din alam ang gagawin ko. Ngayon pa't dawit na kami sa gulo. Hindi na malabong makulong kaming apat.

No worries sa akin ang pagkakulong dahil alam kong inosente ako at mapi-piyansahan kami. Pero si Jiyong--- hindi. Siya nalang ang nag-aangat sa apelyido nila tas ganito pa. Iiwan pa siya ni Faith.

Nakasama ko si Faith ng 5 years. Pero after nung nangyari kanina, parang hindi ko na siya kilala.

Punong-puno na ng galit yung katawan niya.

But I will do anything I can para malinis ang pangalan naming apat. Especially kay Jiyong. I'll promise to put an end to this shit.

Napabangon na si Jiyong.

"Hala ang gago umiiyak." Kenneth muttered.

Holy fuck. Umiiyak nga.

If a man cries, he's goddamn serious.

"P-pare, aalis na si Faith. I-iiwan niya na ulit ako." sambit niya habang umiiyak.

"Hayaan na natin siya, Jiyong." pampakalma ni Tristan.

MIMMF Book 2: Innocent No More जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें